Pinoy na Pinoy

Agosto 22, 2009

Buhay Kolehiyo Part 1: Yehey, First Year Na Ako!

Filed under: Buhay Estudyante — Constantine Guitang @ 11:47 hapon
Ganito ang kadalasang nangyayari sa isang estudyanteng magkokolehiyo.
Bago Sumapit ang Enrollment
Tapos na ang Graduation Party ng valedictorian nyo. At habang papalapit ang enrollment, di ka mapakali dahil sa galak. Hindi ka makapagpasiya kung saan ka mag-aaral. Sa Baguio ba o sa Maynila o sa State University ng probinsya nyo. Doctor, engineer o nurse kaya? Naaalala mo nga ang madalas mong binabanggit na ‘Gusto kong maging doktor, para matulungan ang mga may sakit.’
Pero sabi mo sa sarili mo, ‘Kaya ko ito.’ Ang guest speaker ‘nyo nung graduation sa high school na si mayor ang naging inspirasyon mo. Sabi nya, ‘Ang edukasyon ang pag-asa ng Pilipino. Kayong mga kabataan ang pag-asa ng bayan. At huwag nyo sanang kakalimutang magsilbi sa bayan gaya ng ginawa kong pagsisilbi sa nakaraang tatlong taon. Gaya ng pagpagawa ko ng gymnasium, pagpapasemento ko ng kalsada ng Barangay Uno. Kaya’t sa darating na eleksyon, sana’y blah blah blah, blah blah blah.’
Samantala, ang mga magulang mo’y abala sa pagbuo sa maaari mong gastusin sa enrollment, wala pa dun ang gagastusin mo pagkatapos ng enrollment. Maaaring ang magulang mo’y isang OFW na nananalangin na sana’y hindi tamaan ng krisis ang kumpanya nila o ng amo nya. Maaaring ang magulang mo’y isang magsasaka na hindi muna binayaran ang utang sa pagkakasangla ng lupaing sinasaka para lang may maipabaon sayo. Ang ibang mga magulang ay nag-loan sa SSS, GSIS, Credit Coop o sa isang Bombay.
Araw ng Enrollment
Sa wakas, samapit ang enrollment. Pinalad kang pumasa sa entrance examination sa napili mong paaralan. Nalula ka sa dami ng mga estudyanteng nagpapaenroll. Una mong naranasang makipagsiksikan at pumila ng linyang parang ayaw nang gumalaw. Maswerte kayo dahil may Block Section sa mga First Year kaya’t hindi mo muna mararanasan ang mag-shopping ng schedule. Kaso kulang ka sa requirements, wala kang dalang 1 x 1 picture. Kaya’t takbo ka sa Rush ID shop. Buti na lang computerized na ang enrollment system ng napili mong paaralan kaya’t napaiksi ang dati’y dalawang araw na pag-eenroll. Nakahinga ka ng maluwag nang sa wakas, nakabalik ka na sa masikip na kuwarto ng boarding house mo. Kumpleto na sana ang saya mo’t sa wakas, First Year College ka na, kung maganda lang sana ang kuha mo sa ID mo.
Patikim ng Buhay Kolehiyo
Sa unang araw ng klase, medyo nagkakahiyaan pa kayo. Pero di mo maiwasang titigan ang nasa harapan mo. Nasabi mong sya na ang bagong crush mo at napagtanto mong pangit pala ang apat na taon mong crush sa high school. Pero kung gaano ka nabighani sa bagong crush mo, s’ya namang tindi ng sumpa ang abot ng matandang guro mo sa Pilipino sa ‘yo, na nagbigay agad ng takdang aralin sa unang araw ng klase. Ganun din ang guro mo sa English, na ipinagdiinan ang pagtawag n’yo sa kanya ng Professor at hindi teacher.
Pagkatapos ng unang dalawang oras mo sa kolehiyo, parang ayaw mo nang tumuloy sa pangatlo, pang-apat hanggang pang-walong klase mo. Kung hindi mo lang iniisip ang nakasanglang lupain n’yo, ang pinagbentahan ng kalabaw nyo, bukod pa sa ikaw ay panganay sa pamilya o mga dalangin ng mga magulang mo na ‘Anak, ikaw na lang ang pag-asa naming umasenso sa buhay…’
Kaya’t nasabi mo na lang sa sarili mo, ‘Maligayang pagdating sa kolehiyo sarili ko. Alam kong simula pa lang ito ng buhay kolehiyo.’
Abangan ang iba pang bahagi ng seryeng ito. Kayo, anong naging karanasan n’yo sa unang taon nyo sa kolehiyo?
Ang pagiging First Year College ay patikim pa lang ng buhay kolehiyo. Salamat kay Cobrasoft sa larawan.

Ang pagiging First Year College ay patikim pa lang ng buhay kolehiyo. Salamat kay Cobrasoft sa larawan.

Ganito ang kadalasang nangyayari sa isang estudyanteng magkokolehiyo.

Bago Sumapit ang Enrollment

Tapos na ang Graduation Party ng valedictorian n’yo. At habang papalapit ang enrollment, di ka mapakali dahil sa galak. Hindi ka makapagpasiya kung saan ka mag-aaral. Sa Baguio ba, sa Maynila o sa State University ng probinsya nyo. Doctor, engineer o nurse kaya? Naaalala mo nga ang madalas mong binabanggit noong bata ka na ‘Gusto kong maging doktor, para matulungan ang mga may sakit.’ Pero ngayo’y parang mas gusto mo nang maging nurse, pero ang mga barkada mo’y Engineering daw ang kukunin.

Pero sabi mo sa sarili mo, ‘Kaya ko ito.’ Ang guest speaker n’yo nung graduation sa high school na si mayor ang naging inspirasyon mo. Sabi nya,

‘Ang edukasyon ang pag-asa ng Pilipino. Kayong mga kabataan ang pag-asa ng bayan. At huwag nyo sanang kakalimutang magsilbi sa bayan gaya ng ginawa kong pagsisilbi sa bayang ito sa nakaraang tatlong taon. Gaya ng pagpagawa ko ng gymnasium, pagpapasemento ko ng kalsada ng Barangay Uno. Kaya’t sa darating na eleksyon, sana’y blah blah blah, blah blah blah.’

Samantala, ang mga magulang mo’y abala sa pagbuo sa maaari mong gastusin sa enrollment, wala pa dun ang gagastusin mo pagkatapos ng enrollment. Maaaring ang magulang mo’y isang OFW na nananalangin na sana’y hindi tamaan ng krisis ang kumpanya nila o ng amo n’ya. Maaaring ang magulang mo’y isang magsasaka na hindi muna binayaran ang utang sa pagkakasangla ng lupaing sinasaka para lang may maipabaon sayo. Ang ibang mga magulang ay nag-loan sa SSS, GSIS, Credit Coop o sa isang Bombay.

Araw ng Enrollment

Sa wakas, samapit ang enrollment. Pinalad kang pumasa sa entrance examination sa napili mong paaralan. Nalula ka sa dami ng mga estudyanteng nagpapaenroll. Una mong naranasang makipagsiksikan at pumila ng linyang parang ayaw nang gumalaw. Maswerte kayo dahil may Block Section sa mga First Year na estudyante kaya’t hindi mo muna mararanasan ang mag-shopping ng schedule. Kaso kulang ka sa requirements, wala kang dalang 1 x 1 ID picture. Kaya’t takbo ka sa Rush ID photo shop. Buti na lang computerized na ang enrollment system ng napili mong paaralan kaya’t napaiksi ang dati’y dalawang araw na pag-eenroll. Nakahinga ka ng maluwag nang sa wakas, nakabalik ka na sa masikip na kuwarto ng boarding house mo. Kumpleto na sana ang saya mo’t sa wakas, First Year College ka na, kung maganda lang sana ang kuha mo sa ID mo.

Patikim ng Buhay Kolehiyo

Sa unang araw ng klase, medyo nagkakahiyaan pa kayo. Pero di mo maiwasang titigan ang nasa harapan mo. Nasabi mong s’ya na ang bagong crush mo at napagtanto mong pangit pala ang apat na taon mong crush sa high school. Pero kung gaano ka nabighani sa bagong crush mo, s’ya namang tindi ng sumpa ang abot ng matandang guro mo sa Pilipino sa ‘yo, na nagbigay agad ng takdang aralin sa unang araw ng klase. Ganun din ang guro mo sa English, na ipinagdiinan ang pagtawag n’yo sa kanya ng Professor at hindi teacher.

Pagkatapos ng unang dalawang oras mo sa kolehiyo, parang ayaw mo nang tumuloy sa pangatlo, pang-apat hanggang pang-walong klase mo. Kung hindi mo lang iniisip ang nakasanglang lupain n’yo, ang pinagbentahan ng kalabaw nyo, bukod pa sa ikaw ay panganay sa pamilya o mga dalangin ng mga magulang mo na ‘Anak, ikaw na lang ang pag-asa naming umasenso sa buhay…’

Kaya’t nasabi mo na lang sa sarili mo, ‘Maligayang pagdating sa kolehiyo sarili ko. Alam kong simula pa lang ito ng buhay kolehiyo.’

Abangan ang iba pang bahagi ng seryeng ito. Kayo, anong naging karanasan n’yo sa unang taon n’yo sa kolehiyo?

Mga Puna »

  1. Ahhh… hmm ako di ko masyadong na-enjoy ang college life ko, kasi hinanap ko ang klase ng “bonding” nung Highschool ako. Huli na ng ma-realize kong mali pala hanapin ang isang bagay sa ibang panahon. At dapat lamang sumabay tayo sa pagbabagong mangyayari sa ating buhay habang tumatakbo ang panahon.
    Tulad ngayon, marami nang pagbabago sa buhay ko.. enjoyin ang bawat pagbabago at i-welcome ang mga ito.
    waaa ang layo ata sa topic mo Tags ah… lolz…

    Komento ni Dowie aka atta — Agosto 24, 2009 @ 6:38 umaga | Tugon

    • Hahaha, hindi ka pa naman lumalayo sa topic atta. Ang pagiging ‘first year’ natin ang nagiging umpisa ng pagbabago sa ating buhay, mapakolehiyo, sa trabaho o sa pagbuo ng pamilya.

      Ako, na-enjoy ko ang first year college ko dahil dalawa sa aking mga barkada sa high school ang nag-aral din dito sa Baguio kaya’t meron ako kaagad kasangga. Pero iba pa rin talaga ang high school life sa buhay kolehiyo. Magandang binabalik-balikan kapag may reunion ang mga ka-batch.

      Komento ni pinoynapinoy — Agosto 24, 2009 @ 7:43 umaga | Tugon

  2. aku hindi aku nag enjoy nung college life ku,unang una working students aku para makapag aral naranasan kong maging parang katulong sa bahay ng aking tyahin na ubod ng istrikta ni hindi ku nga naranasan pumasok sa sinehan khit isang beses lng.malate lng aku ng isang oras sa pag uwi magagalit na xa.pero ang naging kapalit naman ay disiplina sa sarili at higit sa lahat takot sa nakakatanda at respeto sa kanila.cla ang nagpaaral sa akin.pero kung d dahil sa kanila d ku mararating ang ganitong asenso ng buhay at career.sa makapulot ng aral ang konti kong mensahe at puna sa topic mu.

    Komento ni jack — Oktubre 9, 2009 @ 7:53 hapon | Tugon

  3. […] lang ang natapos ay dahil sa kahirapan ng buhay. Mapalad na ang isang nagtatapos sa high school na mapangakohan ng kanyang mga magulang na siya’y tutuloy sa kolehiyo. Pero kung isa ka sa karamihan ng mga kabataan na hindi kakayanin ng mga magulang ang pagkokolehiyo […]

    Pasa ni Buhay Working Student « Pinoy na Pinoy — Oktubre 13, 2009 @ 1:39 hapon | Tugon

  4. gusto ko rin po makatapos ng pag aaral kaso di ko po alam pano mag umpisa kasama ko po ang kapatid ko ngayon binobuhay namin mga sarili namin,..ang dami na po naming pinontahan na tao or bahay pinasukan bilang katulong,nag makaawa kami na sana pag aralin kami ni isa po wala kaming swerte na nakuha di kami tinangap baka daw pag boboyfriend or baka daw lukohin namin sila,..19 na po ako umaasa po ako hangang ngayon na sana isang araw may tao na pumayag at maawa samin…di po ako nakatapos ng elimentary pati po birthcertificate ko di ko maayos ayos di pa nga daw ata ako napabinyagan,..disidido po ako na makatapos ng pag aaral,..para matulongan mga kapatid ko,,…lumayas po ako sa pudir ng mama ko dahil minanyak ako ng asawa nya,..di ko rin po kasi alam if may tatay kami or wala na..step father na lang ang kasama ng mama namin,..dami ko na pong webset na pinag post san ng messge ko para makilala ako at sakaling may pagasa na makuha sa pinag gagawa ko,..una po nahihiya ako pero kaylangan ko po gawin to,..wala na po ako maisip na iba paraan,,..hmmm god help me plsss,……….maraming salamat po to po # ko 09278981612

    Komento ni elizabeth — Nobyembre 7, 2009 @ 7:57 umaga | Tugon

  5. .sins 2005 binago ko ugali ko para lang makaharap mga tao na alam ko na matutolongan ako sa problema ko kung kina kaylangan ko mag paalipin basta makapag aral lang mga mahal kung kapatid un na lang kasi kayamanan namin…educasion para makabawas na rin sa mga mas kawawa samin,..umaasa po ako na sana dumating ang araw ng pag tulong ng bayan or tao samin na nangangarap,..pinapangako ko po na babawi ako at mag sisipag,magshasha,titiisin ang lahat,..salamat po

    Komento ni elizabeth — Nobyembre 7, 2009 @ 8:02 umaga | Tugon

    • Hinahangaan ko ang hangarin mong makapagtapos ng pag-aaral Elizabeth, kasama ang mga kapatid mo. Gamitin mo ang paghahangad na ‘yan para magkaroon ka ng inspirasyon at matupad ang mga pangarap mo. Ang pagkakaroon mo ng pagkakataon na makapag-internet ay malaking bagay na dahil maliit na porsiyento lamang sa siyam na milyong Pilipino ang nakakagamit ng computer, at mas maliit na porsiyento pa ang nakakapag-internet. Nawa’y makatulong ito sa pagtupad sa mga pangarap mo. Goodluck sa inyong magkakapatid.

      Salamat din sa pagkakaroon mo ng panahon na magbasa sa mga posts ko.

      Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Nobyembre 9, 2009 @ 7:36 umaga | Tugon

  6. hay,..nakatapos na ako ng isang taon sa college..2nd yr na next enrollment…puyat,pagod at hirap n naman ang mrranasan ko..parang ayaw ko na nga eh..kaya lang naiisip ko amg pamiya ko skalling tumigil ako..pag nasa skul kc ako, pakiramdam ko “Out of place aqoh dun..kc hindi ako ung taong magaling makapag-socialize.. hanggang sa natapos na ang buong skul yir halos di ko pa nkilala ang laht ng naging clazmeyts ko..HUHUHU…nagkaroon nga tuloy ako ng glossophobia..kpag reporting o claz demo halos lamunin na ako ng lupa sa kinatatayuan ko..dahil dun parang ayaw ko na tuloy ipagpatuloy ang pag-aaral ko..nahihirapan n tlaga ako eh…minsan nga haloz madepress na ako sa sobrang awa ko sa sarili ko..pero sa kabila ng lahat… ginagawa ko parin ang laht para mktapos at malampasan ang problemang ito…mkktapos dn ako.>>

    Komento ni dhoN — Marso 26, 2010 @ 3:11 umaga | Tugon

  7. (hindi) magaling makpagsocialize un..error ko..

    Komento ni dhoN — Marso 26, 2010 @ 3:13 umaga | Tugon

    • Hi Dhon, salamat sa pagbigkas na sarili mong opinyon at damdamin dito sa Pinoy na Pinoy. Baka sadyang introvert ka lang kaya pakiramdam mo hindi ka marunong makipag-socialize. Mas gusto mong mag-isip, makinig at mag-analisa sa mga naririnig mo kaya’t hindi ka gaanong masalita sa harapan ng mga kakilala mo. Pero alam mo, introvert din akong tao. At ang kagandahan ng pagiging introvert nati’y mas marami tayong panahong makinig sa mga mahilig magsalita, na siyang kadalasang kulang sa pakikipagkumonikasyon, ang pakikinig. Kaya’t huwag mabahala kung nabibilang man sa daliri ang mga kakilala mo sa paaralan ngayon. Magandang gawin mo sa ngayo’y kilalanin mo muna ang sarili mo para lalo mong maintindihan kung bakit “halos lamunin ka ng lupa” kapag reporting time. Baka nilalabanan mo ang sarili mo at pinipilit mong maging isang hindi naman ikaw gaya ng pagiging madada. Sa paglipas ng panahon, mas magiging magaan at madali na pakikipagkilala at pakikisalamuha mo sa paaralan, lalo pa’t nasa edad kang uhaw sa kaalaman at gustong matoto sa mga leksyon ng paaralan at lipunan.

      Maligayang pag-aaral at pakikisalamuha.

      Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Marso 26, 2010 @ 12:26 hapon | Tugon

  8. magandang araw…

    nabasa ko ang response mo dun sa iniwan kong comment…cguro nga tama kah. may pagka-introvert nga yta ang personality ko.ung halos ang gusto ko lang makinig at magmasid na lang.sa halip na magsalita…at dhil dito nahirapan tlga ako mag-adjust nong 1st yr ko sa colegio dhil kadalasan hinihingi nila ang mga opinyon at reaction nmin sa mga bagay-bagay….ang masama pah namis-interpret nila ako dahil sa pagkamahiyain ko…tingin sa akin ng iba masungit at suplada.yung taong mahirap pakisamahan..gusto kong patunayan na hindi un totoo.dahil kaya ko naman kya lng naiisip ko na bka hindi nila ako magustuhan.,..at alam mo natuwa ako dun sa commment mo tngkol dun sa halos lamunin na ako ng lupa tungkol dun sa mga reporting time …eejeje, dapt ko nga muna tlga kilalanin ang sarili ko at tanggapin ang mga weaknesses ko…ayoko rin namang magpretend n lang lagi …

    tnx..

    Komento ni dhon — Abril 11, 2010 @ 5:42 umaga | Tugon

    • Ikinagagalak kong nakapagbigay ako ng positibong kumento sa ‘yo Dhon. At ang kumento mo’y isang magandang sign na mas lalo mo nang makikilala ang sarili mo. Magiging resulta nun ay mas madali mong ma-express ang sarili mo sa iba, gaya na nitong pag-iwan mo ng puna sa Pinoy na Pinoy. Goodluck sa pakikisalamuha mo sa mga kaklase mo pagdating ng pasukan. Magsa-summer classes ka ba?🙂

      Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Abril 12, 2010 @ 1:05 umaga | Tugon

  9. ah hindi poh aq magsu2mer class… jeje
    salamat poh sa mga constructive comments moh..

    gud day ahead poH…

    Komento ni dhon — Abril 13, 2010 @ 9:20 umaga | Tugon

  10. mahirap ang buhay kolehiyo lalu na pag nag iisa ka dahil kailangan talagang maging independent ka. katulad ko malayo sa pamilyat lugar na iyong kinagisnan. . maraming pagsubok na kailangan malagpasan. .

    Komento ni gunievere — Oktubre 3, 2010 @ 1:58 umaga | Tugon

    • Salamat sa pagdalaw dito sa Pinoy na Pinoy gunievere. Ipagpapasalamat natin ang mga pagsubok sa buhay kolehiyo dahil ang mga ito ang maghahanda sa atin sa mas challenging na buhay pagkatapos ng kolehiyo. Goodluck🙂

      Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Oktubre 5, 2010 @ 3:01 umaga | Tugon

  11. …hayzz, sana welcome pa me dito.. tapos na ulit 2nd yr.. third na ako.!!!!!!!!! alam mo poh, nattuwa na rin ako dhil khit papano may naimprove sken, cguro mga 2% lng ang bahagdan ng improvement pero. masaya na rin ako.. salamat sa mga taong patuloy na umuunawa sa akin at nagmamahal. hindi ko man po magawang masuklian un sa ngayon cguro darating dn naman ang araw na makktulong din ako sa inyo. isa po ako sa mga working students na nabigyan ng pagkakataong mkpag-aral, Kya po sa nag-pparal sa akn, ate, maraming salamat po sa tulong nyo khit naminsan meron taung mga di pagkakaunawaan, salamt po tlga. ndi ko sana mararanasang ang mga “ganong” bagay at saya. Sa kpatid ko, na anjan pa rin lage sa kbila ng katigasan ng ulo ko.. at sa mga munting bagay na tulong ng blog mo po, nkkpagbigay ng relief sa katulad koh.. tnx poh. god bless.

    Komento ni dhon — Abril 5, 2011 @ 9:36 umaga | Tugon

    • Hi Dhon, nagagalak kami para sa naabot mong tagumpay ngayon. Ipagpatuloy mo lang ang magagandang katangiang taglay mo at araw-araw i-celebrate mo ang mga mumunting tagumpay na nakakamtan mo dahil ang mga ito ang nagsisilbing inspirasyon natin patungo sa mga hangarin natin sa buhay. Pagpalain ka nawa at ang iyong buong pamilya.

      Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Abril 5, 2011 @ 11:04 hapon | Tugon

  12. tama k nga poh. sisikapin ko tlgang matapos itong kurso na ito kahit na anong mangyari. sa kabila ng mga kahirapan at problema, alam kong may dapat pa rin akong ipagpasalamat. kaya gagamitin ko ang panahon ng kabataan ko para makpag-aral at makatulong sa mga mahal ko. Pangako ko yan.

    Komento ni dhon — Abril 8, 2011 @ 8:53 umaga | Tugon

  13. ang hirap magkolehiyo lalo na sa aming mga working student here at st.paul…sana makatapos ako para maging maganda ang future ko someday..marami din akong dapat salamatan…first si God,2nd mga sisters and my family for support…tnx a lot

    Komento ni jenelyn labbao — Oktubre 9, 2012 @ 1:52 umaga | Tugon

  14. 14. ako po mag aaral palang ng kolehiyo…kaya nga po hindi ko pa alam kung paano ako kung sakaling nasa paaralan na ako kasi, hindi ako sanay makihalubilo masyado sa tao..at isa din akong working student. hindi sanay lumabas ng bahay… school -bahay lang talaga ako … saka hindi ko alam kung handa ba ako sa sasapitin ko … hindi ko alam kung kaya ko bang pag sabayin pag-aaral at pagtatrabaho…paano na kaya ako…

    Komento ni mitch talan — Marso 23, 2013 @ 3:11 hapon | Tugon


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

%d bloggers like this: