Pinoy na Pinoy

Hulyo 5, 2010

Hindi Kailangang Perpekto

Filed under: Ugaling Pinoy — Constantine Guitang @ 12:52 hapon
Hindi kailangang perpekto
Sa lahat ng gawain mo, di kailangang maging perpekto.

May mga bagay na nais nating gawin pero pinipigilan natin ang sarili natin dahil may mga pag-aalinlangan na sumasagi sa isipan natin. Isa na rito ang pag-iisip na baka ang magiging resulta’y hindi lalabas na gaya ng inaasahan natin o sa madaling sabi, hindi perpekto ayon sa paningin natin.

Ako mismo, naging biktima nito

O mas mainam siguro na sabihin na karamihan sa atin kung di man lahat tayo ay naging biktima ng di pagtuloy o pagkaantala ng nais nating gawin, dahil sa pagnanais nating perpekto ang magiging resulta nito.

Ganito ang naging karanasan ko.

Bilang isang software developer, naging bahagi na sa trabaho ko ang pagbusisi sa mga gawa kong software hanggang sa pinakamaliit na detalye. Dahil kung may nakaligtaan akong detalye, o ang sinasabi naming bug sa program, malaking epekto ito sa performance ng software na ginagawa ko. Ang resulta, sisi, pagkadismaya at di pagkakuntento ng kustomer. Kaya’t dito naaantala ang trabaho ko. Dahil sa pag-iisip na kailangang laging perpekto.

At dahil dito, halos lahat na ng gagawin kong hakbang sa labas ng pagiging programmer ko, nagiging sobrang ingat ako sa desisyon ko. Laging nangunguna ang isiping ‘tama ba itong gagawin ko?’ ‘Paano kung mali ang hakbang ko?’ ‘Paano kong hindi tatanggapin ang desisyong ito?’ ‘Paano kung matatalo ako?’ ‘Paano kung…’ Maraming paano bago gumawa ng hakbang, ang mas masaklap, ang isiping ‘huwag na lang’.

Dahil sa pagnanais na maging perpekto ang mga hakbang,

  • nagiging mabagal ang desisyon
  • kadalasa’y di na lang itinutuloy dahil sa takot sa pinapangambahang mangyari
  • nawawala ang focus sa gustong mangyari at binabaling na lang sa ibang bagay
  • laging iniintindi ang sasabihin ng iba
  • nawawala ang tiwala sa sariling kakayanan

Kung nais nating magampanan ang mga nais nating gawin, iwaksi sa isipan ang pagiging perpekto sa lahat ng gagawing hakbang. Bagkos, isipin natin, na hindi lahat ng gagawin nati’y kinakailangang maging perpekto. Ulitin natin, HINDI KAILANGANG PERPEKTO.

Kaya’t ito ang maipapayo ko sa inyo at sa sarili ko

  • Kung matagal nang gustong gusto mong makapag-post ng blog, huwang mong patagalin sa isipan mo. Umpisahan mo nang harapin ang blangkong pahina at isulat ang ano mang sumagi sa isipan mong gustong gusto mong isulat. Isipin mong sa unang draft, hindi kailangang perpekto. Pagkatapos ng unang draft, sapat na ang isa o dalawang araw na paglalagi nito sa draft folder. I-publish mo na para mabasa na ng mga tiga-subaybay mo. Habang napapadalas ang pagsusulat mo, mas lalong nahahasa ang kakayahan mo, mas magiging madali ang pagsusulat para sa iyo.
  • Kung matagal mo nang di sinasabing ‘Mahal kita’ sa asawa o girlfriend mo, sabihin mo na ngayon. Merong text, may facebook, o instant messenger kung hindi posibleng masabi ito ng harapan. Hindi mo kailangang maging isang Shakespeare o Balagtas para mabanggit ito. Habang napapadalas ang pagbanggit mo ng ‘Mahal kita’, mas lalo itong madarama ng mahal mo, mas nagiging madali at halos perpekto ang pagsasabi mo, mas mapapalawig ang pagmamahalan n’yo.
  • Kung meron kang proyekto na gustong gusto mong umpisahan, umpisahan mo sa maliit na hakbang. Kung gusto mong magtanim, umpisahan mo sa isa o dalawang paso. Kung gusto mong magnegosyo pero di mo magawa-gawa dahil walang puhunan o mahanapang perpektong puwesto, umpisahan mong magbenta-benta ng madali mong makuha o magawa sa mga kaibigan o katrabaho mo. Hindi kinakailangang malaking proyekto agad, hindi kailangang perpektong proyekto.
  • Kung nag-aalangan ka sa magiging resulta sa mga hakbang mo, huwag mong ituon ang pansin sa dulo ng hakbang na ito, kundi pagtuonang pansin ang bawat hakbang na ginagawa mo. Ang mahalaga’y ang ngayon, ang kasalukuyang ginagawa mo ngayon.

Kung mapapansin ninyo, halos limang buwan na hindi ako nakapag-blog. Isa sa mga dahila’y ang pag-iisip ng kung ano ba ang perpektong paksa na isusunod kong isulat. Hanggang sa natutunan ko, hindi naman talaga kailangang perpekto ang pagkakasulat ng isang paksa para mailathala ito. Ang mahalaga, nakapaghain ka ng ideya mo at naibahagi mo ito sa mga kaibigan at tiga-subaybay mo. Kung pagkatapos mong ilathala at pakiramdam mo’y may kulang pa, gumawa ka uli panibagong post para punan ang mga pagkukulang na ito.

Mga Puna »

  1. base kuya pinoy! hehehe🙂

    Komento ni Len — Hulyo 5, 2010 @ 1:36 hapon | Tugon

  2. ouch, kuya may part na tinamaan ako, may part lang naman , peru hindi lahat.. ahahahaha..

    oo naman, wala talagang perpekto, saka ang hirap gawin non,may kulang talaga kung susumain.

    Gustu ko yung pangalawang payo mo kuya.. korek! anu pa, sabhin na lahat ng gustung sabhin, wag gumaya sakin, ay este sa iba pala.. ahahaha

    welkam bak kuya Pinoy!!! hugs po! ^^,

    Komento ni Len — Hulyo 5, 2010 @ 1:40 hapon | Tugon

    • Salamat sa pag-base at sa pag-welkam bak Len. Dahil sa pagtanggap ko na di naman talaga kailangang perpekto, nakagawa ako uli ng post🙂

      Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Hulyo 6, 2010 @ 2:19 umaga | Tugon

  3. hehehe astig ah..may tama ka pre..hindi nman talaga kelangan perpekto lahat mahirap yun at walang makakagawa nun..Kung may nais gawin,tamang umpisahan na ngayon tulad ng sinabi mo..=) Tingnan mo kahit hindi perpekto may natutunan ako..

    Komento ni john tugano — Hulyo 31, 2011 @ 12:20 hapon | Tugon


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

%d bloggers like this: