Pinoy na Pinoy

Setyembre 15, 2009

Saan Nailalaan ang Perang Pinapadala ng Isang OFW?

Filed under: Buhay OFW — Constantine Guitang @ 9:12 umaga
Kamakailan, naglagay ako ng katanungan sa facebook ko ng ganito:
“Gusto kong mag-blog tungkol sa kung saan nailalaan ang perang ipinapadala ng mga OFW sa kanilang pamilya dito sa Pinas. Anong masasabi n’yo tungkol dito?”
Sumagot naman agad ang kapatid kong isa ring OFW ng ganito:
cge kuya mag blog ka about dun para mabasa namin mga ofw at magkaroon kmi ng inspirasyon
Ganito naman ang naging sagot ng isang kaibigan ko:
aughh… sa mga monthly bills, tuition fee, gasolina, pagkain, medisina, dog foods, kunti sa bangko (meron nga ba?), maid, (some) relatives , pambayad utang at marami pang iba… last sa ukay-ukay…
Sa maiksing sagot nila, mukhang nasagot nila ang katanungan ko. Kaya’t narito ang paghihimay-himay ko sa paksang ito kung saan napupunta ang pinapadala ng isang OFW.
Para mabago naman ang naihahain sa hapag kainan.
Kung dati’y sinasabawan nila ang corned beef para magkasya ang ulam sa buong pamilya, ngayo’y may padala na si ate na Spam at hindi na nila sinasabawan ang corned beef na state side. Meron na rin silang pang-grocery sa SM linggo-linggo at sa big cart na sila pumipila na dati’y sa basket lane lang. Ito ang unang kasiyahang naidudulot ng nakapag-abroad na kapamilya.
Mababayaran na namin ang utang namin kay Bombay.
At matutubos na rin namin ang mga alahas at titulo ng lupang isinangla namin. Mabuti na lang, hindi napeke si ate sa napili n’yang agency, kundi wala na kaming pantubos sa mga ito. Lulubo din siyempre ang interes sa utang namin sa Bombay kung nagkataon. Hay salamat. Ang ibang nag-aabroad kasi’y hindi birong halaga ang nagagamit bago nakarating sa ibang bansa kaya’t kumakapit sa malaking interes sa utang para lang matupad ang pangarap na makapag-abroad. Kaya’t kung kumikita ka na sa abroad, unahing bayaran ang mga may interes na utang para hindi mapupunta ang malaking parte ng sahod mo sa interes lamang.
Makakapag-aral na si ditse at si bunso sa kolehiyo.
May sobra pa naman sa pinadala kaya’t maliban sa pagkain, pambayad sa utang, nagkaroon ang mga kapatid o anak ng OFW ng pag-asang makatuntong sa kolehiyo. At ang kukuning kurso ay kung anong gusto ng OFW na kukunin nila. Siyempre pa, yung kursong pwedeng makapag-abroad gaya ng Nursing. Para pag nakatapos sa pag-aaral, susunod sila sa bansang pinuntahan ng OFW na kapamilya.
Makakapag-aral na rin pati si pinsan.
Kung medyo malaki-laki ang sahod ng OFW, dumadami din siyempre ang kamag-anak. Kaakibat na talaga ng paglago sa buhay ang paglago ng kamag-anak. Siyempre pa, tutustusan ng isang dakilang titang OFW ang tuition fee, uniporme, sapatos, cellphone pati pang-load ng pinsan niyang iskolar. Kung madaling paki-usapan si tita, pati panggimmik ng mga kamag-anak na pinapag-aral ay sagot din nya. Dito na ako nagsisimulang napapailing sa kalagayan ng isang OFW. Kaya’t maipapayo ko, alamin kung ano talaga ang kailangan lang sa pag-aaral at ‘yun lang ang ipapadala sa kanila para matuto silang pahalagahan ang bawat pisong binibigay n’yo sa kanila.
Makakapagpatayo na si nanay ng mansyon.
Sa bandang Ilocos Sur, Ilocos Norte at Cagayan Valley, nakikita ko ang naglalakihang bahay. At karamihan doon, merong isa hanggang apat na anak na OFW. Mas malaki ang kita sa abroad, mas malaking bahay ang pinapatayo nila. Siyempre pa, mas malaki ang bahay mo, mas mahal na materyales ang gagamitin at mas marami kang ikakargang kagamitan. Ang masaklap pa dito, hindi lang sa materyales at pasahod sa mga karpintero ang ilalaanan mo ng budget. Sa bawat hiling ng nasa Pinas para sa pagpapagawa ng bahay ay nakadagdag na rin sa suma total ng hinihingi ang kick back ng namamahala sa perang pinapadala mo. Kaya’t maraming mga OFW na natapos na ang kontrata sa abroad eh hindi pa tapos ang kontrata sa pinapatayong bahay. Ang mainam na gawin ng OFW sa ganitong pagkakataon ay makipag-ugnayan siya sa inhinyero o arkitekto ng bahay niya at hingan ng buwanang report sa natapos nang gawain kasama na dito ang larawan ng ginagawang bahay. Mas mainam na ito kesa umaasa lang sa ‘Oo anak, may poste na rin ang bagong bahay natin’ na laging sinasabi ng namamahala sa perang pinapadala n’yo.
Yehey, may sobra ang pinadala ni ate, mayaman na talaga kami.
Dito na nasusukat ang kakayahan ng isang OFW na mangasiwa sa malaking perang kinikita n’ya. Sa kagustuhang pasayahin ang mga kapamilyang naiwan dito sa Pilipinas, karamihan sa mga OFW ay sige lang ng sige ng padala. Halos wala nang iniiwan para sa sarili. Pero kung susuriin nating maigi kung saan napupunta ang perang sobra ng budget para sa pagkain, pag-aaral at pabahay, kadalasa’y nasasayang lang. Ito’y napupunta sa mga gadget gaya ng pinakamahal na cellphone. Bawat kapamilya’y gusto’y yung latest na Nokia. Ang iba’y bumibili ng mahal na klase ng aso at siyempre, mahal din ang pagkain at pag-aalaga dito. Siyempre, ayaw na rin ni tatay ng 14 inch na TV, gusto’y 32 inches HDTV with home theater system. Sa mga probinsiya, malaking parte ng pinapadala ng isang OFW ang napupunta sa pagtotong-its, mahjong at bingo. At dahil natutustusan ang ganitong bisyo, nawawalan ng panahon ang ibang kapamilya ng isang OFW na maghanap ng trabaho para matustusan sana ang sariling pangangailangan. Ang dahila’y, “nasa abroad naman si ate o si inay, bakit pa ako magpapakahirap na magtrabaho dito sa Pinas.”
Kung isa kang kapamilya ng isang OFW, saan naman nailalaan ang padala ng kapamilya n’yong OFW? Kung isa kang OFW, anong masasabi mo sa perang pinapadala mo dito sa Pinas?
Ang bawat pisong pinapadala ng isang OFW ay pinagpawisan n'ya.

Ang bawat pisong pinapadala ng isang OFW ay pinagpawisan n'ya.

Kamakailan, naglagay ako ng katanungan sa facebook ko ng ganito:

“Gusto kong mag-blog tungkol sa kung saan nailalaan ang perang ipinapadala ng mga OFW sa kanilang pamilya dito sa Pinas. Anong masasabi n’yo tungkol dito?”

Sumagot naman agad ang kapatid kong isa ring OFW ng ganito:

“cge kuya mag blog ka about dun para mabasa namin mga ofw at magkaroon kmi ng inspirasyon”

Ganito naman ang naging sagot ng isang kaibigan ko:

“aughh… sa mga monthly bills, tuition fee, gasolina, pagkain, medisina, dog foods, kunti sa bangko (meron nga ba?), maid, (some) relatives , pambayad utang at marami pang iba… last sa ukay-ukay…”

Sa maiksing sagot nila, mukhang nasagot nila ang katanungan ko. Kaya’t narito ang paghihimay-himay ko sa paksang ito kung saan napupunta ang pinapadala ng isang OFW.

Para mabago naman ang naihahain sa hapag kainan.

Kung dati’y sinasabawan nila ang corned beef para magkasya ang ulam sa buong pamilya, ngayo’y may padala na si ate na Spam at hindi na nila sinasabawan ang corned beef na state side. Meron na rin silang pang-grocery sa SM linggo-linggo at sa big cart na sila pumipila na dati’y sa basket lane lang. Ito ang unang kasiyahang naidudulot ng nakapag-abroad na kapamilya.

Mababayaran na namin ang utang namin kay Bombay.

At matutubos na rin namin ang mga alahas at titulo ng lupang isinangla namin. Mabuti na lang, hindi napeke si ate sa napili n’yang agency, kundi wala na kaming pantubos sa mga ito. Lulubo din siyempre ang interes sa utang namin sa Bombay kung nagkataon. Hay salamat. Ang ibang nag-aabroad kasi’y hindi birong halaga ang nagagastos bago nakarating sa ibang bansa kaya’t kumakapit sa malaking interes sa utang para lang matupad ang pangarap na makapag-abroad. Kaya’t kung kumikita ka na sa abroad, unahing bayaran ang mga may interes na utang para hindi mapupunta ang malaking parte ng sahod mo sa interes lamang.

Makakapag-aral na si ditse at si bunso sa kolehiyo.

May sobra pa naman sa pinadala kaya’t maliban sa pagkain, pambayad sa utang, nagkaroon ang mga kapatid o anak ng OFW ng pag-asang makatuntong sa kolehiyo. At ang kukuning kurso ay kung anong gusto ng OFW na kukunin nila. Siyempre pa, yung kursong pwedeng makapag-abroad gaya ng Nursing. Para pag nakatapos sa pag-aaral, susunod sila sa bansang pinuntahan ng OFW na kapamilya.

Makakapag-aral na rin pati si pinsan.

Kung medyo malaki-laki ang sahod ng OFW, dumadami din siyempre ang kamag-anak. Kaakibat na talaga ng paglago sa buhay ang paglago ng kamag-anak. Siyempre pa, tutustusan ng isang dakilang titang OFW ang tuition fee, uniporme, sapatos, cellphone pati pang-load ng pinsan niyang iskolar. Kung madaling paki-usapan si tita, pati pang-gimmik ng mga kamag-anak na pinapag-aral ay sagot din nya. Dito na ako nagsisimulang napapailing sa kalagayan ng isang OFW. Kaya’t maipapayo ko, alamin kung ano talaga ang kailangan lang sa pag-aaral at ‘yun lang ang ipapadala sa kanila para matuto silang pahalagahan ang bawat pisong binibigay n’yo sa kanila.

Makakapagpatayo na si nanay ng mansyon.

Sa bandang Ilocos Sur, Ilocos Norte at Cagayan Valley, nakikita ko ang naglalakihang bahay. At karamihan doon, merong isa hanggang apat na anak na OFW. Mas malaki ang kita sa abroad, mas malaking bahay ang pinapatayo nila. Siyempre pa, mas malaki ang bahay mo, mas mahal na materyales ang gagamitin at mas marami kang ikakargang kagamitan. Ang masaklap pa dito, hindi lang sa materyales at pasahod sa mga karpintero ang ilalaanan mo ng budget. Sa bawat hiling ng nasa Pinas para sa pagpapagawa ng bahay ay nakadagdag na rin sa suma total ng hinihingi ang kick back ng namamahala sa perang pinapadala mo. Kaya’t maraming mga OFW na natapos na ang kontrata sa abroad eh hindi pa tapos ang kontrata sa pinapatayong bahay. Ang mainam na gawin ng OFW sa ganitong pagkakataon ay makipag-ugnayan siya sa inhinyero o arkitekto ng bahay niya at hingan ng buwanang report sa natapos nang gawain kasama na dito ang larawan ng ginagawang bahay. Mas mainam na ito kesa umaasa lang sa ‘Oo anak, may poste na rin ang bagong bahay natin’ na laging sinasabi ng namamahala sa perang pinapadala n’yo.

Yehey, may sobra ang pinadala ni ate, mayaman na talaga kami.

Dito na nasusukat ang kakayahan ng isang OFW na mangasiwa sa malaking perang kinikita n’ya. Sa kagustuhang pasayahin ang mga kapamilyang naiwan dito sa Pilipinas, karamihan sa mga OFW ay sige lang ng sige ng padala. Halos wala nang iniiwan para sa sarili. Pero kung susuriin nating maigi kung saan napupunta ang perang sobra ng budget para sa pagkain, pag-aaral at pabahay, kadalasa’y nasasayang lang. Ito’y napupunta sa mga gadget gaya ng pinakamahal na cellphone. Bawat kapamilya’y gusto yung latest na Nokia cellphone. Ang iba’y bumibili ng mahal na klase ng aso at siyempre, mahal din ang pagkain at pag-aalaga dito. Siyempre, ayaw na rin ni tatay ng 14 inch na TV, gusto’y 3-D Ready 82 inch HDTV Home Theater. Sa mga probinsiya, malaking parte ng pinapadala ng isang OFW ang napupunta sa pagtotong-its, posoy dos, mahjong at bingo. At dahil natutustusan ang ganitong bisyo, nawawalan ng panahon ang ibang kapamilya ng isang OFW na maghanap ng trabaho para matustusan sana ang sariling pangangailangan. Ang dahila’y, “nasa abroad naman si ate o si inay, bakit pa ako magpapakahirap na magtrabaho dito sa Pinas.”

Kung isa kang kapamilya ng isang OFW, saan naman nailalaan perang padala ng kapamilya n’yong OFW? Kung isa kang OFW, anong masasabi mo sa perang pinapadala mo dito sa Pinas?

31 mga puna »

  1. base!?

    alam ko isa sa mga dahilan ng mga OFW kaya sila umalis ng bansa ay upang mag ipon at pagnakaipon ay bumalik sa Pinas. Hindi ba ganun yun?

    saganangakin, gusto ko din mag abroad after 5 years (kung papalarin), tapos pagnakaipon na ako, babalik ako sa pinas at magtatayo ng negosyo.

    Sabi kasi nila, hindi ka naman yayaman sa pangangamuhan, altough hindi ko naman pinangarap yumaman ng gusto yung sapat lang para masunod ang luho ko.

    Minsan nagtatanong ako, ganun din kaya iniisip ng mga OFW? parang ang siste kasi: magtatrabaho tayo sa ibang bansa ng maraming taon, tapos pagbalik sa Pinas na ganoon pa rin ang sitwasyon dahil walang naipon.

    Maganda nga ang bahay mo, hindi mo rin naman mauuwian dahil babalik ka na naman sa parehong senaryo, at doon na nauuwi ang literal na pagkakahiwalay ng pamilyang Pilipino.

    Ang pera madaling kitain pero madali ding mawawala kung hindi panghahawakan ng mabuti. pagiipon lang ang magandang sulusyon dyan! 🙂

    Komento ni otep — Setyembre 16, 2009 @ 3:53 umaga | Sagutin

    • Nadale mo Otep. Pag-iipon nga ang solusyon dyan para mas mapaiksi ang pagkakahiwalay ng isang OFW sa kanyang pamilya. At ang perang naipon ay inenegosyo para siya naman ang magiging amo at matatamasa nya ang matagal na paninilbihan sa ibang bansa. Sana’y karamihan sa ating mga OFW ay ganito ang binabalak sa buhay para mas lalo pa silang makatulong sa ating bansa.

      Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Setyembre 16, 2009 @ 4:21 umaga | Sagutin

    • Naka-base ka pala, salamat 🙂

      Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Setyembre 16, 2009 @ 4:22 umaga | Sagutin

  2. agree ko sa long list mo kung san nga ba nappunta ang perang pinapadla ng mga ofw sa kani-kanilang pamilya. share ko lang ha, anyways, you can still delete it.Dalawa ang kapatid kong OFW. ung ate ko, marami na xang naipadala sa nanay at tatay ko pero palageng sinasabi pa rin nila na walang pera..ahaha..iisa na lang ang nag-aaral kong kapatid. college n xa,pero sa private school man xa nag-aaral, hindi ganun kalake tuition nya..ordinary lang katulad nung sa common catholic school. tsk kahit nursing course nya, first pa lang xa kaya wla pang maxadong gastos..tapos lahat kami may work na..pero minsan lang din makapagbigay sa parents..kaht wala pa kaming sari-sariling pamilya. prang samin kasi, kanya kanya munang luho..hehe..my work naman both parents ko..gusto ko rin maging ofw someday para somehow, i can repay my parents para sa mga hiningi kong pambili ng buks kunwari, pambayad sa editors ng video namin at thesis..pero ang totoo e ipinanggimik ko lang..un lang..nonsense na to..hehe..cenxa na..super feel ko lang magcomment kasi kapag ganito usapan..so close to my heart..ekkekk

    Komento ni The Lady in Green Ruffles — Setyembre 16, 2009 @ 5:31 umaga | Sagutin

  3. matagal ko ng hinihikayat ang aking asawa na gumawa ng ganitong blog. At sa halos ilang buwang panghihikayat, hay sa wakas meron na syang pinagkakaabalahang masasabi kong “passion” nya. Kaso nasobrahan yata. Paggising palang ng umaga hanggang sa pananghalian at hapunan e ito ang inaatupag.hehehe

    Sa makatuwid, kaming dalawa din nakaranas na mangibang bansa ang aming mga ina. Mahirap sa bawat partidos lalo na pag lumalaki ka na walang gumagabay na ina na siyang ilaw ng tahanan. Ang higit na maapektuhan ay ang emosyonal na aspeto ng isang bata at pamilya pag nawala ang ama o ina sa tahanan.

    Naalala ko nung sinamahan ko ang nanay ko sa gsis narinig kong kausap nya yung isang ale na nagabroad din. Mahirap daw ang magibang bansa lalo pag maliliit pa ang mga anak. Minsan di nila naiintindihan kung bakit sila umaalis at maghanap ng pera sa ibang bansa. Kaya sa paglaki nila, pag umuuwi na ang kanilang magulang mula sa ibang bansa e malayo na ang loob ng mga anak nito.

    Kayat kung sakali mang mangibang bansa ako, isasama ko ang buong pamilya ko para hindi madanas ang ganitong problema sa kalaunan. Para masaya!hehehe

    More power to your blog mahal, am so proud of you! Keep it up!

    Komento ni thefloriadeeventsandconcepts — Setyembre 16, 2009 @ 3:09 hapon | Sagutin

    • Salamat mahal sa patuloy na pagbibigay ng inspirasyon para makabuo ako ng mga ganitong paskil. Nang sa ganun, patuloy nating tatalakayin ang mga bagay-bagay na makakapagbigay liwanag sa pagkilala natin sa ating mga kapwa Pinoy.

      Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Setyembre 17, 2009 @ 1:01 umaga | Sagutin

  4. ang haba ng mga komento nila..
    paiksiin ko lang ung sa akin.. 🙂 kung kakayanin..

    may tito akong OFW..
    siya lang ung alam kong OFW sa pamilya namin..

    wala siyang choice, kasi walang tumatanggap sa kanya dito sa amin, kasi laging overqualified siya sa mga inaapplyan niya..

    tanong ko lang: “dapat bang matuwa?”
    hindi ko iyon masyadong naintindihan eh~

    nag abroad siya, para mapatapos ang kanyang mga anak sa pag – aaral, ngayon nakakatuwa kasi ung dalawang pinsan ko, nakapag graduate na at nakapasok na ng trabaho..

    ~meron na rin silang pambayad utang
    ~tulong sa mga relatives naming nangangailangan.

    kasi, walang ibang takbuhan ang ibang mga relatives namin kundi sa kanila at sa amin lang..

    pero di ko pa rin maiintindihan..

    maybe i’ll post someday about this on my blog.. 😀

    Komento ni Nikko — Setyembre 16, 2009 @ 10:01 hapon | Sagutin

    • Maintindihan man natin o hindi ang pag-alis ng mga OFW at pagtuloy na nangyayaring takbuhan sila ng pamilya at mga ibang kamag-anak, magpasalamat pa rin tayo’t meron sila na matapang na nagsisimulang iangat ang katayuan ng buhay ng kani-kanilang pamilya. Siguro nga, sa mga darating na paskil natin Nikko, talakayin natin ang mga paksang ukol sa mga OFW.

      Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Setyembre 17, 2009 @ 1:06 umaga | Sagutin

      • maaari.. 🙂

        naliwanagan ako sa mga sinabi mo po, Manong
        hehehe
        joke lang ung Manong part.. 😀

        pero iba rin kasi po di ba ang tingin ng ibang kapamilya
        kapag merong isang kapamilya nila ang nag iibang bansa..

        i mean hindi nila naisip man lang na mahirap din ang buhay ng OFW, tapos ang perang pinapadala sa kanila ay nilulustay lamang..

        kasi tingin ng iba na, parang madali na lang ang buhay..
        na dun sila nagkakamali..

        kasi mas mahirap ang buhay OFW, kasi wala silang ibang
        matatakbuhan..

        Komento ni nikko — Setyembre 17, 2009 @ 4:01 hapon

  5. grabe talaga ang buhay…

    wel lets face it… if gusto mong umasenso kelangan paghirapan ang bagay na yun…

    agree ako dun sa pagpapatayo ng mansyon… i am from the north, n i have seen these scenarios… naglalakihang bahay nga ang makikita mo. may lugar o barangay talaga na pataasan at palakihan ng bahay ang makikita mo, me and my frens call it the italian village kc mostly mga tumataginting na euros ang makikita mo sa labas palang ng bahay…

    wala akong kamag anak na ofw but if i have one, cguro mas gugustuhin kong ipunin nalang nya ang pera para sa kinabukasan nya… 😉

    Komento ni yhen — Setyembre 17, 2009 @ 12:16 umaga | Sagutin

    • Sang-ayon ako sa sinabi mo yhen, ang pag-iipon para sa kinabukasan ay mahalaga para pagdating ng panahon na hindi ka na kailangan sa ibang bansa, may gagastusin ka dito sa Pinas, at mas maigi pa, pangnegosyo mo.

      Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Setyembre 17, 2009 @ 1:09 umaga | Sagutin

  6. tama silang lahat kaya naman maipagmamalaki talaga ang mga OFW..Dahil tinitiis nila ang lahat ng pasakit sa kanilang buhay…pasakit na mapahiwalay sa kani kanilang pamilya at mag celebrate ng birthday mag isa..mag celebrate ng pasko,bagong taon..etc.. Ngunit kapalit ng lahat ng ito ay ang magandang buhay ng kanilang iniwan dito sa pinas.

    Naalala ko tuloy ang aking kaibigan sa Israel…hayyyy…

    Komento ni mr. sleepyhead — Setyembre 17, 2009 @ 4:06 hapon | Sagutin

    • Naalala ko tuloy ang napanood ko kamakailan sa Maala-ala Mo Kaya tungkol sa mga beteranong Pinoy na patuloy na nakikipagsapalaran sa Amerika at umaasang gaganda rin ang kani-kanilang buhay. Dito isinalarawan kung gaano kahirap ang pinagdadaanan ng ilang kababayan nating OFW sa ibang bansa para lamang mabigyan ng mas magandang buhay ang pamilya nila dito sa Pinas.

      Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Setyembre 18, 2009 @ 12:33 umaga | Sagutin

  7. pa add naman po sa blogroll..na add na po kita…

    Komento ni mr. sleepyhead — Setyembre 17, 2009 @ 4:06 hapon | Sagutin

    • Sa ngayon, hindi ko pa nabubuo, o mas mainam sigurong sabihing hindi pa ako naglalagay ng blogroll ko dito sa blog ko mr. sleepyhead, kaya’t ipagpaumanhin muna kung hindi ko pa magpagbibigyan kaagad ang hiling mo. Pero kung sakali mang maglalagay na ako ng blogroll ko, makakaasa kang kasama ka sa listahan ko. Salamat uli sa pagdaan.

      Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Setyembre 18, 2009 @ 12:36 umaga | Sagutin

  8. whoa..perstaym ko d2…aniweiz kuya, ang tatay ko OFW din hnd nga lang kalakihan ang sweldo pero mas nakakaluwag kami sa gastusin simula ng mg abroad xa.. sa dami ng mga materyal na pangangailangan masasabi kong nasasapat lahat ng yon sa mga pangangailangan namin..minsan nga may sumosobra pa.. yun nga lang, ung presensya ng isang ama ang hindi kayang tumbasan ng kahit ano o kahit magkano..

    ^,^

    Komento ni precious — Setyembre 18, 2009 @ 12:35 umaga | Sagutin

    • Sang-ayon ako sa’yo precious, walang makakatumbas sa presensya ng isang ama sa kanyang pamilya.

      Minsan, naitatanong ko, ano nga ba ang gusto natin sa buhay? Hindi ba’t ang magkaroon ng mas maraming masasayang panahon sa piling ng ating mga mahal sa buhay? Maaari ngang ganun ang hangad ng karamihan, pero ang kapamilya nating naging OFW ay isinantabi muna pansamantala ang hangaring iyon para harapin muna ang pangangailangan ng pamilya tulad ng pagkain at pag-aaral ng mga anak. At alam kong dalangin ng bawat isa na sana’y maintindihan sila ng kani-kanilang mga pamilya na naiwan nila dito sa Pinas.

      Salamat sa puna at pagpasyal dito precious. Nataon na nagbabasa ako ng mga puna ninyo kaya natugunan ko agad itong puna mo 🙂

      Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Setyembre 18, 2009 @ 12:44 umaga | Sagutin

  9. Hindi pa ako nakakalabas ng bansa. Pero napapaisip din kung mangingibang bansa ba ako. Gusto ko kasi makaipon atmakatulong sa pamilya(typical na sagot ng gustong magabroad).

    Hindi rin OFW parents ko so masasabi kong wala akong first hand experience when it comes to dealing life of an OFW. Pero I’ve seen friends, cousins, and classmates who are now experiencing life as an OFW. nakukwento rin nila panu ang cash flow nila.

    As a soon to be OFW ok ang mga tips mo bro! It will help me alot! Ayos sa alrayt!

    Komento ni Dorm Boy — Setyembre 18, 2009 @ 5:24 umaga | Sagutin

  10. sandali, matawagan nga so momy kung san nya dinadala ang perang pinapadala ko?! hahaha, joke lang..

    actually ako po yung pera na pinapadala ko is panggastos ng aking pamilya ofcourse, sa tuition fee ng aking nurse dati, but nag rereview na sya, then sa isang kapatid ko ulit na nsa kolehiyo. ayun saka yung iba, ewan ko na, pangastos maybe! hehe 🙂

    ang nice! kakaiba!

    Komento ni pinkdiaries — Setyembre 18, 2009 @ 5:26 umaga | Sagutin

    • Mukhang natalakay ko naman lahat ng posibleng puntahan ng mga pinapadala mong pera sa mommy mo PinkDiaries, maliban sa pang-review ng nurse mo. Palagay ko, malaking gastos pa rin ang pagrereview dahil mukhang malaking business din itong nursing review sapagkat naglipana dito sa Baguio ang mga nursing review centers.

      Salamat sa pagdaan uli Pink, mukhang ikaw ang unang OFW na nagbigay puna sa paskil na ito 🙂

      Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Setyembre 18, 2009 @ 5:58 umaga | Sagutin

      • oo nga, halos lahat gustu ata maging nurse noh?!! bakit ako hindi ako nag nurse?! haha

        Komento ni pinkdiaries — Setyembre 22, 2009 @ 5:22 umaga

  11. ay ganun po ba?? okay lang po.hehe wait ko na lang na mag add kau ng blogroll..

    paki visit na lang po tong newest post ko…

    http://wp.me/pDqV4-1C

    Komento ni mr. sleepyhead — Setyembre 18, 2009 @ 8:44 umaga | Sagutin

  12. WOW..kakatuwa…

    OFW ka po pla..

    ingats po jan ah..

    padaan lng..$,$

    Komento ni Sows — Setyembre 19, 2009 @ 5:21 umaga | Sagutin

  13. 2lad ng mga sinabi ni otep at idagdag pa ang sarili kong pananaw.ang pag abroad sana ay hndi pang hbang buhay.3-5 years sana mkaipon at may negosyo na pr naman maenjoy ang pinaghirapan.di ako pabor sa halos dun na tumira na halos dna kilala ng mga anak.

    Komento ni ELIment — Setyembre 21, 2009 @ 12:27 hapon | Sagutin

    • Gusto ko lang po dagdagan.hehe
      pansin ko kc sa mga pamilya ng ofw sobrang easy lang kitain ang pera kya naman sobrang enjoy gumastos.ayun 2loy pagdating ni nanay o tatay o ate o kuya o dikong, wla plang naipon mula sa pdala niya. 😦

      Komento ni ELIment — Setyembre 21, 2009 @ 12:32 hapon | Sagutin

      • Tama ka ELIment, kapat nag-abroad ka, planohin mo sana kung ilang taon ang ilalaan mo doon para maabot mo ang mga pangarap mo. Pero ang nangyayari sa mga karamihan ngayong OFW, pagdating ng limang taon, di pa rin kuntento kung ano na ang naipundar nila sa buhay.

        Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Setyembre 22, 2009 @ 1:04 umaga

  14. […] Sa dami ng napupuntahan ng perang pinapadala ng isang OFW sa Pilipinas, mapa-sampung libo o limampung libo man ang ipapadala, tumaas man ang palitan ng dolyar sa black market, bumaba man ang pagpapa-remit sa abroad, tila kulang pa rin ang malaking sahod nila sa ibang bansa. Bakit? Dahil habang lumalaki ang kita ng isang pamilyang Pinoy, lumalaki din ang pangangailangan o mas mainam sigurong sabihing mas lumalaki ang gustong pagkakagastusan. Dalawampung libo kada buwan ang sahod, gusto may katulong ang naiwan sa Pinas. Tatlumpong libo kada buwan, gustong magkaroon ng Honda Civic. Apatnapong libo kada buwan, gustong magbakasyon sa Singapore ang buong pamilya. Limampung libo? Parang kulang ang isang blog post para isa-isahin natin kung saan gustong gamitin ng isang OFW ang sahod. […]

    Pasa ni Bakit Nagtatagal ang Isang OFW Sa Ibang Bansa? « Pinoy na Pinoy — Oktubre 7, 2009 @ 6:55 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng tugon sa otep Pindutin ito para bawiin ang tugon.

Lumikha ng libreng website o blog sa WordPress.com.