Pinoy na Pinoy

Setyembre 27, 2009

Ngiting Pinoy

Filed under: Ugaling Pinoy — Constantine Guitang @ 2:21 hapon
Ang mga Pinoy, mahilig ngumiti. Ang ngiti daw ang siyang nagbibigay sigla sa mga Pinoy, hindi lang sa ngumingiti kundi ang nginingitian. Dahil ang ngiti daw ay nakakahawa. Ang misis ko nga, dahil medyo malabo ang mga mata, binibiro s’yang laging ngumingiti daw makita lang ng puting ngipin sa mga nakakasalubong maski hindi kilala. Ugali kasi nating mga Pinoy na ngiti ang unang pagbati natin sa ating mga kakilala.
Narito ang mga halimbawa ng mga Pinoy na mahilig ngumiti:
1. Ang mga tindira sa palengke, tudo ngiti pag tinatawag ka ng ‘Bili na suki.’
2. Isali mo na rin ang magtataho kapag nag-aalok ng taho sa mga bata.
3. Pati na rin si mamang sorbetero, maski may sipon ang bata, kapag ngumiti na s’ya, nagpapabili na ang mga bata sa kanilang mga nanay ng sorbetes.
4. Ang mga naglalako sa mga bus, nakangiti pa sila habang nag-aalok ng libreng tikim sa kanilang tindang mani na maraming bawang, minatamis na buko pandan o chicharon.
5. Ang mga Pinoy, mahilig ngumiti at kumaway kapag nadadaanan ng camera ng ABS-CBN at ano mang TV network, mapa-coverage man ito ng piyesta o ng bagyo.
6. Ang jeepney drayber, nakangiti pa rin maski huli s’ya ni mamang pulis.
7. Ang mga crew ng Jollibee, nakangiti lagi maski paspasan ang paghahanda ng mga paborito nating chicken joy. At siyempre pa, nakangiti rin ang mga sikyo nila habang sinasabihan ka ng ‘Come again sir.’ Nakakahawa talaga ang ngiti ni Jollibee.
8. Maski nasa kabilang linya ng telepono ang mga call center agents natin, mararamdaman pa rin natin ang kanilang mga ngiti habang nagrereklamo tayo sa ating nawalang internet connection o iba pang mga reklamo.
9. Ang ngiti ng ating crush ang siyang nabibigay kulay sa ating maghapon.
10. At siyempre pa, ang ngiti ni Inday ang pinakakaasam ni Dodong.
Ngiting Artista
Dumako naman tayo sa mga binabayarang ngiti. Sila ang mga artistang malakas ang dating ng mga ngiti.
1. Ngiting Erap. Ang ngiti ni Erap ang isa sa mga dahilan kung bakit nakukuha n’ya ang kiliti ng masa. Sa tabingi n’yang ngiti, nababagay dito ang bigote at mala-tigreng tingin n’ya. Kaya’t mula pagiging artista, ang ngiti n’ya ang nadala sa kanya sa pagiging pangulo ng Pilipinas.
2. Ngiting Karyl. Ang ngiti ni Karyl ay minsan nakakapagpaiyak dahil napagkakamalang may ibang kahulugan ang kanyang mga ngiti. O mas mainam bang sabihing ngisi?
3. Ngiting Blakdyak. Sa itim na mukha ni Blackjack, nagagawa n’yang pasayahin ang kanyang mga tagahanga sa pagngiti n’ya ng tudo-tudo habang nagrarap ng ‘Good Boy’.
4. Ngiting Michael V. Si Michael V. ay mukha ng iba’t ibang ngiti. May ngiting Yaya, may ngiting Bebang at may ngiting Bitoy.
5. Ngiting Pac-man. Isa ito sa karisma ni Manny Pacquiao. Maski na siguro magkandapili-pilipit ang mga muscles n’ya sa tindi ng training, nakangiti pa rin Manny lalo na kapag dinudumog siya ng mga taga-hanga niya, bata man o matanda. Nakakadagdag sigla ito sa matipuno n’yang katawan. ‘Now you know.’
6. Ngiting Aling Dionisia. Saan pa nga ba nakuha ni Manny ang ngiti n’ya kundi ang kanyang nanay. Ito marahil ang secret sangkap ni Aling Dionisia kung kaya’t nakakapag-ballroom dancing at sunod-sunod ang komersyal sa TV, ang kanyang walang kupas na ngiti.
7. Ngiting Kap Bong Revilla Jr.. Ang ngiti ni Bong Revilla Jr. ay siyang naging agimat niya sa pelikula na marahil namana rin niya sa kanyang amang Ramon Revilla Sr. Sumasabay pati ang pagsingkit ng kanyang mga mata kung siya’y ngumingiti.
8. Ngiting Kimerald. Ang mga ngiti ng dalawang PBB stars at bida sa mga teleserye na sina Kim Chiu at Gerald Anderson ang marahil nakalikum ng maraming Kimerald fans at napanatili nila ang kasikatan nagmula noong lumabas sila sa bahay ni Kuya. Kaya naman sila ang kinuha ng Enervon na endorsers ng bitamina nila.
9. Ngiting TVJ. Sino kina Tito, Vic at Joey ang pinakapaborito mong ngiting artista? Sino man sa kanila, tiyak, ang mga ngiti nila ang siyang nagpanatili sa kanila sa mundo ng showbiz at sa politika kay Senador Tito.
10. Ngiting Jayson Gainza. Kung si Boy Abunda lang ang pagbabasehan ko sana, marahil hindi makakapasok sa sampung napili kong ngiting artista. Pero nung ginaya ni Jayson Gainza si Boy sa NNNN nila sa Banana Split, pasok na pasok siya sa ngiting artista. Di ba Kris, este, Angelica?
Pinakasikat na Ngiti ng Pilipinas?
Sa kabila ng mga nabanggit na ngiting Pinoy, may mas sikat pa bang ngiti?
Sandali, mukhang may naririnig akong bulong… si Ate Glo? Ang saya-saya ‘no?
Nakakahawa ang ngiting Pinoy.

Nakakahawa ang ngiting Pinoy.

Ang mga Pinoy, mahilig ngumiti. Ang ngiti daw ang siyang nagbibigay sigla sa mga Pinoy, hindi lang sa ngumingiti kundi ang nginingitian. Dahil ang ngiti daw ay nakakahawa. Ang misis ko nga, dahil medyo malabo ang mga mata, binibiro s’yang laging ngumingiti daw makakita lang ng puting ngipin sa mga nakakasalubong maski hindi kilala.

Naging ugali na kasi nating mga Pinoy na ngiti ang unang pagbati natin sa ating mga kakilala. Sa mga kapit-bahay natin, sa mga nakakasalubong natin sa daan, hanggang sa mga kaopisina o kaklase, sapat na ang ngiti para batiin sila.

Narito ang mga halimbawa ng mga ngiting Pinoy:

  1. Ang mga tindera sa palengke, todo ngiti pag tinatawag ka ng ‘Bili na suki.’
  2. Isali mo na rin ang magtataho kapag nag-aalok ng taho sa mga bata.
  3. Pati na rin si mamang sorbetero, maski may sipon ang bata, kapag ngumiti na s’ya, nagpapabili na ang mga bata sa kanilang mga nanay ng sorbetes.
  4. Ang mga naglalako sa mga bus, nakangiti pa sila habang nag-aalok ng libreng tikim sa kanilang tindang mani na maraming bawang, minatamis na buko pandan o chicharon.
  5. Ang mga Pinoy, mahilig ngumiti at kumaway kapag nadadaanan ng camera ng ABS-CBN at ano mang TV network, mapa-coverage man ito ng piyesta o ng bagyo.
  6. Ang jeepney drayber, nakangiti pa rin maski huli s’ya ni mamang pulis.
  7. Ang mga crew ng Jollibee, nakangiti lagi maski paspasan ang paghahanda ng mga paborito nating chicken joy. At siyempre pa, nakangiti rin ang mga sikyo nila habang sinasabihan ka ng ‘Come again sir.’ Nakakahawa talaga ang ngiti ni Jollibee.
  8. Maski nasa kabilang linya ng telepono ang mga call center agents natin, mararamdaman pa rin natin ang kanilang mga ngiti habang nagrereklamo tayo sa ating nawalang internet connection o iba pang mga reklamo.
  9. Ang ngiti ng ating crush o girlfriend o asawa ang siyang nagbibigay kulay sa ating maghapon.
  10. At siyempre pa, ang ngiti ni Inday ang pinakaaasam ni Dodong.

Ngiting Artista

Dumako naman tayo sa mga binabayarang ngiti. Sila ang mga artistang malakas ang dating ng mga ngiti.

1. Ngiting Erap. Ang ngiti ni Erap ang isa sa mga dahilan kung bakit nakukuha n’ya ang kiliti ng masa. Sa tabingi n’yang ngiti, nababagay dito ang bigote at mala-tigreng tingin n’ya. Kaya’t mula pagiging artista, ang ngiti n’ya ang nadala sa kanya sa pagiging pangulo ng Pilipinas.

2. Ngiting Karylle. Ang misteryosong ngiti ni Karylle ay minsan nakakapagpaiyak dahil napagkakamalang may ibang kahulugan daw ang kanyang mga ngiti. O mas mainam bang sabihing ngisi?

3. Ngiting Blakdyak. Sa itim na mukha ni Blackjack, nagagawa n’yang pasayahin ang kanyang mga tagahanga sa pagngiti n’ya ng todo-todo habang nagrarap ng ‘Good Boy’.

4. Ngiting Michael V. Si Michael V. ay mukha ng iba’t ibang ngiti. May ngiting Yaya, may ngiting Bebang at may ngiting Bitoy.

5. Ngiting Pac-man. Isa ito sa karisma ni Manny Pacquiao. Maski na siguro magkandapili-pilipit ang mga muscles n’ya sa tindi ng training, nakangiti pa rin Manny lalo na kapag dinudumog siya ng mga taga-hanga niya, bata man o matanda. Nakakadagdag sigla ito sa matipuno n’yang katawan. ‘Now you know.’

6. Ngiting Aling Dionisia. Saan pa nga ba nakuha ni Manny ang ngiti n’ya kundi sa kanyang nanay. Ito marahil ang secret sangkap ni Aling Dionisia kung kaya’t nakakapag-ballroom dancing at sunod-sunod ang komersyal sa TV, ang kanyang walang kupas na ngiti.

7. Ngiting Kap Bong Revilla Jr.. Ang ngiti ni Bong Revilla Jr. ang siyang naging agimat niya sa pelikula na marahil namana rin niya sa kanyang amang Ramon Revilla Sr. Sumasabay pati ang pagsingkit ng kanyang mga mata kung siya’y ngumingiti.

8. Ngiting Kimerald. Ang mga ngiti ng dalawang PBB stars at bida sa mga teleserye na sina Kim Chiu at Gerald Anderson ang marahil nakalikum ng maraming Kimerald fans at napanatili nila ang kasikatan nagmula noong lumabas sila sa bahay ni Kuya. Kaya naman sila ang kinuha ng Enervon na endorsers ng bitamina nila.

9. Ngiting TVJ. Sino kina Tito, Vic at Joey ang pinakapaborito mong ngiting artista? Sino man sa kanila, tiyak, ang mga ngiti nila ang siyang nagpanatili sa kanila sa mundo ng showbiz at sa politika kay Senador Tito Sotto.

10. Ngiting Jayson Gainza. Kung si Boy Abunda lang ang pagbabasehan ko sana, marahil hindi makakapasok sa sampung napili kong ngiting artista. Pero nung ginaya ni Jayson Gainza si Boy sa NNNN nila sa Banana Split, pasok na pasok siya sa ngiting artista. Di ba Kris, este, Angelica?

Pinakasikat na Ngiti ng Pilipinas?

Sa kabila ng mga nabanggit na ngiting Pinoy, may mas sikat pa bang ngiti?

Sandali, mukhang may naririnig akong bulong… si Ate Glo? Ang saya-saya ‘no?

Mga Puna »

  1. Base! hehehe

    Ika nga eh, ang ngiti daw ang pinakamabisang paraan upang magkaroon ng kaibigan. Pero alam niyo ba na hindi lahat ng ngiti e nakakabingwit ng kaibigan? Kung bakit? Alamin sa BLOG ONG!

    http://tatakblogong.wordpress.com/2009/08/12/blog-ongs-top-10-ngiting-animal/

    Komento ni BLOG ONG — Setyembre 27, 2009 @ 3:56 hapon | Tugon

  2. Ngiting Rene Requestas? =P

    Komento ni timangkey — Setyembre 29, 2009 @ 12:14 hapon | Tugon

  3. when i was young, kapag humaharap sa kamera hindi aku masyadu ngumingiti, kasi ewan ko ba.. haha, peru nung natutu naman akung ngumiti, haha, wag ka, sa lahat ata ng aggulo, kung saan ang kamera nandun ang ngiti ko! nyahahaha, tionks!
    well, sarap talagang tingnan ang ngiti ng mga pilipino, nakakapawi ng sad,hehehe.. kahit anung ngiti payan, mapa artista o ornaryo, basta smile from the heart, shoot! ayus! ehehe🙂

    Komento ni pinkdiaries — Setyembre 30, 2009 @ 2:53 umaga | Tugon

  4. Ibag klase talaga ang mga ngite ng mga komedian, ung kahit nakasmangut na sila eh pag ngiti parin ang mararamdaman mo.

    Komento ni dlysen — Setyembre 30, 2009 @ 4:21 umaga | Tugon

    • Kabilang na diyan sina Jimmy Santos, Cachupoy, Rene Requestas, Pokwang, Manny Pooh, Palito at marami pang iba hahaha.

      Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Setyembre 30, 2009 @ 8:52 umaga | Tugon

  5. Hahaha favorite ko yung ngiti ni Aling Dionisia!

    Komento ni Ira — Oktubre 16, 2009 @ 4:37 hapon | Tugon

    • Natural na komedian nga daw si Aling Dionisia sabi ni Erap, di pa daw nagsasalita eh natatawa na siya hahaha.

      Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Oktubre 17, 2009 @ 12:01 umaga | Tugon

      • tamah.. lng nm na ngmti tau dhl nagbbgay ganda ito sa atin…..:)

        Komento ni jane — Pebrero 10, 2013 @ 3:07 umaga


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

%d bloggers like this: