Pinoy na Pinoy

Pebrero 12, 2010

Pag-ibig 101

Filed under: Buhay Pinoy — Constantine Guitang @ 8:01 umaga
Pag-ibig 101

Pag-ibig 101

Ngayong araw ng mga puso, umaapaw sa lansangan ang pagpapahiwatig ng pag-ibig. Nagpapaalala ng mga panahong nangangapa pa tayo kung paano matutunan ang leksyon ng pag-ibig. Noong high school pa tayo, parang dala-dala natin araw-araw ang notebook natin para sa klase natin sa Pag-ibig 101.

Ngayong may asawa na ako, gusto kong umastang guro ng mga kabataang gustong kumuha ng kursong Pag-ibig 101. At pagharap ko sa kanila, ganito ang maaari kung sabihin.

1. Kung nahihiya kang manligaw sa kanya, hindi mo siya mahal.
Mahal mo ang sarili mo. Dahil kadalasang rason kung bakit ka nahihiya’y dahil may takot kang baka pintasan ang suot mo, mapupuna na pango ang ilong mo, o baka wala kang masabi kapag nasa harapan mo na siya. Ang nakikita mo’y ang kahinaan mo, ang sarili mo at hindi siya.

2. Kung umiibig ka nga, siya at siya lagi ang laman ng utak mo.
Kaya ka tinutubuan ng tigyawat, laging tulala, at walang ibang mahalaga kundi sya. Huwag kang kabahan, normal lang talaga ‘yun.

3. Walang eksperimento sa Pag-ibig 101.
Kung pinapakiramdaman mo lang kung sasagutin ka niya o hindi, kalimutan mo na ang eksperimentong ‘yan. Kadalasan, hindi nagtatagal ang relasyong nagsimula sa subok lang.

4. Hindi mo kailangan ng tulay para masabi sa kanya na mahal mo siya.
Ang tunay na umiibig, binabale-wala ang mga sagabal para makamit ang pag-ibig na inaasam. Huwag mo nang antayin ang kaibigan mo para siya ang magsabing mahal mo siya, puntahan mo na’t baka maunahan ka pa.

5. Ang pag-ibig na nararamdaman mo’y hindi lang ikaw ang nakakaramdam, lahat tayo’y may kakayahang umibig. Kaya’t huwag ka nang magtaka kung ang kaklase mo’y iniibig din niya ang iniibig mo. Kaya’t kung gusto mong malaman niyang mahal mo siya talaga, ipakita mo, ligawan mo siya, kausapin mo, sunduin mo at ihatid sa kanilang bahay.

6. Kung binasted ka niya, huwag mong ipagpilitan ang sarili mo, hindi niya maramdaman ang nararamdaman mo. Tanggapin mo ‘yun.

7. Saka ka lang mag-antay ng isang taon para sa matamis niyang OO kung pinakitaan ka ng dalawang bilog ng Fita sa harapan mo. Ang ibig sabihin nun ay torpe ka lang talaga, kailangan mo lang basahin ang mga galaw niya para malaman mo ang hindi niya kayang sabihin ng harapan sa ‘yo.

8. Kung ibinigay niya sa ‘yo ang matamis niyang OO, hindi yun ang final exams ng Pag-ibig 101. Ibig lang sabihin nun, pumasa ka sa prelim exams.

9. Ang pag-ibig, parang halaman yan, mula sa butil na itinanim mo, kailangan mong diligan at alagaan araw-araw. Hindi ‘yun nagtatapos sa pagtubo niya, kailangan mo siyang ingatan para di malanta.

10. Dalawang tao ang kailangan para mabuo ang isang pag-ibig. Komunikasyon sa pagitan niyong dalawa ang kailangan para mapanatili niyo ang alab ng pag-ibig na ‘yan.

Naghahanap ka ng mga tanong para sa pagsusulit na ibibigay ko? Walang pagsusulit dito. Hindi mo ring kailangang magtagal sa silid-aralan ko at antayin ang dismissal. Dahil ang kailangan sa Pag-ibig 101 ay ang aksyon mo. Ano pang hinihintay mo, tawagan mo na siya. Huwag text, baka wala siyang load at di ka niya sasagutin at iisipin mo na naman, hindi siya interesado sa ‘yo. Mas mainam na naririnig niya boses mo at naririnig mo ang boses niya. Ang mas mainam pa, puntahan mo na siya kung saan siya ngayon at huwag mong kalimutang dumaan ng rosas sa tindahan, dagdag pogi points din ‘yun.

Kailan ‘ka mo? Now na! Go!

Pebrero 10, 2010

Hindi ko na Kailangang Iwan ang Laptop ko Para Manood ng TV

Filed under: Buhay Pinoy — Constantine Guitang @ 2:08 hapon
American Idol sa laptop ko.

American Idol sa laptop ko.

Mahilig ka bang manood ng TV? Pareho lang tayo.

May mga programa ba sa TV na gustong-gusto mong panoorin pero natataon na nasa harap ka ng computer mo at hindi mo pwedeng iwan kaya hindi ka nakakapanood? Pareho tayo lalo na ang Showtime, TV Patrol at American Idol.

Ganito ang ginawa kong solusyon sa problemang ‘yan. Noong una, naghanap ako sa Internet ng mga live TV streams ng mga local channels at may nahanapan naman ako. Ang problema, hindi buong araw ay live sila. Isa pa, kung mabagal ang internet connection mo o mabagal ang server ng nahanapan mong TV stream, hindi mo maeenjoy ang manood.

Ang sagot, TV tuner.
USB TV Tuner

USB TV Tuner

Nilibot ko ang mga computer stores dito sa Baguio na nababagay sa budget ko at pwede sa laptop ko. Ang kainaman dito sa Baguio, pwede mong daanan ang karamihang tindahan ng computer na naglalakad ka lang. At may nahanapan naman ako. Ang Kworld PVR-TV 305UDE TV Analog USB TV. Nagkakahalaga ito ng P1,600.00. Dahil USB siya, magagamit ko sa laptop ko.

Pagkauwi ko, salpak agad. Install ang kasamang driver at program. Maliit lang siya, 3 inches lang ang haba, 1 inch ang lapad. Sa isang dulo nito, doon mo ikakabit yung kasamang USB extension papunta sa USB port ng laptop mo. Tapos sa isang dulo naman, doon mo ikakabit ang antenna o cable mo. Wala kaming cable kaya antenna ang ginamit ko. Kapag naka-install na at nakakabit na lahat, run mo na ang kasamang TV viewer program para manood na ng paborito mong programa sa TV.

Pero hindi pa ako nakuntento.
Intex Subwoofer 880W

Intex Subwoofer 880W

Ang tunog ng laptop ko’y hindi kasing lakas ng TV namin. Kaya’t naghanap ako ng mura lang na speaker. Ayoko naman yung tig-dadalawang daan na speaker kasi halos magkasing tunog lang sila ng speaker ng laptop ko. Hindi ko naman kailangan ng 30 watts na subwoofer dahil sobrang lakas para sa kailangan ko. Ang kailangan ko’y makapanood lang ng TV habang nasa harap ng computer. May nahanapan naman akong tig-P450, ang Intex 2.1 Subwoofer 880W. Di gaano kalakasan ang tunog pero sapat na para sa pangangailangan ko. Kung may sapat kang budget, maganda ang Altec Lansing, meron silang model na nagsisimula sa halagang P1,100.

Ang Dscaler TV program na pinaliit ko ang window habang nagtatrabaho ako.

Ang Dscaler TV program na pinaliit ko ang window habang nagtatrabaho ako.

Kailangan ko ring liitan ang window ng TV program ko para makapagtrabaho ako habang pinapalabas ang patalastas. Hindi ko masyadong maliitan ang kasamang program ng TV tuner na nabili ko kaya naghanap ako ng libreng program. Marami akong napagpilian pero ang DScaler TV Viewer ang pinakamagandang nasubukan ko. Walang title bar at napapaliit ko sa gusto kong liit kaya’t halos walang natatakpang espasyo sa ginagawa ko sa laptop ko. Ang DScaler din ang pinakamalinis ng rendering ng video, suportado din niya ang dual monitor, at ang pinakamaganda, libre.

Dahil dito, sa halagang P1,600 na TV tuner plus P450 na speaker, nakakapanood na ako ng Showtime, TV Patrol,  Wowowee, American Idol at iba pa na hindi ko na kailangang pumunta sa harap ng TV para manood. Dito na ako sa laptop ko nanonood ng TV kaya’t napagsasabay ko na ang trabaho at panonood. Kung minsan pa, habang nanonood ako ng Showtime, nagla-login din ako sa facebook, at nakikisali ng kumento sa fan page ni Vice Ganda.

Kasing portable din ba ito gaya ng laptop?

Oo. Dahil bumibiyahe ako minsan sa isang buwan, dinadala ko din ang laptop ko kasama siyempre ang USB TV tuner ko. Dahil hindi ko madala ang aerial antenna ko, bumili ako ng portable antenna sa halagang P120. Sa portable antenna na ito, nakukuha niya lahat ng local channels noong nagbakasyon kami sa Antipolo. Sa Abra, nakukuha niya ang ABS-CBN at GMA.

Anong susunod?

Sana makabili ako ng LCD monitor maski 15″ lang para tuloy-tuloy na naka-full screen ang pinapanood ko sa TV. P4,675 ang pinakamura dito na brand new. May second hand din na nagkakahalaga ng P3,000. Sa ngayon, magtiyaga muna ako kung anong meron ako. Ang mahalaga, nagawa ko ang gusto ko, ang makapanood ng TV habang nasa harapan ako ng laptop ko.

Dahil diyan, may nag-text….

Showtime na!

Oktubre 4, 2009

Mga Natutunan ng mga Pinoy kay Ondoy

Filed under: Buhay Pinoy — Constantine Guitang @ 1:40 hapon
Mula nung dumating si Ondoy noong Sabado, Setyembre 26, 2009, marami sa atin ang nakatutok sa internet, sa radyo at telebisyon, nakaabang sa mga pangyayaring dulot ng bagyong ito. Noong Sabado, nakikita natin ang mga kababayan natin sa Maynila kung paano iligtas ang mga sarili. Ngayon, pinapanood natin ang pagdadamayan ng bawat isa. Nakakatuwang panooring bawat isa sa ati’y gustong tumulong sa ano mang abot ng ating makakaya, mula sa isang taimtim na dasal, dalawang lata ng sardinas, tatlong kilo ng bigas, hanggang sampung milyong piso. Ito’y patunay na sa gitna ng sakuna, tayong mga Pinoy ay nagkakaisa at nagdadamayan, mayama’t maralita man.
Sa kabila ng bahang dulot ni Ondoy, bumaha naman ng aral sa mga Pinoy. Narito ang listahang nabuo ko.
1. Natuto na tayong tanggapin na ang bahang ito ay hindi maisisi sa Diyos, kundi sa mga kagagawan natin. “Blame it on me kaysa sisihin pa natin ang Diyos.” napanood kong sabi ni MMDA Chairman Bayani Fernando sa isang panayam patungkol sa baha habang abala sila sa paghahakot sa mga putik at kalat sa lansangan.
2. Maski hindi man madalas na nagbabatian ang mga magkakapitbahay, sa panahon ng sakuna, handa ang Pinoy na sagipin ang kapitbahay na nasa panganib.
3. Si Kris Aquino kasama ang mga iba pang artista at personalidad sa telebisyon ay kaya nilang kalampagin ang puso ng mga mayayamang kaibigan at kakilala nila sa oras ng damayan. Ang Sagip Kapamilya ng ABS-CBN ay nakalikom ng mahigit P160M na donasyon sa loob ng isang linggo at patuloy na dumadagsa ang tulong. Sa tulong na ito, nakapagsilbi sila ng mahigit 124,000 na pamilya na naging biktima ng baha.
4. Napagtanto natin na maging sino ka man, mayaman o mahirap man, sa panahon ng damayan, nasa puso natin ang gustong tumulong sa ano mang abot ng ating makakaya. Nakikita natin ang mga volunteers na masayang nag-iipamke ng mga relief goods at masayang nag-aabot sa mga pamilyang nalubog sa baha sa mga evacuation centers at ang iba’y sa mismong mga bahay nila. Nakapagbigay sigla rin sa mga biktima ng baha ang pagsali ng mga artista sa pagbibigay ng mga relief goods sa kanila.
5. Ang mga kababayan nating OFW ay laging nandiyan para tumulong lalong-lalo na kapag panahon ng sakuna. Salamat sa mga nag-upload ng mga video at mga larawan sa YouTube at sa mga iba’t ibang blogs gaya ng WordPress at social networking sites gaya ng Facebook. Sa pamamagitan nito, nalalaman ng mga kababayan nating nasa ibang bansa ang mga pangyayari sa ating bansa habang binabaha ni Ondoy ang Kamaynilaan. Marami ding nag-abang sa internet para malaman na ligtas na ang kani-kanilang mahal sa buhay.
6. Napagtanto ng National Disaster Coordinating Council (NDCC) na sa ganitong kalaganap na baha, hindi handa ang gobyerno natin na agapan lahat ng biktima. Kulang na kulang ang mga bangka natin na sumagip sa libu-libong residente ng Kamaynilaan na walang magawa kundi umakyat na lamang sa kani-kanilang bubong.
7. Hindi nadama kaagad ng mga biktima ng baha ang tulong na galing sa gobyerno natin. Napapanood sa mga telebisyon at sa internet ang sigaw nila, “Nasaan na sila?” Sana’y mapagtanto ng mga nasa posisyon sa gobyerno na sa ganitong mga sakuna, meron sana agad opisyal ng gobyerno na tuloy-tuloy na nagbibigay ng balita sa mga tao sa pamamagitan ng telebisyon at radyo kung saan na nakatuon ng pansin ang mga tauhan ng gobyerno sa pagsagip sa mga biktima nang sa ganun, makapagbigay ng lakas-loob sa mga naghihintay ng tulong.
8. Kaya’t maganda itong ginawang paghahanda ng gobyerno natin sa pagdating ni Pepeng na ipinagbibigay alam sa mga tao kung anu-anong paghahanda ang ginagawa nila para maiwasan ang pagkawala ng buhay at ari-arian. Natutunan nating gumamit ng pre-emptive evacuation at hindi na antaying tamaan tayo ng bagyo bago gumalaw para sagipin ang sarili.
9. Natuto tayong kapag may parating na bagyo, kailangang mag-ipon ng tubig inumin at pagkain,  alam kung saan nakatago ang flashlight at baterya, iakyat ang mga gamit de-kuryente at mag-charge ng cellphone. Kami ng pamilya ko dito sa Baguio ay walang balita sa nanay namin sa Antipolo mula noong naubusan ng baterya ang cellphone niya noong gabi ng Sabado hanggang sa sila’y magkailaw noong gabi ng Linggo. Nakadagdag ito ng pag-alala namin sa kanila. Malaking tulong ang cellphone sa panahon ng bagyo at baha kaya’t huwag kalimutang i-charge bago kayo mawalan ng kuryente.
10. Nalaman nating ang baha’y walang pinipili, mahirap man o mayaman. Ang mga mahihirap nating kababaya’y tanging sarili lamang ang iintindihing iligtas at makakapagligtas pa ng marami. At kung mas mayaman ka, mas marami kang kagamitan, mas marami kang iintindihing masisira sa baha at nanakawin ng mga mapagsamantala pagkatapos ng baha. May mga nagsabing sa isang iglap, nawala lahat ng pinundar sa loob ng maraming taong pagsisikap. Kaya’t napagtanto nilang babangon silang muli at matutong mabuhay na lamang na simple.
Ano naman ang natutunan ninyong aral sa hagupit ni Ondoy sa bansa natin? Ibahagi na ang aral na natutunan sa sakunang ito.
Photo credit: Dan Saavedra

Photo credit: Dan Saavedra

Mula nung dumating si Ondoy noong Sabado, Setyembre 26, 2009, marami sa atin ang nakatutok sa internet, sa radyo at sa telebisyon, nakaabang sa mga pangyayaring dulot ng bagyong ito. Noong Sabado, nakita natin ang mga kababayan natin sa Maynila kung paano iligtas ang mga sarili. Ngayon, pinapanood natin ang pagdadamayan ng bawat isa. Nakakatuwang panooring bawat isa sa ati’y gustong tumulong sa ano mang abot ng ating makakaya, mula sa isang taimtim na dasal, dalawang lata ng sardinas, tatlong kilo ng bigas, hanggang sampung milyong piso. Ito’y patunay na sa gitna ng sakuna, tayong mga Pinoy ay nagkakaisa at nagdadamayan, mayama’t maralita man.

Sa kabila ng bahang dulot ni Ondoy, bumaha naman ng aral sa mga Pinoy. Narito ang listahang nabuo ko.

1. Natuto na tayong tanggapin na ang bahang ito ay hindi maisisi sa Diyos, kundi sa mga kagagawan natin. “Blame it on me kaysa sisihin pa natin ang Diyos.” napanood kong sabi ni MMDA Chairman Bayani Fernando sa isang panayam patungkol sa baha habang abala sila sa paghahakot sa mga putik at kalat sa lansangan.

2. Maski hindi man madalas na nagbabatian ang mga magkakapitbahay, sa panahon ng sakuna, handa ang Pinoy na sagipin ang kapitbahay na nasa panganib.

3. Si Kris Aquino kasama ang mga iba pang artista at personalidad sa telebisyon ay kaya nilang kalampagin ang puso ng mga mayayamang kaibigan at kakilala nila sa oras ng damayan. Ang Sagip Kapamilya ng ABS-CBN ay nakalikom ng mahigit P160M na donasyon sa loob ng isang linggo at patuloy na dumadagsa ang tulong. Sa tulong na ito, nakapagsilbi sila ng mahigit 124,000 na pamilya na naging biktima ng baha.

4. Napagtanto natin na maging sino ka man, mayaman o mahirap man, sa panahon ng damayan, nasa puso natin ang gustong tumulong sa ano mang abot ng ating makakaya. Nakikita natin ang mga volunteers na masayang nag-iipamke ng mga relief goods at masayang nag-aabot sa mga pamilyang nalubog sa baha sa mga evacuation centers at ang iba’y sa mismong mga bahay nila. Nakapagbigay sigla rin sa mga biktima ng baha ang pagsali ng mga artista sa pagbibigay ng mga relief goods sa kanila.

5. Ang mga kababayan nating OFW ay laging nandiyan para tumulong lalong-lalo na kapag panahon ng sakuna. Salamat sa mga nag-upload ng mga video at mga larawan sa YouTube, sa Flickr, sa mga iba’t ibang blogs gaya ng WordPress at social networking sites gaya ng Facebook. Sa pamamagitan nito, nalalaman ng mga kababayan nating nasa ibang bansa ang mga pangyayari sa ating bansa habang binabaha ni Ondoy ang Kamaynilaan. Marami ding nag-abang sa internet para malaman na ligtas na ang kani-kanilang mahal sa buhay.

6. Napagtanto ng National Disaster Coordinating Council (NDCC) na sa ganitong kalaganap na baha, hindi handa ang gobyerno natin na agapan lahat ng biktima. Kulang na kulang ang mga bangka natin na sumagip sa libu-libong residente ng Kamaynilaan na walang magawa kundi umakyat na lamang sa kani-kanilang bubong.

7. Hindi nadama kaagad ng mga biktima ng baha ang tulong na galing sa gobyerno natin. Napapanood sa mga telebisyon at sa internet ang sigaw nila, “Nasaan na sila?” Sana’y mapagtanto ng mga nasa posisyon sa gobyerno na sa ganitong mga sakuna, meron sana agad opisyal ng gobyerno na tuloy-tuloy na nagbibigay ng balita sa mga tao sa pamamagitan ng telebisyon at radyo kung saan na nakatuon ng pansin ang mga tauhan ng gobyerno sa pagsagip sa mga biktima nang sa ganun, makapagbigay ng lakas-loob at pag-asa sa mga naghihintay ng tulong.

8. Kaya’t maganda itong ginawang paghahanda ng gobyerno natin sa pagdating ni Pepeng na ipinagbibigay alam sa mga tao kung anu-anong paghahanda ang ginagawa nila para maiwasan ang pagkawala ng buhay at ari-arian. Natutunan nating gumamit ng pre-emptive evacuation at hindi na antaying tamaan tayo ng bagyo bago gumalaw para sagipin ang sarili.

9. Natuto tayong kapag may parating na bagyo, kailangang mag-ipon ng tubig inumin at pagkain,  alamin kung saan nakatago ang flashlight at baterya, iakyat ang mga gamit de-kuryente at mag-charge ng cellphone. Kami ng pamilya ko dito sa Baguio ay walang balita sa nanay namin sa Antipolo mula noong naubusan ng baterya ang cellphone niya noong gabi ng Sabado hanggang sa sila’y magkailaw noong gabi ng Linggo. Nakadagdag ito ng pag-alala namin sa kanila. Malaking tulong ang cellphone sa panahon ng bagyo at baha kaya’t huwag kalimutang i-charge bago kayo mawalan ng kuryente. Sana, gawin din ng mga cellphone networks na libre ang pagpapadala ng text sa panahon ng sakuna maski sa mga walang load lang para mas madali nating malaman ang kalagayan ng mga mahal natin sa buhay.

10. Nalaman nating ang bagyo at baha ay walang pinipili, mahirap man o mayaman. Ang mga mahihirap nating kababaya’y tanging sarili lamang ang iintindihing iligtas at makakapagligtas pa ng marami. At kung mas mayaman ka, mas marami kang kagamitan, mas marami kang iintindihing masisira sa baha at nanakawin ng mga mapagsamantala pagkatapos ng baha. May mga nagsabing sa isang iglap, nawala lahat ng pinundar sa loob ng maraming taong pagsisikap. Kaya’t napagtanto nilang babangon silang muli at matutong mabuhay na lamang na simple.

Ano naman ang natutunan ninyong aral sa hagupit ni Ondoy sa bansa natin? Ibahagi na ang aral na natutunan sa sakunang ito.

Sumulat ng Blog sa WordPress.com.