Pinoy na Pinoy

Oktubre 4, 2009

Mga Natutunan ng mga Pinoy kay Ondoy

Filed under: Buhay Pinoy — Constantine Guitang @ 1:40 hapon
Mula nung dumating si Ondoy noong Sabado, Setyembre 26, 2009, marami sa atin ang nakatutok sa internet, sa radyo at telebisyon, nakaabang sa mga pangyayaring dulot ng bagyong ito. Noong Sabado, nakikita natin ang mga kababayan natin sa Maynila kung paano iligtas ang mga sarili. Ngayon, pinapanood natin ang pagdadamayan ng bawat isa. Nakakatuwang panooring bawat isa sa ati’y gustong tumulong sa ano mang abot ng ating makakaya, mula sa isang taimtim na dasal, dalawang lata ng sardinas, tatlong kilo ng bigas, hanggang sampung milyong piso. Ito’y patunay na sa gitna ng sakuna, tayong mga Pinoy ay nagkakaisa at nagdadamayan, mayama’t maralita man.
Sa kabila ng bahang dulot ni Ondoy, bumaha naman ng aral sa mga Pinoy. Narito ang listahang nabuo ko.
1. Natuto na tayong tanggapin na ang bahang ito ay hindi maisisi sa Diyos, kundi sa mga kagagawan natin. “Blame it on me kaysa sisihin pa natin ang Diyos.” napanood kong sabi ni MMDA Chairman Bayani Fernando sa isang panayam patungkol sa baha habang abala sila sa paghahakot sa mga putik at kalat sa lansangan.
2. Maski hindi man madalas na nagbabatian ang mga magkakapitbahay, sa panahon ng sakuna, handa ang Pinoy na sagipin ang kapitbahay na nasa panganib.
3. Si Kris Aquino kasama ang mga iba pang artista at personalidad sa telebisyon ay kaya nilang kalampagin ang puso ng mga mayayamang kaibigan at kakilala nila sa oras ng damayan. Ang Sagip Kapamilya ng ABS-CBN ay nakalikom ng mahigit P160M na donasyon sa loob ng isang linggo at patuloy na dumadagsa ang tulong. Sa tulong na ito, nakapagsilbi sila ng mahigit 124,000 na pamilya na naging biktima ng baha.
4. Napagtanto natin na maging sino ka man, mayaman o mahirap man, sa panahon ng damayan, nasa puso natin ang gustong tumulong sa ano mang abot ng ating makakaya. Nakikita natin ang mga volunteers na masayang nag-iipamke ng mga relief goods at masayang nag-aabot sa mga pamilyang nalubog sa baha sa mga evacuation centers at ang iba’y sa mismong mga bahay nila. Nakapagbigay sigla rin sa mga biktima ng baha ang pagsali ng mga artista sa pagbibigay ng mga relief goods sa kanila.
5. Ang mga kababayan nating OFW ay laging nandiyan para tumulong lalong-lalo na kapag panahon ng sakuna. Salamat sa mga nag-upload ng mga video at mga larawan sa YouTube at sa mga iba’t ibang blogs gaya ng WordPress at social networking sites gaya ng Facebook. Sa pamamagitan nito, nalalaman ng mga kababayan nating nasa ibang bansa ang mga pangyayari sa ating bansa habang binabaha ni Ondoy ang Kamaynilaan. Marami ding nag-abang sa internet para malaman na ligtas na ang kani-kanilang mahal sa buhay.
6. Napagtanto ng National Disaster Coordinating Council (NDCC) na sa ganitong kalaganap na baha, hindi handa ang gobyerno natin na agapan lahat ng biktima. Kulang na kulang ang mga bangka natin na sumagip sa libu-libong residente ng Kamaynilaan na walang magawa kundi umakyat na lamang sa kani-kanilang bubong.
7. Hindi nadama kaagad ng mga biktima ng baha ang tulong na galing sa gobyerno natin. Napapanood sa mga telebisyon at sa internet ang sigaw nila, “Nasaan na sila?” Sana’y mapagtanto ng mga nasa posisyon sa gobyerno na sa ganitong mga sakuna, meron sana agad opisyal ng gobyerno na tuloy-tuloy na nagbibigay ng balita sa mga tao sa pamamagitan ng telebisyon at radyo kung saan na nakatuon ng pansin ang mga tauhan ng gobyerno sa pagsagip sa mga biktima nang sa ganun, makapagbigay ng lakas-loob sa mga naghihintay ng tulong.
8. Kaya’t maganda itong ginawang paghahanda ng gobyerno natin sa pagdating ni Pepeng na ipinagbibigay alam sa mga tao kung anu-anong paghahanda ang ginagawa nila para maiwasan ang pagkawala ng buhay at ari-arian. Natutunan nating gumamit ng pre-emptive evacuation at hindi na antaying tamaan tayo ng bagyo bago gumalaw para sagipin ang sarili.
9. Natuto tayong kapag may parating na bagyo, kailangang mag-ipon ng tubig inumin at pagkain,  alam kung saan nakatago ang flashlight at baterya, iakyat ang mga gamit de-kuryente at mag-charge ng cellphone. Kami ng pamilya ko dito sa Baguio ay walang balita sa nanay namin sa Antipolo mula noong naubusan ng baterya ang cellphone niya noong gabi ng Sabado hanggang sa sila’y magkailaw noong gabi ng Linggo. Nakadagdag ito ng pag-alala namin sa kanila. Malaking tulong ang cellphone sa panahon ng bagyo at baha kaya’t huwag kalimutang i-charge bago kayo mawalan ng kuryente.
10. Nalaman nating ang baha’y walang pinipili, mahirap man o mayaman. Ang mga mahihirap nating kababaya’y tanging sarili lamang ang iintindihing iligtas at makakapagligtas pa ng marami. At kung mas mayaman ka, mas marami kang kagamitan, mas marami kang iintindihing masisira sa baha at nanakawin ng mga mapagsamantala pagkatapos ng baha. May mga nagsabing sa isang iglap, nawala lahat ng pinundar sa loob ng maraming taong pagsisikap. Kaya’t napagtanto nilang babangon silang muli at matutong mabuhay na lamang na simple.
Ano naman ang natutunan ninyong aral sa hagupit ni Ondoy sa bansa natin? Ibahagi na ang aral na natutunan sa sakunang ito.
Photo credit: Dan Saavedra

Photo credit: Dan Saavedra

Mula nung dumating si Ondoy noong Sabado, Setyembre 26, 2009, marami sa atin ang nakatutok sa internet, sa radyo at sa telebisyon, nakaabang sa mga pangyayaring dulot ng bagyong ito. Noong Sabado, nakita natin ang mga kababayan natin sa Maynila kung paano iligtas ang mga sarili. Ngayon, pinapanood natin ang pagdadamayan ng bawat isa. Nakakatuwang panooring bawat isa sa ati’y gustong tumulong sa ano mang abot ng ating makakaya, mula sa isang taimtim na dasal, dalawang lata ng sardinas, tatlong kilo ng bigas, hanggang sampung milyong piso. Ito’y patunay na sa gitna ng sakuna, tayong mga Pinoy ay nagkakaisa at nagdadamayan, mayama’t maralita man.

Sa kabila ng bahang dulot ni Ondoy, bumaha naman ng aral sa mga Pinoy. Narito ang listahang nabuo ko.

1. Natuto na tayong tanggapin na ang bahang ito ay hindi maisisi sa Diyos, kundi sa mga kagagawan natin. “Blame it on me kaysa sisihin pa natin ang Diyos.” napanood kong sabi ni MMDA Chairman Bayani Fernando sa isang panayam patungkol sa baha habang abala sila sa paghahakot sa mga putik at kalat sa lansangan.

2. Maski hindi man madalas na nagbabatian ang mga magkakapitbahay, sa panahon ng sakuna, handa ang Pinoy na sagipin ang kapitbahay na nasa panganib.

3. Si Kris Aquino kasama ang mga iba pang artista at personalidad sa telebisyon ay kaya nilang kalampagin ang puso ng mga mayayamang kaibigan at kakilala nila sa oras ng damayan. Ang Sagip Kapamilya ng ABS-CBN ay nakalikom ng mahigit P160M na donasyon sa loob ng isang linggo at patuloy na dumadagsa ang tulong. Sa tulong na ito, nakapagsilbi sila ng mahigit 124,000 na pamilya na naging biktima ng baha.

4. Napagtanto natin na maging sino ka man, mayaman o mahirap man, sa panahon ng damayan, nasa puso natin ang gustong tumulong sa ano mang abot ng ating makakaya. Nakikita natin ang mga volunteers na masayang nag-iipamke ng mga relief goods at masayang nag-aabot sa mga pamilyang nalubog sa baha sa mga evacuation centers at ang iba’y sa mismong mga bahay nila. Nakapagbigay sigla rin sa mga biktima ng baha ang pagsali ng mga artista sa pagbibigay ng mga relief goods sa kanila.

5. Ang mga kababayan nating OFW ay laging nandiyan para tumulong lalong-lalo na kapag panahon ng sakuna. Salamat sa mga nag-upload ng mga video at mga larawan sa YouTube, sa Flickr, sa mga iba’t ibang blogs gaya ng WordPress at social networking sites gaya ng Facebook. Sa pamamagitan nito, nalalaman ng mga kababayan nating nasa ibang bansa ang mga pangyayari sa ating bansa habang binabaha ni Ondoy ang Kamaynilaan. Marami ding nag-abang sa internet para malaman na ligtas na ang kani-kanilang mahal sa buhay.

6. Napagtanto ng National Disaster Coordinating Council (NDCC) na sa ganitong kalaganap na baha, hindi handa ang gobyerno natin na agapan lahat ng biktima. Kulang na kulang ang mga bangka natin na sumagip sa libu-libong residente ng Kamaynilaan na walang magawa kundi umakyat na lamang sa kani-kanilang bubong.

7. Hindi nadama kaagad ng mga biktima ng baha ang tulong na galing sa gobyerno natin. Napapanood sa mga telebisyon at sa internet ang sigaw nila, “Nasaan na sila?” Sana’y mapagtanto ng mga nasa posisyon sa gobyerno na sa ganitong mga sakuna, meron sana agad opisyal ng gobyerno na tuloy-tuloy na nagbibigay ng balita sa mga tao sa pamamagitan ng telebisyon at radyo kung saan na nakatuon ng pansin ang mga tauhan ng gobyerno sa pagsagip sa mga biktima nang sa ganun, makapagbigay ng lakas-loob at pag-asa sa mga naghihintay ng tulong.

8. Kaya’t maganda itong ginawang paghahanda ng gobyerno natin sa pagdating ni Pepeng na ipinagbibigay alam sa mga tao kung anu-anong paghahanda ang ginagawa nila para maiwasan ang pagkawala ng buhay at ari-arian. Natutunan nating gumamit ng pre-emptive evacuation at hindi na antaying tamaan tayo ng bagyo bago gumalaw para sagipin ang sarili.

9. Natuto tayong kapag may parating na bagyo, kailangang mag-ipon ng tubig inumin at pagkain,  alamin kung saan nakatago ang flashlight at baterya, iakyat ang mga gamit de-kuryente at mag-charge ng cellphone. Kami ng pamilya ko dito sa Baguio ay walang balita sa nanay namin sa Antipolo mula noong naubusan ng baterya ang cellphone niya noong gabi ng Sabado hanggang sa sila’y magkailaw noong gabi ng Linggo. Nakadagdag ito ng pag-alala namin sa kanila. Malaking tulong ang cellphone sa panahon ng bagyo at baha kaya’t huwag kalimutang i-charge bago kayo mawalan ng kuryente. Sana, gawin din ng mga cellphone networks na libre ang pagpapadala ng text sa panahon ng sakuna maski sa mga walang load lang para mas madali nating malaman ang kalagayan ng mga mahal natin sa buhay.

10. Nalaman nating ang bagyo at baha ay walang pinipili, mahirap man o mayaman. Ang mga mahihirap nating kababaya’y tanging sarili lamang ang iintindihing iligtas at makakapagligtas pa ng marami. At kung mas mayaman ka, mas marami kang kagamitan, mas marami kang iintindihing masisira sa baha at nanakawin ng mga mapagsamantala pagkatapos ng baha. May mga nagsabing sa isang iglap, nawala lahat ng pinundar sa loob ng maraming taong pagsisikap. Kaya’t napagtanto nilang babangon silang muli at matutong mabuhay na lamang na simple.

Ano naman ang natutunan ninyong aral sa hagupit ni Ondoy sa bansa natin? Ibahagi na ang aral na natutunan sa sakunang ito.

About these ads

Mga Puna »

  1. Tags… natutunan ko kay Kuya Kim, na ang pinakamalalakas na bagyong nabubuo sa mundo ay nanggagaling sa Pacific Ocean, kung kaya’t ang mga bansang nakapaligid sa Pacific Ocean, kasama na ang Pilipinas ang tinatamaan ng mga hagupit nito. Natutunan ko din kay Kuya Kim, na sa mas mainit na lugar mas maraming tubig ulan ang naiipon. Naintindihan at natutunan ko din ang epekto ng “Climate Change” na sinasabi ng mga experts, na dapat magkaroon ng tamang “Urban Planning” according sa isang Architect, at natutunan ko din na TAMA NGA, ang basurang itinapon natin ay babalik din sa atin.

    Pero higit sa lahat, natutunan ko, na We should value the people that sorround us, and we shouldn’t take for granted the people that touch our lives.

    Bangon Pilipinas… kaya, at kakayanin natin ito….

    Dowie

    Comment ni Dowie aka atta — Oktubre 5, 2009 @ 5:31 umaga | Tugon

    • Ang dami mong natutunan kay Kuya Kim Atta. Matang lawin ang dating. Kay Kuya Kim ko din napanood ang greenhouse effect na isang dahilan ng climate change.

      Napanood ko din yung sinabi ng architect tungkol sa Urban Planning. Mukhang malaki-laking project ang kinakailangan ng Maynila para matugunan itong floodway na sinasabi ng architect. Pero kung may political will tayo, walang imposible, para sa kapakanan ng ating bansa.

      Tama ka Atta, ang basurang itinapon natin ay babalik din sa atin, napapatunayan yan sa mga larawang aftermath ni Ondoy na nakikita sa internet. Nakasabit sila sa kung saan-saan sa buong Metro Manila.

      Salamat sa napakagandang puna Atta.

      Comment ni Cons - Pinoy na Pinoy — Oktubre 5, 2009 @ 10:14 umaga | Tugon

  2. ang serious d2..grabe..so pano, ingats nlng ha! ^_^

    Comment ni precious — Oktubre 6, 2009 @ 10:58 umaga | Tugon

  3. nakakaawa talaga ang mga nasalanta ng bagyo, sinu nga ba dapat ang sisihin?! hays..

    padaan lang po! :-)

    Comment ni pinkdiaries — Oktubre 7, 2009 @ 3:25 umaga | Tugon

    • Talagang pangkalahatang sakuna ata ito’t hindi lang ang Pilipinas ang nasasalanta ngayon. Baha, bagyo, lindol at pag-ulan ng alikabok ay nararanas sa iba’t ibang bansa. Ang bagyong Pepeng ay hindi makaalis-alis sa bansa lalo na sa bandang hilagang Luzon. Mukhang pumapasok tayo sa panibagong estado ng panahon.

      Bamabagyo’t bumabaha man, salamat sa pagdaan uli. :)

      Comment ni Cons - Pinoy na Pinoy — Oktubre 7, 2009 @ 4:20 umaga | Tugon

  4. tama, marami tayong natutunan kay Ondoy. napagtanto ko rin na sa dami ng kalamidad dito sa atin, di pa rin ma-prioritize ng gov’t ang pagbigay ng pondo sa mga alarm systems na kailangan natin. pork barrel lang ng isang congressman, may sukli pa kung bumili tayo ng doppler radar na yan. isang araw lang na travel expense ni GMA, pwede ng bumili ng mga rubber boats. kaya hindi excuse na poor ang Pinas kaya wala tayo ng mga ito. may pera ang gov’t, hindi nga lang napupunta sa mga projects na makakabuti sa nakararami.

    oo na, wag na nga magsisihan. pero kung isa sa anak mo, o kapatid, o magulang mo ang namatay sa baha, di mo talaga maiwasang sisihin ang ating mga leaders.

    marami pang dadating na bagyo, baha, lindol at iba pang kalamidad sa atin. ano na ba ang ginagawa natin para maging handa sa mga ito?

    Comment ni luna miranda — Oktubre 7, 2009 @ 10:46 umaga | Tugon

  5. Nangingilabot ako sa bawat masamang balita na nababasa ko.

    Comment ni WildCat — Oktubre 13, 2009 @ 12:34 umaga | Tugon

    • Babangon din ang Pilipinas sa mga masamang balitang ito WildCat. Dito nasusubok ang pagkakaisa ng mga Pinoy. :)

      Comment ni Cons - Pinoy na Pinoy — Oktubre 13, 2009 @ 1:56 hapon | Tugon

  6. NOTHING TO SAY ABOUT IT ACTUALLY ITS VERY COOL AND I’M HAPPY

    Comment ni JOAN MARIE V. BITARE — Enero 31, 2010 @ 12:47 hapon | Tugon

  7. Salamat may Pinoy na Pinoy Blog..nakakawala ng stress habang binabasa ko ang mga comments ng ating mga kababayan.Naramdaman ko na di ako nag iisa sa mga nararanasan ko bilang OFW…salamat ng marami!!!

    Comment ni chellereyes — Pebrero 8, 2010 @ 5:19 hapon | Tugon

    • Salamat Chelle. Natutuwa din ako kapag may mga kababayan natin na nagbibigay puna sa Pinoy na Pinoy, nagpapahayag ng kanilang kuro-kuro at damdamin, isang pagpapatunay na may pagkakaisa ang mga Pinoy.

      Comment ni Cons - Pinoy na Pinoy — Pebrero 9, 2010 @ 12:54 umaga | Tugon


RSS ulat para sa mga puna sa paskil na ito. BakasPabalik URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

The Rubric Theme Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: