Pinoy na Pinoy

Pebrero 10, 2010

Hindi ko na Kailangang Iwan ang Laptop ko Para Manood ng TV

Filed under: Buhay Pinoy — Constantine Guitang @ 2:08 hapon
American Idol sa laptop ko.

American Idol sa laptop ko.

Mahilig ka bang manood ng TV? Pareho lang tayo.

May mga programa ba sa TV na gustong-gusto mong panoorin pero natataon na nasa harap ka ng computer mo at hindi mo pwedeng iwan kaya hindi ka nakakapanood? Pareho tayo lalo na ang Showtime, TV Patrol at American Idol.

Ganito ang ginawa kong solusyon sa problemang ‘yan. Noong una, naghanap ako sa Internet ng mga live TV streams ng mga local channels at may nahanapan naman ako. Ang problema, hindi buong araw ay live sila. Isa pa, kung mabagal ang internet connection mo o mabagal ang server ng nahanapan mong TV stream, hindi mo maeenjoy ang manood.

Ang sagot, TV tuner.
USB TV Tuner

USB TV Tuner

Nilibot ko ang mga computer stores dito sa Baguio na nababagay sa budget ko at pwede sa laptop ko. Ang kainaman dito sa Baguio, pwede mong daanan ang karamihang tindahan ng computer na naglalakad ka lang. At may nahanapan naman ako. Ang Kworld PVR-TV 305UDE TV Analog USB TV. Nagkakahalaga ito ng P1,600.00. Dahil USB siya, magagamit ko sa laptop ko.

Pagkauwi ko, salpak agad. Install ang kasamang driver at program. Maliit lang siya, 3 inches lang ang haba, 1 inch ang lapad. Sa isang dulo nito, doon mo ikakabit yung kasamang USB extension papunta sa USB port ng laptop mo. Tapos sa isang dulo naman, doon mo ikakabit ang antenna o cable mo. Wala kaming cable kaya antenna ang ginamit ko. Kapag naka-install na at nakakabit na lahat, run mo na ang kasamang TV viewer program para manood na ng paborito mong programa sa TV.

Pero hindi pa ako nakuntento.
Intex Subwoofer 880W

Intex Subwoofer 880W

Ang tunog ng laptop ko’y hindi kasing lakas ng TV namin. Kaya’t naghanap ako ng mura lang na speaker. Ayoko naman yung tig-dadalawang daan na speaker kasi halos magkasing tunog lang sila ng speaker ng laptop ko. Hindi ko naman kailangan ng 30 watts na subwoofer dahil sobrang lakas para sa kailangan ko. Ang kailangan ko’y makapanood lang ng TV habang nasa harap ng computer. May nahanapan naman akong tig-P450, ang Intex 2.1 Subwoofer 880W. Di gaano kalakasan ang tunog pero sapat na para sa pangangailangan ko. Kung may sapat kang budget, maganda ang Altec Lansing, meron silang model na nagsisimula sa halagang P1,100.

Ang Dscaler TV program na pinaliit ko ang window habang nagtatrabaho ako.

Ang Dscaler TV program na pinaliit ko ang window habang nagtatrabaho ako.

Kailangan ko ring liitan ang window ng TV program ko para makapagtrabaho ako habang pinapalabas ang patalastas. Hindi ko masyadong maliitan ang kasamang program ng TV tuner na nabili ko kaya naghanap ako ng libreng program. Marami akong napagpilian pero ang DScaler TV Viewer ang pinakamagandang nasubukan ko. Walang title bar at napapaliit ko sa gusto kong liit kaya’t halos walang natatakpang espasyo sa ginagawa ko sa laptop ko. Ang DScaler din ang pinakamalinis ng rendering ng video, suportado din niya ang dual monitor, at ang pinakamaganda, libre.

Dahil dito, sa halagang P1,600 na TV tuner plus P450 na speaker, nakakapanood na ako ng Showtime, TV Patrol,  Wowowee, American Idol at iba pa na hindi ko na kailangang pumunta sa harap ng TV para manood. Dito na ako sa laptop ko nanonood ng TV kaya’t napagsasabay ko na ang trabaho at panonood. Kung minsan pa, habang nanonood ako ng Showtime, nagla-login din ako sa facebook, at nakikisali ng kumento sa fan page ni Vice Ganda.

Kasing portable din ba ito gaya ng laptop?

Oo. Dahil bumibiyahe ako minsan sa isang buwan, dinadala ko din ang laptop ko kasama siyempre ang USB TV tuner ko. Dahil hindi ko madala ang aerial antenna ko, bumili ako ng portable antenna sa halagang P120. Sa portable antenna na ito, nakukuha niya lahat ng local channels noong nagbakasyon kami sa Antipolo. Sa Abra, nakukuha niya ang ABS-CBN at GMA.

Anong susunod?

Sana makabili ako ng LCD monitor maski 15″ lang para tuloy-tuloy na naka-full screen ang pinapanood ko sa TV. P4,675 ang pinakamura dito na brand new. May second hand din na nagkakahalaga ng P3,000. Sa ngayon, magtiyaga muna ako kung anong meron ako. Ang mahalaga, nagawa ko ang gusto ko, ang makapanood ng TV habang nasa harapan ako ng laptop ko.

Dahil diyan, may nag-text….

Showtime na!

Mga Puna »

  1. base! kuya pinoy, welkam bak!! hehehe

    aku din sa leptep nalang ako nanonood ng movie at nilagyan kodin ng speaker.. heheh oha?kelangang pabang iwan ang leptep para umalis at manood ng movie?! hehehe

    happy hearts day!🙂

    Komento ni pinkdiaries — Pebrero 11, 2010 @ 2:07 umaga | Tugon

    • Naisipan kong ipagdiinan dito sa post na ito na hindi ang TV tuner ko ang dahilan kung bakit di ako nakapag-blog ng ilang buwan hahaha. Pero sa totoo lang, nakahiligan kong magbasa-basa nitong nakaraang buwan kaya nakaligtaan kong mag-blog.

      Salamat sa pag-welkam bak PinkDiaries, gawain mo rin palang manood ng movies sa leptep mo🙂

      Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Pebrero 11, 2010 @ 3:22 umaga | Tugon

  2. wow ang galing naman ako din bibili ng tv tuner kapag may laptop nako wahahahha

    kuya padaan po😉

    galing nun idea nio multi tasking talaga facebook/showtime and everything panalo🙂

    parang ang sarap din mag sound tripping pag ganyan kalaki ang speaker

    Komento ni naglalambingnacute — Pebrero 11, 2010 @ 6:55 umaga | Tugon

    • Salamat sa pagdaan Naglalambing🙂 Tama ka, multi tasking talaga. Buti na lang may mga commercial breaks sa TV kaya palipat-lipat ng atensyon, trabaho, TV, trabaho, facebook hahaha.

      Isa pang nagustuhan ko sa speaker ay yung volume knob nya, madaling i-adjust yung volume, di mo na kailangang i-click yung volume control ng computer mo para hinaan o lakasan ang sounds.

      Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Pebrero 11, 2010 @ 9:57 umaga | Tugon

  3. idollll… hehehe. boss pahiram isang araw lang? showtime adik ka din pala hehehe. kulet ng site mo, padaan!! mukhang babalik-balik ako dito. ang gaan mo magkwento.

    Komento ni yiN — Pebrero 11, 2010 @ 9:13 umaga | Tugon

    • Di lang kasi yung mga nagpeperform ang nakakaaliw sa Showtime, pati yung mga biruan ng mga hosts at judges, lalo na yung mga patawa ni Vice hahaha. Pwede mong hiramin ang TV tuner ko yiN, huwag lang 10:30 ng umaga hahaha. Salamat sa kumento tol🙂

      Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Pebrero 11, 2010 @ 10:03 umaga | Tugon

  4. salamat sa pagdaan sa aking blog. pareho rin pala tayong may pagka techie. napadaan lang. ganda ng site mo. 🙂

    Komento ni neil — Pebrero 16, 2010 @ 12:20 umaga | Tugon

    • Salamat din sa pagdaan Neil. Oo, sa computer din ang trabaho ko pero itong post na ito pa lamang ang may kinalaman sa computer. Nakatuon kasi sa buhay at ugaling Pinoy ang blog na ito. Marami din akong natutunan sa site mo, salamat.

      Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Pebrero 16, 2010 @ 12:40 umaga | Tugon

  5. uy gusto ko to! maganda ba yung reception pag tv tuner ang gamit, kapatid? balak ko din bumili mg ganyan. para makapanood din ako ng tv (lagi kasing hostage ng anak ko yung remote namin sa bahay) hehehe.

    salamat sa post🙂

    Komento ni taroogs — Pebrero 20, 2010 @ 11:53 hapon | Tugon

    • Ito na ang solusyon sa problema mo sa remote ng TV nyo taroogs. Mula nung nabili ko ito, di na ako nakikipag-agawan sa anak ko ng channel. Tungkol sa reception, oo magkapreho lang sila halos ng reception ng TV, depende sa lokasyon ng antenna mo. Tapos, tinatanggal pa ng DScaler TV Viewer program ang mga noise sa signal bago niya irender yung video. Enjoy watching TV, anytime, anywhere😀

      Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Pebrero 21, 2010 @ 12:37 umaga | Tugon

  6. wow!aus 2 ah, napadaan lang po:)

    Komento ni aubu22 — Pebrero 21, 2010 @ 6:18 hapon | Tugon

  7. napadaan lang po. ang galing naman…pag may pagkakataon, gagawin ko to isang araw.🙂 salamat sa napakagandang impormasyon.

    Komento ni esjhayne — Marso 5, 2010 @ 1:11 hapon | Tugon

  8. Gusto ko rin ngang bumili nyan, lalo na ngayon, uso ang brownout. Atleast ang computer, puwedeng icharge, ang tv hindi😉

    Komento ni Si Joyce, Ang Pinoy Nobelista — Marso 11, 2010 @ 12:55 umaga | Tugon

    • Tama ka dun Joyce, lalo pa’t mula 10 hanggang 11 ng umaga ang brownout dito sa Baguio. Eh, oras ng Showtime yun, hahaha. Pero dahil may TV tuner ako, nakakapanood pa rin ako ng Showtime sa laptop ko maski brownout. Maligayang panonood ng TV sa oras ng brownout😀

      Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Marso 14, 2010 @ 12:27 umaga | Tugon

  9. haha ang galing

    Komento ni jhun — Mayo 31, 2012 @ 2:36 umaga | Tugon

  10. SAAN BA MAKAHIRAM NG PASSWORD SA WATCHPAD

    Komento ni ACCESS — Enero 10, 2013 @ 5:44 hapon | Tugon


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Lumikha ng libreng website o blog sa WordPress.com.

%d bloggers like this: