Pinoy na Pinoy

Setyembre 21, 2009

Love Letter ni Dodong na Pinoy na Pinoy

Filed under: Ugaling Pinoy — Constantine Guitang @ 7:28 umaga

Photo Credit: Billy Alexander

Photo Credit: Billy Alexander

Naranasan mo bang gumawa ng love letter na ipinaabot mo pa sa ‘tulay’ mo? Ang iba’y hinulog pa sa koreo at ang return address ay ‘From your secret admirer.’

Lumalabas ang pagka-Pinoy natin sa pagsusulat ng love letter. Silipin natin ang isang halimbawang sulat ni Dodong kay Inday.
Ganito ang kanyang pagsisimula:
Oras ng Pag-iisip Sa’yo
Araw ng Pagmamahal
Pinakamamahal kong Inday,
Ang Pinoy, kung siya’y umiibig, hindi mahalaga sa kanya kung anong oras o araw ngayon, basta’t alam niya, bawat pitik ng orasan ay nakaalay sa kanyang minamahal. Magpatuloy tayo:
Kumusta ka na aking irog? Sana’y nasa mabuti kang kalagayan dahil ang ikapapahamak mo’y ikamamatay ko. Dahil mula nang ibigin ka’y tanging kabutihan mo ang nasa isipan ko.
Naks, nangungusta na naman eh halos araw-araw silang nagkikita ni Inday. Ang lalakeng Pinoy ang tunay na matatawag na ‘Knight in Shining Armor’ dahil ayaw nilang napapahamak ang minamahal nila. Gusto nilang ipadama ang pagnanais na protektahan lagi ang minamahal nila. Pasasaan pa’t narito na ang makukulay na pananalita ni Dodong:
Bawat segundo, ikaw ang nasa isipan ko Inday. Gusto kong hilahin si Araw para takpan si Buwan upang magkita na tayong muli. Dahil bawat sandaling malayo ka sa aki’y tumitigil ang mundo ko. Sa bawat paghihiwalay natin tuwing uwian ay gusto kong pigilan ko at igapos ka sa aking mga kamay upang wala nang makakapaghiwalay sa atin maging ang panahon man.
Nakita n’yo na kung paano ipadama ni Dodong ang kahalagahan ni Inday sa kanya? Ngunit sa bawat pag-ibig na nabubuo sa mga Pinoy, nagsisimula ito sa maraming pagsubok upang mapatunayan na tunay nga ang pag-ibig na inaalay ni Dodong kay Inday. Narito na ang himutok ni Dodong:
Oh Inday, kailangan mo nga ba ibibigay ang matamis mong oo? Kailangan mo bang sungkitin ko ang buwan at mga bituin at gagawing kuwintas na isusuot ko sa’yo para mas lalong magningning ang makikislap mong mata at lalong magkulay ang mapupula mong labi? Kailangan mo bang sisirin ko ang karagatan upang maialay ko sa’yo ang pinakamakintab na perlas upang tumbasan ang kislap ng ‘yong ngiti? Sabihin mo sa akin Inday kung anong ninanais mong gawin ko upang pag-ibig mo’y makamtan ko.
Pag-ibig nga naman, hahamakin lahat para makamtan lamang. Hindi iniintindi ng mga Pinoy na lalake ang pagkaalipin sa pag-ibig at kung nanaisin ni babae na alipinin s’ya, makapasagot lang ng oo, bale wala ‘yun sa nagmamahal na lalake.
Ganito ang pagtatapos ni Dodong sa kanyang love letter:
Hindi ko tutuldukan ang pag-ibig na ito Inday habang ako’y nabubuhay gaya ng hindi ko pagtuldok sa sulat na ito. Patuloy akong umaasa na ang pag-ibig na inaalay ko sa’yo’y tatanggapin mo’t iibigin mo rin ako. Makakaasa kang ikaw at ikaw lamang ang laman ng puso’t damdamin ko. Dahil tanging ikaw lamang ang nagdudulot ng tunay na ligaya sa akin. Hanggang sa muli nating pagkikita bukas.
Patuloy na nagmamahal sa’yo ng labis,
Dodong
Naks, parang hindi tayo kasali sa mundo ni Dodong ah. Tanging si Inday lang ang kilala n’yang tao ngayon sa mundo n’ya. Siyempre, bawat sulat ng Pinoy, may pahabol:
P.S. Ipagpaumanhin mo ang karahasan kong ipaabot sa’yo ang nararamdaman ng puso ko. Sana’y hindi ka magsasawang basahin ang mga sulat ko aking iniibig. Hanggang sa muli.
Kung tatanungin n’yo pala kung paano nakarating kay Inday ang sulat, ganito ‘yun. Humiram si Dodong ng kuwaderno ni Inday. Siyempre, ang kinausap ni Dodong na makipag-usap kay Inday ay ang kaibigan ni Inday na si Bebang. Noong ibinalik na ni Dodong ang kuwaderno ni Inday, nasa gitnang bahagi na ng kuwaderno ang love letter ni Dodong para kay Inday. Ang ginamit na papel, linen paper na mabango.
Ano kaya ang magiging sagot ni Inday kay Dodong?

Lumalabas ang pagka-Pinoy natin sa pagsusulat ng love letter. Silipin natin ang isang halimbawang sulat ni Dodong kay Inday.

Ganito ang kanyang pagsisimula:

Oras ng Pag-iisip Sa’yo

Araw ng Pagmamahal

Pinakamamahal kong Inday,

Ang Pinoy, kung siya’y umiibig, hindi mahalaga sa kanya kung anong oras o araw ngayon, basta’t alam niya, bawat pitik ng orasan ay nakaalay sa kanyang minamahal. Magpatuloy tayo:

Kumusta ka na aking irog? Sana’y nasa mabuti kang kalagayan dahil ang ikapapahamak mo’y ikamamatay ko. Dahil mula nang ibigin ka’y tanging kabutihan mo ang nasa isipan ko.

Naks, nangungumusta na naman eh halos araw-araw silang nagkikita ni Inday. Ang lalakeng Pinoy ang tunay na matatawag na ‘Knight in Shining Armor’ dahil ayaw nilang napapahamak ang minamahal nila. Gusto nilang ipadama ang pagnanais na protektahan lagi ang minamahal nila. Pasasaan pa’t narito na ang makukulay na pananalita ni Dodong:

Bawat segundo, ikaw ang nasa isipan ko Inday. Gusto kong hilahin si Araw para takpan si Buwan upang magkita na tayong muli. Dahil bawat sandaling malayo ka sa aki’y tumitigil ang mundo ko. Sa bawat paghihiwalay natin tuwing uwian ay gusto kong pigilan ko at igapos ka sa aking mga kamay upang wala nang makakapaghiwalay sa ating dalawa maging ang panahon man.

Nakita n’yo na kung paano ipadama ni Dodong ang kahalagahan ni Inday sa kanya? Ngunit sa bawat pag-ibig na nabubuo sa mga Pinoy, nagsisimula ito sa maraming pagsubok upang mapatunayan na tunay nga ang pag-ibig na inaalay ni Dodong kay Inday. Narito na ang himutok ni Dodong:

Oh Inday, kailan mo nga ba ibibigay ang matamis mong oo? Kailangan ko bang sungkitin ang buwan at mga bituin para gawing kuwintas na isusuot ko sa’yo nang sa ganun mas lalong magningning ang makikislap mong mata at lalong magkulay ang mapupula mong labi? Kailangan mo bang sisirin ko ang karagatan upang maialay ko sa’yo ang pinakamakintab na perlas upang tumbasan ang kislap ng ‘yong ngiti? Sabihin mo sa akin Inday kung anong ninanais mong gawin ko upang pag-ibig mo’y makamtan ko.

Pag-ibig nga naman, hahamakin lahat para makamtan lamang. Hindi iniintindi ng mga Pinoy na lalake ang pagkaalipin sa pag-ibig at kung nanaisin ni babae na alipinin s’ya, mapasagot lang ng oo, bale wala ‘yun sa nagmamahal na lalake.

Ganito ang pagtatapos ni Dodong sa kanyang love letter:

Hindi ko tutuldukan ang pag-ibig na ito Inday habang ako’y nabubuhay gaya ng hindi ko pagtuldok sa sulat na ito. Patuloy akong umaasa na ang pag-ibig na inaalay ko sa’yo’y tatanggapin mo’t iibigin mo rin ako. Makakaasa kang ikaw at ikaw lamang ang laman ng puso’t damdamin ko. Dahil tanging ikaw lamang ang nagdudulot ng tunay na ligaya sa akin. Hanggang sa muli nating pagkikita bukas.

Patuloy na nagmamahal sa’yo ng labis,

Dodong

Naks, parang hindi tayo kasali sa mundo ni Dodong ah. Tanging si Inday lang ang kilala n’yang tao ngayon sa mundo n’ya. Siyempre, bawat sulat ng Pinoy, may pahabol:

P.S.

Ipagpaumanhin mo ang karahasan kong ipaabot sa’yo ang nararamdaman ng puso ko. Sana’y hindi ka magsasawang basahin ang mga sulat ko aking iniibig. Hanggang sa muli.

Kung tatanungin n’yo pala kung paano nakarating kay Inday ang sulat, ganito ang nangyari. Humiram si Dodong ng kuwaderno ni Inday. Siyempre, ang kinausap ni Dodong na makipag-usap kay Inday ay ang kaibigan ni Inday na si Bebang. Noong ibinalik na ni Dodong ang kuwaderno ni Inday, nasa gitnang bahagi na ng kuwaderno ang love letter ni Dodong para kay Inday. Ang ginamit na papel, linen paper na mabango.

Ano kaya ang magiging sagot ni Inday kay Dodong?

Mga Puna »

  1. yehey, base ako!

    Komento ni jasmine — Setyembre 21, 2009 @ 7:36 umaga | Tugon

  2. sus, parang hindi ata si Dodong ang nagsulat e. Ikaw ata to e!lol

    Komento ni jasmine — Setyembre 21, 2009 @ 7:41 umaga | Tugon

    • Wala namang bukuhan mahal hahaha. Pero teka, mukhang effective ata mga love letters ko sa’yo noon😀

      Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Setyembre 21, 2009 @ 1:18 hapon | Tugon

  3. 2nd base!hehe
    pers taymer yata ako dito pero enjoy kong bsahin ang sulat ni dodong
    hndi ko tutuldukan ang comment kong ito kc alm kong hndi ito ang huli magba2lik uli ako para magbasa ng post sa blog na ito🙂

    Komento ni ELIment — Setyembre 21, 2009 @ 12:16 hapon | Tugon

  4. […] Pinoy na Pinoy @ […]

    Pasa ni Reply Letter ni Inday sa sulat ni Dodong « Blog Ong — Setyembre 21, 2009 @ 2:34 hapon | Tugon

    • Mukhang napuyat sila Dodong at Inday sa mga love letters nila. Hanep naman kapatid, may sagot agad si Inday. Di kaya dudugo ilong ni Dodong pagkabasa sa sulat ni Inday? hahaha

      Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Setyembre 21, 2009 @ 2:50 hapon | Tugon

  5. hasus, namiss ko naman tuloy ang mga lab leter ng aking mga iniirog nung ako ay nagaaral pa.. nyahahaha.. nakasulat sa magagandang stationery, yung iba naman, sa basta papel lang.. hehehe

    teka, may ganyang Dodong paba ngayun?! hahaha!🙂

    aba, kung aku naman si inday eh go go go na! hahaha, dahil para namang napaka seryoso ni dudung! haha!

    at teka din.. may ganyang Inday padin ba ngayun? ( pakipot?) wwwaahhh!!

    Komento ni pinkdiaries — Setyembre 22, 2009 @ 5:31 umaga | Tugon

    • Si Dodong ang halimbawa ng seryosong manliligaw na lalakeng Pinoy. May mga Dodong pa tayo lalo na sa mga probinsya. At siyempre pa, kung may Dodong pang Pinoy, hindi mawawala ang Inday na nawiwiling basahin ang mga lab leter ni Dodong, nakasulat man sa mabangong stationery o sa yellow pad hahaha.

      Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Setyembre 22, 2009 @ 7:54 umaga | Tugon

  6. naks…
    hop hop.

    ang korni. heheheh. joke.

    but to think, its quite awkward to see some one writing in contrary na nakakakilig pag ikaw ang sinultan. hehehe

    Komento ni tina — Setyembre 24, 2009 @ 11:55 umaga | Tugon

  7. ako oo…birthday kc nung karas ko tapos gumawa akong poem..(wla na kong kopya nun, sayang..)

    ^,^

    Komento ni precious — Setyembre 24, 2009 @ 11:17 hapon | Tugon

  8. first time kung bashin ang letter!! Its so nice!! Pa help nman oh!! Request kc ng girlfriend ku na gawan sya ng love,letter!! Who can help me!! Thank’s a lot!

    Komento ni mjnoveno — Agosto 22, 2012 @ 5:44 hapon | Tugon


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Lumikha ng libreng website o blog sa WordPress.com.

%d bloggers like this: