Pinoy na Pinoy

Agosto 29, 2009

Sangdaang Taon ng Baguio sa SLSC

Filed under: Kulturang Pinoy — Constantine Guitang @ 4:34 umaga
Tanda ng namamatnugot: Ito’y panauhing paksa mula sa aking maybahay na si Jasmine ng The Floriade Events and Concepts.

DSC01478Datapwa’t hindi ako makata gaya ng aking kabiyak na siyang pasimuno ng blog na ito, pipilitin kong maihayag at ibahagi ang aking karanasan sa araw na ito sa mga taga-subaybay ng blog na ito.

Kaya’t kung inyong mamarapatin, uumpisahan ko na po ito.

Ang aking paksa ngayon ay tungkol sa nalalapit na sentenaryo ng aming mahal na siyudad, ang Baguio.

Ngayong araw ay ipinagdiwang ng aking alma mater sa Saint Louis School Center ang isang daang kaarawan ng Baguio at Buwan ng Wika.

Ang Pagdiriwang ng mga Mag-aaral sa SLSC

Inumpisahan ang programa ng taimtim na dasal na pinangunahan ng isang mag-aaral. Sumunod ang isang maikling kuwento ngunit puno ng mensahe mula kay Sister. Inihalintulad ni Sister ang dating Baguio noon at sa ngayon. Sabi ni Sister, noon ang Baguio ay napakalamig at sariwa ang simoy ng hangin. Kapag pumupunta ka sa palengke, hindi mo kailangan hawakan ng mahigpit ang inyong bag dahil ang mga tao noon ay mababait at may respeto sa kapwa. Noon, malinis at amoy pino (pine trees) ang hangin. Ngunit sa paglipas ng panahon, ang Baguio ay unti-unting nagbago. Unti-unting nawala ang mga puno, ang amoy pinong hangin ay hindi na nalalasap ng mga tao.

DSC01453Inihalintulad din ni Sister kung paano nabuo ang bituin at ito ay dahil sa mga elementong nagbuklod-buklod at dahil dun, ay nabuo ang isang bituin. Gaya rin ng tao at kalikasan, tayong lahat ay magkakaugnay. Kaya’t dapat nating pangalagaan ang isa’t-isa at ang kalikasan dahil kung ano man ang ating gagawin, lahat ito ay may epekto sa atin at sa buong mundo.

Tinanong din ni Sister sa mga mag-aaral kung mayroon daw ba silang puwedeng gawin upang maibalik ang dating masiglang Baguio. At ang sagot ng mga mag-aaral ay “Opo”.

DSC01493Pagkatapos noon ay ipinakita ng mga mag-aaral ang kanilang saloobin para sa sentenaryo ng Baguio at pagmamahal sa ating sariling wika sa pamamagitan ng isang tula, pag-awit, pagsayaw ng katutubong sayaw, cheering at pagbati.

Sa pamamagitan nito, batid ng mga bata ang kahalagahan ng malinis na Baguio at naipapamalas nila ang kanilang mga talento na siyang magiging daan upang masalba ang unti-unting pagkasira ng siyudad dahil sa polusyon, pagtaas ng krimen na nauugnay sa gang ng mga kabataan, pagkakasakit ng mga tao dahil na rin sa matinding usok at maduming kapaligiran.

Sa pagtatapos ng programa, ang mga ika-anim na baitang ay umawit ng “Tara na, byahe tayo sa Baguio!”

Ang Pakikibahagi Natin

Sa ating mga bisita, nawa’y mapanatili nating maayos at malinis pa rin ang Baguio at huwag tayong mag-kontribute sa pagkasira nito. Ganun din ang mga taga-Baguio. Nawa’y alagaan natin ang Baguio at gawin natin ang ating makakaya upang maibalik ang pinong amoy ng hangin at mapayapang siyudad dito sa Norte. Sana’y sa ating munting mga kontribusyon, manumbalik ang kapayapaan, kalinisan at karangyaan ng kalikasan ng Baguio upang ang mga susunod na henerasyon ay matamasa pa rin nila ang kagandahan ng Baguio at mamuhay ng tahimik, malusog at maipagmalaki ang Baguio.

Pasasalamat at Pagbati

Gusto ko ring pasalamatan at batiin ang aming anak na si Chanice sa pagkamit n’ya ng first place sa Birthday Card Making Contest para sa Baguio Centennnial sa antas ng Kinder. Kami ay natutuwa’t sa pagbabahagi ng kanyang talento, malaking kontribusyon ito sa pagdiriwang ng kaarawan ng Baguio at pagpapakita ng pagpapahalaga sa lupang kanyang sinilangan.

Sa Baguio, maligayang pagbati sa ‘yo!

Agosto 22, 2009

Buhay Kolehiyo Part 1: Yehey, First Year Na Ako!

Filed under: Buhay Estudyante — Constantine Guitang @ 11:47 hapon
Ganito ang kadalasang nangyayari sa isang estudyanteng magkokolehiyo.
Bago Sumapit ang Enrollment
Tapos na ang Graduation Party ng valedictorian nyo. At habang papalapit ang enrollment, di ka mapakali dahil sa galak. Hindi ka makapagpasiya kung saan ka mag-aaral. Sa Baguio ba o sa Maynila o sa State University ng probinsya nyo. Doctor, engineer o nurse kaya? Naaalala mo nga ang madalas mong binabanggit na ‘Gusto kong maging doktor, para matulungan ang mga may sakit.’
Pero sabi mo sa sarili mo, ‘Kaya ko ito.’ Ang guest speaker ‘nyo nung graduation sa high school na si mayor ang naging inspirasyon mo. Sabi nya, ‘Ang edukasyon ang pag-asa ng Pilipino. Kayong mga kabataan ang pag-asa ng bayan. At huwag nyo sanang kakalimutang magsilbi sa bayan gaya ng ginawa kong pagsisilbi sa nakaraang tatlong taon. Gaya ng pagpagawa ko ng gymnasium, pagpapasemento ko ng kalsada ng Barangay Uno. Kaya’t sa darating na eleksyon, sana’y blah blah blah, blah blah blah.’
Samantala, ang mga magulang mo’y abala sa pagbuo sa maaari mong gastusin sa enrollment, wala pa dun ang gagastusin mo pagkatapos ng enrollment. Maaaring ang magulang mo’y isang OFW na nananalangin na sana’y hindi tamaan ng krisis ang kumpanya nila o ng amo nya. Maaaring ang magulang mo’y isang magsasaka na hindi muna binayaran ang utang sa pagkakasangla ng lupaing sinasaka para lang may maipabaon sayo. Ang ibang mga magulang ay nag-loan sa SSS, GSIS, Credit Coop o sa isang Bombay.
Araw ng Enrollment
Sa wakas, samapit ang enrollment. Pinalad kang pumasa sa entrance examination sa napili mong paaralan. Nalula ka sa dami ng mga estudyanteng nagpapaenroll. Una mong naranasang makipagsiksikan at pumila ng linyang parang ayaw nang gumalaw. Maswerte kayo dahil may Block Section sa mga First Year kaya’t hindi mo muna mararanasan ang mag-shopping ng schedule. Kaso kulang ka sa requirements, wala kang dalang 1 x 1 picture. Kaya’t takbo ka sa Rush ID shop. Buti na lang computerized na ang enrollment system ng napili mong paaralan kaya’t napaiksi ang dati’y dalawang araw na pag-eenroll. Nakahinga ka ng maluwag nang sa wakas, nakabalik ka na sa masikip na kuwarto ng boarding house mo. Kumpleto na sana ang saya mo’t sa wakas, First Year College ka na, kung maganda lang sana ang kuha mo sa ID mo.
Patikim ng Buhay Kolehiyo
Sa unang araw ng klase, medyo nagkakahiyaan pa kayo. Pero di mo maiwasang titigan ang nasa harapan mo. Nasabi mong sya na ang bagong crush mo at napagtanto mong pangit pala ang apat na taon mong crush sa high school. Pero kung gaano ka nabighani sa bagong crush mo, s’ya namang tindi ng sumpa ang abot ng matandang guro mo sa Pilipino sa ‘yo, na nagbigay agad ng takdang aralin sa unang araw ng klase. Ganun din ang guro mo sa English, na ipinagdiinan ang pagtawag n’yo sa kanya ng Professor at hindi teacher.
Pagkatapos ng unang dalawang oras mo sa kolehiyo, parang ayaw mo nang tumuloy sa pangatlo, pang-apat hanggang pang-walong klase mo. Kung hindi mo lang iniisip ang nakasanglang lupain n’yo, ang pinagbentahan ng kalabaw nyo, bukod pa sa ikaw ay panganay sa pamilya o mga dalangin ng mga magulang mo na ‘Anak, ikaw na lang ang pag-asa naming umasenso sa buhay…’
Kaya’t nasabi mo na lang sa sarili mo, ‘Maligayang pagdating sa kolehiyo sarili ko. Alam kong simula pa lang ito ng buhay kolehiyo.’
Abangan ang iba pang bahagi ng seryeng ito. Kayo, anong naging karanasan n’yo sa unang taon nyo sa kolehiyo?
Ang pagiging First Year College ay patikim pa lang ng buhay kolehiyo. Salamat kay Cobrasoft sa larawan.

Ang pagiging First Year College ay patikim pa lang ng buhay kolehiyo. Salamat kay Cobrasoft sa larawan.

Ganito ang kadalasang nangyayari sa isang estudyanteng magkokolehiyo.

Bago Sumapit ang Enrollment

Tapos na ang Graduation Party ng valedictorian n’yo. At habang papalapit ang enrollment, di ka mapakali dahil sa galak. Hindi ka makapagpasiya kung saan ka mag-aaral. Sa Baguio ba, sa Maynila o sa State University ng probinsya nyo. Doctor, engineer o nurse kaya? Naaalala mo nga ang madalas mong binabanggit noong bata ka na ‘Gusto kong maging doktor, para matulungan ang mga may sakit.’ Pero ngayo’y parang mas gusto mo nang maging nurse, pero ang mga barkada mo’y Engineering daw ang kukunin.

Pero sabi mo sa sarili mo, ‘Kaya ko ito.’ Ang guest speaker n’yo nung graduation sa high school na si mayor ang naging inspirasyon mo. Sabi nya,

‘Ang edukasyon ang pag-asa ng Pilipino. Kayong mga kabataan ang pag-asa ng bayan. At huwag nyo sanang kakalimutang magsilbi sa bayan gaya ng ginawa kong pagsisilbi sa bayang ito sa nakaraang tatlong taon. Gaya ng pagpagawa ko ng gymnasium, pagpapasemento ko ng kalsada ng Barangay Uno. Kaya’t sa darating na eleksyon, sana’y blah blah blah, blah blah blah.’

Samantala, ang mga magulang mo’y abala sa pagbuo sa maaari mong gastusin sa enrollment, wala pa dun ang gagastusin mo pagkatapos ng enrollment. Maaaring ang magulang mo’y isang OFW na nananalangin na sana’y hindi tamaan ng krisis ang kumpanya nila o ng amo n’ya. Maaaring ang magulang mo’y isang magsasaka na hindi muna binayaran ang utang sa pagkakasangla ng lupaing sinasaka para lang may maipabaon sayo. Ang ibang mga magulang ay nag-loan sa SSS, GSIS, Credit Coop o sa isang Bombay.

Araw ng Enrollment

Sa wakas, samapit ang enrollment. Pinalad kang pumasa sa entrance examination sa napili mong paaralan. Nalula ka sa dami ng mga estudyanteng nagpapaenroll. Una mong naranasang makipagsiksikan at pumila ng linyang parang ayaw nang gumalaw. Maswerte kayo dahil may Block Section sa mga First Year na estudyante kaya’t hindi mo muna mararanasan ang mag-shopping ng schedule. Kaso kulang ka sa requirements, wala kang dalang 1 x 1 ID picture. Kaya’t takbo ka sa Rush ID photo shop. Buti na lang computerized na ang enrollment system ng napili mong paaralan kaya’t napaiksi ang dati’y dalawang araw na pag-eenroll. Nakahinga ka ng maluwag nang sa wakas, nakabalik ka na sa masikip na kuwarto ng boarding house mo. Kumpleto na sana ang saya mo’t sa wakas, First Year College ka na, kung maganda lang sana ang kuha mo sa ID mo.

Patikim ng Buhay Kolehiyo

Sa unang araw ng klase, medyo nagkakahiyaan pa kayo. Pero di mo maiwasang titigan ang nasa harapan mo. Nasabi mong s’ya na ang bagong crush mo at napagtanto mong pangit pala ang apat na taon mong crush sa high school. Pero kung gaano ka nabighani sa bagong crush mo, s’ya namang tindi ng sumpa ang abot ng matandang guro mo sa Pilipino sa ‘yo, na nagbigay agad ng takdang aralin sa unang araw ng klase. Ganun din ang guro mo sa English, na ipinagdiinan ang pagtawag n’yo sa kanya ng Professor at hindi teacher.

Pagkatapos ng unang dalawang oras mo sa kolehiyo, parang ayaw mo nang tumuloy sa pangatlo, pang-apat hanggang pang-walong klase mo. Kung hindi mo lang iniisip ang nakasanglang lupain n’yo, ang pinagbentahan ng kalabaw nyo, bukod pa sa ikaw ay panganay sa pamilya o mga dalangin ng mga magulang mo na ‘Anak, ikaw na lang ang pag-asa naming umasenso sa buhay…’

Kaya’t nasabi mo na lang sa sarili mo, ‘Maligayang pagdating sa kolehiyo sarili ko. Alam kong simula pa lang ito ng buhay kolehiyo.’

Abangan ang iba pang bahagi ng seryeng ito. Kayo, anong naging karanasan n’yo sa unang taon n’yo sa kolehiyo?

Agosto 19, 2009

Ingats!

Filed under: Ugaling Pinoy — Constantine Guitang @ 11:14 hapon
Ang paksang ito ay isang mungkahi mula kay Jules sa kanyang kumento sa “Tuloy Po Kayo” (kung meron man kayong gustong talakayin nating paksa, huwag mag-atubiling sabihin sa kumento). Gusto n’yang malaman kung bakit nga ba ang Pinoy mahilig sa salitang ‘ingat’.
Ang kahulugan ng Ingats
Madalas na nagagamit ito pag may kaibigan, kakilala o bisita na umaalis. Ang ibig sabihin nito sa ganitong pagkakataon ay paalam. Nangangahulugan din ito ng pag-iingat o mapagmatyag ng taong aalis o ang taong sinasabihin natin na malayo sa atin. Ito’y paraan din ng pagsasabing ‘Hindi na kita mamakasama pansamantala, kaya’t ingatan mo ang sarili mo.’ Madalas din itong ginagamit na panghuling salita sa text, sulat, email o sa usapan sa telepono na nagpapahiwatig ng ‘Hanggang sa muli.’
Pagkagamit ng Ingats sa Telebisyon
Sa kasikatan ng salitang ‘Ingats’, ginamit ito sa komersyal ng Biogesic (http://www.youtube.com/watch?v=vqOoVQLZp_s ).  Ipanapakita na sa kabila ng pagpapaalala ng mga mahal natin sa pagsasabi ng ingat, hindi pa rin natin maiiwasan magkasakit. At dahil sa salitang ‘ingats’, ipinapaalala din ng komersyal na ito ang pagiging maingat natin sa pagpili ng gamot.
Bakit nga ba mahilig ang Pinoy na magsabi ng ‘Ingats!’?
Likas na sa ating mga Pinoy ang pagiging maalalahanin. Sa simpleng salitang ‘Ingats’, pinaparamdam natin sa ating mga mahal sa buhay, kakilala at kaibigan na iniisip pa rin natin sila maski malayo sila. Ginagamit din ng marami bilang kaswal na pagbati para mapanatili ang pagiging malapit sa isa’t isa lalo na sa mga kaibigan o barkada.
Iba pang paraan ng paggamit ng Ingats
1. Ingats sila sayo.
2. Ingats palage.
3. Ingat ka, mahal kita.
4. Ingats, huwag kalimutang maligo.
5. Sige, ingats guys.
6. Ingats sa pag-uwi.
7. Mag-ingat sa mandurukot.
8. Ingats, madapa ka sana.
Sa panahon ngayon, dapat nga lang naman na tayo’y mag-ingat. Ano sa inyo ang ibig sabihin ng ‘Ingats’? Sige, ingats.
Ingats! Larawang kuha ni Lusi

Ingats! Larawang kuha ni Lusi

Ang paksang ito ay isang mungkahi mula kay Jules sa kanyang kumento sa “Tuloy Po Kayo(kung meron man kayong gustong talakayin nating paksa, huwag mag-atubiling sabihin sa kumento). Gusto n’yang malaman kung bakit nga ba ang Pinoy mahilig sa salitang ‘ingat’.

Ang kahulugan ng Ingats

Madalas na nagagamit ito kapag may kaibigan, kakilala o bisita na umaalis. Ang ibig sabihin nito sa ganitong pagkakataon ay paalam. Nangangahulugan din ito ng pag-iingat o pagiging mapagmatyag ng taong aalis o ng taong sinasabihin natin na malayo sa atin. Ito’y paraan din ng pagsasabing ‘Hindi na kita makakasama pansamantala, kaya’t ingatan mo lagi ang sarili mo.’ Madalas din itong ginagamit na panghuling salita sa text, sulat, email o sa usapan sa telepono na nagpapahiwatig ng ‘Hanggang sa muli.’

Pagkagamit ng Ingats sa Telebisyon

Sa kasikatan ng salitang ‘Ingats’, ginamit ito sa komersyal ng Biogesic na tinatampok ang aktor na si John Lloyd.  Ipanapakita na sa kabila ng pagpapaalala ng mga mahal natin sa pagsasabi ng ‘ingat’, hindi pa rin natin maiiwasan magkasakit. At dahil sa salitang ‘ingats’, ipinapaalala din ng komersyal na ito ang pagiging maingat natin sa pagpili ng gamot.

Bakit nga ba mahilig ang Pinoy na magsabi ng ‘Ingats!’?

Likas na sa ating mga Pinoy ang pagiging maalalahanin. Sa simpleng salitang ‘Ingats’, pinaparamdam natin sa ating mga mahal sa buhay, kakilala at kaibigan na iniisip pa rin natin sila maski malayo sila. Ginagamit din ng marami bilang kaswal na pagbati para mapanatili ang pagiging malapit sa isa’t isa lalo na sa mga kaibigan o barkada. Sa madalas na pagsasabi ng ‘ingats’, nabubuo at lalong pinapaigting sa atin ang pagkakaisa.

Iba pang paraan ng paggamit ng Ingats

  1. Ingats sila sayo.
  2. Ingats palage bebs.
  3. Ingat ka, mahal kita.
  4. Ingats, huwag kalimutang maligo.
  5. Sige, ingats guys.
  6. Ingats sa pag-uwi.
  7. Mag-ingat sa mandurukot.
  8. Ingats! Madapa ka sana.

Sa panahon ngayon, dapat nga lang naman na tayo’y mag-ingat.

Ano sa inyo ang ibig sabihin ng ‘Ingats’?  Talakayin na sa kumento. Sige, ingats!

Agosto 17, 2009

Sampung Klase ng Texters

Filed under: Ugaling Pinoy — Constantine Guitang @ 3:08 hapon
Nakilala ang Pilipinas bilang kapitolyo ng text ng buong mundo dahil sa hilig nating mag-text. Mapasimpleng ‘san na u’ o ‘d2 na me’ o di kaya’y ‘k bebs’ lang, mapatunog lang natin ang cellphone ng mahal natin sa buhay, masaya na tayo. Kaya’t bumuo ako ng sampung klase ng mga texters.
Narito sila.
1. Super Bilis na Texter – Ito ang mga klase ng texters na animo’y keyboard ang keypad ng cellphone nila. Mapapamangha ka sa bilis ng hinlalaki nila, sa ilang iglap, lumipad na ang mensahe nila. Kung may kalyo ng hinlalaki ng isang texter, malamang, kabilang sila sa kategoryang ito.
2. Di Marunong Gumamit ng Space – Sila ang matitinding magbuo ng mensahe na animo’y isang sikretong mensahe, pero kung susuriing mabuti ay malinaw din palang basahin. Sila yung nagtitipid ng espasyo para masiksik nila ang gustong sabihin sa pisong text lang. Ganito ang halimbawa ng text nila: GndngUmgaBebsGsingKaNaBaAkoKagi2singKoLangNapanaginipanKtaKagabiNagsu2buanDawTauNgUdoks.
3. Mahilig sa Shortcut – Nakaranas ka na bang makatanggap ng text na galing sa kanila? Kung hindi ka sanay sa ganitong klase ng text, mapipilitan kang tawagan ang nagtext sa’yo para linawin ang text ‘nya. Halimbawa: sn n u w8 m q ha mlpt n q, d2 na q tpt ng jaliB.
4. Wala sa Oras Magpadala ng Text – Sila yung mga texters na walang paki-alam kung tulog ka na o hindi. Maski alas dos o alas tres na ng madaling araw, basta maisipang mag-text, magte-text yan. Ang sasabihin lang naman eh ‘Gising ka pa ba?’
5. Mahilig Magpasa ng Jokes – Ito yung mga madalas naka-unlimited na texters para marami silang maipapadalang jokes. Iniipon nila ang bawat joke na natatanggap nila sabay ipapadala sa lahat ng nasa phonebook nila. Dito ka mamamangha sa husay ng Pinoy na mag-imbento ng mga jokes. Halimbawa: 1 gbi,1 lolo ang humtak s 1 ba2e s damuhan..
Girl: lolo, kht mhubran nyo q, d nyo q kyng gahasain dhl su2mp0ng lng ryuma ny0.
Lolo:watch me! Nagflanax yta 2!
6. Mahilig sa Pasaload – Sila ang mahilig mag-text pero hindi mahilig magpaload. Marami silang textmate para mas marami silang mahingan ng load. Ang nasa unahan ng template nila’y ‘Pasaload naman dyan.’
7. Di Marunong Magtextback – Maiinis ka mga ganitong klase ng texter dahil hindi nila ugaling sumagot sa mga text. Hindi mo tuloy malaman kung natanggap nila ang text mo o hindi. Madalas, nasa bag lang nila ang cellphone nila at naka-silent mode.
8. Mahilig sa Unlimited – Sila naman ang kabaligtaran ng pang-pitong klase ng texter. Ito yung mga super adik sa text kaya’t gustong-gusto nilang gumamit ng UNLI20 at isesend sa 258 sa mga Smart subscribers o UNLITXT80 at isesend sa 8888 sa mga Globe subscribers. Hindi rin sila mawawalan ng unlimited text sa Sun na isang buwang nakaunlimited. Kadalasan, dalawa o tatlo ang cellphone ng mga texters na ito.
9. Nobelista – Madalang magpadala ng text ang mga texters na ito pero kung magpapadala ng text, animo’y nakatanggap ka ng email, sinasagad ang isang libong letrang limitasyon ng cellphone nila. Minsan, maiinis pa kung maiksi lang ite-text back mo. Ganito mag-text ang nanay ko sa akin.
10. Madalas Walang Load – Hindi ko na sana sila isasali bilang pang-sampung klase dahil iisipin nyong wala nga silang load paano pa sila naging texter. Nakakatext pa rin sila, kaya lang, madalas, nakikitext sila sa sino mang unang makikita nilang may cellphone.
Kayo, anong klaseng texters kayo? Kabilang ba kayo sa sampung nabanggit, o marami pang klaseng di ko nabanggit?
Salamat kay Lusi sa larawan.

Salamat kay Lusi sa larawan.

Nakilala ang Pilipinas bilang kapitolyo ng text ng buong mundo dahil sa hilig nating mag-text. Mapasimpleng ‘san na u’ o ‘d2 na me’ o di kaya’y ‘k bebs’ lang, mapatunog lang natin ang cellphone ng mahal natin sa buhay, masaya na tayo. Kaya’t bumuo ako ng sampung klase ng mga texters.

Narito sila.

1. Super Bilis na Texter – Ito ang mga klase ng texters na animo’y keyboard ang keypad ng cellphone nila. Mapapamangha ka sa bilis ng hinlalaki nila, sa ilang iglap, lumipad na ang mensahe nila. Kung may kalyo ng hinlalaki ng isang texter, malamang, kabilang sila sa kategoryang ito.

2. Di Marunong Gumamit ng Space – Sila ang matitinding magbuo ng mensahe na animo’y isang sikretong mensahe, pero kung susuriing mabuti ay malinaw din palang basahin. Sila yung nagtitipid ng espasyo para masiksik nila ang gustong sabihin sa pisong text lang. Ganito ang halimbawa ng text nila: GndngUmgaBebsGsingKaNaBaAkoKagi2singKoLangNapanaginipanKtaKagabiNagsu2buanDawTauNgUdoks.

3. Mahilig sa Shortcut – Nakaranas ka na bang makatanggap ng text na galing sa kanila? Kung hindi ka sanay sa ganitong klase ng text, mapipilitan kang tawagan ang nagtext sa’yo para linawin ang text ‘nya. Halimbawa: sn n u w8 m q ha mlpt n q, d2 na q tpt ng jaliB.

4. Wala sa Oras Magpadala ng Text – Sila yung mga texters na walang paki-alam kung tulog ka na o hindi. Maski alas dos o alas tres na ng madaling araw, basta maisipang mag-text, magte-text yan. Ang sasabihin lang naman eh ‘Gising ka pa ba?

5. Mahilig Magpasa ng Jokes – Ito yung mga madalas naka-unlimited na texters para marami silang maipapadalang jokes. Iniipon nila ang bawat joke na natatanggap nila sabay ipapadala sa lahat ng nasa phonebook nila. Dito ka mamamangha sa husay ng Pinoy na mag-imbento ng mga jokes. Halimbawa:

1 gbi,1 lolo ang humtak s 1 ba2e s damuhan..

Girl: lolo, kht mhubran nyo q, d nyo q kyng gahasain dhl su2mp0ng lng ryuma ny0.

Lolo:watch me! Nagflanax yta 2!

6. Mahilig sa Pasaload – Sila ang mahilig mag-text pero hindi mahilig magpaload. Marami silang textmate para mas marami silang mahingan ng load. Ang nasa unahan ng template nila’y ‘Pasaload naman dyan.

7. Di Marunong Magtextback – Maiinis ka mga ganitong klase ng texter dahil hindi nila ugaling sumagot sa mga text. Hindi mo tuloy malaman kung natanggap nila ang text mo o hindi. Madalas, nasa bag lang nila ang cellphone nila at naka-silent mode.

8. Mahilig sa Unlimited – Sila naman ang kabaligtaran ng pang-pitong klase ng texter. Ito yung mga super adik sa text kaya’t gustong-gusto nilang gumamit ng UNLI20 at isesend sa 258 sa mga Smart subscribers o UNLITXT80 at isesend sa 8888 sa mga Globe subscribers. Hindi rin sila mawawalan ng unlimited text sa Sun na isang buwang nakaunlimited. Kadalasan, dalawa o tatlo ang cellphone ng mga texters na ito.

9. Nobelista – Madalang magpadala ng text ang mga texters na ito pero kung magpapadala ng text, animo’y nakatanggap ka ng email, sinasagad ang isang libong letrang limitasyon ng cellphone nila. Minsan, maiinis pa kung maiksi lang ite-text back mo. Ganito mag-text ang nanay ko sa akin.

10. Madalas Walang Load – Hindi ko na sana sila isasali bilang pang-sampung klase dahil iisipin nyong wala nga silang load paano pa sila naging texter. Nakakatext pa rin sila, kaya lang, madalas, nakikitext sila sa sino mang unang makikita nilang may cellphone.

Kayo, anong klaseng texters kayo? Kabilang ba kayo sa sampung nabanggit, o marami pang klaseng di ko nabanggit?

Agosto 15, 2009

Bahay Kubo

Filed under: Katutubong Awit — Constantine Guitang @ 11:41 hapon
Magsimula muna tayo ng paksang simple, ang sikat na sikat sa mga Pinoy na kantang Bahay Kubo.
Marami nang nagtataka kung bakit Bahay Kubo ang pamagat ng kantang ito. Natanong nyo na rin ba kung bakit? Di daw ba mas mainam na ang pamagat eh “Halamanan” o sa mga Ilokano eh “Pinakbet ” o sa mga taga-Baguio eh “Chopsuey” na lang sana? Dahil pagkatapos ng “Bahay kubo, kahit munti”, eh puro na halaman at gulay ang binanggit?
Ilang klase ng halaman ang nasa paligid ng Bahay Kubo?
Bilangin natin.
Singkamas at talong (dalawa) – Pinagsamang maputi at maitim.
Sigarilyas at mani (apat na). – Maning pampahenyo na pamparayuma.
Sitaw, bataw at patani (pito na) – Mag-ingat ang mga may rayuma sa mga gulay na ito.
Kundol, patula, upo’t kalabasa (labing-isa na).
Labanos, mustasa (labing-apat).
Sibuya, kamatis, bawang at luya (labing-walo) – Ang tawag ng Ajinomoto dito, Ginisa Mix.
At linga (labing-siyam po lahat).
Bakit nga ba Bahay Kubo ang pamagat?
Kung mapapansin natin, karamihan sa mga Pinoy na kanta, ang pamagat ay ang mga unang kataga nito. “Leron, Leron Sinta”, “Ako ay may Lubo”, “Penpen de Sarapen”, “Sirsiritsit” at marami pang iba. Kaya’t nangyari lamang na pinamagatan ng nagsulat (sino nga po ba ang nagsulat ng kantang ito?) ng “Bahay Kubo” ng “Bahay Kubo”.
Dahil sa nakagawiang ito, ang ating “Lupang Hinirang” ay kadalasang nasasabing “Bayang Magiliw”.
Ano sa palagay nyo ang iba pang dahilan kung bakit nga pinamagatang “Bahay Kubo”? Makisali na sa pagkumento.
Ang bahay kubo na kuha ni Chexee

Ang bahay kubo na kuha ni Chexee

Magsimula muna tayo ng paksang simple, ang sikat na sikat sa mga Pinoy na kantang “Bahay Kubo”.

Maraming nagtataka kung bakit “Bahay Kubo” ang pamagat ng kantang ito. Natanong n’yo na rin ba kung bakit? ‘Di ba mas mainam na ang pamagat ay “Halamanan”, o sa mga Ilokano ay “Pinakbet “, o ‘di kaya sa mga taga-Baguio ay “Chopsuey” na lang sana? Dahil pagkatapos ng “Bahay kubo, kahit munti”, ay puro na halaman at gulay ang binanggit?

Ilang klase ng halaman ang nasa paligid ng Bahay Kubo?

Bilangin po natin.

  • Singkamas at talong (dalawa) – Pinagsamang maputi at maitim.
  • Sigarilyas at mani (apat na). – Maning pampahenyo na pamparayuma.
  • Sitaw, bataw at patani (pito na) – Mag-ingat ang mga may rayuma sa mga gulay na ito.
  • Kundol, patula, upo’t kalabasa (labing-isa na).
  • Labanos, mustasa (labing-apat).
  • Sibuya, kamatis, bawang at luya (labing-walo) – Ang tawag ng Ajinomoto dito, Ginisa Mix.
  • At linga (labing-siyam po lahat). – Tandaan ang bilang, baka tanungin saWowowee.

Bakit nga ba Bahay Kubo ang pamagat?

Kung mapapansin natin, karamihan sa mga Pinoy na kanta, ang pamagat ay ang mga unang kataga nito. “Leron, Leron Sinta”, “Ako ay may Lubo”, “Penpen de Sarapen”, “Sirsiritsit” at marami pang iba. Kaya’t nangyari lamang na pinamagatan ng nagsulat (sino nga po ba ang nagsulat ng kantang ito?) ng “Bahay Kubo” ng “Bahay Kubo”.

Dahil sa nakagawiang ito, ang ating “Lupang Hinirang” ay kadalasang nasasabing “Bayang Magiliw”.

Ano sa palagay nyo ang iba pang dahilan kung bakit nga pinamagatang “Bahay Kubo” ang katutubong awit na ito? Makisali na sa pagkumento.

Bagong Pahina »

Sumulat ng Blog sa WordPress.com.