Pinoy na Pinoy

Setyembre 9, 2009

Buhay Kolehiyo Part 3: Estudyante Blues

Filed under: Buhay Estudyante — Constantine Guitang @ 2:12 umaga
Mahirap maging kolehiyo, pero kayang-kaya mo.

Mahirap maging kolehiyo, pero kayang-kaya mo.

Mahirap maging kolehiyo, pero kayang-kaya mo.

Mahirap maging kolehiyo, pero kayang-kaya mo.

Noong first year ako sa kolehiyo, sabi ng fourth year na kaklase namin sa Filipino, “Ang buhay kolehiyo ay mahirap. Merong papasok ka na di nakapaligo dahil isang oras lang ang tulog mo.” Hindi n’ya kasi kinuha kaagad ang Spanish subject n’ya noon kaya naging classmate namin sa Filipino. Iniisip ko noon, hindi lang siguro inumpisahan kaagad ang mga assignments kaya napupuyat sila sa paghahabol sa deadline. Pagdating ko sa third year, nagsimula na rin ang puyatan ko, mali pala ako ng akala sa sinabi ng kaklase naming ‘yun sa Filipino.

Narito ang kadalasang nagiging problema ng mga mag-aaral sa kolehiyo.
Problema sa Klase
Kung kumuha ka ng kursong mahirap tapusin gaya ng Nursing, Engineering o Accountancy, hindi maiiwasan ang puyat. Sinisisi mo ang mga guro mo sa high school at elementarya kung bakit hindi ka nila tinuruang maging mapagsaliksik sa mga inuturo nila, bagkus lahat ng aralin ay halos isubo sa’yo noon. Ngayong nasa kolehiyo ka na, hindi mo na nga halos maintindihan ang itinuturo ng instructor mo, tatambakan ka pa ng sangkatutak na assignment, project at research. Pagdating ng finals, kung hindi pasang-awa ang grado mo, may isa o dalawang subject na bagsak, at uulitin mo uli sa susunod na semestre.
Kaya’t mas maiging kumuha ng kurso na hilig mo para gaano man kahirap ang mga subjects mo, nasa puso mo pa rin ang pagpupursiging makatapos sa pag-aaral. Ugaliin ding magbasa ng mga ibang aklat maliban sa mga textbooks n’yo. Ang Internet ay punong-puno rin ng mga kaalaman tungkol sa kung anong gusto mong saliksikin. Ang Google ay laging nandiyan para tulungan ka sa paghahanap.
Problema sa Tirahan
Dito sa Baguio, masuwerte ka na kung mag-isa mo o dalawa lang kayo sa isang kuwarto sa boarding house n’yo. Karamihan, apat hanggang anim sa isang masikip na kuwarto. Mabuti sana kung limang-daan lang ang renta, ito’y umaabot sa P1,500 hanggang P2,000 bawat isa sa inyo. Kadalasan, wala pa dun ang bayad para sa tubig at ilaw. Bawat kagamitan mo na de-kuryente, isang daan pataas ang singil.
Maiging bago pa man magsimula ng enrollment, maghanap ka na ng boarding house mo para makapamili ka ng maayos-ayos. Kadalasang mas mataas ang renta sa malapit sa eskuwelahan, pero makakatipid ka naman sa pamasahe. Ikumpara mo ito sa mas malayo pero mas mura, at titingnan mo kung saan ka makakatipid. Hangga’t maaari, huwag kumuha ng kuwartong halos di pasukan ng hangin at sinag ng araw. At mas tahimik ang kapaligiran, mas mabuti.
Problema sa Pagkain
Kung noong high school at elementarya ka, ipinagluluto ka ng nanay mo ng paborito mong adobo at fried chicken, ngayong nasa kolehiyo ka na, nagtitiyaga ka sa Lucky Me Pancit Canton sa umaga, burger sa may kanto ang tanghalian, at lutong ulam na budget meal ang hapunan. May mga estudyante ring gustong magtipid kaya’t sinusubukang mamalengke ng gulay at galunggong. Pero di magtatagal, balik ulit sila sa lutong ulam sa turo-turo dahil ang mga boardmate nila’y nakikikain na rin na walang ambag kung sila’y nagluluto.
Kung minsan, mas makakatipid ka rin sa budget meal. Siguraduhin lang na malinis ang binibilhan mo. Pumili ng ulam na bagong luto. Kung balak n’yong magluto, siguraduhing may listahan ng mga nagamit sa pamamalengke at pagluluto at yun ang gagamiting basehan sa kontribusyon ng bawat isa sa inyo. Dapat ang bawat isa sa inyo’y may tukang tungkulin, gaya ng pagluluto, paghuhugas ng pinagkainan at pamamalengke. Nang sa ganun, maiwasan ang samaan ng loob kung ang iba’y hindi tumutulong sa paghahanda ng pagkain.
Problema sa Pera
Masuwerte ka kung malaki ang binibigay ng mga magulang mong allowance o laging dumating sa oras. Pero karamihan sa mga mag-aaral sa kolehiyo, nakakaranas ng nauubusan ng allowance bago dumating ang susunod na padala ng mga magulang. Kaya’t mainam kung meron kang mga kaibigan na madaling utangan. Pero huwag kalimutang magbayad agad kung natanggap mo na allowance mo para sa susunod, makakautang ka uli.
Kadalasan kasi, mahilig ang mga estudyanteng gumimik kapag dumadating ang allowance. Mahilig ding bumili ng kung anu-ano na hindi naman kailangan. Ang iba’y nauubos ang pera sa araw-araw na paglalaro o pagchachat sa Internet café. May narinig pa ako minsan sa jeep na tumatawag na lalake na kulang na kulang daw ang allowance eh kasama naman ang girlfriend kagagaling sa date. Kaya’t iwasan ang magbisyo kung kasyang kasya lang ang pera para sa pag-aaral. Mainam ding ipagbigay alam sa mga magulang ang mga gastusin sa paaralan, sa tirahan at sa pagkain. Nang sa ganun, wala kang maririnig kung ika’y humihingi sa kanila. At kung mas mabuting mas maaga mong sasabihin ito para makapag-ipon sila ng ipapadala sa’yo.
Kayo, anong naging estudyante blues n’yo nung kayo’s nasa kolehiyo? Magkuwento na sa kumento.
Mahirap maging kolehiyo, pero kayang-kaya mo.

Mahirap maging kolehiyo, pero kayang-kaya mo.

Noong first year ako sa kolehiyo, sabi ng fourth year na kaklase namin sa Filipino, “Ang buhay kolehiyo ay mahirap. Merong papasok ka na di nakapaligo dahil isang oras lang ang tulog mo.” Hindi n’ya kasi kinuha kaagad ang Spanish subject n’ya noon kaya naging classmate namin sa Filipino. Iniisip ko noon, hindi lang siguro inumpisahan kaagad ang mga assignments kaya napupuyat sila sa paghahabol sa deadline. Pagdating ko sa third year, nagsimula na rin ang puyatan ko, mali pala ako ng akala sa sinabi ng kaklase naming ‘yun sa Filipino.

Narito ang kadalasang nagiging problema ng mga mag-aaral sa kolehiyo.

Problema sa Klase

Kung kumuha ka ng kursong mahirap tapusin gaya ng Nursing, Engineering o Accountancy, hindi maiiwasan ang puyat. Sinisisi mo ang mga guro mo sa high school at elementarya kung bakit hindi ka nila tinuruang maging mapagsaliksik sa mga inuturo nila, bagkus lahat ng aralin ay halos isubo sa’yo noon. Ngayong nasa kolehiyo ka na, hindi mo na nga halos maintindihan ang itinuturo ng instructor mo, tatambakan ka pa ng sangkatutak na assignment, project at research. Pagdating ng finals, kung hindi pasang-awa ang grado mo, may isa o dalawang subject na bagsak, at uulitin mo uli sa susunod na semestre.

Kaya’t mas maiging kumuha ng kurso na hilig mo para gaano man kahirap ang mga subjects mo, nasa puso mo pa rin ang pagpupursiging makatapos sa pag-aaral. Ugaliin ding magbasa ng mga ibang aklat maliban sa mga textbooks n’yo. Ang Internet ay punong-puno rin ng mga kaalaman tungkol sa kung anong gusto mong saliksikin. Ang Google ay laging nandiyan para tulungan ka sa paghahanap.

Problema sa Tirahan

Dito sa Baguio, masuwerte ka na kung mag-isa mo o dalawa lang kayo sa isang kuwarto sa boarding house n’yo. Karamihan, apat hanggang anim sa isang masikip na kuwarto. Mabuti sana kung limang-daan lang ang renta, ito’y umaabot sa P1,500 hanggang P2,000 bawat isa sa inyo. Kadalasan, wala pa dun ang bayad para sa tubig at ilaw. Bawat kagamitan mo na de-kuryente, isang daan pataas ang singil.

Maiging bago pa man magsimula ng enrollment, maghanap ka na ng boarding house mo para makapamili ka ng maayos-ayos. Kadalasang mas mataas ang renta sa malapit sa eskuwelahan, pero makakatipid ka naman sa pamasahe. Ikumpara mo ito sa mas malayo pero mas mura, at titingnan mo kung saan ka makakatipid. Hangga’t maaari, huwag kumuha ng kuwartong halos di pasukan ng hangin at sinag ng araw. At mas tahimik ang kapaligiran, mas mabuti.

Problema sa Pagkain

Kung noong high school at elementarya ka, ipinagluluto ka ng nanay mo ng paborito mong adobo at fried chicken, ngayong nasa kolehiyo ka na, nagtitiyaga ka sa Lucky Me Pancit Canton sa umaga, burger sa may kanto ang tanghalian, at lutong ulam na budget meal ang hapunan. May mga estudyante ring gustong magtipid kaya’t sinusubukang mamalengke ng gulay at galunggong. Pero di magtatagal, balik ulit sila sa lutong ulam sa turo-turo dahil ang mga boardmate nila’y nakikikain na rin na walang ambag kung sila’y nagluluto.

Kung minsan, mas makakatipid ka rin sa budget meal. Siguraduhin lang na malinis ang binibilhan mo. Pumili ng ulam na bagong luto. Kung balak n’yong magluto, siguraduhing may listahan ng mga nagamit sa pamamalengke at pagluluto at yun ang gagamiting basehan sa kontribusyon ng bawat isa sa inyo. Dapat ang bawat isa sa inyo’y may tukang tungkulin, gaya ng pagluluto, paghuhugas ng pinagkainan at pamamalengke. Nang sa ganun, maiwasan ang samaan ng loob kung ang iba’y hindi tumutulong sa paghahanda ng pagkain.

Problema sa Pera

Masuwerte ka kung malaki ang binibigay ng mga magulang mong allowance o laging dumarating sa oras. Pero karamihan sa mga mag-aaral sa kolehiyo, nakakaranas ng nauubusan ng allowance bago dumating ang susunod na padala ng mga magulang. Kaya’t mainam kung meron kang mga kaibigan na madaling utangan. Pero huwag kalimutang magbayad agad kung natanggap mo na ang allowance mo para sa susunod, makakautang ka uli kung kinakailangan.

Kadalasan kasi, mahilig ang mga estudyanteng gumimik kapag dumadating ang allowance. Mahilig ding bumili ng kung anu-ano na hindi naman kailangan. Ang iba’y nauubos ang pera sa araw-araw na paglalaro o pagcha-chat sa Internet café. May narinig pa ako minsan sa jeep na tumatawag na lalake sa magulang, sinasabing kulang na kulang daw ang allowance samantalang kasama naman ang girlfriend kagagaling sa date. Kaya’t iwasan ang magbisyo kung kasyang kasya lang ang pera para sa pag-aaral. Mainam ding ipagbigay alam sa mga magulang ang mga gastusin sa paaralan, sa tirahan at sa pagkain. Nang sa ganun, wala kang maririnig kung ika’y humihingi sa kanila. At kung mas mabuting mas maaga mong sasabihin ito para makapag-ipon sila ng ipapadala sa’yo.

Kayo, anong naging estudyante blues n’yo nung kayo’y nasa kolehiyo? Magkuwento na sa kumento.

Mga Puna »

  1. BASE! hehe, napadaan lang po at naka base pa! hehehe

    Komento ni pinkdiaries — Setyembre 12, 2009 @ 3:17 umaga | Tugon

  2. Nung kolehiyo po aku, sobrang saya ng feeling ko,ksi feeling ko nandun na yung stage ng maturity ko, wala ng bawal, lahat magagawa, lakwatsa at kung anu anu pa, idadahilan “eh may ginawa kaming project ehh” haha, lumang style! nagpupyat din aku dahil sa mdaming assignment.

    ang course ko ay BS.MNGT, gustu ko talaga yun, kaya pinagbutihan ko, gustu ko kasing maging isang manager dati, o makapag tayu ng sariling business.

    sa bahay naman, nakatira aku sa tita ko,weekdays then uwi samin weekend.minsan hindi na kasi may lakad! haha

    haha, tama ang iyong sinabi sa pagkain, nung hyskul o kaya elementary, nanjan sila nanay para maluto pag uwi ng bahay tanung agad, “anu pagkain?” kolehiyo naman tiis sa lutong ulam o kaya nga pansit kanton, o mami, burger king.. hahaha

    yan din ang naging malaking problema ko, ang pera, hirap kasi pag nasa kolehiyo na, hindi ganun ka simple ang mga bayarin ahalos nauubusan nga ng allowance, kaya kelngan laging magtiis at magtipid.minsan nga nsasabay pa ang gala sa gastos, hehehe..

    ayan po ang aking istorya, napadaldal ata aku.. hehe..🙂

    Komento ni pinkdiaries — Setyembre 12, 2009 @ 3:37 umaga | Tugon

    • Congrats PinkDiaries, naka-base ka hehehe. Nakaligtaan ko nga palang banggitin ang lumang style natin noon na “Eh may ginawa kaming project ehh.” Mga palusot na lumulusot maski anong panahon, mapa-prelims o finals hahaha. Salamat sa kumento mo, lumalabas ang pagka-manager mo. O di kaya mas mainam na sabihin, lumabas ang mga alaala noong panahon ng B.S. Management mo.

      Maraming salamat sa paggawi at pagkumento.

      Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Setyembre 12, 2009 @ 4:05 umaga | Tugon

  3. Madalas ko mabasa ang base, para saan ba eto, pero ang naging idea ko ay sa paglalaro ng habulan or taguan, Isinisigaw ang base pag nauna. sa gita ng pagsusulat ko ng puna eh parang nasagot ko ang tanung ko. I think 3rd base ako, tama ba. Please correct me if im wrong.

    Komento ni dlysen — Setyembre 12, 2009 @ 8:05 umaga | Tugon

  4. sa pagkakaalam ko dlysen is 2nd base ka, dahil aku first, then sinagut lang naman ni pinoy na pinoy yung komento ko, so hindi sya counted.. hehehe, talagang pinaliwanag ko, but can anybody correct if am wrong too?! yun lang naman kasi ang pagkakaalam ko..:-)

    @pinoy, uu may “eh” lagi kapag nahihirapang magpaliwanag at na tetense! hehehe..

    napadaan po ulit!!🙂

    Komento ni pinkdiaries — Setyembre 12, 2009 @ 8:38 umaga | Tugon

    • Dlysen at PinkDiaries, palagay ko, tama ang pagkakaintindi ninyo ng base. Unang nabasa ko rin kaninang umaga ang base na ‘yan nung magsulat ako ng puna sa blog ni JasonHamster. At laking tuwa ko nang napadaan dito si PinkDiaries at nagsabi ng base dito sa post na ito🙂

      Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Setyembre 12, 2009 @ 9:21 umaga | Tugon

  5. Anak ng tokneneg naalala ko tuloy noong kabataan ko pa! Asusmaryosep bata pa pala ako pero graduate na sa school. Naalala ko tuloy ang buhay kolehiyo na parang walang pinagkaiba sa mga sinabi mo dito. Himala at nakapasa pa ako sa eskwela ng walang laman ang tiyan….

    Komento ni budjoy — Setyembre 14, 2009 @ 8:24 hapon | Tugon

  6. Ha ha ha… tama! pahirapan nga ang pagkuha ng 74 lalo na sa math… ewan ko nga kung bakit pa ako nag comsci tapos wala rin naman palang kababagsakan… ito nakatunganga maghapon naghihintay ng mansanan na bumagsak sa bibig ko. walang datung at wala ring kabuhay-buhay… Lalo pa ngayon ang hirap kumuha ng trabaho sa dami na kasi ng comsci sa mundo ay wala ng mapaglagyan… Isama pa ang crisis…

    Komento ni Budjoy — Setyembre 15, 2009 @ 3:40 hapon | Tugon

  7. lljljhug

    Komento ni Joyce Pedros — Pebrero 21, 2016 @ 2:04 umaga | Tugon


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

%d bloggers like this: