Pinoy na Pinoy

Oktubre 7, 2009

Bakit Nagtatagal ang Isang OFW Sa Ibang Bansa?

Filed under: Buhay OFW — Constantine Guitang @ 6:55 umaga
Ang drama pag-alis ng isang OFW ay ganito:
OFW: “Hayaan mo anak, dalawang taon lang ako sa Kuwait. Pagdating ko, may pasalubong kang PSP sa akin.”
Anak: “Gusto ko yung latest na PSP ‘nay ha. Ingat kayo lagi doon.”
Asawang maiiwan: “Sulat ka agad pagdating mo doon ha, para hindi kami mag-aalala sa ‘yo.”
OFW: “Oo, pagkaapak ko sa Kuwait, susulat ako agad, promise.”
Dalawang taon lang, dahil yun ang kadalasang kontrata sa mga OFW ng kompanyang papasukan nila. Pero bago sumapit ang katapusan ng kanilang kontrata, inaayos na nila ang mga papeles na kakailanganin para sa susunod na kontrata nila. Maaring sa susunod na dalawang taon uli. At maging sa mga susunod pang dalawang taon hanggang sa hindi natin alam kung kailan nga ba maiisipan ng isang OFW na tumalaga na sa ating bansa.
Naisip n’yo ba kung bakit kapag naranasan na ng isang Pinoy na mangibang bansa, tila ayaw na nilang bumalik pa dito sa ating bansa? Mabuti na lang at hindi panghabang-buhay ang kontratang pinipirmahan, kaya’t ang paliparan nati’y nadadapuan pa rin ng mga balik-bayan.
Bakit nga ba nagtatagal ang isang OFW sa ibang bansa?
May anak o kapatid na pinapag-aral
Isa ito sa pinakamaraming dahilan kung bakit ang dalawang taong kontrata ay kulang na kulang para maisipan ng isang OFW na tumigil na sa pag-aabroad. Kung ang anak ay nasa Kinder 2 pa lang, anim na taon pa ang gugugulin sa elementarya, apat na taon sa high school at apat o limang taon sa kolehiyo. Sasabihin ko sanang mas masuwerte ang mga OFW na ang papag-aralin ay kapatid na magkokolehiyo na dahil apat na taon lang ang ilalagi sa ibang bansa, pero, pero teka, nalaman ng pinsan ang roaming number ng OFW kaya’t nakiusap silang ‘Sana man lang, tulungan mo naman kaming makapag-aral, total ga-graduate naman na ang kapatid mo. Sabuyan mo naman kami ng grasya na mga pinsan mo ate. Please naman.’ Kailan pa mauubos ang mga kamag-anak na gustong mag-aral?
Tila walang pinatutunguhan ang perang pinapadala sa Pinas
Sa dami ng napupuntahan ng perang pinapadala ng isang OFW sa Pilipinas, mapa-sampung libo o limampung libo man ang ipapadala, tumaas man ang palitan ng dolyar sa black market, bumaba man ang pagpapa-remit sa abroad, tila kulang pa rin ang malaking sahod nila sa ibang bansa. Bakit? Dahil habang lumalaki ang kita ng isang pamilyang Pinoy, lumalaki din ang pangangailangan o mas mainam sigurong sabihing mas lumalaki ang gustong pagkakagastusan. Dalawampung libo kada buwan ang sahod, gusto may katulong ang naiwan sa Pinas. Tatlumpong libo kada buwan, gustong magkaroon ng Honda Civic. Apatnapong libo kada buwan, gustong magbakasyon sa Singapore ang buong pamilya. Limampung libo? Parang kulang ang isang blog post para isa-isahin natin kung saan gustong gamitin ng isang OFW ang sahod.
Walang planong magpatayo ng sariling pangkabuhayan
Karamihan sa mga OFW, pag-alis sa ating bansa, wala sa kanilang plano ang mag-ipon para sa negosyo. Mag-ipon para sa malaking bahay siguro, pero pangkabuhayan, saka na nila iisipin kapag nakapag-ipon na ng malaki-laki. Pero dahil kadalasa’y tamang-tama lang ang ipinapadalang pera buwan-buwan ng isang OFW, mukhang matagal-tagal pa bago makapag-ipon para sa sariling negosyo. At KUNG sakali mang nakapag-ipon na, ‘anong negosyo naman ang ipapatayo ko?’ tanong ng isang OFW. May mga OFW na nagtanong na sa akin kung ano bang magandang negosyo para sa perang naipon nila? Ang madalas na sagot ko’y ‘Ano bang hilig mong gawin na pwede sanang pagkakitaan mo?’ At doon na nagsisimula ang mga pangarap nilang ‘Gusto ko sanang magkaroon ng internet café kasi mahilig talaga akong mag-Friendster at mag-chat pero malaki bang kikitain sa computer shop?.’ ‘Gusto ko sanang magkaroon ng restaurant dahil mahilig ako sa fine dining pero baka kulang naman naipon ko.’ ‘Gusto sana ng mga kasama kong Pilipino dito sa Australia na mag-franchise na lang sa Jollibee para hindi gaano mahirap kasi wala naman kaming background pa sa negosyo.’ Ang mga PERONG ‘yun ay siyang pumipigil sa mga OFW para ituloy ang balak mag-negosyo kaya’t lumilipas ang isa, dalawa o tatlong tao’y hindi pa makapagdesisyon ang isang OFW kung magnenegosyo nga ba o hindi.
Mas gusto nang tumira sa bansang pinuntahan
Marami rin sa ating mga kababayang OFW ang nagnanais na doon na lang sa bansang pinuntahan na pumirmi. Marami sa ating mga kakilala sa Canada na pinepetisyonan ang mga pamilya para magkakasama silang muli. Ito’y para maibsan ang pangungulila ng isang OFW sa pamilya at para maranasan naman ng kapamilya nila ang buhay sa ibang bansa. Makapaglaro sila sa snow sa Canada, mapasakay nila ang mga magulang nila sa bagong kotseng binili nila at ilibot sa buong California. Maipasyal ang mga anak sa Disneyland sa Hong Kong. At sasabihin nila, ‘Wala ‘yan sa Pilipinas’. Kaya’t ang isang maasahan sana ng bansa natin na tutulong para maiahon ang bansa natin, ay mawawala na dahil ang kikitai’y iikot na lang sa bansang kumupkop sa kanya.
Takot nang bumalik sa dating hirap sa buhay ang isang OFW
Sasabihin ng isang OFW, ‘Nakakamiss ang Pilipinas, pero kung uuwi ako ng Pilipinas, anong ipapakain ko sa sarili ko’t sa pamilya ko?’ Sa nakikitang karangyaan ng mga OFW sa ibang bansa, nagiging bangungot na sa kanila ang paglingon sa bansang pinanggalingan. Nakakatakot makipagsapalaran sa isang bansang walang maipapangakong maayos na trabaho, tahimik na kapaligiran, sapat na pagkain, malinis na pamamalakad sa bayan at walang maliwanag na hinaharap. At yan ang tingin ng mga OFW sa bansa natin.
Kayo, ano sa tingin n’yo ang mga dahilan kung bakit sa inaakala ng isang OFW na dalawang taong pamamalagi sa ibang bansa’y umaabot sa apat, walo, sampung taon hanggang sa ayaw nang bumalik dito sa ating bansa?
Photo courtesy of Dimitry B.

Photo courtesy of Dimitry B.

Ang drama pag-alis ng isang OFW ay ganito:

OFW: “Hayaan mo anak, dalawang taon lang ako sa Kuwait. Pagdating ko, may pasalubong kang PSP sa akin.”

Anak: “Gusto ko yung latest na PSP ‘nay ha. Ingat kayo lagi doon.”

Asawang maiiwan: “Sulat ka agad pagdating mo doon ha, para hindi kami mag-aalala sa ‘yo.”

OFW: “Oo, pagkaapak ko sa Kuwait, susulat ako agad, promise.”

Dalawang taon lang, dahil yun ang kadalasang kontrata sa mga OFW ng kompanyang papasukan nila. Pero bago sumapit ang katapusan ng kanilang kontrata, inaayos na nila ang mga papeles na kakailanganin para sa susunod na kontrata nila. Maaring sa susunod na dalawang taon uli. At maging sa mga susunod pang dalawang taon hanggang sa hindi natin alam kung kailan nga ba maiisipan ng isang OFW na tumalaga na sa ating bansa.

Naisip n’yo ba kung bakit kapag naranasan na ng isang Pinoy na mangibang bansa, tila ayaw na nilang bumalik pa dito sa ating bansa? Mabuti na lang at hindi panghabang-buhay ang kontratang pinipirmahan, kaya’t ang paliparan nati’y nadadapuan pa rin ng mga balik-bayan.

Bakit nga ba nagtatagal ang isang OFW sa ibang bansa?

May anak o kapatid na pinapag-aral

Isa ito sa pinakamaraming dahilan kung bakit ang dalawang taong kontrata ay kulang na kulang para maisipan ng isang OFW na tumigil na sa pag-aabroad. Kung ang anak ay nasa Kinder 2 pa lang, anim na taon pa ang gugugulin sa elementarya, apat na taon sa high school at apat o limang taon sa kolehiyo. Sasabihin ko sanang mas masuwerte ang mga OFW na ang papag-aralin ay kapatid na magkokolehiyo na dahil apat na taon lang ang ilalagi sa ibang bansa, pero, pero teka, nalaman ng pinsan ang roaming number ng OFW kaya’t nakiusap silang ‘Sana man lang, tulungan mo naman kaming makapag-aral, total gra-graduate naman na ang kapatid mo. Sabuyan mo naman kami ng grasya na mga pinsan mo ate. Please naman.’ Kailan pa mauubos ang mga kamag-anak na gustong mag-aral?

Tila walang pinatutunguhan ang perang pinapadala sa Pinas

Sa dami ng napupuntahan ng perang pinapadala ng isang OFW sa Pilipinas, mapa-sampung libo o limampung libo man ang ipapadala, tumaas man ang palitan ng dolyar sa black market, bumaba man ang pagpapa-remit sa abroad, tila kulang pa rin ang malaking sahod nila sa ibang bansa. Bakit? Dahil habang lumalaki ang kita ng isang pamilyang Pinoy, lumalaki din ang pangangailangan o mas mainam sigurong sabihing mas lumalaki ang gustong pagkakagastusan. Dalawampung libo kada buwan ang sahod, gusto may katulong ang naiwan sa Pinas. Tatlumpong libo kada buwan, gustong magkaroon ng Honda Civic. Apatnapong libo kada buwan, gustong magbakasyon sa Singapore ang buong pamilya. Limampung libo? Parang kulang ang isang blog post para isa-isahin natin kung saan gustong gamitin ng isang OFW ang sahod.

Walang planong magpatayo ng sariling pangkabuhayan

Karamihan sa mga OFW, pag-alis sa ating bansa, wala sa kanilang plano ang mag-ipon para sa negosyo. Mag-ipon para sa malaking bahay siguro, pero pangkabuhayan, saka na nila iisipin kapag nakapag-ipon na ng malaki-laki. Pero dahil kadalasa’y tamang-tama lang ang ipinapadalang pera buwan-buwan ng isang OFW, mukhang matagal-tagal pa bago makapag-ipon para sa sariling negosyo. At KUNG sakali mang nakapag-ipon na, “Anong negosyo naman ang ipapatayo ko?” tanong ng isang OFW. May mga OFW na nagtanong na sa akin kung ano bang magandang negosyo para sa perang naipon nila? Ang madalas na sagot ko’y ‘Ano bang hilig mong gawin na pwede sanang pagkakitaan mo?’ At doon na nagsisimula ang mga pangarap nilang

“Gusto ko sanang magkaroon ng internet café kasi mahilig talaga akong mag-Friendster at mag-chat pero malaki bang kikitain sa computer shop?.”

“Gusto ko sanang magkaroon ng restaurant dahil mahilig ako sa fine dining pero baka kulang naman naipon ko.”

“Gusto sana ng mga kasama kong Pilipino dito sa Australia na mag-franchise na lang sa Jollibee para hindi gaano mahirap kasi wala naman kaming background pa sa negosyo.”

Ang mga PERONG ‘yun ay siyang pumipigil sa mga OFW para ituloy ang balak mag-negosyo kaya’t lumilipas ang isa, dalawa o tatlong taon ay hindi pa makapagdesisyon ang isang OFW kung magnenegosyo nga ba o hindi.

Mas gusto nang tumira sa bansang pinuntahan

Marami rin sa ating mga kababayang OFW ang nagnanais na doon na lang sa bansang pinuntahan na pumirmi. Marami sa ating mga kakilala sa Canada na pinepetisyonan ang mga pamilya para magkakasama silang muli. Ito’y para maibsan ang pangungulila ng isang OFW sa pamilya at para maranasan naman ng kapamilya nila ang buhay sa ibang bansa. Makapaglaro sila sa snow sa Canada, mapasakay nila ang mga magulang nila sa bagong kotseng binili nila at ilibot sa buong California. Maipasyal ang mga anak sa Disneyland sa Hong Kong. At sasabihin nila, Wala ‘yan sa Pilipinas.” Kaya’t ang isang maaasahan sana ng bansa natin na tutulong para maiahon ang bansa natin, ay mawawala na dahil ang kikitai’y iikot na lang sa bansang kumupkop sa kanya.

Takot nang bumalik sa dating hirap sa buhay ang isang OFW

Sasabihin ng isang OFW, “Nakakamiss ang Pilipinas, pero kung uuwi ako ng Pilipinas, anong ipapakain ko sa sarili ko’t sa pamilya ko?” Sa nakikitang karangyaan ng mga OFW sa ibang bansa, nagiging bangungot na sa kanila ang paglingon sa bansang pinanggalingan. Nakakatakot makipagsapalaran sa isang bansang walang maipapangakong maayos na trabaho, tahimik na kapaligiran, sapat na pagkain, malinis na pamamalakad sa bayan at walang maliwanag na hinaharap. At yan ang tingin ng mga OFW sa bansa natin.

Kayo, ano sa tingin n’yo ang mga dahilan kung bakit sa inaakala ng isang OFW na dalawang taong pamamalagi sa ibang bansa’y umaabot sa apat, walo, sampung taon hanggang sa ayaw nang bumalik dito sa ating bansa?

33 mga puna »

  1. yehey, base!hehehe

    tama ka mahal sa mga puna at dahilan kung bakit nagtatagal ang mga OFW sa ibang bansa. Maalala ko ng ako’y nagaaply ng trabaho, nung briniefing kami ng manager, tinanong nya yung isang lalake kung bakit sya nandun e sekretarya ang inaaplayan nya. Sa di mapigilan, tumawa lahat ang mga kasama ko(malamang pati ako kasi di ko na matandaan). Pero nalaman namin na dati pala siyang OFW na secretarya ang trabaho sa Dubai at ngayon ngang gusto na nyang mamalagi sa pinas para sa kanyang pamilya, gusto nyang maghanap ng trabaho bilang secretarya dahil yun naman ang natutunan nyang trabaho sa abroad. Yan ang isang dahilan kung bakit bumabalik ang mga OFW sa abroad dahil sa mga nakasanayang trabaho sa abroad, ang kanilang natutunan na mga skills ay hindi na angkop sa pinas. Marami ang gustong bumalik sa abroad dahil wala naman silang magagawa dito sa pinas. Walang oportunidad dahil saturated na ang pwedeng pagpapasukang trabaho dito.

    Komento ni thefloriadeeventsandconcepts — Oktubre 7, 2009 @ 7:18 umaga | Sagutin

    • Ang galeng ng puna mo mahal. Tama ka sa sinabi mong ang isa pang dahila’y walang puwedeng mapapasukan ng isang OFW na naaangkop sa natutunan niyang trabaho sa ibang bansa.

      Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Oktubre 7, 2009 @ 7:36 umaga | Sagutin

  2. naalala ko tuloy yung commercial yata ng DFA yun sa TV.

    yung papaalis na yung isang OFW sana, tapos ang dami nyang sinabi sa pamilya nya: mga pangako, pangarap etc.

    tapos pagtalikod ng mga kapamilya nya bigla silang napalingon.
    nakita nilang bumalik yung OFW. Hindi natuloy yung pag-alis nya, peke kasi yung passport nya. Nyahahahha tawa ako ng tawa. Nyahahahah 🙂

    pero astig yung commercial. at iyon na yata ang may pinaka may sense na commercial ng mga sangay ng gobyerno.

    ayun. sa tanong mo simple lang naman e, masyado pa ring mabuhay sa Pilipinas. Iniisip nila napagbalik nila sa Pilipinas wala pa ring magbabago dahil wala pa ring makuhang trabaho, kaya napipilitan silang bumalik o mag-stay.

    Hindi pa rin mapaparisan ang kinikita nila sa ibang bansa kaysa sa Pilipinas.

    pero puwede naman yun mabago kung mag-uumpisa sila ng maliit na negosyo 🙂

    Komento ni otep — Oktubre 7, 2009 @ 8:20 umaga | Sagutin

    • May mga napanood na tayong kuwento ng mga OFW na bumalik dito sa Pilipinas at nagpatayo ng negosyo kaya’t puwede mabago otep. Libre naman ang mangarap di ba (gaya ng sabi mo sa blog mo)? Kaya’t umpisahan sa isang simpleng pangarap hanggang sa ito’y matupad. 🙂

      Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Oktubre 7, 2009 @ 12:48 hapon | Sagutin

  3. finally, nakarating din ako dito! nakakapagbukas-kaisipan ang post mo na ‘to. OFW ang sister ko…dalaga, walang pinag-aaral, walang sinusuportahan na magulang o kapatid. nagbibigay din sa pamilya pero hindi inoobliga. OFW pa rin s’ya after 7 years kasi di n’ya makukuha dito ang compensation at benefits na ini-enjoy nya sa trabaho n’ya sa labas. simple lang ang gusto n’ya, magtrabaho sa basement, di makikipag-usap o haharap sa tao—natupad nga ang wish nya!:P she loves her job, malaki ang sweldo, maganda ang benefits. maraming nagsasabi na dito sa Pinas, kokonti lang ang umaasenso sa sipag, tyaga at talino—kailangan daw dito ay connections, kapal ng mukha at tibay ng sikmura. so kung sipag, tyaga at talino lang ang meron ka, better work abroad.

    Komento ni luna miranda — Oktubre 7, 2009 @ 10:28 umaga | Sagutin

    • Sa wakas Miranda, nakarating ka din dito. Maraming salamat. At maraming salamat sa ibinahagi mong kuwento ng sister mo. Isang katotohanan din ang sinabi mong kailangan din ng connections, kapal ng mukha at tibay ng sikmura ang kailangan mo dito sa bansa natin para umasenso. Isa ring dahilan kung bakit nagdadalawang-isip ang mga kababayan nating bumalik pa dito sa Pilipinas. Marami sa kanila ang mas mararapatin pang makipagsapalaran at tiisin ang hirap sa ibang bansa kaysa danasin ang hirap dito sa atin. Dalangin ko lang, na balang araw, mababago din ang ganitong kaisipan ng maraming kababayan natin, mapa-OFW man o hindi.

      Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Oktubre 7, 2009 @ 12:54 hapon | Sagutin

  4. mag comment aku sa mga topic mu kuya. isa akong ofw for 7 years in kuwait. ang balak ku lng nung 1st kontrata ku ay 2 years lng aku sa kuwait pero nung naranasan ku ng magbakasyon sa pinas cnabi ku sa sarili ku babalik aku sa kuwait dhil ang hirap ng buhay sa pinas.bawat kilos mu pera paanu kung wala ka ng pera.gutom ang abutin ng pamilya utang dito utang dun.walang mangyayari kpag ganun palagi.kaya nagdecide na ku bumalik sa kuwait.gusto ku kc laging nakakatulong sa mga kapatid ku lalong lalo ang nanay ku.ayaw kong naghihirap cla.masarap ang magtrabaho sa ibang bansa kc malaki ang sahod lalabanan mu lamag ang homesick. kung papadala ka sa lungkot wang mangyayari kundi uuwi ka sa pinas kaya hirap ang abutin mu run.kaya ang maipapayo ku sa nga kababayan nating habang bata pa at malakas mag ipon ng pera mag ipon para sa kinabukasan ng mga anak natin.kuya i like ur topic gawa ka ulit about sa mga ofw para lalong mainspire taung lahat.sa totoo lng dati d ku pinapansin ang mga blog nu dahil nabuburing akong magbasa pero nung ginawa mu ung tungkol sa ofw naging addict na ku magbasa.ipinababahagi ku nga sa mga staff ku rito kasama na nung mga co managers ku.natuwa cla.

    Komento ni jack — Oktubre 7, 2009 @ 2:28 hapon | Sagutin

    • Salamat Jack sa napakagandang comment mo. Dahil isa kang OFW, nakakapagbigay ka ng mga ganitong comment na hango sa sariling karanasan ng isang OFW. Kayo ang nakakapagbigay inspirasyon sa mga kababayan natin at marinig mula sa inyo ang tunay na buhay ng isang OFW. Napupunan ninyo ang hindi ko nababanggit dito sa blog ko. Natutuwa rin ako’t sa pamamagitan ng blog na ito, nakakapagbigay inspirasyon din ako sa inyong mga OFW.

      Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Oktubre 7, 2009 @ 3:37 hapon | Sagutin

  5. napaka dami talagang rason ang mga tao kung bkit sila na ngingibang bansa,at kung bakit nga sila nagtatagal sa ibang bansa na parang ayaw na nilang bumalik sa bansang sinilangan katulad ko, peru may balak din naman akung umuwi ng pinas, hehehe

    hirap din kasing magsalita, kung maganda lang kasi anh buhay sa pinas, sana wala ng mga OFW.

    Komento ni pinkdiaries — Oktubre 7, 2009 @ 5:20 hapon | Sagutin

    • Ang sinabi mong “kung maganda lang kasi ang buhay sa pinas” ay puwede nating gamiting simula ng pangarap para mapagtuunan natin ng pansin ang bansa natin para sa abot ng ating makakaya’y unti-unti nating makamit ang pangarap na ito.

      Maligayang pagbabalik-bayan muli PinkDiaries.

      Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Oktubre 8, 2009 @ 3:51 umaga | Sagutin

  6. kung naranasan lng ng mga kababayan ang mag abroad ay sasabihin nila ang sarap palang kumita ng malaki,tapos papadalhan mu ang pamilya mu sapat sa budget nila ng isang buwan,pero minsan may mga tao na pag pinadalhan mu ng malaki or maliit ay magcocomento clang d nagkakasya ang padala.sa karanasan ku bilang isang ofw,ANG masasabi ku lng perfect at successful ang pagpunta ku rito.maging matyaga ka lng at maging dedikated ka sa mga employer mu at higit sa lahat honest ka ibibigay nila ng buong buo ang tiwala nila sau.sasabihin pa nila na hanggat gusto mung manilbihan sa kompanya nila ay ok sa kanila.ang ate ku nun matagal ku ng inaalok na mag abroad kya lng tudo tanggi xa dahil d daw nya kayang iwanan ang pamilya nya at higit sa lahat ang anak nya pero nung nakaranas xa ng hirap sa buhay na halos wala clang makain ay nagkusa na xang nagdesisyon na mag abroad.sa ngaun nag eenjoy xa sa work nya.kuya sabik akong mabasa ang susunod mung blog about sa ofw,anu kaya ang topic.

    Komento ni jack — Oktubre 7, 2009 @ 8:33 hapon | Sagutin

    • “maging matyaga ka lng at maging dedikated ka sa mga employer mu at higit sa lahat honest ka ibibigay nila ng buong buo ang tiwala nila sau.”

      Ang ganda ng komento mong ito Jack, malaking tip ito sa mga Pinoy na nagbabalak ding maging OFW. Maraming salamat 🙂

      Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Oktubre 8, 2009 @ 4:05 umaga | Sagutin

  7. Ang sister ko na registered nurse, from Riyadh, lumipat ng UK, at ngayon nasa Vancouver, kasama ang kanyang pamilya. Bakit nga ba sila nagtatagal doon at parang ayaw na bumalik? at kinukumbinsi pa ako na mag migrate din…hahahah… marami syang rason… Their taxes work for them. kahit daw malaki ang kaltas sa sweldo, aba naman ang balik sa kanila ng serbisyo ng gobyerno eh ganun na lang from transportation, to security, to education, to health care, to name a few. At pwede pa silang magreklamo pag di sila kontento sa government services.
    Mga simpleng bagay na nakakadagdag sa relaxed at laid back na buhay like malinis at magandang kapaligiran, disiplinado ang mga tao, at walang tsismisan sa kanto ng buhay buhay hahaha..
    In short Tags, lahat ng wala dito sa Pilipinas ay andoon sa ibang bansa hahahahaha, except, si Piolo Pascual, wala sila non! LOL

    Komento ni Dowie aka atta — Oktubre 7, 2009 @ 11:56 hapon | Sagutin

    • Tama ka diyan Dowie, marami man sila ng mga bagay-bagay na wala sa atin, wala naman silang Papa Piolo hahaha. Kaya naman para mas lalo silang maglaway, pumunta pa sila Papa Piolo sa Paris para gawin ang Lovers in Paris (pagsasalin: nanood ako ng marathon ng Lovers in Paris noong Linggo sa ABS-CBN).

