Pinoy na Pinoy

Agosto 29, 2009

Sangdaang Taon ng Baguio sa SLSC

Filed under: Kulturang Pinoy — Constantine Guitang @ 4:34 umaga
Tanda ng namamatnugot: Ito’y panauhing paksa mula sa aking maybahay na si Jasmine ng The Floriade Events and Concepts.

DSC01478Datapwa’t hindi ako makata gaya ng aking kabiyak na siyang pasimuno ng blog na ito, pipilitin kong maihayag at ibahagi ang aking karanasan sa araw na ito sa mga taga-subaybay ng blog na ito.

Kaya’t kung inyong mamarapatin, uumpisahan ko na po ito.

Ang aking paksa ngayon ay tungkol sa nalalapit na sentenaryo ng aming mahal na siyudad, ang Baguio.

Ngayong araw ay ipinagdiwang ng aking alma mater sa Saint Louis School Center ang isang daang kaarawan ng Baguio at Buwan ng Wika.

Ang Pagdiriwang ng mga Mag-aaral sa SLSC

Inumpisahan ang programa ng taimtim na dasal na pinangunahan ng isang mag-aaral. Sumunod ang isang maikling kuwento ngunit puno ng mensahe mula kay Sister. Inihalintulad ni Sister ang dating Baguio noon at sa ngayon. Sabi ni Sister, noon ang Baguio ay napakalamig at sariwa ang simoy ng hangin. Kapag pumupunta ka sa palengke, hindi mo kailangan hawakan ng mahigpit ang inyong bag dahil ang mga tao noon ay mababait at may respeto sa kapwa. Noon, malinis at amoy pino (pine trees) ang hangin. Ngunit sa paglipas ng panahon, ang Baguio ay unti-unting nagbago. Unti-unting nawala ang mga puno, ang amoy pinong hangin ay hindi na nalalasap ng mga tao.

DSC01453Inihalintulad din ni Sister kung paano nabuo ang bituin at ito ay dahil sa mga elementong nagbuklod-buklod at dahil dun, ay nabuo ang isang bituin. Gaya rin ng tao at kalikasan, tayong lahat ay magkakaugnay. Kaya’t dapat nating pangalagaan ang isa’t-isa at ang kalikasan dahil kung ano man ang ating gagawin, lahat ito ay may epekto sa atin at sa buong mundo.

Tinanong din ni Sister sa mga mag-aaral kung mayroon daw ba silang puwedeng gawin upang maibalik ang dating masiglang Baguio. At ang sagot ng mga mag-aaral ay “Opo”.

DSC01493Pagkatapos noon ay ipinakita ng mga mag-aaral ang kanilang saloobin para sa sentenaryo ng Baguio at pagmamahal sa ating sariling wika sa pamamagitan ng isang tula, pag-awit, pagsayaw ng katutubong sayaw, cheering at pagbati.

Sa pamamagitan nito, batid ng mga bata ang kahalagahan ng malinis na Baguio at naipapamalas nila ang kanilang mga talento na siyang magiging daan upang masalba ang unti-unting pagkasira ng siyudad dahil sa polusyon, pagtaas ng krimen na nauugnay sa gang ng mga kabataan, pagkakasakit ng mga tao dahil na rin sa matinding usok at maduming kapaligiran.

Sa pagtatapos ng programa, ang mga ika-anim na baitang ay umawit ng “Tara na, byahe tayo sa Baguio!”

Ang Pakikibahagi Natin

Sa ating mga bisita, nawa’y mapanatili nating maayos at malinis pa rin ang Baguio at huwag tayong mag-kontribute sa pagkasira nito. Ganun din ang mga taga-Baguio. Nawa’y alagaan natin ang Baguio at gawin natin ang ating makakaya upang maibalik ang pinong amoy ng hangin at mapayapang siyudad dito sa Norte. Sana’y sa ating munting mga kontribusyon, manumbalik ang kapayapaan, kalinisan at karangyaan ng kalikasan ng Baguio upang ang mga susunod na henerasyon ay matamasa pa rin nila ang kagandahan ng Baguio at mamuhay ng tahimik, malusog at maipagmalaki ang Baguio.

Pasasalamat at Pagbati

Gusto ko ring pasalamatan at batiin ang aming anak na si Chanice sa pagkamit n’ya ng first place sa Birthday Card Making Contest para sa Baguio Centennnial sa antas ng Kinder. Kami ay natutuwa’t sa pagbabahagi ng kanyang talento, malaking kontribusyon ito sa pagdiriwang ng kaarawan ng Baguio at pagpapakita ng pagpapahalaga sa lupang kanyang sinilangan.

Sa Baguio, maligayang pagbati sa ‘yo!

Mga Puna »

  1. hmm imformative at intersting ang mga materyal mo, pare. May mga jokes pa for added spices. Oks na oks hehehehe So neat.
    Napansin kong reader ka ni Wildcat at mga nobela nita. i have a blogspot of stories din. Sana bisitahin mo. I offer Drama, Romance, Comedy, Fantasy, Sex-horror at adult story. Kakaumpisa ko lang last sept.03… i have some chapters uploaded there. Nag-a-upload ako ng chapters almost everyday. Meron ding akong added spicxes like trivias and polls. Sana check mo din. This is the link.. sana ilink mo rin ako.🙂 thnx🙂
    http://internetserye.wordpress.com/

    Komento ni ROJE — Setyembre 13, 2009 @ 9:11 hapon | Tugon

    • Salmat roje sa pagpasyal dito.

      Ang galing din ng Internet Serye mo. Marami tayong babasahin nito. Bumuto ako kay Betty La Fea sa survey mo🙂

      Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Setyembre 14, 2009 @ 12:51 umaga | Tugon

  2. Binabati kita lalo na si Chanice sa malaking karangalan na inyong natamo maging sa kanyang musmos na edad. Kaysarap alalahanin ng ganyang mga mumunting tagumpay..

    Komento ni Leimy — Oktubre 3, 2009 @ 7:44 umaga | Tugon

    • Hi Leimy, salamat sa pagdaan dito sa Pinoy na Pinoy🙂

      Oo nga, ang mga mumunting tagumpay na ganito’y malaking kasiyahan sa mga tulad nating magulang. Nagbibigay ng inspirasyong sabayan siya at makipaglaro sa kanyang pagkukulay ng kanyang coloring books at gabayan sa kanyang pag-aaral🙂

      Regards sa ‘yo at sa ‘yong buong pamilya.

      Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Oktubre 4, 2009 @ 2:37 umaga | Tugon

  3. gusto ko yng gagawn ng mga bta

    Komento ni cyclopes — Oktubre 7, 2012 @ 12:36 hapon | Tugon


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Lumikha ng libreng website o blog sa WordPress.com.

%d bloggers like this: