Pinoy na Pinoy

Oktubre 23, 2009

May Panahon Ka Ba Sa Iyong Mga Anak?

Filed under: Pamilyang Pinoy — Constantine Guitang @ 1:40 hapon
Noong nasa tatlong taong gulang ang aming anak, dumalaw sa aming bahay ang isang kaibigan ko. May pinag-uusapan kami noon na web design para sa kanyang negosyo. Habang nag-uusap kami, nagpakandong ang aking anak at nakikipag-agawan sa laptop na nasa harapan namin ng kausap ko. Nagalit ako dahil hindi ko maawat kaya’t tumakbong umiyak ang anak ko papunta sa mama niya.
Akala ko hindi ‘yun pinansin ng kaibigan ko. Pero nung nagkita kami uli sa Chowking, ganito ang sinabi sa akin.
“Alam mo, ganun din kami ng asawa ko noon sa panganay namin. Nagagalit kami kapag ganun nangungulit ang anak namin pagdating namin sa bahay namin. Kung minsan, napapalo pa namin dahil sobrang papansin. Pero namulat kami nung sinabi ng mommy ko sa amin na ‘Ngayon na nga lang n’yo kapiling ang anak n’yo sa maghapon, ‘yan pa ang aabutin sa inyo.’ Mula noon pare, mas marami na kaming panahon sa anak namin, di na rin kami gaano nagagalit sa kakulitan niya.”
Kaya’t naisipan kong tanungin din ito sa inyo, may panahon pa ba kayo sa inyong mga anak?
Isang halimbawa
Ganito ang kadalasang nangyayari sa pamilyang Pinoy. Pagkagising sa umaga, lahat nag-aapura para hindi ma-late sa trabaho ang mag-asawa at ang mga bata’y kanya-kanyang ayos din sa mga gamit sa paaralan. Ang nanay, mamalantsa habang nagluluto ng almusal. Ang tatay, nagbabasa ng diyaryo habang nagkakape. Pagkalampas ang alas sais, tahimik na ang bahay, nakaalis na ang buong pamilya sa trabaho at paaralan. Pagka-uwi sa hapon, ang mga bata, diretso sa harap ng TV. Ang nanay, magluluto. Ang tatay, gabi na kung makarating sa bahay. Pagkarating, sa kanya naman ang TV. Pagkatapos ng hapunan, balik sa TV ulit o kung nag-uwi ng trabaho ang tatay, magpupuyat pa ito. Pagkatapos, matutulog na. Ganito ang sitwasyon hanggang Biyernes o Sabado. Sa Linggo, matutulog ang mag-asawa maghapon.
Napansin mo ang kulang?
Oo, sa araw-araw na lumilipas, nakakaligtaan ng mga magulang na pagtuunan ng pansin ang kanilang mga anak.
• Walang panahong magkuwentuhan .
• Walang panahong makinig sa bagong natutunan ng kanilang anak sa paaralan.
• Walang panahong makita ang 10/10 na score ng kanilang anak.
• Walang panahong makipaglaro sa mga anak ng habulan o tagu-taguan.
• Walang panahong tingnan ang ganda ng kinulayan ng bunsong anak sa kanyang aklat.
• Walang panahong makinig sa problema ng nagdadalagang anak sa manliligaw niya.
• Walang panahong makipaglaro ng chess o basketball sa nagbibinatang anak.
• Walang panahong dumalo sa paligsahang sinalihan ng anak.
• Walang panahong tulungan ang anak sa kanyang takdang aralin.
• Walang panahong makipagkilitihan sa anak.
• Walang panahong humanga sa bagong magic na natutunan ng anak.
• Walang panahong turuan ang anak na ispelingin ang K-I-N-D-E-R.
• Walang panahong sabayan ang anak na magdasal bago matulog.
Humahaba ang listahang ito pero iisa lang ang gustong ipahiwatig, wala tayong panahon sa ating mga anak.
Panahon ang kailangan ng mga bata
Hindi mamahaling laruan na umaabot sa libo ang kailangan sa atin ng ating mga anak. Hindi ang pinakabagong cellphone at kulang ang isang text message na ang tanging laman ay isang letrang ‘K’. Hindi si yaya ang inaasam nilang laging kasama pagkauwi sa bahay. Ang kailangan nila’y panahon natin.
Sa mga kababayan nating mga OFW, ang madalas na inaasam ng kanilang mga anak ay ang panahon nila sa isa’t isa. Pagkatapos na tanggapin ng anak ang padalang PSP at chocolate sa kanya ng kanyang ina, pagdating ng gabi, sumasagi sa anak ang lungkot ng pangungulila sa kanyang magulang na OFW. At kung ilang taon niyang dadanasin ito’y hindi natin alam. Dalawa, apat na taon? Pagkagraduate sa kolehiyo? Hanggang sa hindi na niya kilala ang kanyang mga magulang? Hindi naman sana.
Ang panahon ko sa aking anak
Nasa Kinder 2 na ang anak namin at nagpapasalamat kami’t maraming panahon ang naiuukol naming mag-asawa sa kanya. Nasasaksihan ko kung paano niya nagagawa ang mga bagong natutunan niya. Matiyaga akong nakikinig sa pagkanta niya ng Reflection maski hirap siya sa pagkapa sa lyrics nito. Pumapalakpak ako kapag pinapakitaan ako ng bagong step na inimbento niya sa pagsayaw. Nahahasa din ang kakayahan kung gumamit ng krayola habang sinasabayan siyang nagkukulay ng mga aklat niya. Nagpapaligsahan kaming magsabi kung anong produkto ang nasa TV komersyal. Natototo siyang magbasa ng mga billboards at signs sa mga nadadaanan namin patungo sa paaralan niya kapag hinahatid o sinusundo ko siya kasi may panahon akong magsabi kung paano basahin ang mga iyon. At alam kong marami pa akong matototonan sa kanya at siya sa akin sa bawat inilalaan kong panahon para sa aming anak.
Kayo, may kuwento ba kayo kung paano niyo ginugugol ang panahon niyo sa inyong mga anak? O bilang anak, mga alaalang hindi mo malilimutan sa piling ng iyong mga magulang? Magkuwento na sa komento.
Sikaping magkaroon ng panahon sa mga anak, ito ang pinakaaasam nila sa atin.

Sikaping magkaroon ng panahon sa mga anak, ito ang pinakaaasam nila sa atin.

Noong nasa tatlong taong gulang ang aming anak, dumalaw sa aming bahay ang isang kaibigan ko. May pinag-uusapan kami noon na web design para sa kanyang negosyo. Nagpapatulong sa akin kung anong magandang gawin para sa website nila. Habang nag-uusap kami, nagpakandong ang aking anak at nakikipag-agawan sa laptop na nasa harapan namin ng kausap ko. Nagalit ako dahil hindi ko maawat kaya’t tumakbong umiyak ang anak ko papunta sa mama niya.

Akala ko hindi ‘yun pinansin ng kaibigan ko dahil may dalawa din siyang anak na maliliit pa. Pero nung nagkita kami uli sa Chowking, ganito ang sinabi sa akin.

“Alam mo, ganun din kami ng asawa ko noon sa panganay namin. Nagagalit kami kapag ganong nangungulit ang anak namin pagdating namin sa bahay namin. Kung minsan, napapalo pa namin dahil sobrang papansin. Pero namulat kami nung sinabi ng mommy ko sa amin na ‘Ngayon na nga lang n’yo kapiling ang anak n’yo sa maghapon, ‘yan pa ang aabutin sa inyo.’ Mula noon pare, mas marami na kaming panahon sa anak namin, di na rin kami gaano nagagalit sa kakulitan niya.”

Kaya’t naisipan kong tanungin din ito sa inyo, may panahon pa ba kayo sa inyong mga anak?

Isang halimbawa

Ganito ang kadalasang nangyayari sa pamilyang Pinoy. Pagkagising sa umaga, lahat nag-aapura para hindi ma-late sa trabaho ang mag-asawa at ang mga bata’y kanya-kanyang ayos din sa mga gamit sa paaralan. Ang nanay, mamalantsa habang nagluluto ng almusal. Ang tatay, nagbabasa ng diyaryo habang nagkakape. Pagkalampas ang alas sais, tahimik na ang bahay, nakaalis na ang buong pamilya sa trabaho at paaralan. Pagka-uwi sa hapon, ang mga bata, diretso sa harap ng TV. Ang nanay, magluluto. Ang tatay, gabi na kung makarating sa bahay. Pagkarating, sa kanya naman ang TV. Pagkatapos ng hapunan, balik sa TV ulit o kung nag-uwi ng trabaho ang tatay, magpupuyat pa ito. Pagkatapos, matutulog na. Ganito ang sitwasyon hanggang Biyernes o Sabado. Sa Linggo, matutulog ang mag-asawa maghapon.

Napansin mo ang kulang?

Oo, sa araw-araw na lumilipas, nakakaligtaan ng mga magulang na pagtuunan ng pansin ang kanilang mga anak.

  • Walang panahong magkuwentuhan .
  • Walang panahong makinig sa bagong natutunan ng kanilang anak sa paaralan.
  • Walang panahong makita ang 10/10 na score ng kanilang anak.
  • Walang panahong makipaglaro sa mga anak ng habulan o tagu-taguan.
  • Walang panahong tingnan ang ganda ng kinulayan ng bunsong anak sa kanyang aklat.
  • Walang panahong makinig sa problema ng nagdadalagang anak sa manliligaw niya.
  • Walang panahong makipaglaro ng chess o basketball sa nagbibinatang anak.
  • Walang panahong dumalo sa paligsahang sinalihan ng anak.
  • Walang panahong tulungan ang anak sa kanyang takdang aralin.
  • Walang panahong makipagkilitihan sa anak.
  • Walang panahong humanga sa bagong magic na natutunan ng anak.
  • Walang panahong turuan ang anak na ispelingin ang K-I-N-D-E-R.
  • Walang panahong sabayan ang anak na magdasal bago matulog.

Humahaba ang listahang ito pero iisa lang ang gustong ipahiwatig, wala tayong panahon sa ating mga anak.

Panahon mo ang kailangan ng mga bata

Hindi mamahaling laruan na umaabot sa libo ang kailangan sa atin ng ating mga anak. Hindi ang pinakabagong cellphone at kulang ang isang text message na ang tanging laman ay isang letrang ‘K’. Hindi si yaya ang inaasam nilang laging kasama pagkauwi sa bahay. Ang kailangan nila’y panahon natin.

Sa mga kababayan nating mga OFW, ang madalas na inaasam ng kanilang mga anak ay ang panahon nila sa isa’t isa. Pagkatapos na tanggapin ng anak ang padalang PSP at chocolate sa kanya ng kanyang ina, pagdating ng gabi, sumasagi sa anak ang lungkot ng pangungulila sa kanyang magulang na OFW. At kung ilang taon niyang dadanasin ito’y hindi natin alam. Dalawa, apat na taon? Pagkagraduate sa kolehiyo? Hanggang sa hindi na niya kilala ang kanyang mga magulang? Hindi naman sana.

Ang panahon ko sa aking anak

Nasa Kinder 2 na ang anak namin at nagpapasalamat kami’t maraming panahon ang naiuukol naming mag-asawa sa kanya. Nasasaksihan ko kung paano niya nagagawa ang mga bagong natutunan niya. Matiyaga akong nakikinig sa pagkanta niya ng Reflection maski hirap siya sa pagkapa sa lyrics nito. Pumapalakpak ako kapag pinapakitaan ako ng bagong step na inimbento niya sa pagsayaw. Nahahasa din ang kakayahan kung gumamit ng krayola habang sinasabayan siyang nagkukulay ng mga aklat niya. Nagpapaligsahan kaming magsabi kung anong produkto ang nasa TV komersyal. Natototo siyang magbasa ng mga billboards at signs sa mga nadadaanan namin patungo sa paaralan niya kapag hinahatid o sinusundo ko siya kasi may panahon akong magsabi kung paano basahin ang mga iyon. At alam kong marami pa akong matototonan sa kanya at siya sa akin sa bawat inilalaan kong panahon para sa aming anak.

Kayo, may kuwento ba kayo kung paano niyo ginugugol ang panahon niyo sa inyong mga anak? O bilang anak, mga alaalang hindi mo malilimutan sa piling ng iyong mga magulang? Magkuwento na sa komento.

Mga Puna »

  1. bilang isang ofw halos wala talaga akong panahon sa aking nag iisa anak na si ysabel.iniwan ku sa aking anak sa magulang ku.bale 2 months pa lang xa noon.kinakailangan kong bumalik sa kuwait dahil sa kanyang kinabukasan.im a single mother.mahirap kumayod at magpalaki ng anak na nag iisa.peron sa pamamagitan nito khit man lng sa pang financial natutulungan at napapalaki ku ang aking anak na mag isa.tuwing magbabakasyon aku sa pinas d ku maramdaman ang pagkasabik ng anak ku sa akin dhil d naman xa lumaki sa piling ku kundi sa aking ina.kung d ku gagawin magtrabaho sa abroad wala kming kakainin mag ina or d ku maibigay ang magandang kinabukasan ng aking anak.masakit sa akin na malayo ang loob ng anak ku pero titiisin ku at nangangarap na balang araw magsasama din kmi ng anak ku ng matagal.

    Komento ni jack — Oktubre 24, 2009 @ 5:45 hapon | Tugon

    • Naiintidihan ko ang layunin mong mabigyan ang anak n’yo ng magandang kinabukasan Jack at hinahangaan ko ‘yan. Maraming paraan para magkaroon tayo ng panahon sa ating mga anak maski nasa malayo pa kayong lugar. Salamat sa teknolohiya. Isa na dito ang regular na pagtatawag sa telepono. Mas mapapalapit ang anak mo sa ‘yo sa bawat dinig niya ng boses mo sa telepono. Isa pang paraan ay kung may internet connection kayong pareho. Sa pamamagitan ng webcam at chat, para na rin kayong magkaharap na nag-uusap. Makikita mo rin ang paglaki niya araw-araw sa pamamagitan ng webcam.

      Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Oktubre 25, 2009 @ 1:38 umaga | Tugon

  2. tamang tama ang suggestion mung magkaron ng web cam chat pero paano,unang una d alam ng mama ku paanu magpakonek sa internet,matagal kung balak magkaron ng ganyang paraan para kapag tumatawag aku sa aking anak ay nakikita nya aku,regular naman akong tumatawag sa kanila pero gusto ku ung nakikita nya aku,sanay matulungan mu ku sa intallastion na un.salamat

    Komento ni jack — Oktubre 25, 2009 @ 3:14 hapon | Tugon

    • Di bale, malapit nang umuwi sa bahay si Bong, sinabi ko na sa kanya kung paano gagawin para magka-internet na kayo. Marunong naman na kayong mag-Yahoo Messenger kaya hindi na kayo maghihirapang pag-aralan kung paano. Bili na lang kayo ng mic, headset at webcam, ikakabit sa computer. Kaya maski naglalaro lang ang anak mo sa bahay, basta’t naka-on ang Yahoo Messenger at webcam, mapapanood mo siya hangga’t gusto mo. Mas tipid pa kesa madalas na pagtawag sa telepono. Yan, parang magkasama na rin kayong mag-ina pag meron na yan.

      Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Oktubre 26, 2009 @ 1:42 umaga | Tugon

  3. mahirap talaga ibalanse ang family at trabaho, lalo na kung parehong nagtatrabaho ang mag-asawa. sa mga kaibigan kong may mga anak, nakikita ko kung papano nila pinagkakasya ang panahon nila sa mga anak. quality time daw ang kailangan. kaya di ko na ine-expect na mag-overtime ang may mga anak kong ka-trabaho, lagi silang nagmamadaling umuwi. ako naman, si Fritz lang ang nagpapansin sa akin pag-uwi ko sa bahay at mag-gising sa umaga. buti na lang, di na kailangan turuan magsulat at magsalita si Fritz—kamutin ko lang ulo, tyan at singit, masaya na s’ya. (lol)

    Komento ni luna miranda — Oktubre 28, 2009 @ 6:09 umaga | Tugon

    • Kaya siguro di ko na tinanong kung “may panahon ka ba sa iyong aso?” (lol), dahil kadalasan, kung bumili ng aso ang isang tao (lalo na kung may breed), nabibigyan ito ng sapat na atensyon.

      Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Oktubre 28, 2009 @ 1:19 hapon | Tugon

  4. Tags, tulad ni Mira, di pa ako makakapag share ng aking karanasan para sa topic mong ito. Pero, sakaling maging magulang na din ako, pagdating ng panahon, paglalaanan ko talaga ng panahon ang aking magiging anak, lalong lalo na sa tinatawag na “formative years”, kasi ako ang Ina. Hindi ko hahayaang sa ibang tao pa manggaling ang “quality” time na dapat eh ako ang nagbibigay.

    Eh paano naman kaya Tags, kung baligtarin natin, “May Panahon Ka ba sa Iyong Mga Tumatandang Magulang?” .. hmmmm nakuuu .. hehehehe

    Komento ni Dowie aka atta — Oktubre 28, 2009 @ 10:52 hapon | Tugon

    • Tama ka Atta, yung unang anim na taon ng isang bata ang mahalagang pagtuunan ng pansin ng mga magulang na tulad ko. Balitaan mo kami kapag naging magulang na rin kayo🙂

      Sa tanong mong “may panahon ka ba sa iyong mga tumatandang magulang”, nagpapasalamat ako’t natutuwa ang mama ko sa bawat text ko sa kanya.

      Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Oktubre 29, 2009 @ 4:33 umaga | Tugon

  5. Ang sagot ko ho sa tanong n’yo Igan ay … meron… sa akin kasi ang panahon ay hindi lang naman nangangahulugan na ito ay kapiling mo ang anak o mga anak in person. Maraming paraan na makapiling mo sila every now and then, sa iyong imahinasyon, at sa iyong mga pangarap.

    Sa loob ng maraming taon na rin akong napalayo sa aking magi-ina, hindi ho maikukubli na mahirap talaga ang lumayo sa kanila at alam natin na sa oras ng ating pag-alis tangan natin ang lungkot at alam natin na magiging kulang ang oras natin para sa kanila.

    Nang mauso ang celfon, social networks malaking tulong ito para mapalapit tayo sa ating mga minamahal. Kahit hindi ko sila kapiling nagagawa kong gawin ang kanilang mga school assignments mula ng sila ay nasa elementary, high school at college.

    Isa sa dahilan kung bakit ko ginawa ang blogsite kong “http://pruelpo.wordpress.com/” ito ang naging tagpuan naming maga-ama. Maganda ang tanong mo Igan. Panggising!

    Komento ni pruelpo — Oktubre 29, 2009 @ 10:38 umaga | Tugon

    • Hinahangaan ko ang paraan mo para magkaroon ka ng panahon sa iyong mga anak pruelpo, maski na nasa malayo ka. Salamat sa teknolohiya at napapaliit niya ang agwat ng mga magkakalayong pamilya gaya ninyo. Nawa’y ganun din ang mga ibang kababayan nating OFW para hindi tuluyang maging estranghero sa mga anak pagbalik sa Pilipinas. Na sana, hindi iisipan ng isang bata na ang kanyang ama’y isang boses lang sa loob ng telepono🙂 Mabuhay ka igan.

      Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Oktubre 30, 2009 @ 3:20 umaga | Tugon

  6. siguru if magkakaroon ako ng mga anak, ill make sure that i have tym for them, weekend gala kami, spare my time to them as much as possible..

    paramdam lang po!🙂

    Komento ni pinkdiaries — Nobyembre 11, 2009 @ 3:42 hapon | Tugon

    • Hi PinkDiaries, welcome back!🙂

      Maganda yang hangarin mong paglalaan ng panahon para sa mga magiging anak mo. Sa kabila ng pagiging busy natin sa trabaho, magkaroon pa rin tayo dapat ng panahon para sa pamilya natin.

      Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Nobyembre 12, 2009 @ 8:43 umaga | Tugon

  7. kaya nga,dapat naman yun talga diba?! syempre para my unity sa pamilya..🙂

    Komento ni pinkdiaries — Nobyembre 18, 2009 @ 4:47 umaga | Tugon

  8. kuya kailan ka ulit gagawa ng another stories mu,ang tagal naman masundan ang kwento mu,pwede mu bng gawin ung ‘the single mother’ gusto kong imention mu dun na kayang magtaguyod ng anak khit ikaw ay isang single mother or walang asawa,sapagkat gustong ipaalala sa mga taong involve na khit isa lng mag isang kumakayod ay dpat very proud cla sa kanilng mga sarili.kuya aantayin ku un ha.anyway anu bng magandang modelo ng loptop kc bibili aku,kuya maganda ba ung windows7.

    Komento ni jack — Nobyembre 18, 2009 @ 6:21 hapon | Tugon

    • Nawili kasi akong magbasa ng libro ngayon kaya hindi ako nakakagawa ng bagong post Jack. Salamat sa suggestion mong topic. Sana makabuo ako agad ng ganyang kuwento.

      Sa modelo ng laptop, tatlong taon ko nang gamit ang Asus at ok na ok naman ang performance. Kung kukuha ka, yung may tatak na Centrino ang kunin mo, huwag yung Celeron kasi mas mabagal ‘yun.

      Ang Windows 7 ang pinakabagong operating system ng Microsoft ngayon. Karamihang bagong laptop ngayon ay may nakainstall nang Windows 7. Mas maganda yun kasi hindi mo na kailangang mag-install ng operating system mo, magagamit mo na agad ang laptop mo pagkabili mo.

      Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Nobyembre 19, 2009 @ 12:33 hapon | Tugon

  9. kuya sobrang hirap po ba tlga mag ka work

    Komento ni ghen — Nobyembre 19, 2009 @ 2:43 umaga | Tugon

    • Hindi ko sigurado kung anong ibig mong sabihin sa “mag ka work” ghen. Pero sasagutin ko ang dalawang assumptions ko.

      Unang assumption ko ay kung tinatanong mo kung mahirap bang maghanap ng trabaho. Ito’y depende sa ‘yo. Una, mas madaling magkaroon ng trabaho kung maganda ang performance mo sa pag-aaral mo, makikita ng magiging employer mo na may passion ka sa inaapplyan mong trabaho, at angkop ang kakayahan mo sa gusto mong maging trabaho. Mahirap namang magkaroon ng trabaho kapag mapili ka ng trabaho, hindi mo pinaghahandaan ang pag-aapply mo ng trabaho, at hindi makikita ng magiging employer mo ang tamang pag-uugaling hinahanap nila.

      Pangalawang assumption ko ay kung mahirap magtrabaho. Mahirap kapag pumapasok ka sa trabaho para lang sa sahod at laging ang pagtunog ng alas-singko ang hinihintay mo maghapon. Madali kapag mahal mo ang trabaho mo at meron kang goal na kinakamit sa pagkakaroon mo ng trabaho, halimbawa’y ang makarating sa posisyon na gusto mo o makapag-ipon para sa sarili mong negosyo.

      Sana’y natugunan ko ang tanong mo at salamat sa pagdalaw dito sa Pinoy na Pinoy ghen.

      Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Nobyembre 19, 2009 @ 12:45 hapon | Tugon

  10. Thanks for the very good advice. Isa kang magandang halimbawa sa mga tatay na sobrang busy. As of the moment, wala pa naman akong kids pero I’ll remember this lessons until the day comes na may mga chikiting na ako.

    Komento ni Rocky Garcia — Nobyembre 22, 2009 @ 11:02 umaga | Tugon

  11. Sa mga bata Love spell as T I M E its hard to take that they spell it wrong but they are right about it.

    Komento ni dlysen — Nobyembre 28, 2009 @ 3:01 umaga | Tugon

  12. kuya nakabili na ku ng laptop TOSHIBA BRAND WINDOWS 7 HOME PREMUIM XA.13.3 INCHES.

    Komento ni jack — Nobyembre 28, 2009 @ 7:48 umaga | Tugon

    • Congrats! Ang ganda ng brand na kinuha mo. Mas marami ka na ngayong panahon sa anak mo lalo’t may internet na rin sila dun. Enjoy!

      Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Nobyembre 30, 2009 @ 12:21 umaga | Tugon

  13. hello po!!! happy new year kuya pinoy!🙂

    Komento ni pinkdiaries — Enero 5, 2010 @ 1:54 hapon | Tugon

  14. Hi! Long time no chat😀

    Ang mga nabanggit mo ay normal sa isang pamilya dito sa Europe. Magkapamilya lang sila sa papel at dugo pero kung talagang susuriin ay wala silang alam sa isat-isa.

    Komento ni WildCat — Enero 13, 2010 @ 11:35 hapon | Tugon

  15. Well. Hindi ko nilalahat pero ika nga, iyan ang majority.

    Komento ni WildCat — Enero 13, 2010 @ 11:36 hapon | Tugon

    • Yan naman ang maipagmamalaki nating pamilyang Pinoy WildCat. Dahil sa kabila ng mabilis na pamumuhay natin ngayon, pagdating ng gabi, pamilya pa rin natin ang mahalaga sa atin, binabanggit man sa kanila o hindi. Salamat sa muling pagbisita dito🙂

      Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Enero 18, 2010 @ 5:06 umaga | Tugon

  16. nasanay din akong may trabaho pero nong nagkaanak ako, i decided to stay home at alagaan sila hanggang sa tingin ko pwede na silang iwan kasi hindi na ako masaya na nasa bahay lang. Ang sabi ko kasi sa sarili ko noon, kailangan kong masaya sa buhay ko bilang tao para maging masayang nanay. Nangyari naman subalit sa pagkakaroon ko ng trabaho, nahati ang oras ko at dahil nakakapagod minsan, nawawalan na ako ng panahong makipaglaro at makinig sa mga kwento nila. Lalo pa’t sa edad nila na mag-aapat at 2, kadaldalan nila and they are still amazed with so many things around them. Naisip ko nga minsan, mali ba ako sa pagbalik sa trabaho at selfish ba ako kasi inisip ko ang pansariling kong pangangailangan? Anyway, I am hoping that as time goes by, maibabalanse ko rin. Salamat sa nabasa kong isinulat mo dahil nagsisilbi itong paalala sa akin.
    Siya nga pala. May notebook ako na Dell Inspiron mini. Gusto ko sanang i-reformat kasi ayaw ma-uninstall and nilagay kong Norton 360 na hindi raw compatible sa OS, parang ganon, pero hindi naman nagre-respond. ano ang pwede kong gawin. Sinubukan kong mag download ng ibang anti-virus na Avast kaso it prevents me from going on line so I uninstalled it. Nong sinubukan ko na ulit i-download, pagkatapos madownload wala ng ibang indication na na install nga. Ano po ba ang pwede kong gawin?
    MAraming salamat po.

    Komento ni esjhayne — Marso 5, 2010 @ 1:33 hapon | Tugon

    • Hello esjhayne. Tungkol sa uninstall, sinubukan mo na bang tingnan ito sa “Add or Remove Programs” na nasa Control Panel? Kadalasan, nandito ang listahan ng mga nainstall na programs. Doon sa “Add or Remove Programs”, pagka-click mo sa program na gusto mong i-uninstall sa listahan, may lalabas na Remove button, click mo lang ito at sundan mo na lang ang instruction para mauninstall yung program na gaya ng Norton at Avast.

      Sa Avast, kung download lang ginawa mo at di mo pa ni-run yung downloaded installer, di pa ito naiinstall. Kung hindi mo napagana ang Norton at Avast, ba’t di mo subuka ang Avira AntiVir na antivirus? Palagay ko, mas madali mo itong mainstall sa computer mo.

      Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Marso 8, 2010 @ 1:30 hapon | Tugon

      • Nasubukan ko na po yong nauna mong binanggit pero ayaw gumana. nag download din ako ng ccleaner baka sakaling ma uninstall nito ang norton pero ayaw pa rin. Wala din ung Avast sa downloaded para ma run ko sana…ano pa po ang ibang pwede kong gawin? salamat po sa tugon ninyo. more power!

        Komento ni esjhayne — Marso 10, 2010 @ 11:40 umaga

  17. Hi esjhayne. May nahanapan akong 3 klaseng paraan para matanggal mo ang Norton 360 mo. Hindi gumana kamo yung unang paraan na nabanggit dito, kaya subukan mo yung pangalawa o pangatlong paraan. Narito ang link http://www.pchell.com/virus/uninstallnorton.shtml.

    Sa pagdownload ng Avast, check mo kung saan napupunta ang mga downloaded files mo dun sa Settings ng browser mo, para alam mo kung saan mo hanapin yung installer ng Avast na nadownload mo.

    Sana makakatulong ang mga ito.

    Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Marso 14, 2010 @ 12:24 umaga | Tugon

  18. nakaka-iyak. 22years of my life pa-epal lang ako sa magulang ko. until now di pa rin ako nakakagraduatre ng college dahil may mga bagay na nakaligtaan ng magulang ko na ibahagi sakin ang nalalaman nila. lahat na ata ng WALANG PANAHON nagawa na nila,sama-sama kami sa bahay wala akong kapatid pero wala silang panahon para turuan ako ng mga gawaing bahay tapos maririnig mo sa mga kamag-anak mong tamad ka kasi nakikita nilang ang nanay ko ang nagluluto,naglalaba at gumagawa. ang tatay ko naman walang panahon para magtrabaho umasa na bahala na bukas. kaya pala madami akong kabalbalan sa mundo. tama habang lumalaki ako lalong dumadami ang walang panahon nila sakin. sana marealize nila na hindi COMPLETE ATTENDANCE ang gusto ko sa school, ang gusto ko yung atensyon nila na pahalagahan ako at hindi dahil wala pa akong diploma at trabaho.😦

    Komento ni Epal na bata — Hulyo 11, 2012 @ 8:02 hapon | Tugon

  19. ako naman po ay isang tatay dalawa ang anak na babae isang tatlong taon at dalawang taon ako po ang nahihirapan kapag naririnig ko silang hindi tama ang mga sinasabi nila “GUSTO KO PO SILANG MATUTONG MAGSALITA”ang ginawa ko po ay bumili ako ng ABCD card pero noong tinuturuan ko sila ay ayaw naman nila akong pakinggan tapos ang pagtuturo ko ay kalit na kapag hindi nila ako pinapakinggan pero hindi naman nila na aalala kapag inuulit ko kinabukasan tapos naging bussy ko ako sa trabaho at laging 3oras po ako lagi hanggang hindi ko na natuturuan ang mga anak ko at ako ay lagi ng tinatamad dahil sa sobrangdaming nakakairita sa bahay kapag uwi ko sobrang kalat ng bahay at lagi kaming nagaaway ng asawa ko dahil kapag uwi ko ng bahay gutom na gutom ako minsan tapos kapag magpapasandok ako ay galit pa sya at sinasabi nya na ako nalang ang magsandok pero ngaun sinasandukan nya na ako lol pero ang pinakaproblema ko ngaun paano ko kaya matuturuan na mag salita ang dalawa kong anak dahil naiisip ko kadalasan na nakakapagod ang buhay dahil trabaho bahay lang ako at paguwi ng bahay computer marami rin mali sakin pero sana matulungan mo akong maturuan ang anak kong magsalita

    Komento ni joven — Hunyo 1, 2013 @ 1:19 hapon | Tugon


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

%d bloggers like this: