Pinoy na Pinoy

Oktubre 23, 2010

Gusto Rin Nilang Bumait Sila

Filed under: Ugaling Pinoy — Constantine Guitang @ 1:39 hapon
Mga puna  

Kamakailan, may paskil ako tungkol sa Gusto Ko Silang Bumait Pero Di Ko Magawa. Ito’y tungkol sa mga nakakainis na ugali nating mga Pinoy, gaya ng mga pasahero sa jeep na tamad makisuyo ng pamasahe, mga nagsisiga ng basura, di marunong sumunod sa pila, mga naninigarilyo sa lansangan, mga nagkakalat sa daan, mga drayber na di marunong magmenor sa pedestrian lane, smoke-belchers, jaywalkers, mandurokot at mga umiihi sa pader.

May mga nag-iwan ng puna na sumang-ayon sa mga nabanggit ko gaya ni cuteberl na nagsabi na nasa sarili ang simula ng pagbabago:

sabi nga IF I CHANGE, PEOPLE WILL CHANGE. Tama ka brad nasa atin pa din ang tunay na pagbabago. Don’t stop telling to others what is right kasi ito ang tutulong to let them know na mali na sila. Ikaw, ako at marami pang iba dyan ang gusto nito. tulong tulong tayo at magsisimula tayo sa sarili natin.

Sinundan din ni etchosera ng isa pang pagsang-ayon:

tama ka dapat sa sarili muna natin mag mula ang pagbabago bago natin ishare sa iba. Kasi paano tau susundin ng mga nakapaligid sa atin kung tau mismo di natin ginagawa ung mga kabutihang nais natin na gawin nila. Tau ang magiging ehemplo sa mga tao. At kung mas piliin nila ang mag stay sa kung ano man ang meron sila igalang na lang natin un lalo nat kung ito naman ay pang personal na buhay nila. Nagawa mo na ung part mo den allow dem to do der part.

Pati si misis, nakisali din sa pagbibigay ng puna na siyang naging talakayan namin minsan sa hapag kainan:

agree ako sa mga sinabi mo mahal. maraming tao ang walang pakialam sa kapwa nila kaya nila nagagawa ang mga bagay bagay na hindi nakakabuti sa pangkalahatan. Pero totoo na nasa sa atin ang pagbabago. Kayat maganda ang iyong adhikain na sa iyong pamamaraan at pagsisikap na maging mabuti, marami ding mga sasangayon at gagaya sa inyo. Ika nga, hindi naman tayo perpekto pero kung lagi nating iisipin na sa bawat kilos natin, isipin natin ang epekto sa iba, maaring mabawasan ang mga pasaway sa ating lipunan.

Pero, nagbigay sa akin ng dahilan para tingnan sa ibang anggulo ang paksa ng pagsisimula ng pagbabago sa sarili ang mga nabanggit ni luna miranda. Ito ang naging puna niya:

“Be the change you want to see in the world,” sabi nga ni Gandhi. Sana nga kung lahat ng tao ganito mag-isip, katulad mo, wala na tayong problema. kahit tinanggap mo na sa sarili ang pagbabago, still, it shouldn’t stop you from expressing your displeasure at jay-walkers, smoke-belchers, pickpockets, etc. kasi kung di ka magrereklamo, baka akala nila ok lang yong ginagawa nila.

para sa akin ang pinakawalang-kwentang ugali ng Pinoy ay yong walang pakialam. yon ang dapat mawala sa ating lipunan.

Sa sinabi niyang ito, muli kong sinuri ang sarili ko. Gusto kong sumang-ayon sa kanya dahil ginagawa ko na noon ang magreklamo sa nakikita kong mali. Yun nga lang, umiinit ang ulo ko kapag nakakakita ako ng mali. Marahil ito ang dahilan kung bakit mas minabuti ko na lang na ayaw ko nang makialam.

Hanggang sa unti-unti kong sinusubukan kong maging mas mahinahon sa pagsasabi sa mga taong nakikita kong may kailangang baguhin. Gaya ng pagsasabi ng “Miss, nakakaharang yung tarpaulin niyo sa daanan, baka puwedeng ilipat sa di nakakasagabal.” Sinabihan man ako ng “Nandiyan na ‘yan eh.”, di na ako nakipagtalo. Pero kinaumagahan, tinanggal na nila ang tarpaulin na nireklamo ko.

Maaaring sapat na sana ang pagbabago sa sarili kung karamihan sa atin ay ganun ang pag-iisip. Pero sa araw-araw na paglabas natin sa lansangan, nasasalamin na marami sa atin ang walang pakialam sa kapwa. Kaya’t subukan nating dagdagan ang pagsisikap na pagbabago sa sarili ng isang mahinahong pagpapaalala sa kapwa natin na may mas mabuting paraan kesa sa maling ugali nila.

Advertisements

Hulyo 13, 2010

Gusto Ko Silang Bumait Pero Di Ko Magawa

Filed under: Ugaling Pinoy — Constantine Guitang @ 1:38 umaga

Patintero sa lansanganMadalas, naiisip ko, ako lang ba ang nakakaramdam nito? ‘Yung may nakita kang nakatambay na naninigarilyo sa daanan ng mga papasok na bata at gustong-gusto mong sabihan ng ‘Brod, kunting konsiderasyon naman sa mga batang dumadaan, puwedeng sa ibang lugar ka na lang manigarilyo?’, pero di mo masabi sa di mo mawaring dahilan. O di kaya’y ang sinusundan mong mama’y pasimpleng dinudukutan ang bag ng isang estudyante, gustong-gusto mong hulihin pero di mo magawa dahil nag-aalala ka sa sarili mong kaligtasan. Gusto mong magtawag ng pulis pero wala kang mahagilap, kung meron man, huwag ka sanang sabihan na ‘Sorry sir, pero sa traffic kami naka-assign.’

Mga iba pang gusto kong baguhin pero di ko magawa

  • Ang mga kasakay ko sa jeep na tamad makisuyo ng bayad.
  • Ang mga nagsisiga ng basura sa mga kapit-bahay namin.
  • Ang mga sumisingit sa pila ng kumonyon, di marunong pumunta sa dulo ng pila.
  • Ang mga ninigarilyo sa lansangan.
  • Ang mga di marunong magtapon ng sariling basura, maski balat ng kendi, di man lang maibulsa kung walang makitang basurahan.
  • Ang mga drayber na di marunong magmenor o huminto sa pedestrian lane.
  • Ang mga smoke belcher.
  • Ang mga taong di marunong gumamit ng overpass.
  • Ang mga mandurukot.
  • Ang mga umiihi sa pader.

Hindi matatapos ang listahang ito kung isa-isahin ko lahat.

Anong kaya kong gawin?

Dati-rati, laging nagngingitngit ang kalooban ko kapag nakakakita ako ng mga ganitong tao. May mga pagkakataon na sinasabihan ko agad-agad ang mga nagtatapon ng basura; pinapakiusapan ang mga kapit-bahay namin na huwag magsiga ng basura; sinasabihan ang mamang naninigarilyo sa jeep; kinakalabit ang mga tamad makisuyo ng bayad; may nasigawan pa akong nag-jaywalking sa ibaba ng overpass. Pero mula noong tinanggap ko na hindi ko kayang baguhin ang mundo, mas naging mapagpatawad ako. Mas hindi umiinit ang ulo ko, mas hindi ko na sila pinapansin.

Tinanggap ko na nasa sarili ang simula ng pagbabago. Hangga’t hindi inuumpisahan ng isang tao ang pagbabago sa sarili, maski anong pakiusap mo, babalik at babalik ito sa kinagawian. Kaya’t sarili ko ang inuuna kong pinapangaralan para iwasan o huwag gawin ang kinaiisan kong makita sa iba. Alam ko, may mga pagkukulang din ako na kailangang iwasto, at ‘yun ang kaya kong gawin. Malay natin, sa mabuting halimbawa mapapagaya ang iba. Na kapag nakakakita sila ng magandang ehemplo, gagaya din sila sa’yo.

Harinawa.

Hulyo 5, 2010

Hindi Kailangang Perpekto

Filed under: Ugaling Pinoy — Constantine Guitang @ 12:52 hapon
Hindi kailangang perpekto
Sa lahat ng gawain mo, di kailangang maging perpekto.

May mga bagay na nais nating gawin pero pinipigilan natin ang sarili natin dahil may mga pag-aalinlangan na sumasagi sa isipan natin. Isa na rito ang pag-iisip na baka ang magiging resulta’y hindi lalabas na gaya ng inaasahan natin o sa madaling sabi, hindi perpekto ayon sa paningin natin.

Ako mismo, naging biktima nito

O mas mainam siguro na sabihin na karamihan sa atin kung di man lahat tayo ay naging biktima ng di pagtuloy o pagkaantala ng nais nating gawin, dahil sa pagnanais nating perpekto ang magiging resulta nito.

Ganito ang naging karanasan ko.

Bilang isang software developer, naging bahagi na sa trabaho ko ang pagbusisi sa mga gawa kong software hanggang sa pinakamaliit na detalye. Dahil kung may nakaligtaan akong detalye, o ang sinasabi naming bug sa program, malaking epekto ito sa performance ng software na ginagawa ko. Ang resulta, sisi, pagkadismaya at di pagkakuntento ng kustomer. Kaya’t dito naaantala ang trabaho ko. Dahil sa pag-iisip na kailangang laging perpekto.

At dahil dito, halos lahat na ng gagawin kong hakbang sa labas ng pagiging programmer ko, nagiging sobrang ingat ako sa desisyon ko. Laging nangunguna ang isiping ‘tama ba itong gagawin ko?’ ‘Paano kung mali ang hakbang ko?’ ‘Paano kong hindi tatanggapin ang desisyong ito?’ ‘Paano kung matatalo ako?’ ‘Paano kung…’ Maraming paano bago gumawa ng hakbang, ang mas masaklap, ang isiping ‘huwag na lang’.

Dahil sa pagnanais na maging perpekto ang mga hakbang,

  • nagiging mabagal ang desisyon
  • kadalasa’y di na lang itinutuloy dahil sa takot sa pinapangambahang mangyari
  • nawawala ang focus sa gustong mangyari at binabaling na lang sa ibang bagay
  • laging iniintindi ang sasabihin ng iba
  • nawawala ang tiwala sa sariling kakayanan

Kung nais nating magampanan ang mga nais nating gawin, iwaksi sa isipan ang pagiging perpekto sa lahat ng gagawing hakbang. Bagkos, isipin natin, na hindi lahat ng gagawin nati’y kinakailangang maging perpekto. Ulitin natin, HINDI KAILANGANG PERPEKTO.

Kaya’t ito ang maipapayo ko sa inyo at sa sarili ko

  • Kung matagal nang gustong gusto mong makapag-post ng blog, huwang mong patagalin sa isipan mo. Umpisahan mo nang harapin ang blangkong pahina at isulat ang ano mang sumagi sa isipan mong gustong gusto mong isulat. Isipin mong sa unang draft, hindi kailangang perpekto. Pagkatapos ng unang draft, sapat na ang isa o dalawang araw na paglalagi nito sa draft folder. I-publish mo na para mabasa na ng mga tiga-subaybay mo. Habang napapadalas ang pagsusulat mo, mas lalong nahahasa ang kakayahan mo, mas magiging madali ang pagsusulat para sa iyo.
  • Kung matagal mo nang di sinasabing ‘Mahal kita’ sa asawa o girlfriend mo, sabihin mo na ngayon. Merong text, may facebook, o instant messenger kung hindi posibleng masabi ito ng harapan. Hindi mo kailangang maging isang Shakespeare o Balagtas para mabanggit ito. Habang napapadalas ang pagbanggit mo ng ‘Mahal kita’, mas lalo itong madarama ng mahal mo, mas nagiging madali at halos perpekto ang pagsasabi mo, mas mapapalawig ang pagmamahalan n’yo.
  • Kung meron kang proyekto na gustong gusto mong umpisahan, umpisahan mo sa maliit na hakbang. Kung gusto mong magtanim, umpisahan mo sa isa o dalawang paso. Kung gusto mong magnegosyo pero di mo magawa-gawa dahil walang puhunan o mahanapang perpektong puwesto, umpisahan mong magbenta-benta ng madali mong makuha o magawa sa mga kaibigan o katrabaho mo. Hindi kinakailangang malaking proyekto agad, hindi kailangang perpektong proyekto.
  • Kung nag-aalangan ka sa magiging resulta sa mga hakbang mo, huwag mong ituon ang pansin sa dulo ng hakbang na ito, kundi pagtuonang pansin ang bawat hakbang na ginagawa mo. Ang mahalaga’y ang ngayon, ang kasalukuyang ginagawa mo ngayon.

Kung mapapansin ninyo, halos limang buwan na hindi ako nakapag-blog. Isa sa mga dahila’y ang pag-iisip ng kung ano ba ang perpektong paksa na isusunod kong isulat. Hanggang sa natutunan ko, hindi naman talaga kailangang perpekto ang pagkakasulat ng isang paksa para mailathala ito. Ang mahalaga, nakapaghain ka ng ideya mo at naibahagi mo ito sa mga kaibigan at tiga-subaybay mo. Kung pagkatapos mong ilathala at pakiramdam mo’y may kulang pa, gumawa ka uli panibagong post para punan ang mga pagkukulang na ito.

Setyembre 27, 2009

Ngiting Pinoy

Filed under: Ugaling Pinoy — Constantine Guitang @ 2:21 hapon
Ang mga Pinoy, mahilig ngumiti. Ang ngiti daw ang siyang nagbibigay sigla sa mga Pinoy, hindi lang sa ngumingiti kundi ang nginingitian. Dahil ang ngiti daw ay nakakahawa. Ang misis ko nga, dahil medyo malabo ang mga mata, binibiro s’yang laging ngumingiti daw makita lang ng puting ngipin sa mga nakakasalubong maski hindi kilala. Ugali kasi nating mga Pinoy na ngiti ang unang pagbati natin sa ating mga kakilala.
Narito ang mga halimbawa ng mga Pinoy na mahilig ngumiti:
1. Ang mga tindira sa palengke, tudo ngiti pag tinatawag ka ng ‘Bili na suki.’
2. Isali mo na rin ang magtataho kapag nag-aalok ng taho sa mga bata.
3. Pati na rin si mamang sorbetero, maski may sipon ang bata, kapag ngumiti na s’ya, nagpapabili na ang mga bata sa kanilang mga nanay ng sorbetes.
4. Ang mga naglalako sa mga bus, nakangiti pa sila habang nag-aalok ng libreng tikim sa kanilang tindang mani na maraming bawang, minatamis na buko pandan o chicharon.
5. Ang mga Pinoy, mahilig ngumiti at kumaway kapag nadadaanan ng camera ng ABS-CBN at ano mang TV network, mapa-coverage man ito ng piyesta o ng bagyo.
6. Ang jeepney drayber, nakangiti pa rin maski huli s’ya ni mamang pulis.
7. Ang mga crew ng Jollibee, nakangiti lagi maski paspasan ang paghahanda ng mga paborito nating chicken joy. At siyempre pa, nakangiti rin ang mga sikyo nila habang sinasabihan ka ng ‘Come again sir.’ Nakakahawa talaga ang ngiti ni Jollibee.
8. Maski nasa kabilang linya ng telepono ang mga call center agents natin, mararamdaman pa rin natin ang kanilang mga ngiti habang nagrereklamo tayo sa ating nawalang internet connection o iba pang mga reklamo.
9. Ang ngiti ng ating crush ang siyang nabibigay kulay sa ating maghapon.
10. At siyempre pa, ang ngiti ni Inday ang pinakakaasam ni Dodong.
Ngiting Artista
Dumako naman tayo sa mga binabayarang ngiti. Sila ang mga artistang malakas ang dating ng mga ngiti.
1. Ngiting Erap. Ang ngiti ni Erap ang isa sa mga dahilan kung bakit nakukuha n’ya ang kiliti ng masa. Sa tabingi n’yang ngiti, nababagay dito ang bigote at mala-tigreng tingin n’ya. Kaya’t mula pagiging artista, ang ngiti n’ya ang nadala sa kanya sa pagiging pangulo ng Pilipinas.
2. Ngiting Karyl. Ang ngiti ni Karyl ay minsan nakakapagpaiyak dahil napagkakamalang may ibang kahulugan ang kanyang mga ngiti. O mas mainam bang sabihing ngisi?
3. Ngiting Blakdyak. Sa itim na mukha ni Blackjack, nagagawa n’yang pasayahin ang kanyang mga tagahanga sa pagngiti n’ya ng tudo-tudo habang nagrarap ng ‘Good Boy’.
4. Ngiting Michael V. Si Michael V. ay mukha ng iba’t ibang ngiti. May ngiting Yaya, may ngiting Bebang at may ngiting Bitoy.
5. Ngiting Pac-man. Isa ito sa karisma ni Manny Pacquiao. Maski na siguro magkandapili-pilipit ang mga muscles n’ya sa tindi ng training, nakangiti pa rin Manny lalo na kapag dinudumog siya ng mga taga-hanga niya, bata man o matanda. Nakakadagdag sigla ito sa matipuno n’yang katawan. ‘Now you know.’
6. Ngiting Aling Dionisia. Saan pa nga ba nakuha ni Manny ang ngiti n’ya kundi ang kanyang nanay. Ito marahil ang secret sangkap ni Aling Dionisia kung kaya’t nakakapag-ballroom dancing at sunod-sunod ang komersyal sa TV, ang kanyang walang kupas na ngiti.
7. Ngiting Kap Bong Revilla Jr.. Ang ngiti ni Bong Revilla Jr. ay siyang naging agimat niya sa pelikula na marahil namana rin niya sa kanyang amang Ramon Revilla Sr. Sumasabay pati ang pagsingkit ng kanyang mga mata kung siya’y ngumingiti.
8. Ngiting Kimerald. Ang mga ngiti ng dalawang PBB stars at bida sa mga teleserye na sina Kim Chiu at Gerald Anderson ang marahil nakalikum ng maraming Kimerald fans at napanatili nila ang kasikatan nagmula noong lumabas sila sa bahay ni Kuya. Kaya naman sila ang kinuha ng Enervon na endorsers ng bitamina nila.
9. Ngiting TVJ. Sino kina Tito, Vic at Joey ang pinakapaborito mong ngiting artista? Sino man sa kanila, tiyak, ang mga ngiti nila ang siyang nagpanatili sa kanila sa mundo ng showbiz at sa politika kay Senador Tito.
10. Ngiting Jayson Gainza. Kung si Boy Abunda lang ang pagbabasehan ko sana, marahil hindi makakapasok sa sampung napili kong ngiting artista. Pero nung ginaya ni Jayson Gainza si Boy sa NNNN nila sa Banana Split, pasok na pasok siya sa ngiting artista. Di ba Kris, este, Angelica?
Pinakasikat na Ngiti ng Pilipinas?
Sa kabila ng mga nabanggit na ngiting Pinoy, may mas sikat pa bang ngiti?
Sandali, mukhang may naririnig akong bulong… si Ate Glo? Ang saya-saya ‘no?
Nakakahawa ang ngiting Pinoy.

Nakakahawa ang ngiting Pinoy.

Ang mga Pinoy, mahilig ngumiti. Ang ngiti daw ang siyang nagbibigay sigla sa mga Pinoy, hindi lang sa ngumingiti kundi ang nginingitian. Dahil ang ngiti daw ay nakakahawa. Ang misis ko nga, dahil medyo malabo ang mga mata, binibiro s’yang laging ngumingiti daw makakita lang ng puting ngipin sa mga nakakasalubong maski hindi kilala.

Naging ugali na kasi nating mga Pinoy na ngiti ang unang pagbati natin sa ating mga kakilala. Sa mga kapit-bahay natin, sa mga nakakasalubong natin sa daan, hanggang sa mga kaopisina o kaklase, sapat na ang ngiti para batiin sila.

Narito ang mga halimbawa ng mga ngiting Pinoy:

  1. Ang mga tindera sa palengke, todo ngiti pag tinatawag ka ng ‘Bili na suki.’
  2. Isali mo na rin ang magtataho kapag nag-aalok ng taho sa mga bata.
  3. Pati na rin si mamang sorbetero, maski may sipon ang bata, kapag ngumiti na s’ya, nagpapabili na ang mga bata sa kanilang mga nanay ng sorbetes.
  4. Ang mga naglalako sa mga bus, nakangiti pa sila habang nag-aalok ng libreng tikim sa kanilang tindang mani na maraming bawang, minatamis na buko pandan o chicharon.
  5. Ang mga Pinoy, mahilig ngumiti at kumaway kapag nadadaanan ng camera ng ABS-CBN at ano mang TV network, mapa-coverage man ito ng piyesta o ng bagyo.
  6. Ang jeepney drayber, nakangiti pa rin maski huli s’ya ni mamang pulis.
  7. Ang mga crew ng Jollibee, nakangiti lagi maski paspasan ang paghahanda ng mga paborito nating chicken joy. At siyempre pa, nakangiti rin ang mga sikyo nila habang sinasabihan ka ng ‘Come again sir.’ Nakakahawa talaga ang ngiti ni Jollibee.
  8. Maski nasa kabilang linya ng telepono ang mga call center agents natin, mararamdaman pa rin natin ang kanilang mga ngiti habang nagrereklamo tayo sa ating nawalang internet connection o iba pang mga reklamo.
  9. Ang ngiti ng ating crush o girlfriend o asawa ang siyang nagbibigay kulay sa ating maghapon.
  10. At siyempre pa, ang ngiti ni Inday ang pinakaaasam ni Dodong.

Ngiting Artista

Dumako naman tayo sa mga binabayarang ngiti. Sila ang mga artistang malakas ang dating ng mga ngiti.

1. Ngiting Erap. Ang ngiti ni Erap ang isa sa mga dahilan kung bakit nakukuha n’ya ang kiliti ng masa. Sa tabingi n’yang ngiti, nababagay dito ang bigote at mala-tigreng tingin n’ya. Kaya’t mula pagiging artista, ang ngiti n’ya ang nadala sa kanya sa pagiging pangulo ng Pilipinas.

2. Ngiting Karylle. Ang misteryosong ngiti ni Karylle ay minsan nakakapagpaiyak dahil napagkakamalang may ibang kahulugan daw ang kanyang mga ngiti. O mas mainam bang sabihing ngisi?

3. Ngiting Blakdyak. Sa itim na mukha ni Blackjack, nagagawa n’yang pasayahin ang kanyang mga tagahanga sa pagngiti n’ya ng todo-todo habang nagrarap ng ‘Good Boy’.

4. Ngiting Michael V. Si Michael V. ay mukha ng iba’t ibang ngiti. May ngiting Yaya, may ngiting Bebang at may ngiting Bitoy.

5. Ngiting Pac-man. Isa ito sa karisma ni Manny Pacquiao. Maski na siguro magkandapili-pilipit ang mga muscles n’ya sa tindi ng training, nakangiti pa rin Manny lalo na kapag dinudumog siya ng mga taga-hanga niya, bata man o matanda. Nakakadagdag sigla ito sa matipuno n’yang katawan. ‘Now you know.’

6. Ngiting Aling Dionisia. Saan pa nga ba nakuha ni Manny ang ngiti n’ya kundi sa kanyang nanay. Ito marahil ang secret sangkap ni Aling Dionisia kung kaya’t nakakapag-ballroom dancing at sunod-sunod ang komersyal sa TV, ang kanyang walang kupas na ngiti.

7. Ngiting Kap Bong Revilla Jr.. Ang ngiti ni Bong Revilla Jr. ang siyang naging agimat niya sa pelikula na marahil namana rin niya sa kanyang amang Ramon Revilla Sr. Sumasabay pati ang pagsingkit ng kanyang mga mata kung siya’y ngumingiti.

8. Ngiting Kimerald. Ang mga ngiti ng dalawang PBB stars at bida sa mga teleserye na sina Kim Chiu at Gerald Anderson ang marahil nakalikum ng maraming Kimerald fans at napanatili nila ang kasikatan nagmula noong lumabas sila sa bahay ni Kuya. Kaya naman sila ang kinuha ng Enervon na endorsers ng bitamina nila.

9. Ngiting TVJ. Sino kina Tito, Vic at Joey ang pinakapaborito mong ngiting artista? Sino man sa kanila, tiyak, ang mga ngiti nila ang siyang nagpanatili sa kanila sa mundo ng showbiz at sa politika kay Senador Tito Sotto.

10. Ngiting Jayson Gainza. Kung si Boy Abunda lang ang pagbabasehan ko sana, marahil hindi makakapasok sa sampung napili kong ngiting artista. Pero nung ginaya ni Jayson Gainza si Boy sa NNNN nila sa Banana Split, pasok na pasok siya sa ngiting artista. Di ba Kris, este, Angelica?

Pinakasikat na Ngiti ng Pilipinas?

Sa kabila ng mga nabanggit na ngiting Pinoy, may mas sikat pa bang ngiti?

Sandali, mukhang may naririnig akong bulong… si Ate Glo? Ang saya-saya ‘no?

Setyembre 21, 2009

Love Letter ni Dodong na Pinoy na Pinoy

Filed under: Ugaling Pinoy — Constantine Guitang @ 7:28 umaga

Photo Credit: Billy Alexander

Photo Credit: Billy Alexander

Naranasan mo bang gumawa ng love letter na ipinaabot mo pa sa ‘tulay’ mo? Ang iba’y hinulog pa sa koreo at ang return address ay ‘From your secret admirer.’

Lumalabas ang pagka-Pinoy natin sa pagsusulat ng love letter. Silipin natin ang isang halimbawang sulat ni Dodong kay Inday.
Ganito ang kanyang pagsisimula:
Oras ng Pag-iisip Sa’yo
Araw ng Pagmamahal
Pinakamamahal kong Inday,
Ang Pinoy, kung siya’y umiibig, hindi mahalaga sa kanya kung anong oras o araw ngayon, basta’t alam niya, bawat pitik ng orasan ay nakaalay sa kanyang minamahal. Magpatuloy tayo:
Kumusta ka na aking irog? Sana’y nasa mabuti kang kalagayan dahil ang ikapapahamak mo’y ikamamatay ko. Dahil mula nang ibigin ka’y tanging kabutihan mo ang nasa isipan ko.
Naks, nangungusta na naman eh halos araw-araw silang nagkikita ni Inday. Ang lalakeng Pinoy ang tunay na matatawag na ‘Knight in Shining Armor’ dahil ayaw nilang napapahamak ang minamahal nila. Gusto nilang ipadama ang pagnanais na protektahan lagi ang minamahal nila. Pasasaan pa’t narito na ang makukulay na pananalita ni Dodong:
Bawat segundo, ikaw ang nasa isipan ko Inday. Gusto kong hilahin si Araw para takpan si Buwan upang magkita na tayong muli. Dahil bawat sandaling malayo ka sa aki’y tumitigil ang mundo ko. Sa bawat paghihiwalay natin tuwing uwian ay gusto kong pigilan ko at igapos ka sa aking mga kamay upang wala nang makakapaghiwalay sa atin maging ang panahon man.
Nakita n’yo na kung paano ipadama ni Dodong ang kahalagahan ni Inday sa kanya? Ngunit sa bawat pag-ibig na nabubuo sa mga Pinoy, nagsisimula ito sa maraming pagsubok upang mapatunayan na tunay nga ang pag-ibig na inaalay ni Dodong kay Inday. Narito na ang himutok ni Dodong:
Oh Inday, kailangan mo nga ba ibibigay ang matamis mong oo? Kailangan mo bang sungkitin ko ang buwan at mga bituin at gagawing kuwintas na isusuot ko sa’yo para mas lalong magningning ang makikislap mong mata at lalong magkulay ang mapupula mong labi? Kailangan mo bang sisirin ko ang karagatan upang maialay ko sa’yo ang pinakamakintab na perlas upang tumbasan ang kislap ng ‘yong ngiti? Sabihin mo sa akin Inday kung anong ninanais mong gawin ko upang pag-ibig mo’y makamtan ko.
Pag-ibig nga naman, hahamakin lahat para makamtan lamang. Hindi iniintindi ng mga Pinoy na lalake ang pagkaalipin sa pag-ibig at kung nanaisin ni babae na alipinin s’ya, makapasagot lang ng oo, bale wala ‘yun sa nagmamahal na lalake.
Ganito ang pagtatapos ni Dodong sa kanyang love letter:
Hindi ko tutuldukan ang pag-ibig na ito Inday habang ako’y nabubuhay gaya ng hindi ko pagtuldok sa sulat na ito. Patuloy akong umaasa na ang pag-ibig na inaalay ko sa’yo’y tatanggapin mo’t iibigin mo rin ako. Makakaasa kang ikaw at ikaw lamang ang laman ng puso’t damdamin ko. Dahil tanging ikaw lamang ang nagdudulot ng tunay na ligaya sa akin. Hanggang sa muli nating pagkikita bukas.
Patuloy na nagmamahal sa’yo ng labis,
Dodong
Naks, parang hindi tayo kasali sa mundo ni Dodong ah. Tanging si Inday lang ang kilala n’yang tao ngayon sa mundo n’ya. Siyempre, bawat sulat ng Pinoy, may pahabol:
P.S. Ipagpaumanhin mo ang karahasan kong ipaabot sa’yo ang nararamdaman ng puso ko. Sana’y hindi ka magsasawang basahin ang mga sulat ko aking iniibig. Hanggang sa muli.
Kung tatanungin n’yo pala kung paano nakarating kay Inday ang sulat, ganito ‘yun. Humiram si Dodong ng kuwaderno ni Inday. Siyempre, ang kinausap ni Dodong na makipag-usap kay Inday ay ang kaibigan ni Inday na si Bebang. Noong ibinalik na ni Dodong ang kuwaderno ni Inday, nasa gitnang bahagi na ng kuwaderno ang love letter ni Dodong para kay Inday. Ang ginamit na papel, linen paper na mabango.
Ano kaya ang magiging sagot ni Inday kay Dodong?

Lumalabas ang pagka-Pinoy natin sa pagsusulat ng love letter. Silipin natin ang isang halimbawang sulat ni Dodong kay Inday.

Ganito ang kanyang pagsisimula:

Oras ng Pag-iisip Sa’yo

Araw ng Pagmamahal

Pinakamamahal kong Inday,

Ang Pinoy, kung siya’y umiibig, hindi mahalaga sa kanya kung anong oras o araw ngayon, basta’t alam niya, bawat pitik ng orasan ay nakaalay sa kanyang minamahal. Magpatuloy tayo:

Kumusta ka na aking irog? Sana’y nasa mabuti kang kalagayan dahil ang ikapapahamak mo’y ikamamatay ko. Dahil mula nang ibigin ka’y tanging kabutihan mo ang nasa isipan ko.

Naks, nangungumusta na naman eh halos araw-araw silang nagkikita ni Inday. Ang lalakeng Pinoy ang tunay na matatawag na ‘Knight in Shining Armor’ dahil ayaw nilang napapahamak ang minamahal nila. Gusto nilang ipadama ang pagnanais na protektahan lagi ang minamahal nila. Pasasaan pa’t narito na ang makukulay na pananalita ni Dodong:

Bawat segundo, ikaw ang nasa isipan ko Inday. Gusto kong hilahin si Araw para takpan si Buwan upang magkita na tayong muli. Dahil bawat sandaling malayo ka sa aki’y tumitigil ang mundo ko. Sa bawat paghihiwalay natin tuwing uwian ay gusto kong pigilan ko at igapos ka sa aking mga kamay upang wala nang makakapaghiwalay sa ating dalawa maging ang panahon man.

Nakita n’yo na kung paano ipadama ni Dodong ang kahalagahan ni Inday sa kanya? Ngunit sa bawat pag-ibig na nabubuo sa mga Pinoy, nagsisimula ito sa maraming pagsubok upang mapatunayan na tunay nga ang pag-ibig na inaalay ni Dodong kay Inday. Narito na ang himutok ni Dodong:

Oh Inday, kailan mo nga ba ibibigay ang matamis mong oo? Kailangan ko bang sungkitin ang buwan at mga bituin para gawing kuwintas na isusuot ko sa’yo nang sa ganun mas lalong magningning ang makikislap mong mata at lalong magkulay ang mapupula mong labi? Kailangan mo bang sisirin ko ang karagatan upang maialay ko sa’yo ang pinakamakintab na perlas upang tumbasan ang kislap ng ‘yong ngiti? Sabihin mo sa akin Inday kung anong ninanais mong gawin ko upang pag-ibig mo’y makamtan ko.

Pag-ibig nga naman, hahamakin lahat para makamtan lamang. Hindi iniintindi ng mga Pinoy na lalake ang pagkaalipin sa pag-ibig at kung nanaisin ni babae na alipinin s’ya, mapasagot lang ng oo, bale wala ‘yun sa nagmamahal na lalake.

Ganito ang pagtatapos ni Dodong sa kanyang love letter:

Hindi ko tutuldukan ang pag-ibig na ito Inday habang ako’y nabubuhay gaya ng hindi ko pagtuldok sa sulat na ito. Patuloy akong umaasa na ang pag-ibig na inaalay ko sa’yo’y tatanggapin mo’t iibigin mo rin ako. Makakaasa kang ikaw at ikaw lamang ang laman ng puso’t damdamin ko. Dahil tanging ikaw lamang ang nagdudulot ng tunay na ligaya sa akin. Hanggang sa muli nating pagkikita bukas.

Patuloy na nagmamahal sa’yo ng labis,

Dodong

Naks, parang hindi tayo kasali sa mundo ni Dodong ah. Tanging si Inday lang ang kilala n’yang tao ngayon sa mundo n’ya. Siyempre, bawat sulat ng Pinoy, may pahabol:

P.S.

Ipagpaumanhin mo ang karahasan kong ipaabot sa’yo ang nararamdaman ng puso ko. Sana’y hindi ka magsasawang basahin ang mga sulat ko aking iniibig. Hanggang sa muli.

Kung tatanungin n’yo pala kung paano nakarating kay Inday ang sulat, ganito ang nangyari. Humiram si Dodong ng kuwaderno ni Inday. Siyempre, ang kinausap ni Dodong na makipag-usap kay Inday ay ang kaibigan ni Inday na si Bebang. Noong ibinalik na ni Dodong ang kuwaderno ni Inday, nasa gitnang bahagi na ng kuwaderno ang love letter ni Dodong para kay Inday. Ang ginamit na papel, linen paper na mabango.

Ano kaya ang magiging sagot ni Inday kay Dodong?

Bagong Pahina »

Lumikha ng libreng website o blog sa WordPress.com.