Pinoy na Pinoy

Oktubre 23, 2009

May Panahon Ka Ba Sa Iyong Mga Anak?

Filed under: Pamilyang Pinoy — Constantine Guitang @ 1:40 hapon
Noong nasa tatlong taong gulang ang aming anak, dumalaw sa aming bahay ang isang kaibigan ko. May pinag-uusapan kami noon na web design para sa kanyang negosyo. Habang nag-uusap kami, nagpakandong ang aking anak at nakikipag-agawan sa laptop na nasa harapan namin ng kausap ko. Nagalit ako dahil hindi ko maawat kaya’t tumakbong umiyak ang anak ko papunta sa mama niya.
Akala ko hindi ‘yun pinansin ng kaibigan ko. Pero nung nagkita kami uli sa Chowking, ganito ang sinabi sa akin.
“Alam mo, ganun din kami ng asawa ko noon sa panganay namin. Nagagalit kami kapag ganun nangungulit ang anak namin pagdating namin sa bahay namin. Kung minsan, napapalo pa namin dahil sobrang papansin. Pero namulat kami nung sinabi ng mommy ko sa amin na ‘Ngayon na nga lang n’yo kapiling ang anak n’yo sa maghapon, ‘yan pa ang aabutin sa inyo.’ Mula noon pare, mas marami na kaming panahon sa anak namin, di na rin kami gaano nagagalit sa kakulitan niya.”
Kaya’t naisipan kong tanungin din ito sa inyo, may panahon pa ba kayo sa inyong mga anak?
Isang halimbawa
Ganito ang kadalasang nangyayari sa pamilyang Pinoy. Pagkagising sa umaga, lahat nag-aapura para hindi ma-late sa trabaho ang mag-asawa at ang mga bata’y kanya-kanyang ayos din sa mga gamit sa paaralan. Ang nanay, mamalantsa habang nagluluto ng almusal. Ang tatay, nagbabasa ng diyaryo habang nagkakape. Pagkalampas ang alas sais, tahimik na ang bahay, nakaalis na ang buong pamilya sa trabaho at paaralan. Pagka-uwi sa hapon, ang mga bata, diretso sa harap ng TV. Ang nanay, magluluto. Ang tatay, gabi na kung makarating sa bahay. Pagkarating, sa kanya naman ang TV. Pagkatapos ng hapunan, balik sa TV ulit o kung nag-uwi ng trabaho ang tatay, magpupuyat pa ito. Pagkatapos, matutulog na. Ganito ang sitwasyon hanggang Biyernes o Sabado. Sa Linggo, matutulog ang mag-asawa maghapon.
Napansin mo ang kulang?
Oo, sa araw-araw na lumilipas, nakakaligtaan ng mga magulang na pagtuunan ng pansin ang kanilang mga anak.
• Walang panahong magkuwentuhan .
• Walang panahong makinig sa bagong natutunan ng kanilang anak sa paaralan.
• Walang panahong makita ang 10/10 na score ng kanilang anak.
• Walang panahong makipaglaro sa mga anak ng habulan o tagu-taguan.
• Walang panahong tingnan ang ganda ng kinulayan ng bunsong anak sa kanyang aklat.
• Walang panahong makinig sa problema ng nagdadalagang anak sa manliligaw niya.
• Walang panahong makipaglaro ng chess o basketball sa nagbibinatang anak.
• Walang panahong dumalo sa paligsahang sinalihan ng anak.
• Walang panahong tulungan ang anak sa kanyang takdang aralin.
• Walang panahong makipagkilitihan sa anak.
• Walang panahong humanga sa bagong magic na natutunan ng anak.
• Walang panahong turuan ang anak na ispelingin ang K-I-N-D-E-R.
• Walang panahong sabayan ang anak na magdasal bago matulog.
Humahaba ang listahang ito pero iisa lang ang gustong ipahiwatig, wala tayong panahon sa ating mga anak.
Panahon ang kailangan ng mga bata
Hindi mamahaling laruan na umaabot sa libo ang kailangan sa atin ng ating mga anak. Hindi ang pinakabagong cellphone at kulang ang isang text message na ang tanging laman ay isang letrang ‘K’. Hindi si yaya ang inaasam nilang laging kasama pagkauwi sa bahay. Ang kailangan nila’y panahon natin.
Sa mga kababayan nating mga OFW, ang madalas na inaasam ng kanilang mga anak ay ang panahon nila sa isa’t isa. Pagkatapos na tanggapin ng anak ang padalang PSP at chocolate sa kanya ng kanyang ina, pagdating ng gabi, sumasagi sa anak ang lungkot ng pangungulila sa kanyang magulang na OFW. At kung ilang taon niyang dadanasin ito’y hindi natin alam. Dalawa, apat na taon? Pagkagraduate sa kolehiyo? Hanggang sa hindi na niya kilala ang kanyang mga magulang? Hindi naman sana.
Ang panahon ko sa aking anak
Nasa Kinder 2 na ang anak namin at nagpapasalamat kami’t maraming panahon ang naiuukol naming mag-asawa sa kanya. Nasasaksihan ko kung paano niya nagagawa ang mga bagong natutunan niya. Matiyaga akong nakikinig sa pagkanta niya ng Reflection maski hirap siya sa pagkapa sa lyrics nito. Pumapalakpak ako kapag pinapakitaan ako ng bagong step na inimbento niya sa pagsayaw. Nahahasa din ang kakayahan kung gumamit ng krayola habang sinasabayan siyang nagkukulay ng mga aklat niya. Nagpapaligsahan kaming magsabi kung anong produkto ang nasa TV komersyal. Natototo siyang magbasa ng mga billboards at signs sa mga nadadaanan namin patungo sa paaralan niya kapag hinahatid o sinusundo ko siya kasi may panahon akong magsabi kung paano basahin ang mga iyon. At alam kong marami pa akong matototonan sa kanya at siya sa akin sa bawat inilalaan kong panahon para sa aming anak.
Kayo, may kuwento ba kayo kung paano niyo ginugugol ang panahon niyo sa inyong mga anak? O bilang anak, mga alaalang hindi mo malilimutan sa piling ng iyong mga magulang? Magkuwento na sa komento.
Sikaping magkaroon ng panahon sa mga anak, ito ang pinakaaasam nila sa atin.

Noong nasa tatlong taong gulang ang aming anak, dumalaw sa aming bahay ang isang kaibigan ko. May pinag-uusapan kami noon na web design para sa kanyang negosyo. Nagpapatulong sa akin kung anong magandang gawin para sa website nila. Habang nag-uusap kami, nagpakandong ang aking anak at nakikipag-agawan sa laptop na nasa harapan namin ng kausap ko. Nagalit ako dahil hindi ko maawat kaya’t tumakbong umiyak ang anak ko papunta sa mama niya.

Akala ko hindi ‘yun pinansin ng kaibigan ko dahil may dalawa din siyang anak na maliliit pa. Pero nung nagkita kami uli sa Chowking, ganito ang sinabi sa akin.

“Alam mo, ganun din kami ng asawa ko noon sa panganay namin. Nagagalit kami kapag ganong nangungulit ang anak namin pagdating namin sa bahay namin. Kung minsan, napapalo pa namin dahil sobrang papansin. Pero namulat kami nung sinabi ng mommy ko sa amin na ‘Ngayon na nga lang n’yo kapiling ang anak n’yo sa maghapon, ‘yan pa ang aabutin sa inyo.’ Mula noon pare, mas marami na kaming panahon sa anak namin, di na rin kami gaano nagagalit sa kakulitan niya.”

Kaya’t naisipan kong tanungin din ito sa inyo, may panahon pa ba kayo sa inyong mga anak?

Isang halimbawa

Ganito ang kadalasang nangyayari sa pamilyang Pinoy. Pagkagising sa umaga, lahat nag-aapura para hindi ma-late sa trabaho ang mag-asawa at ang mga bata’y kanya-kanyang ayos din sa mga gamit sa paaralan. Ang nanay, mamalantsa habang nagluluto ng almusal. Ang tatay, nagbabasa ng diyaryo habang nagkakape. Pagkalampas ang alas sais, tahimik na ang bahay, nakaalis na ang buong pamilya sa trabaho at paaralan. Pagka-uwi sa hapon, ang mga bata, diretso sa harap ng TV. Ang nanay, magluluto. Ang tatay, gabi na kung makarating sa bahay. Pagkarating, sa kanya naman ang TV. Pagkatapos ng hapunan, balik sa TV ulit o kung nag-uwi ng trabaho ang tatay, magpupuyat pa ito. Pagkatapos, matutulog na. Ganito ang sitwasyon hanggang Biyernes o Sabado. Sa Linggo, matutulog ang mag-asawa maghapon.

Napansin mo ang kulang?

Oo, sa araw-araw na lumilipas, nakakaligtaan ng mga magulang na pagtuunan ng pansin ang kanilang mga anak.

  • Walang panahong magkuwentuhan .
  • Walang panahong makinig sa bagong natutunan ng kanilang anak sa paaralan.
  • Walang panahong makita ang 10/10 na score ng kanilang anak.
  • Walang panahong makipaglaro sa mga anak ng habulan o tagu-taguan.
  • Walang panahong tingnan ang ganda ng kinulayan ng bunsong anak sa kanyang aklat.
  • Walang panahong makinig sa problema ng nagdadalagang anak sa manliligaw niya.
  • Walang panahong makipaglaro ng chess o basketball sa nagbibinatang anak.
  • Walang panahong dumalo sa paligsahang sinalihan ng anak.
  • Walang panahong tulungan ang anak sa kanyang takdang aralin.
  • Walang panahong makipagkilitihan sa anak.
  • Walang panahong humanga sa bagong magic na natutunan ng anak.
  • Walang panahong turuan ang anak na ispelingin ang K-I-N-D-E-R.
  • Walang panahong sabayan ang anak na magdasal bago matulog.

Humahaba ang listahang ito pero iisa lang ang gustong ipahiwatig, wala tayong panahon sa ating mga anak.

Panahon mo ang kailangan ng mga bata

Hindi mamahaling laruan na umaabot sa libo ang kailangan sa atin ng ating mga anak. Hindi ang pinakabagong cellphone at kulang ang isang text message na ang tanging laman ay isang letrang ‘K’. Hindi si yaya ang inaasam nilang laging kasama pagkauwi sa bahay. Ang kailangan nila’y panahon natin.

Sa mga kababayan nating mga OFW, ang madalas na inaasam ng kanilang mga anak ay ang panahon nila sa isa’t isa. Pagkatapos na tanggapin ng anak ang padalang PSP at chocolate sa kanya ng kanyang ina, pagdating ng gabi, sumasagi sa anak ang lungkot ng pangungulila sa kanyang magulang na OFW. At kung ilang taon niyang dadanasin ito’y hindi natin alam. Dalawa, apat na taon? Pagkagraduate sa kolehiyo? Hanggang sa hindi na niya kilala ang kanyang mga magulang? Hindi naman sana.

Ang panahon ko sa aking anak

Nasa Kinder 2 na ang anak namin at nagpapasalamat kami’t maraming panahon ang naiuukol naming mag-asawa sa kanya. Nasasaksihan ko kung paano niya nagagawa ang mga bagong natutunan niya. Matiyaga akong nakikinig sa pagkanta niya ng Reflection maski hirap siya sa pagkapa sa lyrics nito. Pumapalakpak ako kapag pinapakitaan ako ng bagong step na inimbento niya sa pagsayaw. Nahahasa din ang kakayahan kung gumamit ng krayola habang sinasabayan siyang nagkukulay ng mga aklat niya. Nagpapaligsahan kaming magsabi kung anong produkto ang nasa TV komersyal. Natototo siyang magbasa ng mga billboards at signs sa mga nadadaanan namin patungo sa paaralan niya kapag hinahatid o sinusundo ko siya kasi may panahon akong magsabi kung paano basahin ang mga iyon. At alam kong marami pa akong matototonan sa kanya at siya sa akin sa bawat inilalaan kong panahon para sa aming anak.

Kayo, may kuwento ba kayo kung paano niyo ginugugol ang panahon niyo sa inyong mga anak? O bilang anak, mga alaalang hindi mo malilimutan sa piling ng iyong mga magulang? Magkuwento na sa komento.

Sumulat ng Blog sa WordPress.com.