Pinoy na Pinoy

Agosto 14, 2009

Tuloy Po Kayo

Filed under: Uncategorized — Constantine Guitang @ 1:03 hapon
Tuloy po kayo.

Tuloy po kayo.

Maligayang pagdating kabayan!

Matagal ko nang binalak na gawin ang ganitong tema ng blog.  Pero bago ko ito nasimulan, hinayaan ko munang maglaro ito sa isipan ko para masigurong maihain ko ang mga paksang gustong-gusto kong ihain sa inyo.

Ano nga ba ang layunin ng blog na ito?

Masaya, masalimuot, makulay, mayaman sa kultura, madamdamin, maaksyon,  at madrama ang buhay Pinoy. Ito ang dahilan kung bakit gusto kong sumali sa mga katulad nating Pinoy na patuloy na isinusulat ang kulturang Pinoy upang maging salamin nating may pusong Pinoy.

Ang blog na ito’y maghahain ng paksa tungkol sa mga Pinoy at hihikayatin namin kayo na sumali at makipagbalitaktakan sa pamamagitan ng pagbibigay kumento sa mga paksang nagustuhan. Nang sa ganun, mas lalong mahuhukay ang kaibuturan ng bawat paksang maihahain.

Sinu-sino po ba ang pwedeng sumali?

Bata, matanda, me ipin o wala, saan ka man sa mundo, basta may pusong Pinoy ka, pwedeng-pwede kang tumambay, at magbasa dito. Lalong kagigiliwan ka namin kung mag-iiwan ka ng kumento sa mga pagdalaw mo dito.

Nahalata kong Tagalog ang ginagamit nyo, kailangan po bang mag-Tagalog din ako sa mga kumento ko?

Hindi kinakailangan. Pero hinihikayat namin kayong gumamit ng sariling wika natin para Pinoy na Pinoy ang dating.

Sino po sila?

Ako po si Constantine Guitang, isang software developer na taga-Baguio na maka-ilang beses na ring nagtangkang magsulat. Nawa’y magiging makabuluhan na itong tangkang pagsusulat na ito.

Kaya’t, maligayang pagdating po sa Pinoy na Pinoy.  Aantayin namin kayo sa pagsubaybay nyo dito sa Pinoy na Pinoy blog. Hanggang sa muli.

Mga Puna »

  1. Tags….. napapakanta ako ng “Pinoy Ako, Pinoy Tayo”.. lolz
    Ipagpatuloy mo ang iyong pagsusulat at ipangalat ang mapaglaro mong isipan.
    Mabuhay ka Tags.
    Babasahin namin ni ic3 ang iyong mga likha habang kami ay nagkikilitian. hahahaha…

    Komento ni Dowie aka atta — Agosto 18, 2009 @ 2:35 umaga | Tugon

    • Salamat Atta at Ice sa pagdalaw nyo dito sa bago kong kinagigiliwan. Nawa’y mapaigting ko pa lalo ang pagka-Pinoy ko para makalikha pa ako ng mga dahilan para kayong dalawa’y makalabitan, este, makilitian hahaha.

      Komento ni pinoynapinoy — Agosto 18, 2009 @ 7:50 umaga | Tugon

  2. Hello Tags,

    Galeng naman! More power to write Tags! Ingats ;-)( pede kang magsulat hinggil sa “ingat” word..Bakit nga ba ang pinoy mahilig sa salitang ingat? hehehe

    Komento ni jules — Agosto 19, 2009 @ 5:42 umaga | Tugon

    • Salamat Jules sa kumento. Gaya ng sinabi mo, gumawa tayo ng bagong paksa tungkol sa ‘Ingats!‘.

      Komento ni pinoynapinoy — Agosto 19, 2009 @ 11:20 hapon | Tugon

  3. […] paksang ito ay isang mungkahi mula kay Jules sa kanyang kumento sa “Tuloy Po Kayo” (kung meron man kayong gustong talakayin nating paksa, huwag mag-atubiling sabihin sa […]

    Pasa ni Ingats! « Pinoy na Pinoy — Agosto 19, 2009 @ 11:14 hapon | Tugon

  4. Mga ka-pinoy narito na ang kapatid ng may-ari ng pinoy na pinoy! Ako po si Blog Ong. Bumisita na ngayon sa BOBONG HOUSE gawa ng isang BOBONG GENIUS. Kita-kits po! http://bobonghouse.blogspot.com

    Komento ni Blog Ong — Agosto 26, 2009 @ 4:14 hapon | Tugon

  5. Napadaan lang po sa blog ng kuya ko! Hehe. Ako ang kapatid nya, SI BLOG ONG.
    Bumisita rin kayo sa isa na namang MAIPAGMAMALAKING GAWANG PINOY BLOG! http://www.bobonghouse.blgospot.com.

    Kita kits po!

    Komento ni Blog Ong — Agosto 26, 2009 @ 4:18 hapon | Tugon


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

%d bloggers like this: