Pinoy na Pinoy

Pebrero 12, 2010

Pag-ibig 101

Filed under: Buhay Pinoy — Constantine Guitang @ 8:01 umaga
Pag-ibig 101

Pag-ibig 101

Ngayong araw ng mga puso, umaapaw sa lansangan ang pagpapahiwatig ng pag-ibig. Nagpapaalala ng mga panahong nangangapa pa tayo kung paano matutunan ang leksyon ng pag-ibig. Noong high school pa tayo, parang dala-dala natin araw-araw ang notebook natin para sa klase natin sa Pag-ibig 101.

Ngayong may asawa na ako, gusto kong umastang guro ng mga kabataang gustong kumuha ng kursong Pag-ibig 101. At pagharap ko sa kanila, ganito ang maaari kung sabihin.

1. Kung nahihiya kang manligaw sa kanya, hindi mo siya mahal.
Mahal mo ang sarili mo. Dahil kadalasang rason kung bakit ka nahihiya’y dahil may takot kang baka pintasan ang suot mo, mapupuna na pango ang ilong mo, o baka wala kang masabi kapag nasa harapan mo na siya. Ang nakikita mo’y ang kahinaan mo, ang sarili mo at hindi siya.

2. Kung umiibig ka nga, siya at siya lagi ang laman ng utak mo.
Kaya ka tinutubuan ng tigyawat, laging tulala, at walang ibang mahalaga kundi sya. Huwag kang kabahan, normal lang talaga ‘yun.

3. Walang eksperimento sa Pag-ibig 101.
Kung pinapakiramdaman mo lang kung sasagutin ka niya o hindi, kalimutan mo na ang eksperimentong ‘yan. Kadalasan, hindi nagtatagal ang relasyong nagsimula sa subok lang.

4. Hindi mo kailangan ng tulay para masabi sa kanya na mahal mo siya.
Ang tunay na umiibig, binabale-wala ang mga sagabal para makamit ang pag-ibig na inaasam. Huwag mo nang antayin ang kaibigan mo para siya ang magsabing mahal mo siya, puntahan mo na’t baka maunahan ka pa.

5. Ang pag-ibig na nararamdaman mo’y hindi lang ikaw ang nakakaramdam, lahat tayo’y may kakayahang umibig. Kaya’t huwag ka nang magtaka kung ang kaklase mo’y iniibig din niya ang iniibig mo. Kaya’t kung gusto mong malaman niyang mahal mo siya talaga, ipakita mo, ligawan mo siya, kausapin mo, sunduin mo at ihatid sa kanilang bahay.

6. Kung binasted ka niya, huwag mong ipagpilitan ang sarili mo, hindi niya maramdaman ang nararamdaman mo. Tanggapin mo ‘yun.

7. Saka ka lang mag-antay ng isang taon para sa matamis niyang OO kung pinakitaan ka ng dalawang bilog ng Fita sa harapan mo. Ang ibig sabihin nun ay torpe ka lang talaga, kailangan mo lang basahin ang mga galaw niya para malaman mo ang hindi niya kayang sabihin ng harapan sa ‘yo.

8. Kung ibinigay niya sa ‘yo ang matamis niyang OO, hindi yun ang final exams ng Pag-ibig 101. Ibig lang sabihin nun, pumasa ka sa prelim exams.

9. Ang pag-ibig, parang halaman yan, mula sa butil na itinanim mo, kailangan mong diligan at alagaan araw-araw. Hindi ‘yun nagtatapos sa pagtubo niya, kailangan mo siyang ingatan para di malanta.

10. Dalawang tao ang kailangan para mabuo ang isang pag-ibig. Komunikasyon sa pagitan niyong dalawa ang kailangan para mapanatili niyo ang alab ng pag-ibig na ‘yan.

Naghahanap ka ng mga tanong para sa pagsusulit na ibibigay ko? Walang pagsusulit dito. Hindi mo ring kailangang magtagal sa silid-aralan ko at antayin ang dismissal. Dahil ang kailangan sa Pag-ibig 101 ay ang aksyon mo. Ano pang hinihintay mo, tawagan mo na siya. Huwag text, baka wala siyang load at di ka niya sasagutin at iisipin mo na naman, hindi siya interesado sa ‘yo. Mas mainam na naririnig niya boses mo at naririnig mo ang boses niya. Ang mas mainam pa, puntahan mo na siya kung saan siya ngayon at huwag mong kalimutang dumaan ng rosas sa tindahan, dagdag pogi points din ‘yun.

Kailan ‘ka mo? Now na! Go!

Mga Puna »

  1. Padaan po :) Happy Hearts day!

    Comment ni Prinsesa ng Drama — Pebrero 12, 2010 @ 9:56 umaga | Tugon

    • Salamat sa pagdaan Prinsesa. Maligayang araw ng mga puso, iparamdam ang pagmamahal sa mga minamahal sa araw na ito :)

      Comment ni Cons - Pinoy na Pinoy — Pebrero 12, 2010 @ 11:35 umaga | Tugon

  2. number 1 pa lang tiklop na ko…

    napaka helpful ng mga panuto mo kuya..

    kelangan magamit ko na mga yan bago mag valentines..
    kapag pala sinagot na dapat hindi maging kampante ano?

    galing galing :D

    i shashare ko to sa iba

    Comment ni jason — Pebrero 13, 2010 @ 5:26 umaga | Tugon

    • 14 years na ang nakakaraan mula nung binigay ni misis ang matamis niyang oo sa akin Jason. At magpahanggang ngayon, patuloy pa rin ang “panliligaw” at paglalambing ko sa kanya. Sadyang ang pag-ibig ay kailangan ng pag-aalaga talaga.

      Makakahabol ka pa sa Valentine’s :D

      Comment ni Cons - Pinoy na Pinoy — Pebrero 13, 2010 @ 2:50 hapon | Tugon

  3. hehe ayos po ang pag-ibig 101 ah! hehehehe..
    :)

    Comment ni Junice Lopez — Pebrero 13, 2010 @ 7:50 umaga | Tugon

  4. PWEDE BANG MAG-ADVERTISE?
    May alok po kaming trabaho. Nasa post ko yung details. :-)

    Comment ni neil — Pebrero 16, 2010 @ 12:23 umaga | Tugon

    • Sige, baka may nangangailangan ng trabaho sa mga dumadaan dito. Malay natin, magka-x deal tayo balang araw :)

      Comment ni Cons - Pinoy na Pinoy — Pebrero 16, 2010 @ 12:42 umaga | Tugon

  5. gusto ko yung ten! pero parang hindi ata nangyayari iyon sa normal na pangyayare… hahay..

    Comment ni rllqph — Pebrero 22, 2010 @ 10:38 umaga | Tugon

    • Habang tumatagal, mas magiging malapit kayo sa isa’t isa kung pareho ninyo itong kagustuhan rllqph. Salamat sa pagdaan.

      Comment ni Cons - Pinoy na Pinoy — Pebrero 22, 2010 @ 2:52 hapon | Tugon

  6. Dalawang tao ang kailangan para mabuo ang isang pag-ibig. Yup kuya! tama ito!

    musta na?!

    Comment ni pinkdiaries — Pebrero 24, 2010 @ 6:24 umaga | Tugon

  7. [...] Tips sa pag-ibig? No problem– eto read mo! [...]

    Pasa ni Tips sa pag-ibig– pinoypinoy « RLLQPH — Pebrero 27, 2010 @ 10:37 umaga | Tugon

  8. kuya pinoy, musta naman?long time no hear ha?! hays, na ngangamusta lang! :-)

    Comment ni Len — Abril 10, 2010 @ 3:32 hapon | Tugon

  9. hi, kuya galing munaman pagdating sa ganyan..’ hehe., tama lahat eh.ehehe

    Comment ni Shaira Jazmin Llanos — Nobyembre 8, 2011 @ 3:58 umaga | Tugon

  10. nice pag-ibig 101, married man ako, kinilig ako sa 1-10 tips na’to…

    Comment ni aashviray28 — Hunyo 19, 2013 @ 8:47 umaga | Tugon

  11. Your so good about this Dadz, may mabuti yatang sau ako humingi ng advice eh,, very helping sa akin itong tips mo :)

    Comment ni Sionnyz Leonidas — Hunyo 19, 2013 @ 8:53 umaga | Tugon


RSS ulat para sa mga puna sa paskil na ito. BakasPabalik URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

The Rubric Theme Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: