Pinoy na Pinoy

Oktubre 23, 2009

May Panahon Ka Ba Sa Iyong Mga Anak?

Filed under: Pamilyang Pinoy — Constantine Guitang @ 1:40 hapon
Noong nasa tatlong taong gulang ang aming anak, dumalaw sa aming bahay ang isang kaibigan ko. May pinag-uusapan kami noon na web design para sa kanyang negosyo. Habang nag-uusap kami, nagpakandong ang aking anak at nakikipag-agawan sa laptop na nasa harapan namin ng kausap ko. Nagalit ako dahil hindi ko maawat kaya’t tumakbong umiyak ang anak ko papunta sa mama niya.
Akala ko hindi ‘yun pinansin ng kaibigan ko. Pero nung nagkita kami uli sa Chowking, ganito ang sinabi sa akin.
“Alam mo, ganun din kami ng asawa ko noon sa panganay namin. Nagagalit kami kapag ganun nangungulit ang anak namin pagdating namin sa bahay namin. Kung minsan, napapalo pa namin dahil sobrang papansin. Pero namulat kami nung sinabi ng mommy ko sa amin na ‘Ngayon na nga lang n’yo kapiling ang anak n’yo sa maghapon, ‘yan pa ang aabutin sa inyo.’ Mula noon pare, mas marami na kaming panahon sa anak namin, di na rin kami gaano nagagalit sa kakulitan niya.”
Kaya’t naisipan kong tanungin din ito sa inyo, may panahon pa ba kayo sa inyong mga anak?
Isang halimbawa
Ganito ang kadalasang nangyayari sa pamilyang Pinoy. Pagkagising sa umaga, lahat nag-aapura para hindi ma-late sa trabaho ang mag-asawa at ang mga bata’y kanya-kanyang ayos din sa mga gamit sa paaralan. Ang nanay, mamalantsa habang nagluluto ng almusal. Ang tatay, nagbabasa ng diyaryo habang nagkakape. Pagkalampas ang alas sais, tahimik na ang bahay, nakaalis na ang buong pamilya sa trabaho at paaralan. Pagka-uwi sa hapon, ang mga bata, diretso sa harap ng TV. Ang nanay, magluluto. Ang tatay, gabi na kung makarating sa bahay. Pagkarating, sa kanya naman ang TV. Pagkatapos ng hapunan, balik sa TV ulit o kung nag-uwi ng trabaho ang tatay, magpupuyat pa ito. Pagkatapos, matutulog na. Ganito ang sitwasyon hanggang Biyernes o Sabado. Sa Linggo, matutulog ang mag-asawa maghapon.
Napansin mo ang kulang?
Oo, sa araw-araw na lumilipas, nakakaligtaan ng mga magulang na pagtuunan ng pansin ang kanilang mga anak.
• Walang panahong magkuwentuhan .
• Walang panahong makinig sa bagong natutunan ng kanilang anak sa paaralan.
• Walang panahong makita ang 10/10 na score ng kanilang anak.
• Walang panahong makipaglaro sa mga anak ng habulan o tagu-taguan.
• Walang panahong tingnan ang ganda ng kinulayan ng bunsong anak sa kanyang aklat.
• Walang panahong makinig sa problema ng nagdadalagang anak sa manliligaw niya.
• Walang panahong makipaglaro ng chess o basketball sa nagbibinatang anak.
• Walang panahong dumalo sa paligsahang sinalihan ng anak.
• Walang panahong tulungan ang anak sa kanyang takdang aralin.
• Walang panahong makipagkilitihan sa anak.
• Walang panahong humanga sa bagong magic na natutunan ng anak.
• Walang panahong turuan ang anak na ispelingin ang K-I-N-D-E-R.
• Walang panahong sabayan ang anak na magdasal bago matulog.
Humahaba ang listahang ito pero iisa lang ang gustong ipahiwatig, wala tayong panahon sa ating mga anak.
Panahon ang kailangan ng mga bata
Hindi mamahaling laruan na umaabot sa libo ang kailangan sa atin ng ating mga anak. Hindi ang pinakabagong cellphone at kulang ang isang text message na ang tanging laman ay isang letrang ‘K’. Hindi si yaya ang inaasam nilang laging kasama pagkauwi sa bahay. Ang kailangan nila’y panahon natin.
Sa mga kababayan nating mga OFW, ang madalas na inaasam ng kanilang mga anak ay ang panahon nila sa isa’t isa. Pagkatapos na tanggapin ng anak ang padalang PSP at chocolate sa kanya ng kanyang ina, pagdating ng gabi, sumasagi sa anak ang lungkot ng pangungulila sa kanyang magulang na OFW. At kung ilang taon niyang dadanasin ito’y hindi natin alam. Dalawa, apat na taon? Pagkagraduate sa kolehiyo? Hanggang sa hindi na niya kilala ang kanyang mga magulang? Hindi naman sana.
Ang panahon ko sa aking anak
Nasa Kinder 2 na ang anak namin at nagpapasalamat kami’t maraming panahon ang naiuukol naming mag-asawa sa kanya. Nasasaksihan ko kung paano niya nagagawa ang mga bagong natutunan niya. Matiyaga akong nakikinig sa pagkanta niya ng Reflection maski hirap siya sa pagkapa sa lyrics nito. Pumapalakpak ako kapag pinapakitaan ako ng bagong step na inimbento niya sa pagsayaw. Nahahasa din ang kakayahan kung gumamit ng krayola habang sinasabayan siyang nagkukulay ng mga aklat niya. Nagpapaligsahan kaming magsabi kung anong produkto ang nasa TV komersyal. Natototo siyang magbasa ng mga billboards at signs sa mga nadadaanan namin patungo sa paaralan niya kapag hinahatid o sinusundo ko siya kasi may panahon akong magsabi kung paano basahin ang mga iyon. At alam kong marami pa akong matototonan sa kanya at siya sa akin sa bawat inilalaan kong panahon para sa aming anak.
Kayo, may kuwento ba kayo kung paano niyo ginugugol ang panahon niyo sa inyong mga anak? O bilang anak, mga alaalang hindi mo malilimutan sa piling ng iyong mga magulang? Magkuwento na sa komento.
Sikaping magkaroon ng panahon sa mga anak, ito ang pinakaaasam nila sa atin.

Sikaping magkaroon ng panahon sa mga anak, ito ang pinakaaasam nila sa atin.

Noong nasa tatlong taong gulang ang aming anak, dumalaw sa aming bahay ang isang kaibigan ko. May pinag-uusapan kami noon na web design para sa kanyang negosyo. Nagpapatulong sa akin kung anong magandang gawin para sa website nila. Habang nag-uusap kami, nagpakandong ang aking anak at nakikipag-agawan sa laptop na nasa harapan namin ng kausap ko. Nagalit ako dahil hindi ko maawat kaya’t tumakbong umiyak ang anak ko papunta sa mama niya.

Akala ko hindi ‘yun pinansin ng kaibigan ko dahil may dalawa din siyang anak na maliliit pa. Pero nung nagkita kami uli sa Chowking, ganito ang sinabi sa akin.

“Alam mo, ganun din kami ng asawa ko noon sa panganay namin. Nagagalit kami kapag ganong nangungulit ang anak namin pagdating namin sa bahay namin. Kung minsan, napapalo pa namin dahil sobrang papansin. Pero namulat kami nung sinabi ng mommy ko sa amin na ‘Ngayon na nga lang n’yo kapiling ang anak n’yo sa maghapon, ‘yan pa ang aabutin sa inyo.’ Mula noon pare, mas marami na kaming panahon sa anak namin, di na rin kami gaano nagagalit sa kakulitan niya.”

Kaya’t naisipan kong tanungin din ito sa inyo, may panahon pa ba kayo sa inyong mga anak?

Isang halimbawa

Ganito ang kadalasang nangyayari sa pamilyang Pinoy. Pagkagising sa umaga, lahat nag-aapura para hindi ma-late sa trabaho ang mag-asawa at ang mga bata’y kanya-kanyang ayos din sa mga gamit sa paaralan. Ang nanay, mamalantsa habang nagluluto ng almusal. Ang tatay, nagbabasa ng diyaryo habang nagkakape. Pagkalampas ang alas sais, tahimik na ang bahay, nakaalis na ang buong pamilya sa trabaho at paaralan. Pagka-uwi sa hapon, ang mga bata, diretso sa harap ng TV. Ang nanay, magluluto. Ang tatay, gabi na kung makarating sa bahay. Pagkarating, sa kanya naman ang TV. Pagkatapos ng hapunan, balik sa TV ulit o kung nag-uwi ng trabaho ang tatay, magpupuyat pa ito. Pagkatapos, matutulog na. Ganito ang sitwasyon hanggang Biyernes o Sabado. Sa Linggo, matutulog ang mag-asawa maghapon.

Napansin mo ang kulang?

Oo, sa araw-araw na lumilipas, nakakaligtaan ng mga magulang na pagtuunan ng pansin ang kanilang mga anak.

  • Walang panahong magkuwentuhan .
  • Walang panahong makinig sa bagong natutunan ng kanilang anak sa paaralan.
  • Walang panahong makita ang 10/10 na score ng kanilang anak.
  • Walang panahong makipaglaro sa mga anak ng habulan o tagu-taguan.
  • Walang panahong tingnan ang ganda ng kinulayan ng bunsong anak sa kanyang aklat.
  • Walang panahong makinig sa problema ng nagdadalagang anak sa manliligaw niya.
  • Walang panahong makipaglaro ng chess o basketball sa nagbibinatang anak.
  • Walang panahong dumalo sa paligsahang sinalihan ng anak.
  • Walang panahong tulungan ang anak sa kanyang takdang aralin.
  • Walang panahong makipagkilitihan sa anak.
  • Walang panahong humanga sa bagong magic na natutunan ng anak.
  • Walang panahong turuan ang anak na ispelingin ang K-I-N-D-E-R.
  • Walang panahong sabayan ang anak na magdasal bago matulog.

Humahaba ang listahang ito pero iisa lang ang gustong ipahiwatig, wala tayong panahon sa ating mga anak.

Panahon mo ang kailangan ng mga bata

Hindi mamahaling laruan na umaabot sa libo ang kailangan sa atin ng ating mga anak. Hindi ang pinakabagong cellphone at kulang ang isang text message na ang tanging laman ay isang letrang ‘K’. Hindi si yaya ang inaasam nilang laging kasama pagkauwi sa bahay. Ang kailangan nila’y panahon natin.

Sa mga kababayan nating mga OFW, ang madalas na inaasam ng kanilang mga anak ay ang panahon nila sa isa’t isa. Pagkatapos na tanggapin ng anak ang padalang PSP at chocolate sa kanya ng kanyang ina, pagdating ng gabi, sumasagi sa anak ang lungkot ng pangungulila sa kanyang magulang na OFW. At kung ilang taon niyang dadanasin ito’y hindi natin alam. Dalawa, apat na taon? Pagkagraduate sa kolehiyo? Hanggang sa hindi na niya kilala ang kanyang mga magulang? Hindi naman sana.

Ang panahon ko sa aking anak

Nasa Kinder 2 na ang anak namin at nagpapasalamat kami’t maraming panahon ang naiuukol naming mag-asawa sa kanya. Nasasaksihan ko kung paano niya nagagawa ang mga bagong natutunan niya. Matiyaga akong nakikinig sa pagkanta niya ng Reflection maski hirap siya sa pagkapa sa lyrics nito. Pumapalakpak ako kapag pinapakitaan ako ng bagong step na inimbento niya sa pagsayaw. Nahahasa din ang kakayahan kung gumamit ng krayola habang sinasabayan siyang nagkukulay ng mga aklat niya. Nagpapaligsahan kaming magsabi kung anong produkto ang nasa TV komersyal. Natototo siyang magbasa ng mga billboards at signs sa mga nadadaanan namin patungo sa paaralan niya kapag hinahatid o sinusundo ko siya kasi may panahon akong magsabi kung paano basahin ang mga iyon. At alam kong marami pa akong matototonan sa kanya at siya sa akin sa bawat inilalaan kong panahon para sa aming anak.

Kayo, may kuwento ba kayo kung paano niyo ginugugol ang panahon niyo sa inyong mga anak? O bilang anak, mga alaalang hindi mo malilimutan sa piling ng iyong mga magulang? Magkuwento na sa komento.

Advertisements

Oktubre 13, 2009

Buhay Working Student

Filed under: Buhay Estudyante — Constantine Guitang @ 1:22 hapon
Isang dahilan kung bakit karamihan sa mga kabataang Pinoy ay hanggang high school lang ang natapos ay dahil sa kahirapan ng buhay. Mapalad na ang isang nagtatapos sa high school na mapangakohan ng kanyang mga magulang na siya’y tutuloy sa kolehiyo. Pero kung isa ka sa karamihan ng mga kabataan na hindi kakayanin ng mga magulang ang pagkokolehiyo mo, ano ang gagawin mo?
Merong mga estudyante na sumusubok maging eskolar ng isang foundation, ng isang politiko, o ng isang mayamang pamilya. Meron ding mga estudyante na nakikiusap sa mga kamag-anak na OFW para sila’y papag-aralin. Pero iilan lang ang pinalad na magiging eskolar.
Kaya’t ang isang sagot para makatuntong ang isang estudyante sa kolehiyo ay ang pagiging working student.
Anu-ano ang mga puwedeng gawin ng isang estudyante para maging working student?
Maging Library Assistant
Kung ang isang kolehiyo ay may limang libo pataas ang bilang ng mga mag-aaral, kadalasa’y meron itong malaking silid-aklatan. At kadalasan, nangangailangan ng mga working students para magbantay sa kanilang mga silid-aklatan. Ang magiging trabaho mo bilang library assistant ay magmatyag sa mga estudyanteng pumapasok sa silid-aklatan, maglilista ng mga hihiraming aklat at sisiguradohing walang nasulatan o napunit na pahina ang mga aklat na hiniram. Mainam din na natatandaan mo ang karamihang lokasyon ng bawat aklat ayon sa pagkakanumero nila.
Kung nag-aapply ka bilang library assistant, ang pagiging masinop, pagkakatanda sa ayos ng mga gamit, at pagiging masipag mo ang hinahanap ng maaaring tatanggap sa’yo. Kapag nakapasok ka na bilang library assistant, nasa harapan mo na ang mga librong maaaring maging susi sa mga kaalamang hinahangad mo.
Maging Computer Laboratory Assistant
Kadalasan, mga nasa second year or third year ang kinukuha dito. Kaya’t kung first year ka pa lang, mas maiging sa pagiging library assistant ka muna. Ang kainaman ng pagiging computer laboratory assistant ay libre ang paggamit mo ng computer, mahahasa ang kaalaman mo sa computer kaya’t nababagay ito sa mga nagbabalak kumuha ng kursong may kinalaman sa computer. Ang magiging trabaho mo dito’y manmanan ang mga estudyanteng gumagamit ng computer, sinisigurong walang ibubulsang parte ng keyboard o mouse at ang mga ginagawa’y hindi nakakasira sa computer. Kung may masisira, susubukang ayusin. Kadalasang sira ng computer sa paaralan ay ang pagka-virus nito kaya’t trabaho mo rin ang pag-iinstall ng anti-virus at mga paraan para hindi madaling masira ang mga computer.
Maging Student Janitor
Kung mas gusto mong mag-aral sa araw at magtrabaho sa gabi, puwede kang maging student janitor. Nagsisimula ang trabaho mo kapag tapos na lahat ng mga klase, kadalasa’y nagsisimula sa alas otso ng gabi. Mas malawak ang paaralan, mas marami itong kailangang student janitors, kaya’t malaki rin ang tiyansa mong matanggap. Sipag at tiyaga lang ang kailangan. Dapat ipakita mo rin na mapagkakatiwalaan ka para panatag ang paaralan na walang mawawala o masisira kung maglilinis ka sa mga silid-aralan at mga opisina.
Maging Fastfood Crew
Kung hindi ka papalaring makapasok sa paaralan bilang working student, puwede kang maging crew sa Jollibee, McDonald’s, Chowking at iba pang fastfoods na meron sa lugar niyo. Sa ganitong trabaho, dapat meron kang deretsong apat na oras na ilalaan sa trabaho. Madalas, anim na buwan lang ang kontrata mo sa trabaho, kaya’t pang-isang semester lang bawat kontrata. Ang kainaman lang, kung merong Jollibee sa isang siyudad, marami ding ibang fastfood chains kaya’t puwede kang palipat-lipat kung natapos ang kontrata mo sa isa. Ang kadalasang hinahanap dito ay yung may pleasing personality.
Maging Kasambahay
Kung wala talaga sa nabanggit na puwede mong pasukan, puwede kang maghanap ng nangangailangan ng kasambahay na puwedeng mag-aral. Ang kainaman dito, libre na ang tirahan at pagkain mo. Marunong ka dapat sa gawaing bahay, magluto, at maglaba. Kung may mga anak ang magiging amo mo, maaari ring ikaw ang tiga-hatid at sundo sa mga anak nila.
Iba pang pagkakakitaan ng working student
Sa panahon ng enrollment, nangangailangan ang mga malalaking kolehiyo ng mga enrollment assistants na tutulong sa mga enrollment officers. Ito’y maghapong trabaho kaya’t sasahuran ka ng walong oras bawat araw.
Kung may talent ka na puwede mong pagkakitaan kaya ng pagtutor ng English sa mga Koreano o pagtuturo ng programming, puwede mo rin itong magamit para sa karagdagang kita. Pero tandaan mo na pandagdag allowance lang ito kaya’t kailangan mo pa ring magkaroon ng trabaho na gaya sa mga naunang nabanggit.
Kaya mo ba ito?
Kaya mo ‘yan. Dahil ako’y nakatapos sa kolehiyo sa pagiging working student din. Una, pumasok ako bilang library assistant. Pagkatapos ng isang taon, lumipat ako sa computer laboratory namin bilang computer laboratory assistant. Dito ako unang nahasa ang kaalaman ko sa computer programming. Dahil ang kinikita ko noon sa trabahong ito ay para lang sa tuition fee at ibang babayaran sa paaralan, kinakailangan ko pang pumasok bilang kasambahay ng isang librarian sa paaralan namin noon. Nakatulong ito para sa tirahan at pagkain ko araw-araw. Para sa mga projects at field trips ko sa Engineering na kurso ko, nagtrabaho ako bilang enrollment assistant. Nagtutor din ako ng Koreana sa programming. Tumatanggap din ako ng encoding jobs  noon. Dahil dito, nakatapos ako ng kolehiyo sa sariling sikap.
Ito pa ang magandang balita sa pagiging working student. Kadalasan, kapag naranasan mong maging working student, sisikapin mong makatapos sa pag-aaral dahil pinapahalagahan mo ang bawat pawis na ibinubuhos mo dito. Kaya’t malaki ang tiyasa mong makatapos sa pag-aaral. Sipat at tiyaga lamang ang kailangan. Huwag lang pababayaan ang pag-aaral dahil sa trabaho.
Kayo, ano naman ang naging karanasan niyo para kumita ng kahit pang-Jollibee lang noong nag-aaral kayo sa kolehiyo? Magkuwento na sa komento.
Photo credit: Jame Sarmiento

Photo credit: Jame Sarmiento

Isang dahilan kung bakit karamihan sa mga kabataang Pinoy ay hanggang high school lang ang natapos ay dahil sa kahirapan ng buhay. Mapalad na ang isang nagtatapos sa high school na mapangakohan ng kanyang mga magulang na siya’y tutuloy sa kolehiyo. Pero kung isa ka sa karamihan ng mga kabataan na hindi kakayanin ng mga magulang ang pagkokolehiyo mo, ano ang gagawin mo?

May mga estudyante na sumusubok maging eskolar ng isang foundation, ng isang politiko, o ng isang mayamang pamilya. Meron ding mga estudyante na nakikiusap sa mga kamag-anak na OFW para sila’y papag-aralin. Pero iilan lang ang pinalad na magiging eskolar.

Kaya’t ang isang sagot para makatuntong ang isang estudyante sa kolehiyo ay ang pagiging working student.

Anu-ano ang mga puwedeng gawin ng isang estudyante para maging working student?

Maging Library Assistant

Kung ang isang kolehiyo ay may limang libo pataas ang bilang ng mga mag-aaral, kadalasa’y meron itong malaking silid-aklatan. At kadalasan, nangangailangan ng mga working students para magbantay sa kanilang mga silid-aklatan. Ang magiging trabaho mo bilang library assistant ay magmatyag sa mga estudyanteng pumapasok sa silid-aklatan, maglilista ng mga hihiraming aklat at sisiguraduhing walang nasulatan o napunit na pahina ang mga aklat na hiniram. Mainam din na natatandaan mo ang karamihang lokasyon ng bawat aklat ayon sa pagkakanumero nila.

Kung mag-aapply ka bilang library assistant, ang pagiging masinop, pagkakatanda sa ayos ng mga gamit, at pagiging masipag mo ang hinahanap ng maaaring tatanggap sa’yo. Kapag nakapasok ka na bilang library assistant, nasa harapan mo na ang mga librong maaaring maging susi sa mga kaalamang hinahangad mo.

Maging Computer Laboratory Assistant

Kadalasan, mga estudyanteng nasa second year or third year ang kinukuha dito. Kaya’t kung first year ka pa lang, mas maiging sa pagiging library assistant ka muna. Ang kainaman ng pagiging computer laboratory assistant ay libre ang paggamit mo ng computer, mahahasa ang kaalaman mo sa computer kaya’t nababagay ito sa mga nagbabalak kumuha ng kursong may kinalaman sa computer. Ang magiging trabaho mo dito’y manmanan ang mga estudyanteng gumagamit ng computer, sinisigurong walang ibubulsang parte ng keyboard o mouse at ang mga ginagawa’y hindi nakakasira sa computer. Kung may masisira, susubukang ayusin. Kadalasang sira ng computer sa paaralan ay ang pagka-virus nito kaya’t trabaho mo rin ang pag-iinstall ng anti-virus at mga paraan para hindi madaling masira ang mga computer.

Maging Student Janitor

Kung mas gusto mong mag-aral sa araw at magtrabaho sa gabi, puwede kang maging student janitor. Nagsisimula ang trabaho mo kapag tapos na lahat ng mga klase, kadalasa’y nagsisimula sa alas otso ng gabi. Mas malawak ang paaralan, mas marami itong kailangang student janitors, kaya’t malaki rin ang tiyansa mong matanggap. Sipag at tiyaga lang ang kailangan. Dapat ipakita mo rin na mapagkakatiwalaan ka para panatag ang paaralan na walang mawawala o masisira kung maglilinis ka sa mga silid-aralan at mga opisina.

Maging Fastfood Crew

Kung hindi ka papalaring makapasok sa paaralan bilang working student, puwede kang maging crew sa Jollibee, McDonald’s, Chowking at iba pang fastfood chains na meron sa lugar niyo. Sa ganitong trabaho, dapat meron kang deretsong apat na oras na ilalaan sa trabaho. Madalas, anim na buwan lang ang kontrata mo sa trabaho, kaya’t pang-isang semester lang bawat kontrata. Ang kainaman lang, kung merong Jollibee sa isang siyudad, marami ding ibang fastfood chains kaya’t puwede kang palipat-lipat kung natapos ang kontrata mo sa isa. Ang kadalasang hinahanap dito ay yung may pleasing personality.

Maging Kasambahay

Kung wala talaga sa nabanggit na puwede mong pasukan, puwede kang maghanap ng nangangailangan ng kasambahay na puwedeng mag-aral. Ang kainaman dito, libre na ang tirahan at pagkain mo. Marunong ka dapat sa gawaing bahay, magluto, at maglaba. Kung may mga anak ang magiging amo mo, maaari ring ikaw ang tiga-hatid at sundo sa mga anak nila.

Iba pang pagkakakitaan ng working student

Sa panahon ng enrollment, nangangailangan ang mga malalaking kolehiyo ng mga enrollment assistants na tutulong sa mga enrollment officers. Ito’y maghapong trabaho kaya’t sasahuran ka ng walong oras bawat araw.

