Pinoy na Pinoy

Hulyo 13, 2010

Gusto Ko Silang Bumait Pero Di Ko Magawa

Filed under: Ugaling Pinoy — Constantine Guitang @ 1:38 umaga

Patintero sa lansanganMadalas, naiisip ko, ako lang ba ang nakakaramdam nito? ‘Yung may nakita kang nakatambay na naninigarilyo sa daanan ng mga papasok na bata at gustong-gusto mong sabihan ng ‘Brod, kunting konsiderasyon naman sa mga batang dumadaan, puwedeng sa ibang lugar ka na lang manigarilyo?’, pero di mo masabi sa di mo mawaring dahilan. O di kaya’y ang sinusundan mong mama’y pasimpleng dinudukutan ang bag ng isang estudyante, gustong-gusto mong hulihin pero di mo magawa dahil nag-aalala ka sa sarili mong kaligtasan. Gusto mong magtawag ng pulis pero wala kang mahagilap, kung meron man, huwag ka sanang sabihan na ‘Sorry sir, pero sa traffic kami naka-assign.’

Mga iba pang gusto kong baguhin pero di ko magawa

  • Ang mga kasakay ko sa jeep na tamad makisuyo ng bayad.
  • Ang mga nagsisiga ng basura sa mga kapit-bahay namin.
  • Ang mga sumisingit sa pila ng kumonyon, di marunong pumunta sa dulo ng pila.
  • Ang mga ninigarilyo sa lansangan.
  • Ang mga di marunong magtapon ng sariling basura, maski balat ng kendi, di man lang maibulsa kung walang makitang basurahan.
  • Ang mga drayber na di marunong magmenor o huminto sa pedestrian lane.
  • Ang mga smoke belcher.
  • Ang mga taong di marunong gumamit ng overpass.
  • Ang mga mandurukot.
  • Ang mga umiihi sa pader.

Hindi matatapos ang listahang ito kung isa-isahin ko lahat.

Anong kaya kong gawin?

Dati-rati, laging nagngingitngit ang kalooban ko kapag nakakakita ako ng mga ganitong tao. May mga pagkakataon na sinasabihan ko agad-agad ang mga nagtatapon ng basura; pinapakiusapan ang mga kapit-bahay namin na huwag magsiga ng basura; sinasabihan ang mamang naninigarilyo sa jeep; kinakalabit ang mga tamad makisuyo ng bayad; may nasigawan pa akong nag-jaywalking sa ibaba ng overpass. Pero mula noong tinanggap ko na hindi ko kayang baguhin ang mundo, mas naging mapagpatawad ako. Mas hindi umiinit ang ulo ko, mas hindi ko na sila pinapansin.

Tinanggap ko na nasa sarili ang simula ng pagbabago. Hangga’t hindi inuumpisahan ng isang tao ang pagbabago sa sarili, maski anong pakiusap mo, babalik at babalik ito sa kinagawian. Kaya’t sarili ko ang inuuna kong pinapangaralan para iwasan o huwag gawin ang kinaiisan kong makita sa iba. Alam ko, may mga pagkukulang din ako na kailangang iwasto, at ‘yun ang kaya kong gawin. Malay natin, sa mabuting halimbawa mapapagaya ang iba. Na kapag nakakakita sila ng magandang ehemplo, gagaya din sila sa’yo.

Harinawa.

Mga Puna »

  1. sabi nga IF I CHANGE, PEOPLE WILL CHANGE. Tama ka brad nasa atin pa din ang tunay na pagbabago. Dont stop telling to others what is right kasi ito ang tutulong to let them know na mali na sila. Ikaw, ako at maramin pang iba dyan ang gusto nito. tulong tulong tayo at magsisimula tayo sa sarili natin. padaan po. GODBLESS.

    Komento ni -=cuteberl=- — Hulyo 13, 2010 @ 4:49 umaga | Tugon

  2. magandang araw po, pwede bang magkalat ako dito hahaha peace….

    tama ka dapat sa sarili muna natin mag mula ang pagbabago bago natin ishare sa iba. Kasi paano tau susundin ng mga nakapaligid sa atin kung tau mismo di natin ginagawa ung mga kabutihang nais natin na gawin nila. Tau ang magiging ehemplo sa mga tao. At kung mas piliin nila ang mag stay sa kung ano man ang meron sila igalang na lang natin un lalo nat kung ito naman ay pang personal na buhay nila. Nagawa mo na ung part mo den allow dem to do der part.

    hmmm related sa bahay ko😛

    pakilinis ung ikinalat ko hahaha.

    Komento ni etchosera — Hulyo 13, 2010 @ 4:50 umaga | Tugon

    • Hindi ko lilinisan ang “ikinalat” mo dito etchosera, nagustohan ko ang sinabi mong “paano tau susundin ng mga nakapaligid sa atin kung tau mismo di natin ginagawa ung mga kabutihang nais natin na gawin nila”. Salamat🙂

      Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Hulyo 13, 2010 @ 12:47 hapon | Tugon

      • ay salamat at nagustuhan mo ang sinabi ko hahaha… di ko alam mga sinabi ko awtz…

        Komento ni etchosera — Hulyo 14, 2010 @ 10:03 umaga

  3. “Be the change you want to see in the world,” sabi nga ni Gandhi. Sana nga kung lahat ng tao ganito mag-isip, katulad mo, wala na tayong problema. kahit tinanggap mo na sa sarili ang pagbabago, still, it shouldn’t stop you from expressing your displeasure at jay-walkers, smoke-belchers, pickpockets, etc. kasi kung di ka magrereklamo, baka akala nila ok lang yong ginagawa nila.

    para sa akin ang pinakawalang-kwentang ugali ng Pinoy ay yong walang pakialam. yon ang dapat mawala sa ating lipunan.

    Komento ni luna miranda — Hulyo 13, 2010 @ 9:56 umaga | Tugon

  4. agree ako sa mga sinabi mo mahal. maraming tao ang walang pakialam sa kapwa nila kaya nila nagagawa ang mga bagay bagay na hindi nakakabuti sa pangkalahatan. Pero totoo na nasa sa atin ang pagbabago. Kayat maganda ang iyong adhikain na sa iyong pamamaraan at pagsisikap na maging mabuti, marami ding mga sasangayon at gagaya sa inyo. Ika nga, hindi naman tayo perpekto pero kung lagi nating iisipin na sa bawat kilos natin, isipin natin ang epekto sa iba, maaring mabawasan ang mga pasaway sa ating lipunan. pagpalain ka nawa sa iyong adhikain at ako’y nakiisa sa iyong sinimulan.

    Komento ni jasmine — Setyembre 2, 2010 @ 11:42 hapon | Tugon

  5. […] may paskil ako tungkol sa Gusto Ko Silang Bumait Pero Di Ko Magawa. Ito’y tungkol sa mga nakakainis na ugali nating mga Pinoy, gaya ng mga pasahero sa jeep na tamad […]

    Pasa ni Gusto Rin Nilang Bumait Sila « Pinoy na Pinoy — Oktubre 23, 2010 @ 1:47 hapon | Tugon


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

%d bloggers like this: