Pinoy na Pinoy

Setyembre 1, 2009

Buhay Kolehiyo Part 2: 8 Paboritong Kurso sa Kolehiyo

Filed under: Buhay Estudyante — Constantine Guitang @ 11:00 umaga
Napansin n’yo ba na sa isang tingin mo pa lang sa isang grupo ng mga estudyante sa kolehiyo, alam mo na kung anong kurso ang kinukuha nila? Ito’y dahil meron mga katangian ng mga estudyanteng ito na wala sa ibang mga kurso.
Narito ang paboritong kuning kurso ng mga Pinoy.
8. Bachelor of Arts Major in Political Science. Sila ang susunod na henerasyon ng mga politiko. Kadalasan, dito nagsisimula ang mga gustong maging abogado. Kung hindi sila tutuloy na maging abogado, tumatakbo sila bilang SK Chairman o konsehal sa bayan nila.
7. Bachelor of Arts Major in Mass Communication. Kadalasan, sila ang maiingay na estudyante. Kinakailangan nilang ugaliing maging maingay kasi ang magiging trabaho nila ay maging reporter o DJ ng radyo, at kung papalarin, maging host sa telebisyon gaya ng ABS-CBN at GMA Networks.
6. Bachelor of Science in Accountancy at Commerce. Sila ang mga estudyanteng mahilig sa numero. Kung pera ang hilig mong kwentahin, ito ang nababagay sa’yo. Kung hindi ka pumasa sa Accountancy, meron ang Commerce Department na handang sasalo sa ‘yo. Maraming silang major na pwede mong pagpilihan. Merong Entrepreneurship sa mahilig sa negosyo, Management Accounting kung gusto mong maging consultant sa pabrika at Banking and Finance kung gusto mo sa bangko. Kadalasan, dito matutuklasan ng mga estudyante ang hilig nila sa negosyo.
5. Bachelor of Elementary/Secondary Education. Sila ang susunod na henerasyon ng mga guro. Sa uniporme pa lang nila, makikilala mo na silang guro. Magnanais kang sana, ganitong edad na lang ang guro mo sa Pilipino noon.
Kung ang pangarap mong gawin pagkatapos mong mag-aral ay ipamahagi sa mga kabataan ang napag-aralan mo sa loob ng labing apat na taong pag-aaral, ang kursong ito ang kukunin mo. Kung gusto mong magturo sa elementarya, ngayon pa lang, turuan mo na ang sarili mong masanay sa ingay ng mga bata, at maging kalmado. Kung hindi, uubusin mo ang iyong oras sa pagpapatigil sa ingay ng mga bata.
4. Bachelor of Science in Computer Science/Information Technology. Sasabihin ko sana, ito ang nababagay na kurso para sa mga iilang nerd at geek na estudyante. Pero dahil isa ito sa mga sikat na kurso, marami pa rin ang kumukuha dito. Pero iilan lang talaga sa kanila ang magiging rockstar na programmer. Mahirap nga naman talagang bumuo ng isang software kaya’t naibabaling na lang ng ibang estudyante ang atensyon sa paglalaro ng Ragnarok, Counter Strike at Dota habang tinatapos ang kursong ito. Pero huwag mag-alala kung ito talaga ang gusto mong kuning kurso, dahil marami ring ibang trabaho maliban sa programming kung natapos mo ang kursong ito.
3. Engineering and Architecture. Maraming majors din ito. Merong Civil Engineering, sila yung gumagawa ng gusali, daan at tulay. Chemical Engineering naman kung sa Procter and Gamble o sa Unilever ang pangarap mong trabaho balang araw. Electronics and Communications Engineering naman kung gusto mo sa Texas Instruments, sa PLDT, sa Smart, sa Globe Telecoms o sa Sun Cellular.
Ang mga estudyante dito kung manamit ay kadalasan rugged look, ang mga first year ay parang ninja sa bitbit na T-square. Walang oras mag-ayos sa sarili dahil sa mga projects at templates na tinatapos. Ang iba’y laging iniisip kung bakit hindi nila natapos i-solve sa loob ng isang oras ang isang tanong na seatwork nila. Matitindi ang mga ito sa Math. Ang almusal nila Algebra at Geometry, tanghalian Logic, Probability at Statistics, at hapunan nila ay Differential at Integral Calculus.
2. Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management. Ang mga ibang kolehiyo ay isinasama na rin ang Tourism sa kursong ito. Ang bagsak kasi ng mga magtatapos dito ay sa mga hotel at restoran. Kung ikaw ay mahilig magluto, bagay sa ‘yo sa restoran. At kung hilig mo lang ngumiti, pwede ka pa rin dito, bagay ka naman sa hotel. Ang mga estudyante sa kursong ito ang kadalasan may pinakamakulay na uniporme.
1. Bachelor of Science in Nursing. Karamihan sa mga kumukuha ng kursong ito ay ang mga may balak maging OFW. Maaaring naging pangarap nila mula pagkabata na gustong makatulong sa mga may sakit, o pangarap ng mga magulang para sa kanila dahil nakita nila ang kapit-bahay nilang nakapagpatayo ng malaking bahay dahil ang anak nila’y isang nurse sa Amerika o sa London.
Ang mga Nursing na estudyante ang kadalasang nakikita nating nakadamit ng puti na lumalabas sa gabi para mag-duty sa hospital. Sila yung mga malinis manamit, laging nakapusod ang buhok, at may stockings na puti. Sila din yung mga umiikot sa mga liblib na barangay para mag-interview sa mga magulang kung paano nila ginagampanan ang mga tungkulin sa bahay magmula sa pagpapakain sa mga bata hanggang sa pangangalaga ng mga anak na may sakit. Matinding puyat, disiplina, mahal ang tuition fee at miscellaneous fee, at mahirap ding pumasa sa board exam kapag Nursing ang kinuha mo, kaya’t mag-isip-isip ka muna kung kaya mo talaga ang kursong ito. Kaya’t hindi na tayo magtataka kung bakit halos lahat ng mga nurses natin ay gustong pumunta sa ibang bansa para doon bawiin ang pera at pagod na pinuhunan nila sa kolehiyo.
Sana’y maging gabay ito sa mga nagbabalak kumuha ng mga ganitong kursong nabanggit. Kayo, anong napansin nyo sa mga kursong ito noong nasa kolehiyo pa kayo?
Mga asignatura sa kolehiyo.

Mga asignatura sa kolehiyo.

Napansin n’yo ba na sa isang tingin mo pa lang sa isang grupo ng mga estudyante sa kolehiyo, alam mo na kung anong kurso ang kinukuha nila? Ito’y dahil merong mga katangian ng mga estudyanteng ito na wala sa ibang mga kurso.

Narito ang paboritong kuning kurso ng mga Pinoy.

8. Bachelor of Arts Major in Political Science. Sila ang susunod na henerasyon ng mga politiko. Kadalasan, dito nagsisimula ang mga gustong maging abogado. Kung hindi sila pinalad na maging abogado, tumatakbo sila bilang SK Chairman o konsehal sa bayan nila.

7. Bachelor of Arts Major in Mass Communication. Kadalasan, sila ang maiingay na estudyante. Kinakailangan nilang ugaliing maging maingay kasi ang magiging trabaho nila ay maging reporter o DJ ng radyo, at kung papalarin, maging host sa telebisyon gaya ng ABS-CBN at GMA-7. Sila rin ang mga estudyanteng mahilig magsuot ng kung anong uso.

6. Bachelor of Science in Accountancy at Commerce. Sila ang mga estudyanteng mahilig sa numero. Kung pera ang hilig mong kuwentahin, ito ang nababagay sa’yo. Kung hindi ka pumasa sa Accountancy, meron ang Commerce Department na handang sasalo sa’yo. Marami silang major na puwede mong pagpipilihan. Merong Entrepreneurship para sa mahilig sa negosyo, Management Accounting kung gusto mong maging consultant sa pabrika at Banking and Finance kung gusto mo sa bangko. Kadalasan, dito matutuklasan ng mga estudyante ang hilig nila sa negosyo.

5. Bachelor of Elementary/Secondary Education. Sila ang susunod na henerasyon ng mga guro. Sa uniporme pa lang nila, makikilala mo na silang guro. Magnanais kang sana, ganitong edad na lang ang guro mo sa Pilipino noon.

Kung ang pangarap mong gawin pagkatapos mong mag-aral ay ipamahagi sa mga kabataan ang napag-aralan mo sa loob ng labing apat na taong pag-aaral, ang kursong ito ang kukunin mo. Kung gusto mong magturo sa elementarya, ngayon pa lang, turuan mo na ang sarili mong masanay sa ingay ng mga bata, at maging kalmado. Kung hindi, uubusin mo ang iyong oras sa pagpapatigil sa ingay nila.

4. Bachelor of Science in Computer Science/Information Technology. Sasabihin ko sana, ito ang nababagay na kurso para sa mga iilang nerd at geek na estudyante. Pero dahil isa ito sa mga sikat na kurso, marami pa rin ang kumukuha dito, mapa-nerd o hindi. Pero iilan lang talaga sa kanila ang magiging rockstar na programmer. Mahirap nga naman talagang bumuo ng isang software kaya’t naibabaling na lang ng ibang estudyante ang atensyon sa paglalaro ng Ragnarok, Counter Strike at Dota habang tinatapos ang kursong ito. Pero huwag mag-alala kung ito talaga ang gusto mong kuning kurso, dahil marami ring ibang trabaho maliban sa programming kung natapos mo ang kursong ito.

3. Engineering and Architecture. Maraming majors din ito. Merong Civil Engineering, sila yung gumagawa ng gusali, daan at tulay. Chemical Engineering naman kung sa Procter and Gamble o sa Unilever ang pangarap mong trabaho balang araw. Electronics and Communications Engineering naman kung gusto mo sa Texas Instruments, sa PLDT, sa Smart Communications, sa Globe Telecom o sa Sun Cellular.

Ang mga estudyante dito kung manamit ay kadalasan rugged look, ang mga first year ay parang ninja sa bitbit na T-square. Walang oras mag-ayos sa sarili dahil sa mga projects at templates na tinatapos. Ang iba’y laging iniisip kung bakit hindi nila natapos sagutan sa loob ng isang oras ang isang tanong na seatwork nila. Matitindi ang mga ito sa Math. Ang almusal nila Algebra at Geometry, tanghalian Logic, Probability at Statistics, at hapunan nila ay Differential at Integral Calculus.

2. Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management. Ang mga ibang paaralan ay isinasama na rin ang Tourism sa kursong ito. Ang bagsak kasi ng mga magtatapos dito ay sa mga hotel at restoran. Kung ikaw ay mahilig magluto, bagay sa’yo sa restoran. At kung hilig mo lang ngumiti, pwede ka pa rin dito, bagay ka naman sa hotel. Ang mga estudyante sa kursong ito ang kadalasan may pinakamakulay na uniporme.

1. Bachelor of Science in Nursing. Karamihan sa mga kumukuha ng kursong ito ay ang mga may balak maging OFW. Maaaring naging pangarap nila mula pagkabata na “gustong makatulong sa mga may sakit”, o pangarap ng mga magulang para sa kanila dahil nakita nila ang kapit-bahay nilang nakapagpatayo ng malaking bahay dahil ang anak nila’y isang nurse sa Amerika o sa London.

Ang mga Nursing na estudyante ang kadalasang nakikita nating nakadamit ng puti na lumalabas sa gabi para mag-duty sa hospital. Sila yung mga malinis manamit, laging nakapusod ang buhok, at may stockings na puti. Sila din yung mga umiikot sa mga liblib na barangay para mag-interview sa mga magulang kung paano nila ginagampanan ang mga tungkulin sa bahay magmula sa pagpapakain sa mga bata hanggang sa pangangalaga ng mga anak na may sakit. Matinding puyat, disiplina, mahal ang tuition fee, affiliation fee at miscellaneous fee, at mahirap ding pumasa sa board exam kapag Nursing ang kinuha mo, kaya’t mag-isip-isip ka muna kung kaya mo talaga ang kursong ito. Kaya’t hindi na tayo magtataka kung bakit halos lahat ng mga nurses natin ay gustong pumunta sa ibang bansa para doon bawiin ang pera at pagod na pinuhunan nila sa kolehiyo.

Sana’y maging gabay ito sa mga nagbabalak kumuha ng mga ganitong kursong nabanggit. Kayo, anong napansin nyo sa mga kursong ito noong nasa kolehiyo pa kayo?

About these ads

Mga Puna »

  1. Nakaka-inlove naman ang mga post mo :)

    Comment ni WildCat — Setyembre 4, 2009 @ 3:51 hapon | Tugon

  2. Salamat WildCat. Sana magugustuhan mo rin ang mga susunod ko pang posts :)

    Comment ni Cons - Pinoy na Pinoy — Setyembre 5, 2009 @ 12:04 umaga | Tugon

    • Sure! Hindi kasi ako nakatapos ng college. O sa mas honest sabi. Hindi ako nakatuntong. haha. Kaya nagkaka-interes ako sa ibat-ibang klase ng kurso.

      Comment ni WildCat — Setyembre 7, 2009 @ 9:35 umaga | Tugon

  3. tama, sa masscomm, marami ngang mahilig sumunod sa fad. ganun samin. maraming madldal. maraming bading. :)

    Comment ni MG — Setyembre 12, 2009 @ 4:32 umaga | Tugon

    • Naalala ko tuloy yung nagpatutor sa akin ng computer programming na Koreana noong nasa kolehiyo pa ako. Nag-shift s’ya from MassComm to Engineering, kasi di nakayanan ng powers n’ya ang kadaldalan ng mga kaklase n’ya sa MassComm. Di pa kasi magaling mag-English noon :D

      Comment ni Cons - Pinoy na Pinoy — Setyembre 12, 2009 @ 6:10 umaga | Tugon

  4. [...] sa kolehiyo. At ang kukuning kurso ay kung anong gusto ng OFW na kukunin nila. Siyempre pa, yung kursong pwedeng makapag-abroad gaya ng Nursing. Para pag nakatapos sa pag-aaral, susunod sila sa bansang pinuntahan ng OFW na [...]

    Pasa ni Saan Nailalaan ang Perang Pinapadala ng Isang OFW? « Pinoy na Pinoy — Setyembre 15, 2009 @ 9:12 umaga | Tugon

  5. sa kolehiyo,, dapat computer science/information tech na tayo,,,

    kung hindi man tayo matuto sa programming, pwede naman tayo sa maging isang computer technician o kaya computer instructor/teacher.

    tsk tsk tsk

    Comment ni kaian — Setyembre 18, 2009 @ 3:06 umaga | Tugon

    • Tama ka kaian, hindi lahat ng mga kumukuha ng computer science ay magiging computer programmer. Ang mainam dito, gaya ng sinabi mo, pwede pa rin silang maging computer technician o computer instructor. Kaya lang, kung hindi natuto sa programming, malamang, hindi rin sya magiging instructor ng programming subject.

      Ang maipapayo ko naman, maski hindi ikaw ang pinakamagaling mag-program noong kolehiyo kayo’t nasa puso mo pa rin ang programming pagkagraduate mo, hanap ka lang ng trabaho na masasali ka sa isang proyektong magproprogram ka talaga. Doon na mas lalong mahahasa ang galing mo sa programming. Hindi lahat ng pwedeng matutunan ay itinuturo sa kolehiyo ika nga.

      Salamat sa pagdaan kaian.

      Comment ni Cons - Pinoy na Pinoy — Setyembre 18, 2009 @ 6:11 umaga | Tugon

  6. aray ko! yun talaga ang obserbasyon mo sa course ko!? hehehe sad to say nga, may ilang estudyante na kumukuha ng ganoong course kasi akala nila puro pagpapa-cute lang ang gagawin. di nila alam yung trabaho ay ngaragan pero dapat cool ka pa rin. wahhhh

    ang maipapayo ko ay kunin yung course na gusto mo at bagay sa iyong personality. yung pinag-isipan mo talaga ng matagal, nai-imagine mo na magagawa mo ng habambuhay at kaya mong pangatawanan. because when you’re happy sa iyong ginagawa, kusa ng papasok ang kita.

    Comment ni hitokirihoshi — Oktubre 15, 2009 @ 4:04 umaga | Tugon

    • Mainam dito na maituro sa mga high school na estudyante ang magiging trabaho ng bawat kurso sa kolehiyo na pagpipilihan nila. Nang sa ganun, malalaman ng estudyante kung ano ang kurso, na gaya ng sinabi mo hitokirihoshi, na bagay sa kanyang personality.

      Comment ni Cons - Pinoy na Pinoy — Oktubre 15, 2009 @ 1:56 hapon | Tugon

  7. hindi ko naging almusal ang mga math subjects…naging pabaya kasi ako nung kinukuha ko mga math subj. ko…kumuha ako ng civil engineering pero hindi ko naman love ang industriya ng construction…

    hindi ko naman gusto nung una pero heto nakatagal naman ako…nasa last year na ako.

    Comment ni fampings — Oktubre 15, 2009 @ 4:25 umaga | Tugon

    • Kayang-kaya mo yan fampings. Ika nga nila, ang pinakamahirap na taon sa Engineering ay fourth year, kaya’t kunting-kunting tiis na lang ngayong nasa fifth year ka na. Goodluck.

      Comment ni Cons - Pinoy na Pinoy — Oktubre 15, 2009 @ 1:58 hapon | Tugon

  8. Ewan ko kung paano na ako nakarating dito… ahaha!
    pero nakakatuwa ang post na ito!
    ang masasabi ko lang vivo cea! hahaha! mukhang louisian ka eh… blackboard pa lang… hakhak!

    nagbago naman na kahit papaano ang ilang mga ceans… kaso andun pa rin na hardcore talaga sa math! pamatayyyyyy!

    nakibasa, natuwa, kaya napacomment…

    Comment ni eloiski — Oktubre 17, 2009 @ 6:31 hapon | Tugon

    • Tingnan mo nga naman ang naidudulot ng mga links sa kung saan-saan at napadpad ka dito eloiski. Maraming salamat. Oo Louisian ako :) Mas eksakto, CEAns. Isa rin ako sa mga nakikipag-unahan sa Grob Basic Electronics sa 5th floor ng library natin noon. Nasaksihan ko rin ang mga sumabog na capacitors sa engineering lab kasi ECE ako. Pero nung nakagawa ako ng program na nakakasolve ng mga equations gamit ang Gauss-Jordan Reduction nung 4th year ako, napag-isip ko na sa programming ang puso ko, naks.

      Malamang, ECE ka din ayon sa pagkakaintindi ko sa Notbuk mo. Hanggang sa muli.

      Comment ni Cons - Pinoy na Pinoy — Oktubre 18, 2009 @ 1:24 umaga | Tugon

  9. Nainggit aq dun s mga ngc0ments s tread n2.Huhu.buti pa cla mlp8 n mtpos at nkapgtapoz n ng kolehiyo.Aq nanatili p dng bigo.Mraming taun n ang lumipas ndi q p npgp22loy ang pgaaral q.Pangarap q tlgang mkatapos ng ECE .Gs2 kng mgng isang Inhinyero s0meday,gus2 q mkpaxok sa Smart Com.At Globe Com.Gs2 q mangulekta at mpgaralan ng lhat ng partz n s Electronics,mgrepair at gmwa ng sriling imbisy0n mga bg0ng appliances.etc..Pro papaanu? wla ak0ng pera pangmatrikula pra maipgp2loy ko uli ang pgaaral q..St0p aq 2ndyr senc0nd sem..Sna ngaun tapos n aq..Huhu.Sana ndi p huli ang lahat..Sna ibgay n ng Pangin0ong Diyos ang perang gagamitin q para mkpgtapos n aq xa kolehiyo..Pra mk2long aq xa akng mga magulang at mga kpatid q..Kc c itay ka2rampot lng ang cnasahod c inay s bhay ,kya panu aq mk2pgtapos.Cnubkan q mgip0n pra xa pgaaral q pero nbgo aq.Pmbyad plng ng kuryente wla na.Huh..Sna naman my pgasa p sa edad kung 25 sna ndi p huli ang lhat…
    Maraming slamat s tread n 2 .Sana ipanalangin nyo aq m2pad ang mga pngarap q..Maxado n aq OA..Maraming salamat..

    Comment ni Boy_tirador — Nobyembre 14, 2009 @ 11:55 umaga | Tugon

  10. hindi masyadong klaro ang mga impormasyon..
    dagdagan pa dapat

    Comment ni ma. ericka mae bertumen — Marso 15, 2010 @ 11:30 umaga | Tugon

  11. pwede mag tanung ang impormation technology ba mayroong board examination help me plzzz.

    Comment ni lil_princess — Abril 14, 2011 @ 5:58 umaga | Tugon

  12. pwede po ba mag tanong ang impormation technology po ba ay may board exam??

    Comment ni lil_princess — Abril 14, 2011 @ 6:00 umaga | Tugon

    • Hi lil princess. Sa pagkakaalam ko, walang board exam ang Information Technology na kurso dito sa Pilipinas sa ngayon. Ang kadalasang may board exam na kurso ay mga kursong kailangan ng matinding kaalaman at preparasyon bago magamit ang kurso sa trabaho. Ito’y paraan din ng gobyerno para salain ng mabuti ang mga nagsipagtapos. Ito’y gaya ng mga kursong Medicine, Nursing, Accounting at Engineering (maliban sa Industrial Engineering).

      Comment ni Cons - Pinoy na Pinoy — Abril 17, 2011 @ 12:51 umaga | Tugon

  13. Mass com din sana gusto ko eh..kaso wala kaming pera hahaha..Magaaral na lang ako ulit pag meron na hahaha..

    Comment ni john tugano — Agosto 19, 2011 @ 12:43 hapon | Tugon

  14. may board exam ba ang mga nasa kursong Computer Science? tugon namn po…. im taking up Bachelor of Computer Science and i wanna know if there is a board exam in this kind of course

    Comment ni Ricalene Sancel — Setyembre 9, 2011 @ 12:51 umaga | Tugon

  15. hi :) nakakamangha ang iyong mga post. maaari ko ba ito gawing “notes” at lalagyan ko ng credits mo? salamat po. :)

    Comment ni Blizzard — Oktubre 6, 2011 @ 1:05 hapon | Tugon

    • Hi Blizzard, pwedeng-pwede. Isang karangalan na ibilang ang mga posts ko sa mga “notes” mo. Salamat din sa paggawi dito. :)

      Comment ni Constantine Guitang — Oktubre 6, 2011 @ 9:53 hapon | Tugon

      • ask ko lng po ano po ba ang pagkakaiba ng computer science at IT…

        Comment ni marimar — Mayo 2, 2013 @ 2:16 hapon

  16. hi.
    im a 4thyr student but until now i dont know what course ang kukunin ko. mahirab po bang mag civil engineer?
    salamat sa sasagot ^^.

    Comment ni mj — Nobyembre 2, 2011 @ 5:35 umaga | Tugon

    • Mj, sa pagpili ng kurso, ito ang tandaan mo, walang mahirap na kurso kung ang pinili mo’y ang gustong-gusto mong gawin o nasa puso mo. At wala ding madaling kurso kong ito’y wala sa hilig mo.

      Sa civil engineering, kailangan mo diyan ang kakayahan sa Math, kadalasan kasi magku-compute kayo para sa plano ng isang gusali, bahay, tulay o daan. Kailangan ding mahilig ka sa drawing para sa mga planong gagawin nyo. Dapat analytical ka ding mag-isip dahil ganun mag-isip ang mga inhinyero. Pero huwag mag-alala, maski kunting-kunting katangian pa lang meron ko sa nabanggit ko, mahahasa din yan sa limang taon mo sa kolehiyo.

      Goodluck.

      Comment ni Cons - Pinoy na Pinoy — Nobyembre 15, 2011 @ 9:59 hapon | Tugon

  17. pano ba kumuha ng course nahihirapan ako ei….

    Comment ni icky — Nobyembre 26, 2011 @ 4:21 hapon | Tugon

    • Hi Icky,

      Subukan mo ito para makatulong sa pagpili mo ng kurso. Obserbahan mo kung anong ginagawa ng mga taong nakatapos na at ginagamit na ang kursong napag-aralan sa pagtatrabaho. Gusto mo ba ang ginagawa nila? Kunwari nurse, magaan ba loob mong mag-alaga ng pasyente mapaaraw o gabi balang araw? O di kaya’y HRM graduate, magiliw ka bang magsisilbi sa mga bisita ng isang hotel? O entrepreneur, mahilig ka bang mag-isip ng paglutas ng pangangailangan ng mga tao para kasabay nito’y payag silang bayaran ka bilang kabayaran sa binigay mong serbisyo o produkto sa kanila?

      Sa madaling sabi, isipin mo kung anong gustong-gusto mong gagawin paghabang-buhay pagkalabas mo ng kolehiyo.

      Comment ni Cons - Pinoy na Pinoy — Nobyembre 26, 2011 @ 10:19 hapon | Tugon

  18. mahirap po ba ang shifting exam sa architecture ? anu anu ang coverage sa exam ? pano ? mahirap ba / haha

    Comment ni charwin — Mayo 5, 2012 @ 10:23 umaga | Tugon

  19. BAKIT

    Comment ni honelyn — Hunyo 10, 2012 @ 11:29 umaga | Tugon

  20. hello po.. paano kapag hindi ka sigurado na gusto mo talaga yung course na kinuha mo?
    syempre lhat nman tayo.. nag aasam na pagdating ng araw e mag karoon ng magandang trabaho.
    pero mas mganda diba kung 100% tayong sure sa course na kinuha natin diba??
    kaso paano b tlgah pumili ng tamang kurso na para sa atin..pra di tayo mag sisi at the end ??

    Comment ni honelyn — Hunyo 10, 2012 @ 11:34 umaga | Tugon

    • Hello Honelyn,

      Kapag hindi ka sigurado na gusto mo talaga yung course na kinuha mo, yun na ang hudyat para pakinggan ang sarili at alamin kung ano talaga ang gusto mong gawin sa buhay mo. Pagkatapos mong malaman kung ano ang idinadaing ng puso mo, kunwari, gustong-gusto mong maging programmer, ibahagi ito sa mga magulang o mga taong nagpapaaral sa ‘yo at pag-usapan kung paano ka makakapagtapos. Kaya ba ng bulsa at ng utak? Hindi ba ito sasalungat sa natural na takbo ng iyong pamumuhay? Kung nakakapa mo ang kasagutang ‘oo, posible’, ito na ang hudyat para sabihin sa sariling sigurado ka na.

      Maari ring makatulong ang tugon ko sa #17 na puna sa itaas sa tanong ni Icky.

      Goodluck.

      Comment ni Cons - Pinoy na Pinoy — Hunyo 12, 2012 @ 3:32 umaga | Tugon

  21. maraming salamat po..!

    Comment ni honelyn — Hunyo 12, 2012 @ 1:48 hapon | Tugon

  22. Mahirap po ba tlga mag i.t ? gusto q kc ung course na to kaso sbi nla mhrap daw Magprogram ?

    Comment ni aira — Oktubre 7, 2012 @ 7:31 umaga | Tugon

  23. hello po :)….kailangang kailangang po bang magaling mag ingles ung kukuha ng mass com?

    Comment ni paula — Oktubre 12, 2012 @ 3:49 hapon | Tugon

  24. hello po… :) sa mass com po ba kailangan tlgang mag english..,at kailanggan din po ba imemorise ang mga sasabihin nila..,????? upang masabi nila ang kay langgan nilang sabihin….sna po pag nag mass com ako matanggap ako dahil yan ang gusto kung course,…at alam ko nmn po na kailanggan pag hirapan at para matanggap ako….pero gagalingan ko nmn po eh..yun lng po tnx po… :)

    Comment ni judyann castillo — Disyembre 2, 2012 @ 1:43 umaga | Tugon

  25. gusto ko sana kunin sa course sa college computer science o kya IT eh .. :D programming lng po b dun??

    Comment ni ruskin aballe — Disyembre 14, 2012 @ 2:00 hapon | Tugon

  26. suggest ko maganda ung kursong MEDTECH kung gusto nyo maging doktor isa ito sa mgandang premed course….:)

    Comment ni jc — Disyembre 28, 2012 @ 5:53 hapon | Tugon

  27. ahm , help naman ..
    cnu b dpt msunod s pgpili ng kurso ? mgulang b o ako at bkt ??
    pnu kung mgkasalungat o ayaw mu un ?

    Comment ni mayumi — Marso 18, 2013 @ 2:06 umaga | Tugon

  28. 28. AM TANONG KO LANG PO…MAHALAGA PO BA TALAGA ANG PANGALAN NG SCHOOL? PAANO NAMAN PO PALA KUNG DI SIKAT YUNG SCHOOL NA PAPASUKAN KO BAKA DI PO KO MAKA HANAP KAGAD NG WORK PAGKATAPOS KO NG 4 YRS DEGREE,SA KOLEHIYO..AB IN COMMUNICATION PA NAMAN POANG KUKUNIN KO.