      Isang dagdag lang sa sinabi mong puwede silang magreklamo pag di sila kontento sa government services sa bansa nila. Ang meron tayo, kung nagreklamo ka dito sa atin, isa kang opisisyon at maaaring kalkalin ang nakaraan mo para ‘yun ang gagamiting panlaban sa ‘yo at hindi ang solusyon sa problemang idinudulog mo sa kanila. Isa ring dahilan kung bakit nagdadalawang-isip ang mga kababayan nating OFW na bumalik sa Pinas. Whew!

      Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Oktubre 8, 2009 @ 4:02 umaga | Sagutin

  8. Aguyyy andito din pala si Mira at si Dowiee masamet akala ko kung kanino ng mga komento ang nabasa ko. Hello Constantine , dumaan lang ako ang nakibasa na rin ng mga komento tungkol sa mga OFW ( saka na ako mag kokomento kase umiiyak na ang prinsesa ko )

    Komento ni bebehnikka — Oktubre 8, 2009 @ 2:48 umaga | Sagutin

    • Salamat sa pagdaan dito bebehnikka. Ako din, nawiwili akong magbasa sa mga komento ninyo, na siyang nagbibigay ng kalahati sa kabuuan ng kuwento sa likod ng bawat post ko. Hello sa prinsesa mo 🙂

      Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Oktubre 8, 2009 @ 3:53 umaga | Sagutin

  9. sa mga kababayan nating ofw ay d lahat sa kanila ay maswerte ang mga nakuha nilang emplyer karaming nakakaranas cla ng pagmamaltrato ng kanilang mga amu.kya nagdedesisyon clang umuwi nalang sa pinas.ang mga iba naman ntin kababayan kaya tumatagal sila sa ibang bansa dhil nandoon ang mga pamilya nila na halos ayaw na nilng bumalik sa pinas.dahil cla ay naging matagumpay cla.

    Komento ni jack — Oktubre 9, 2009 @ 4:10 hapon | Sagutin

  10. Napakarami ngang dahilang kung bakit ang iba sa atin ay nangingibang bansa. Kumita ng pera, makapasyal sa ibang bansa at matutong makisalamuha sa iba’t ibang kultura. Napakaganda din ng hangarin ng iba, ang magkaroon ng bagong kaalaman na maaring ibahagi sa paguwi sa Pilipinas sa ikauunlad ng ating bansa.

    Komento ni boypulubi — Oktubre 13, 2009 @ 10:20 umaga | Sagutin

    • Ang mga bagong kaalaman na nalalaman ng mga OFW ang hinahangad ko ring ibahagi nila dito sa ating bansa pag-uwi nila boypulubi. Malaking bagay ito sa pag-unlad ng bansa natin.

      Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Oktubre 13, 2009 @ 1:53 hapon | Sagutin

  11. bakit po ba may mga ofw na nangingibang bansa meron naman dito

    Komento ni Mr.Critical — Pebrero 16, 2010 @ 6:34 umaga | Sagutin

    • Maraming dahilan kung bakit sila nangingibang bansa Mr. Critical. Isa na dyan ang paghahanap ng mas mataas na sahod sa kaparehong trabaho dito sa atin. Meron ding nawawalan ng pag-asang makahanap ng trabaho dito at sa ibang bansa nakahanap sa pamamagitan ng recruitment agency. Meron ding mga nawalan ng pag-asang maging matahimik ang buhay nila dito kaya’t sa ibang bansa hinanap. Meron ding gustong mapabilis ang pag-asenso at nangangarap na pagkatapos ng ilang taon ay babalik dito para magnegosyo, na ang iba’y pinalad, at ang iba’y di gaano, kaya’t minabuting doon muna sa ibang bansa manatili ng ilang taon pa hanggang sa tuluyan nang kalimutan ang pangarap na bumalik pa dito sa Pinas.

      Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Pebrero 16, 2010 @ 8:51 umaga | Sagutin

  12. Napakatypical ng storya para sa OFW dahil sa dumadaming financial responsibilidad. Dito nga sa Dubai, maraming Kabayan ang nababaon sa utang at nauubusan sa sweldo. Karamihan eh di man lang maka-save.

    Isang community service ang ginawa namin dito sa United Arab emirates para sa mga OFW to manage their savings and do their debt reduction program.

    Sa pamamagitan nito eh magkaroon ng saysay at programa ang mga Kabayan natin para makapaghanda sila sa kanilang pag-uwi at retirement sa Pinas.

    Go here for details
    http://www.facebook.com/pages/Free-Pinoy-Financial-Checkup/345188348578

    Komento ni OFWFinancialCheckup — Abril 8, 2010 @ 3:43 hapon | Sagutin

  13. Sa totoo lang masarap maging OFW habang single ka pa at wala ka pang asawa. Kung di ka sanay sa buhay maralita habang di mo matiis na mawalay sa magiging asawa at anak mo, magtrabaho ka na lang sa abroad pagkatapos ng college sa loob ng 10 taon., Para pagdating sa Pilipinas may ipon at pangkabuhayan na dito, Ang asawa mo nakilala sa abroad pagkatapos ng kasal magtrabaho na lang dito sama sama na ang pamilya di pa maghihirap sa pera mas ok di ba mag abroad habang binata at dalaga pa tayo

    Komento ni Arvin Troy Baquir Madronio — Hulyo 15, 2012 @ 3:56 umaga | Sagutin

  14. hello po,isa narin po akong ofw dito sa lebanon(uae)namamasukan bilang kasambay.mahigit na 3 taun na ako manatili dito at planu ko pong ipun ng pera para mag nenegosyo nalang po ako sa pinas..kaya nga po nag ne net suffering ako para makakuha ng ilang mga tips tungkol sa negosyo..di naman po ganun ka taas ang aking pinagaralan but i try my best..sana may makakatulong sakin na mkahanap ng idea,kung anong negosyo ang papasukin..raming salamat po.

    Komento ni mary ann — Nobyembre 10, 2012 @ 10:12 hapon | Sagutin

  15. haha

    Komento ni cuttylei — Enero 29, 2013 @ 10:52 umaga | Sagutin

  16. gnda

    Komento ni cuttylei — Enero 29, 2013 @ 10:53 umaga | Sagutin

  17. ako to

    Komento ni Cutty Lei — Enero 29, 2013 @ 10:53 umaga | Sagutin

  18. adik

    Komento ni japayuki — Pebrero 19, 2013 @ 12:55 hapon | Sagutin

  19. Sana sa lahat nang mga ofw sana mging matalino pagdating sa pera at padala d lagi maganda katawan para magtrbo sa ibng bnsa..

    Komento ni geline dela cruz monterola — Oktubre 23, 2013 @ 5:47 umaga | Sagutin

  20. -‘-

    Komento ni mary — Pebrero 9, 2014 @ 1:35 hapon | Sagutin

  21. nu bayan. wala man lang naitulong sakin. -,-

    Komento ni mary — Pebrero 9, 2014 @ 1:36 hapon | Sagutin

  22. Problema sa atin mga ofw ay kulang tyo sa kaalaman sa pag hawak ng salapi. Kpag sa tuwing swelduhan ay bili ng gadget, damit at padala lahat sa pinas. Dapat Sana ay matuto tyo mag impok ng 20% ng ating kinikita, 50% sa pang gastusin sa araw araw, 20% I tulong sa mahal sa buhay at 10% nman ay sa luho.ng sa ganon ay Bigyan nman ang ating sarili ng kunswelo Dahil sa pagtratrabaho. Yung 20% na nabangit ko sa itaas ay iinvest sa stock market o kya sa Mutual fund pra ng sa ganon ay mas lalong lumaki ang ipon.

    Komento ni pangz — Abril 6, 2014 @ 2:05 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng tugon sa jack Pindutin ito para bawiin ang tugon.

Sumulat ng Blog sa WordPress.com.