Kung may talent ka na puwede mong pagkakitaan gaya ng pagtutor ng English sa mga Koreano o pagtuturo ng programming, puwede mo rin itong magamit para sa karagdagang kita. Pero tandaan mo na pandagdag allowance lang ito kaya’t kailangan mo pa ring magkaroon ng trabaho na gaya sa mga naunang nabanggit.

Kaya mo ba ito?

Kaya mo ‘yan. Dahil ako’y nakatapos sa kolehiyo sa pagiging working student din. Una, pumasok ako bilang library assistant. Pagkatapos ng isang taon, lumipat ako sa computer laboratory namin bilang computer laboratory assistant. Dito ko unang nahasa ang kaalaman ko sa computer programming. Dahil ang kinikita ko noon sa trabahong ito ay para lang sa tuition fee at ibang bayarin sa paaralan, kinakailangan ko pang pumasok bilang kasambahay ng isang librarian sa paaralan namin noon. Nakatulong ito para sa tirahan at pagkain ko araw-araw. Para sa mga projects at field trips ko sa Engineering na kurso ko, nagtrabaho ako bilang enrollment assistant. Nagtutor din ako ng Koreana sa programming. Tumatanggap din ako ng encoding jobs  noon. Dahil dito, nakatapos ako ng kolehiyo sa sariling sikap.

Ito pa ang magandang balita sa pagiging working student. Kadalasan, kapag naranasan mong maging working student, sisikapin mong makatapos sa pag-aaral dahil pinapahalagahan mo ang bawat pawis na ibinubuhos mo dito. Kaya’t malaki ang tiyansa mong makatapos sa pag-aaral. Sipag, tiyaga at panalangin lamang ang kailangan. Huwag lang pababayaan ang pag-aaral dahil sa trabaho.

Kayo, ano naman ang naging karanasan ninyo para kumita ng kahit pang-Jollibee lang noong nag-aaral kayo sa kolehiyo? Magkuwento na sa komento.

Oktubre 7, 2009

Bakit Nagtatagal ang Isang OFW Sa Ibang Bansa?

Filed under: Buhay OFW — Constantine Guitang @ 6:55 umaga
Ang drama pag-alis ng isang OFW ay ganito:
OFW: “Hayaan mo anak, dalawang taon lang ako sa Kuwait. Pagdating ko, may pasalubong kang PSP sa akin.”
Anak: “Gusto ko yung latest na PSP ‘nay ha. Ingat kayo lagi doon.”
Asawang maiiwan: “Sulat ka agad pagdating mo doon ha, para hindi kami mag-aalala sa ‘yo.”
OFW: “Oo, pagkaapak ko sa Kuwait, susulat ako agad, promise.”
Dalawang taon lang, dahil yun ang kadalasang kontrata sa mga OFW ng kompanyang papasukan nila. Pero bago sumapit ang katapusan ng kanilang kontrata, inaayos na nila ang mga papeles na kakailanganin para sa susunod na kontrata nila. Maaring sa susunod na dalawang taon uli. At maging sa mga susunod pang dalawang taon hanggang sa hindi natin alam kung kailan nga ba maiisipan ng isang OFW na tumalaga na sa ating bansa.
Naisip n’yo ba kung bakit kapag naranasan na ng isang Pinoy na mangibang bansa, tila ayaw na nilang bumalik pa dito sa ating bansa? Mabuti na lang at hindi panghabang-buhay ang kontratang pinipirmahan, kaya’t ang paliparan nati’y nadadapuan pa rin ng mga balik-bayan.
Bakit nga ba nagtatagal ang isang OFW sa ibang bansa?
May anak o kapatid na pinapag-aral
Isa ito sa pinakamaraming dahilan kung bakit ang dalawang taong kontrata ay kulang na kulang para maisipan ng isang OFW na tumigil na sa pag-aabroad. Kung ang anak ay nasa Kinder 2 pa lang, anim na taon pa ang gugugulin sa elementarya, apat na taon sa high school at apat o limang taon sa kolehiyo. Sasabihin ko sanang mas masuwerte ang mga OFW na ang papag-aralin ay kapatid na magkokolehiyo na dahil apat na taon lang ang ilalagi sa ibang bansa, pero, pero teka, nalaman ng pinsan ang roaming number ng OFW kaya’t nakiusap silang ‘Sana man lang, tulungan mo naman kaming makapag-aral, total ga-graduate naman na ang kapatid mo. Sabuyan mo naman kami ng grasya na mga pinsan mo ate. Please naman.’ Kailan pa mauubos ang mga kamag-anak na gustong mag-aral?
Tila walang pinatutunguhan ang perang pinapadala sa Pinas
Sa dami ng napupuntahan ng perang pinapadala ng isang OFW sa Pilipinas, mapa-sampung libo o limampung libo man ang ipapadala, tumaas man ang palitan ng dolyar sa black market, bumaba man ang pagpapa-remit sa abroad, tila kulang pa rin ang malaking sahod nila sa ibang bansa. Bakit? Dahil habang lumalaki ang kita ng isang pamilyang Pinoy, lumalaki din ang pangangailangan o mas mainam sigurong sabihing mas lumalaki ang gustong pagkakagastusan. Dalawampung libo kada buwan ang sahod, gusto may katulong ang naiwan sa Pinas. Tatlumpong libo kada buwan, gustong magkaroon ng Honda Civic. Apatnapong libo kada buwan, gustong magbakasyon sa Singapore ang buong pamilya. Limampung libo? Parang kulang ang isang blog post para isa-isahin natin kung saan gustong gamitin ng isang OFW ang sahod.
Walang planong magpatayo ng sariling pangkabuhayan
Karamihan sa mga OFW, pag-alis sa ating bansa, wala sa kanilang plano ang mag-ipon para sa negosyo. Mag-ipon para sa malaking bahay siguro, pero pangkabuhayan, saka na nila iisipin kapag nakapag-ipon na ng malaki-laki. Pero dahil kadalasa’y tamang-tama lang ang ipinapadalang pera buwan-buwan ng isang OFW, mukhang matagal-tagal pa bago makapag-ipon para sa sariling negosyo. At KUNG sakali mang nakapag-ipon na, ‘anong negosyo naman ang ipapatayo ko?’ tanong ng isang OFW. May mga OFW na nagtanong na sa akin kung ano bang magandang negosyo para sa perang naipon nila? Ang madalas na sagot ko’y ‘Ano bang hilig mong gawin na pwede sanang pagkakitaan mo?’ At doon na nagsisimula ang mga pangarap nilang ‘Gusto ko sanang magkaroon ng internet café kasi mahilig talaga akong mag-Friendster at mag-chat pero malaki bang kikitain sa computer shop?.’ ‘Gusto ko sanang magkaroon ng restaurant dahil mahilig ako sa fine dining pero baka kulang naman naipon ko.’ ‘Gusto sana ng mga kasama kong Pilipino dito sa Australia na mag-franchise na lang sa Jollibee para hindi gaano mahirap kasi wala naman kaming background pa sa negosyo.’ Ang mga PERONG ‘yun ay siyang pumipigil sa mga OFW para ituloy ang balak mag-negosyo kaya’t lumilipas ang isa, dalawa o tatlong tao’y hindi pa makapagdesisyon ang isang OFW kung magnenegosyo nga ba o hindi.
Mas gusto nang tumira sa bansang pinuntahan
Marami rin sa ating mga kababayang OFW ang nagnanais na doon na lang sa bansang pinuntahan na pumirmi. Marami sa ating mga kakilala sa Canada na pinepetisyonan ang mga pamilya para magkakasama silang muli. Ito’y para maibsan ang pangungulila ng isang OFW sa pamilya at para maranasan naman ng kapamilya nila ang buhay sa ibang bansa. Makapaglaro sila sa snow sa Canada, mapasakay nila ang mga magulang nila sa bagong kotseng binili nila at ilibot sa buong California. Maipasyal ang mga anak sa Disneyland sa Hong Kong. At sasabihin nila, ‘Wala ‘yan sa Pilipinas’. Kaya’t ang isang maasahan sana ng bansa natin na tutulong para maiahon ang bansa natin, ay mawawala na dahil ang kikitai’y iikot na lang sa bansang kumupkop sa kanya.
Takot nang bumalik sa dating hirap sa buhay ang isang OFW
Sasabihin ng isang OFW, ‘Nakakamiss ang Pilipinas, pero kung uuwi ako ng Pilipinas, anong ipapakain ko sa sarili ko’t sa pamilya ko?’ Sa nakikitang karangyaan ng mga OFW sa ibang bansa, nagiging bangungot na sa kanila ang paglingon sa bansang pinanggalingan. Nakakatakot makipagsapalaran sa isang bansang walang maipapangakong maayos na trabaho, tahimik na kapaligiran, sapat na pagkain, malinis na pamamalakad sa bayan at walang maliwanag na hinaharap. At yan ang tingin ng mga OFW sa bansa natin.
Kayo, ano sa tingin n’yo ang mga dahilan kung bakit sa inaakala ng isang OFW na dalawang taong pamamalagi sa ibang bansa’y umaabot sa apat, walo, sampung taon hanggang sa ayaw nang bumalik dito sa ating bansa?
Photo courtesy of Dimitry B.

Photo courtesy of Dimitry B.

Ang drama pag-alis ng isang OFW ay ganito:

OFW: “Hayaan mo anak, dalawang taon lang ako sa Kuwait. Pagdating ko, may pasalubong kang PSP sa akin.”

Anak: “Gusto ko yung latest na PSP ‘nay ha. Ingat kayo lagi doon.”

Asawang maiiwan: “Sulat ka agad pagdating mo doon ha, para hindi kami mag-aalala sa ‘yo.”

OFW: “Oo, pagkaapak ko sa Kuwait, susulat ako agad, promise.”

Dalawang taon lang, dahil yun ang kadalasang kontrata sa mga OFW ng kompanyang papasukan nila. Pero bago sumapit ang katapusan ng kanilang kontrata, inaayos na nila ang mga papeles na kakailanganin para sa susunod na kontrata nila. Maaring sa susunod na dalawang taon uli. At maging sa mga susunod pang dalawang taon hanggang sa hindi natin alam kung kailan nga ba maiisipan ng isang OFW na tumalaga na sa ating bansa.

Naisip n’yo ba kung bakit kapag naranasan na ng isang Pinoy na mangibang bansa, tila ayaw na nilang bumalik pa dito sa ating bansa? Mabuti na lang at hindi panghabang-buhay ang kontratang pinipirmahan, kaya’t ang paliparan nati’y nadadapuan pa rin ng mga balik-bayan.

Bakit nga ba nagtatagal ang isang OFW sa ibang bansa?

May anak o kapatid na pinapag-aral

Isa ito sa pinakamaraming dahilan kung bakit ang dalawang taong kontrata ay kulang na kulang para maisipan ng isang OFW na tumigil na sa pag-aabroad. Kung ang anak ay nasa Kinder 2 pa lang, anim na taon pa ang gugugulin sa elementarya, apat na taon sa high school at apat o limang taon sa kolehiyo. Sasabihin ko sanang mas masuwerte ang mga OFW na ang papag-aralin ay kapatid na magkokolehiyo na dahil apat na taon lang ang ilalagi sa ibang bansa, pero, pero teka, nalaman ng pinsan ang roaming number ng OFW kaya’t nakiusap silang ‘Sana man lang, tulungan mo naman kaming makapag-aral, total gra-graduate naman na ang kapatid mo. Sabuyan mo naman kami ng grasya na mga pinsan mo ate. Please naman.’ Kailan pa mauubos ang mga kamag-anak na gustong mag-aral?

Tila walang pinatutunguhan ang perang pinapadala sa Pinas

Sa dami ng napupuntahan ng perang pinapadala ng isang OFW sa Pilipinas, mapa-sampung libo o limampung libo man ang ipapadala, tumaas man ang palitan ng dolyar sa black market, bumaba man ang pagpapa-remit sa abroad, tila kulang pa rin ang malaking sahod nila sa ibang bansa. Bakit? Dahil habang lumalaki ang kita ng isang pamilyang Pinoy, lumalaki din ang pangangailangan o mas mainam sigurong sabihing mas lumalaki ang gustong pagkakagastusan. Dalawampung libo kada buwan ang sahod, gusto may katulong ang naiwan sa Pinas. Tatlumpong libo kada buwan, gustong magkaroon ng Honda Civic. Apatnapong libo kada buwan, gustong magbakasyon sa Singapore ang buong pamilya. Limampung libo? Parang kulang ang isang blog post para isa-isahin natin kung saan gustong gamitin ng isang OFW ang sahod.

Walang planong magpatayo ng sariling pangkabuhayan

Karamihan sa mga OFW, pag-alis sa ating bansa, wala sa kanilang plano ang mag-ipon para sa negosyo. Mag-ipon para sa malaking bahay siguro, pero pangkabuhayan, saka na nila iisipin kapag nakapag-ipon na ng malaki-laki. Pero dahil kadalasa’y tamang-tama lang ang ipinapadalang pera buwan-buwan ng isang OFW, mukhang matagal-tagal pa bago makapag-ipon para sa sariling negosyo. At KUNG sakali mang nakapag-ipon na, “Anong negosyo naman ang ipapatayo ko?” tanong ng isang OFW. May mga OFW na nagtanong na sa akin kung ano bang magandang negosyo para sa perang naipon nila? Ang madalas na sagot ko’y ‘Ano bang hilig mong gawin na pwede sanang pagkakitaan mo?’ At doon na nagsisimula ang mga pangarap nilang

“Gusto ko sanang magkaroon ng internet café kasi mahilig talaga akong mag-Friendster at mag-chat pero malaki bang kikitain sa computer shop?.”

“Gusto ko sanang magkaroon ng restaurant dahil mahilig ako sa fine dining pero baka kulang naman naipon ko.”

“Gusto sana ng mga kasama kong Pilipino dito sa Australia na mag-franchise na lang sa Jollibee para hindi gaano mahirap kasi wala naman kaming background pa sa negosyo.”

Ang mga PERONG ‘yun ay siyang pumipigil sa mga OFW para ituloy ang balak mag-negosyo kaya’t lumilipas ang isa, dalawa o tatlong taon ay hindi pa makapagdesisyon ang isang OFW kung magnenegosyo nga ba o hindi.

Mas gusto nang tumira sa bansang pinuntahan

Marami rin sa ating mga kababayang OFW ang nagnanais na doon na lang sa bansang pinuntahan na pumirmi. Marami sa ating mga kakilala sa Canada na pinepetisyonan ang mga pamilya para magkakasama silang muli. Ito’y para maibsan ang pangungulila ng isang OFW sa pamilya at para maranasan naman ng kapamilya nila ang buhay sa ibang bansa. Makapaglaro sila sa snow sa Canada, mapasakay nila ang mga magulang nila sa bagong kotseng binili nila at ilibot sa buong California. Maipasyal ang mga anak sa Disneyland sa Hong Kong. At sasabihin nila, Wala ‘yan sa Pilipinas.” Kaya’t ang isang maaasahan sana ng bansa natin na tutulong para maiahon ang bansa natin, ay mawawala na dahil ang kikitai’y iikot na lang sa bansang kumupkop sa kanya.

Takot nang bumalik sa dating hirap sa buhay ang isang OFW

Sasabihin ng isang OFW, “Nakakamiss ang Pilipinas, pero kung uuwi ako ng Pilipinas, anong ipapakain ko sa sarili ko’t sa pamilya ko?” Sa nakikitang karangyaan ng mga OFW sa ibang bansa, nagiging bangungot na sa kanila ang paglingon sa bansang pinanggalingan. Nakakatakot makipagsapalaran sa isang bansang walang maipapangakong maayos na trabaho, tahimik na kapaligiran, sapat na pagkain, malinis na pamamalakad sa bayan at walang maliwanag na hinaharap. At yan ang tingin ng mga OFW sa bansa natin.

Kayo, ano sa tingin n’yo ang mga dahilan kung bakit sa inaakala ng isang OFW na dalawang taong pamamalagi sa ibang bansa’y umaabot sa apat, walo, sampung taon hanggang sa ayaw nang bumalik dito sa ating bansa?

Oktubre 4, 2009

Mga Natutunan ng mga Pinoy kay Ondoy

Filed under: Buhay Pinoy — Constantine Guitang @ 1:40 hapon
Mula nung dumating si Ondoy noong Sabado, Setyembre 26, 2009, marami sa atin ang nakatutok sa internet, sa radyo at telebisyon, nakaabang sa mga pangyayaring dulot ng bagyong ito. Noong Sabado, nakikita natin ang mga kababayan natin sa Maynila kung paano iligtas ang mga sarili. Ngayon, pinapanood natin ang pagdadamayan ng bawat isa. Nakakatuwang panooring bawat isa sa ati’y gustong tumulong sa ano mang abot ng ating makakaya, mula sa isang taimtim na dasal, dalawang lata ng sardinas, tatlong kilo ng bigas, hanggang sampung milyong piso. Ito’y patunay na sa gitna ng sakuna, tayong mga Pinoy ay nagkakaisa at nagdadamayan, mayama’t maralita man.
Sa kabila ng bahang dulot ni Ondoy, bumaha naman ng aral sa mga Pinoy. Narito ang listahang nabuo ko.
1. Natuto na tayong tanggapin na ang bahang ito ay hindi maisisi sa Diyos, kundi sa mga kagagawan natin. “Blame it on me kaysa sisihin pa natin ang Diyos.” napanood kong sabi ni MMDA Chairman Bayani Fernando sa isang panayam patungkol sa baha habang abala sila sa paghahakot sa mga putik at kalat sa lansangan.
2. Maski hindi man madalas na nagbabatian ang mga magkakapitbahay, sa panahon ng sakuna, handa ang Pinoy na sagipin ang kapitbahay na nasa panganib.
3. Si Kris Aquino kasama ang mga iba pang artista at personalidad sa telebisyon ay kaya nilang kalampagin ang puso ng mga mayayamang kaibigan at kakilala nila sa oras ng damayan. Ang Sagip Kapamilya ng ABS-CBN ay nakalikom ng mahigit P160M na donasyon sa loob ng isang linggo at patuloy na dumadagsa ang tulong. Sa tulong na ito, nakapagsilbi sila ng mahigit 124,000 na pamilya na naging biktima ng baha.
4. Napagtanto natin na maging sino ka man, mayaman o mahirap man, sa panahon ng damayan, nasa puso natin ang gustong tumulong sa ano mang abot ng ating makakaya. Nakikita natin ang mga volunteers na masayang nag-iipamke ng mga relief goods at masayang nag-aabot sa mga pamilyang nalubog sa baha sa mga evacuation centers at ang iba’y sa mismong mga bahay nila. Nakapagbigay sigla rin sa mga biktima ng baha ang pagsali ng mga artista sa pagbibigay ng mga relief goods sa kanila.
5. Ang mga kababayan nating OFW ay laging nandiyan para tumulong lalong-lalo na kapag panahon ng sakuna. Salamat sa mga nag-upload ng mga video at mga larawan sa YouTube at sa mga iba’t ibang blogs gaya ng WordPress at social networking sites gaya ng Facebook. Sa pamamagitan nito, nalalaman ng mga kababayan nating nasa ibang bansa ang mga pangyayari sa ating bansa habang binabaha ni Ondoy ang Kamaynilaan. Marami ding nag-abang sa internet para malaman na ligtas na ang kani-kanilang mahal sa buhay.
6. Napagtanto ng National Disaster Coordinating Council (NDCC) na sa ganitong kalaganap na baha, hindi handa ang gobyerno natin na agapan lahat ng biktima. Kulang na kulang ang mga bangka natin na sumagip sa libu-libong residente ng Kamaynilaan na walang magawa kundi umakyat na lamang sa kani-kanilang bubong.
7. Hindi nadama kaagad ng mga biktima ng baha ang tulong na galing sa gobyerno natin. Napapanood sa mga telebisyon at sa internet ang sigaw nila, “Nasaan na sila?” Sana’y mapagtanto ng mga nasa posisyon sa gobyerno na sa ganitong mga sakuna, meron sana agad opisyal ng gobyerno na tuloy-tuloy na nagbibigay ng balita sa mga tao sa pamamagitan ng telebisyon at radyo kung saan na nakatuon ng pansin ang mga tauhan ng gobyerno sa pagsagip sa mga biktima nang sa ganun, makapagbigay ng lakas-loob sa mga naghihintay ng tulong.
8. Kaya’t maganda itong ginawang paghahanda ng gobyerno natin sa pagdating ni Pepeng na ipinagbibigay alam sa mga tao kung anu-anong paghahanda ang ginagawa nila para maiwasan ang pagkawala ng buhay at ari-arian. Natutunan nating gumamit ng pre-emptive evacuation at hindi na antaying tamaan tayo ng bagyo bago gumalaw para sagipin ang sarili.
9. Natuto tayong kapag may parating na bagyo, kailangang mag-ipon ng tubig inumin at pagkain,  alam kung saan nakatago ang flashlight at baterya, iakyat ang mga gamit de-kuryente at mag-charge ng cellphone. Kami ng pamilya ko dito sa Baguio ay walang balita sa nanay namin sa Antipolo mula noong naubusan ng baterya ang cellphone niya noong gabi ng Sabado hanggang sa sila’y magkailaw noong gabi ng Linggo. Nakadagdag ito ng pag-alala namin sa kanila. Malaking tulong ang cellphone sa panahon ng bagyo at baha kaya’t huwag kalimutang i-charge bago kayo mawalan ng kuryente.
10. Nalaman nating ang baha’y walang pinipili, mahirap man o mayaman. Ang mga mahihirap nating kababaya’y tanging sarili lamang ang iintindihing iligtas at makakapagligtas pa ng marami. At kung mas mayaman ka, mas marami kang kagamitan, mas marami kang iintindihing masisira sa baha at nanakawin ng mga mapagsamantala pagkatapos ng baha. May mga nagsabing sa isang iglap, nawala lahat ng pinundar sa loob ng maraming taong pagsisikap. Kaya’t napagtanto nilang babangon silang muli at matutong mabuhay na lamang na simple.
Ano naman ang natutunan ninyong aral sa hagupit ni Ondoy sa bansa natin? Ibahagi na ang aral na natutunan sa sakunang ito.
Photo credit: Dan Saavedra

Photo credit: Dan Saavedra

Mula nung dumating si Ondoy noong Sabado, Setyembre 26, 2009, marami sa atin ang nakatutok sa internet, sa radyo at sa telebisyon, nakaabang sa mga pangyayaring dulot ng bagyong ito. Noong Sabado, nakita natin ang mga kababayan natin sa Maynila kung paano iligtas ang mga sarili. Ngayon, pinapanood natin ang pagdadamayan ng bawat isa. Nakakatuwang panooring bawat isa sa ati’y gustong tumulong sa ano mang abot ng ating makakaya, mula sa isang taimtim na dasal, dalawang lata ng sardinas, tatlong kilo ng bigas, hanggang sampung milyong piso. Ito’y patunay na sa gitna ng sakuna, tayong mga Pinoy ay nagkakaisa at nagdadamayan, mayama’t maralita man.

Sa kabila ng bahang dulot ni Ondoy, bumaha naman ng aral sa mga Pinoy. Narito ang listahang nabuo ko.

1. Natuto na tayong tanggapin na ang bahang ito ay hindi maisisi sa Diyos, kundi sa mga kagagawan natin. “Blame it on me kaysa sisihin pa natin ang Diyos.” napanood kong sabi ni MMDA Chairman Bayani Fernando sa isang panayam patungkol sa baha habang abala sila sa paghahakot sa mga putik at kalat sa lansangan.

2. Maski hindi man madalas na nagbabatian ang mga magkakapitbahay, sa panahon ng sakuna, handa ang Pinoy na sagipin ang kapitbahay na nasa panganib.

3. Si Kris Aquino kasama ang mga iba pang artista at personalidad sa telebisyon ay kaya nilang kalampagin ang puso ng mga mayayamang kaibigan at kakilala nila sa oras ng damayan. Ang Sagip Kapamilya ng ABS-CBN ay nakalikom ng mahigit P160M na donasyon sa loob ng isang linggo at patuloy na dumadagsa ang tulong. Sa tulong na ito, nakapagsilbi sila ng mahigit 124,000 na pamilya na naging biktima ng baha.

4. Napagtanto natin na maging sino ka man, mayaman o mahirap man, sa panahon ng damayan, nasa puso natin ang gustong tumulong sa ano mang abot ng ating makakaya. Nakikita natin ang mga volunteers na masayang nag-iipamke ng mga relief goods at masayang nag-aabot sa mga pamilyang nalubog sa baha sa mga evacuation centers at ang iba’y sa mismong mga bahay nila. Nakapagbigay sigla rin sa mga biktima ng baha ang pagsali ng mga artista sa pagbibigay ng mga relief goods sa kanila.

5. Ang mga kababayan nating OFW ay laging nandiyan para tumulong lalong-lalo na kapag panahon ng sakuna. Salamat sa mga nag-upload ng mga video at mga larawan sa YouTube, sa Flickr, sa mga iba’t ibang blogs gaya ng WordPress at social networking sites gaya ng Facebook. Sa pamamagitan nito, nalalaman ng mga kababayan nating nasa ibang bansa ang mga pangyayari sa ating bansa habang binabaha ni Ondoy ang Kamaynilaan. Marami ding nag-abang sa internet para malaman na ligtas na ang kani-kanilang mahal sa buhay.

6. Napagtanto ng National Disaster Coordinating Council (NDCC) na sa ganitong kalaganap na baha, hindi handa ang gobyerno natin na agapan lahat ng biktima. Kulang na kulang ang mga bangka natin na sumagip sa libu-libong residente ng Kamaynilaan na walang magawa kundi umakyat na lamang sa kani-kanilang bubong.

7. Hindi nadama kaagad ng mga biktima ng baha ang tulong na galing sa gobyerno natin. Napapanood sa mga telebisyon at sa internet ang sigaw nila, “Nasaan na sila?” Sana’y mapagtanto ng mga nasa posisyon sa gobyerno na sa ganitong mga sakuna, meron sana agad opisyal ng gobyerno na tuloy-tuloy na nagbibigay ng balita sa mga tao sa pamamagitan ng telebisyon at radyo kung saan na nakatuon ng pansin ang mga tauhan ng gobyerno sa pagsagip sa mga biktima nang sa ganun, makapagbigay ng lakas-loob at pag-asa sa mga naghihintay ng tulong.

8. Kaya’t maganda itong ginawang paghahanda ng gobyerno natin sa pagdating ni Pepeng na ipinagbibigay alam sa mga tao kung anu-anong paghahanda ang ginagawa nila para maiwasan ang pagkawala ng buhay at ari-arian. Natutunan nating gumamit ng pre-emptive evacuation at hindi na antaying tamaan tayo ng bagyo bago gumalaw para sagipin ang sarili.

9. Natuto tayong kapag may parating na bagyo, kailangang mag-ipon ng tubig inumin at pagkain,  alamin kung saan nakatago ang flashlight at baterya, iakyat ang mga gamit de-kuryente at mag-charge ng cellphone. Kami ng pamilya ko dito sa Baguio ay walang balita sa nanay namin sa Antipolo mula noong naubusan ng baterya ang cellphone niya noong gabi ng Sabado hanggang sa sila’y magkailaw noong gabi ng Linggo. Nakadagdag ito ng pag-alala namin sa kanila. Malaking tulong ang cellphone sa panahon ng bagyo at baha kaya’t huwag kalimutang i-charge bago kayo mawalan ng kuryente. Sana, gawin din ng mga cellphone networks na libre ang pagpapadala ng text sa panahon ng sakuna maski sa mga walang load lang para mas madali nating malaman ang kalagayan ng mga mahal natin sa buhay.

10. Nalaman nating ang bagyo at baha ay walang pinipili, mahirap man o mayaman. Ang mga mahihirap nating kababaya’y tanging sarili lamang ang iintindihing iligtas at makakapagligtas pa ng marami. At kung mas mayaman ka, mas marami kang kagamitan, mas marami kang iintindihing masisira sa baha at nanakawin ng mga mapagsamantala pagkatapos ng baha. May mga nagsabing sa isang iglap, nawala lahat ng pinundar sa loob ng maraming taong pagsisikap. Kaya’t napagtanto nilang babangon silang muli at matutong mabuhay na lamang na simple.

Ano naman ang natutunan ninyong aral sa hagupit ni Ondoy sa bansa natin? Ibahagi na ang aral na natutunan sa sakunang ito.

Setyembre 27, 2009

Ngiting Pinoy

Filed under: Ugaling Pinoy — Constantine Guitang @ 2:21 hapon
Ang mga Pinoy, mahilig ngumiti. Ang ngiti daw ang siyang nagbibigay sigla sa mga Pinoy, hindi lang sa ngumingiti kundi ang nginingitian. Dahil ang ngiti daw ay nakakahawa. Ang misis ko nga, dahil medyo malabo ang mga mata, binibiro s’yang laging ngumingiti daw makita lang ng puting ngipin sa mga nakakasalubong maski hindi kilala. Ugali kasi nating mga Pinoy na ngiti ang unang pagbati natin sa ating mga kakilala.
Narito ang mga halimbawa ng mga Pinoy na mahilig ngumiti:
1. Ang mga tindira sa palengke, tudo ngiti pag tinatawag ka ng ‘Bili na suki.’
2. Isali mo na rin ang magtataho kapag nag-aalok ng taho sa mga bata.
3. Pati na rin si mamang sorbetero, maski may sipon ang bata, kapag ngumiti na s’ya, nagpapabili na ang mga bata sa kanilang mga nanay ng sorbetes.
4. Ang mga naglalako sa mga bus, nakangiti pa sila habang nag-aalok ng libreng tikim sa kanilang tindang mani na maraming bawang, minatamis na buko pandan o chicharon.
5. Ang mga Pinoy, mahilig ngumiti at kumaway kapag nadadaanan ng camera ng ABS-CBN at ano mang TV network, mapa-coverage man ito ng piyesta o ng bagyo.
6. Ang jeepney drayber, nakangiti pa rin maski huli s’ya ni mamang pulis.
7. Ang mga crew ng Jollibee, nakangiti lagi maski paspasan ang paghahanda ng mga paborito nating chicken joy. At siyempre pa, nakangiti rin ang mga sikyo nila habang sinasabihan ka ng ‘Come again sir.’ Nakakahawa talaga ang ngiti ni Jollibee.
8. Maski nasa kabilang linya ng telepono ang mga call center agents natin, mararamdaman pa rin natin ang kanilang mga ngiti habang nagrereklamo tayo sa ating nawalang internet connection o iba pang mga reklamo.
9. Ang ngiti ng ating crush ang siyang nabibigay kulay sa ating maghapon.
10. At siyempre pa, ang ngiti ni Inday ang pinakakaasam ni Dodong.
Ngiting Artista
Dumako naman tayo sa mga binabayarang ngiti. Sila ang mga artistang malakas ang dating ng mga ngiti.
1. Ngiting Erap. Ang ngiti ni Erap ang isa sa mga dahilan kung bakit nakukuha n’ya ang kiliti ng masa. Sa tabingi n’yang ngiti, nababagay dito ang bigote at mala-tigreng tingin n’ya. Kaya’t mula pagiging artista, ang ngiti n’ya ang nadala sa kanya sa pagiging pangulo ng Pilipinas.
2. Ngiting Karyl. Ang ngiti ni Karyl ay minsan nakakapagpaiyak dahil napagkakamalang may ibang kahulugan ang kanyang mga ngiti. O mas mainam bang sabihing ngisi?
3. Ngiting Blakdyak. Sa itim na mukha ni Blackjack, nagagawa n’yang pasayahin ang kanyang mga tagahanga sa pagngiti n’ya ng tudo-tudo habang nagrarap ng ‘Good Boy’.
4. Ngiting Michael V. Si Michael V. ay mukha ng iba’t ibang ngiti. May ngiting Yaya, may ngiting Bebang at may ngiting Bitoy.
5. Ngiting Pac-man. Isa ito sa karisma ni Manny Pacquiao. Maski na siguro magkandapili-pilipit ang mga muscles n’ya sa tindi ng training, nakangiti pa rin Manny lalo na kapag dinudumog siya ng mga taga-hanga niya, bata man o matanda. Nakakadagdag sigla ito sa matipuno n’yang katawan. ‘Now you know.’
6. Ngiting Aling Dionisia. Saan pa nga ba nakuha ni Manny ang ngiti n’ya kundi ang kanyang nanay. Ito marahil ang secret sangkap ni Aling Dionisia kung kaya’t nakakapag-ballroom dancing at sunod-sunod ang komersyal sa TV, ang kanyang walang kupas na ngiti.
7. Ngiting Kap Bong Revilla Jr.. Ang ngiti ni Bong Revilla Jr. ay siyang naging agimat niya sa pelikula na marahil namana rin niya sa kanyang amang Ramon Revilla Sr. Sumasabay pati ang pagsingkit ng kanyang mga mata kung siya’y ngumingiti.
8. Ngiting Kimerald. Ang mga ngiti ng dalawang PBB stars at bida sa mga teleserye na sina Kim Chiu at Gerald Anderson ang marahil nakalikum ng maraming Kimerald fans at napanatili nila ang kasikatan nagmula noong lumabas sila sa bahay ni Kuya. Kaya naman sila ang kinuha ng Enervon na endorsers ng bitamina nila.
9. Ngiting TVJ. Sino kina Tito, Vic at Joey ang pinakapaborito mong ngiting artista? Sino man sa kanila, tiyak, ang mga ngiti nila ang siyang nagpanatili sa kanila sa mundo ng showbiz at sa politika kay Senador Tito.
10. Ngiting Jayson Gainza. Kung si Boy Abunda lang ang pagbabasehan ko sana, marahil hindi makakapasok sa sampung napili kong ngiting artista. Pero nung ginaya ni Jayson Gainza si Boy sa NNNN nila sa Banana Split, pasok na pasok siya sa ngiting artista. Di ba Kris, este, Angelica?
Pinakasikat na Ngiti ng Pilipinas?
Sa kabila ng mga nabanggit na ngiting Pinoy, may mas sikat pa bang ngiti?
Sandali, mukhang may naririnig akong bulong… si Ate Glo? Ang saya-saya ‘no?
Nakakahawa ang ngiting Pinoy.

Nakakahawa ang ngiting Pinoy.

Ang mga Pinoy, mahilig ngumiti. Ang ngiti daw ang siyang nagbibigay sigla sa mga Pinoy, hindi lang sa ngumingiti kundi ang nginingitian. Dahil ang ngiti daw ay nakakahawa. Ang misis ko nga, dahil medyo malabo ang mga mata, binibiro s’yang laging ngumingiti daw makakita lang ng puting ngipin sa mga nakakasalubong maski hindi kilala.

Naging ugali na kasi nating mga Pinoy na ngiti ang unang pagbati natin sa ating mga kakilala. Sa mga kapit-bahay natin, sa mga nakakasalubong natin sa daan, hanggang sa mga kaopisina o kaklase, sapat na ang ngiti para batiin sila.

Narito ang mga halimbawa ng mga ngiting Pinoy:

  1. Ang mga tindera sa palengke, todo ngiti pag tinatawag ka ng ‘Bili na suki.’
  2. Isali mo na rin ang magtataho kapag nag-aalok ng taho sa mga bata.
  3. Pati na rin si mamang sorbetero, maski may sipon ang bata, kapag ngumiti na s’ya, nagpapabili na ang mga bata sa kanilang mga nanay ng sorbetes.
  4. Ang mga naglalako sa mga bus, nakangiti pa sila habang nag-aalok ng libreng tikim sa kanilang tindang mani na maraming bawang, minatamis na buko pandan o chicharon.
  5. Ang mga Pinoy, mahilig ngumiti at kumaway kapag nadadaanan ng camera ng ABS-CBN at ano mang TV network, mapa-coverage man ito ng piyesta o ng bagyo.
  6. Ang jeepney drayber, nakangiti pa rin maski huli s’ya ni mamang pulis.
  7. Ang mga crew ng Jollibee, nakangiti lagi maski paspasan ang paghahanda ng mga paborito nating chicken joy. At siyempre pa, nakangiti rin ang mga sikyo nila habang sinasabihan ka ng ‘Come again sir.’ Nakakahawa talaga ang ngiti ni Jollibee.
  8. Maski nasa kabilang linya ng telepono ang mga call center agents natin, mararamdaman pa rin natin ang kanilang mga ngiti habang nagrereklamo tayo sa ating nawalang internet connection o iba pang mga reklamo.
  9. Ang ngiti ng ating crush o girlfriend o asawa ang siyang nagbibigay kulay sa ating maghapon.
  10. At siyempre pa, ang ngiti ni Inday ang pinakaaasam ni Dodong.

Ngiting Artista

Dumako naman tayo sa mga binabayarang ngiti. Sila ang mga artistang malakas ang dating ng mga ngiti.

1. Ngiting Erap. Ang ngiti ni Erap ang isa sa mga dahilan kung bakit nakukuha n’ya ang kiliti ng masa. Sa tabingi n’yang ngiti, nababagay dito ang bigote at mala-tigreng tingin n’ya. Kaya’t mula pagiging artista, ang ngiti n’ya ang nadala sa kanya sa pagiging pangulo ng Pilipinas.

2. Ngiting Karylle. Ang misteryosong ngiti ni Karylle ay minsan nakakapagpaiyak dahil napagkakamalang may ibang kahulugan daw ang kanyang mga ngiti. O mas mainam bang sabihing ngisi?

3. Ngiting Blakdyak. Sa itim na mukha ni Blackjack, nagagawa n’yang pasayahin ang kanyang mga tagahanga sa pagngiti n’ya ng todo-todo habang nagrarap ng ‘Good Boy’.

4. Ngiting Michael V. Si Michael V. ay mukha ng iba’t ibang ngiti. May ngiting Yaya, may ngiting Bebang at may ngiting Bitoy.

5. Ngiting Pac-man. Isa ito sa karisma ni Manny Pacquiao. Maski na siguro magkandapili-pilipit ang mga muscles n’ya sa tindi ng training, nakangiti pa rin Manny lalo na kapag dinudumog siya ng mga taga-hanga niya, bata man o matanda. Nakakadagdag sigla ito sa matipuno n’yang katawan. ‘Now you know.’

6. Ngiting Aling Dionisia. Saan pa nga ba nakuha ni Manny ang ngiti n’ya kundi sa kanyang nanay. Ito marahil ang secret sangkap ni Aling Dionisia kung kaya’t nakakapag-ballroom dancing at sunod-sunod ang komersyal sa TV, ang kanyang walang kupas na ngiti.

7. Ngiting Kap Bong Revilla Jr.. Ang ngiti ni Bong Revilla Jr. ang siyang naging agimat niya sa pelikula na marahil namana rin niya sa kanyang amang Ramon Revilla Sr. Sumasabay pati ang pagsingkit ng kanyang mga mata kung siya’y ngumingiti.

8. Ngiting Kimerald. Ang mga ngiti ng dalawang PBB stars at bida sa mga teleserye na sina Kim Chiu at Gerald Anderson ang marahil nakalikum ng maraming Kimerald fans at napanatili nila ang kasikatan nagmula noong lumabas sila sa bahay ni Kuya. Kaya naman sila ang kinuha ng Enervon na endorsers ng bitamina nila.

9. Ngiting TVJ. Sino kina Tito, Vic at Joey ang pinakapaborito mong ngiting artista? Sino man sa kanila, tiyak, ang mga ngiti nila ang siyang nagpanatili sa kanila sa mundo ng showbiz at sa politika kay Senador Tito Sotto.

10. Ngiting Jayson Gainza. Kung si Boy Abunda lang ang pagbabasehan ko sana, marahil hindi makakapasok sa sampung napili kong ngiting artista. Pero nung ginaya ni Jayson Gainza si Boy sa NNNN nila sa Banana Split, pasok na pasok siya sa ngiting artista. Di ba Kris, este, Angelica?

Pinakasikat na Ngiti ng Pilipinas?

Sa kabila ng mga nabanggit na ngiting Pinoy, may mas sikat pa bang ngiti?

Sandali, mukhang may naririnig akong bulong… si Ate Glo? Ang saya-saya ‘no?

Naunang PahinaBagong Pahina »

Sumulat ng Blog sa WordPress.com.