    Comment ni DONNA ROSE — Mayo 9, 2013 @ 3:02 umaga | Tugon

  29. UHMMMM SANA PO TULUNGA NIYO KO PUMILI NG KURSO KO

    Comment ni Moises Embat — Hunyo 12, 2013 @ 8:13 umaga | Tugon

  30. hello po Im Tricia Caitum po a 4th yr student nag iisip po ako kng maganda ba ang kursong tourism ? at madali lang ba makka kita ng trabaho ? may board exam po ba ito ?

    Comment ni Tricia Caitum — Hulyo 23, 2013 @ 2:49 hapon | Tugon

  31. hello i saw ang mga comments mo ang ganda im cassie bernal gusto ko malaman more information sau …ano ba ang magandang kurso na pwedeng maka abroad i need u hope u send me back here is my email n facebook msg.ka lang sakin kang.jessa@yahoo.com thanks ^_^

    Comment ni cassie bernal — Agosto 26, 2013 @ 6:25 umaga | Tugon

  32. Ang galing,,madaling maintmdhan,,buti nlang,,
    Alm q na if anong kurso ung nagging reportr o DJ,,
    Thanks

    Comment ni Rose malate — Setyembre 8, 2013 @ 7:54 umaga | Tugon

  33. Naimpress ako sa obesrvation mo ahh.. Ahaha.. Tama yung sa Engineering kapag first year ka pa mag mumukha ka talagang ninja dahil T-square tapos halos lahat ng kalalakihan sa engineering haggard tingnan kasi minsan wla na talagang tym sa sarili… Yung mga kababaihan namin pag first year pa.. Ok2 lng ang mukha pero pag nsa 2nd yr and up na nag IIMPROVE na ang mukha hahaha..

    Tama din yung after seat work, quiz at exam laging pinag uusapan yung mga di na kuhang questions… Minsan mag dedebate at mag sosolve pa ang iba lalo na pag mag kaiba ang sagot nila…

    Kapag subject naman pag uusapan.. Aminado ako mahirap talaga.. Tatlong beses akong nabagsak sa college.. Tatlong beses din ako nanlibre ng redhorse… Pampalimot lng…

    Tapos pag assignment asahan mo pare parehas lahat ang solution… Kung may mag iiba man yun na yung mga taong outcast s klase or mga walang pakisama…

    Tapos kapag UNIVERSITY FESTIVAL asahan mo ang engineering na MAGULO BULABOG pero MASAYA hahaha… Di importante samin kung sino ang maging champion ang importante samin eh nag enjoy kami during festival…

    Nakakamiss talagang maging estudyante..

    Lisensyadong Civil Engineer po pala ako… Kakapass ko lang last november…

    Comment ni AJ — Enero 23, 2014 @ 3:01 umaga | Tugon

  34. hellow po …gusto ko po sana ng course na in-demand sa abroad, ung malaki ang salary kagaya ng bansang singapore …sa ngayon po pharmacist ang napili kong kunin.. okay po ba to sa abroad???? pls po.. help me! ;((..need your guide and advices..

    Comment ni Faudzia Esmail — Enero 26, 2014 @ 6:23 umaga | Tugon

  35. where can I find your response?????

    Comment ni Faudzia Esmail — Enero 26, 2014 @ 6:26 umaga | Tugon

  36. ano po ba ang pwedeng trabaho sa college pag magaling kang gumawa ng essay at marunong din sa english kahit papanu

    Comment ni jovelynceriola — Marso 29, 2014 @ 1:26 hapon | Tugon

  37. reply naman po kayo

    Comment ni jovelynceriola — Marso 29, 2014 @ 1:27 hapon | Tugon

  38. tanong lng po sa computer science ba at i.t itinuturo din ba ang computer technician?

    Comment ni jerick — Hunyo 5, 2014 @ 2:09 umaga | Tugon

  39. help naman po..

    Comment ni Floven — Hulyo 2, 2014 @ 11:50 umaga | Tugon

  40. magbigay po kayo ng maraming kurso plz

    Comment ni ryan taduran — Agosto 20, 2014 @ 11:06 umaga | Tugon

  41. plz naman po

    Comment ni ryan taduran — Agosto 20, 2014 @ 11:56 umaga | Tugon


RSS ulat para sa mga puna sa paskil na ito. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

The Rubric Theme. Create a free website or blog at WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: