Pinoy na Pinoy

Setyembre 12, 2009

10 Ugali ni Mamang Jeepney Drayber

Filed under: Ugaling Pinoy — Constantine Guitang @ 4:21 umaga
Photo credit: kudumomo

Photo credit: kudumomo

Nababasa natin na nakadikit sa harapan ng jeep, “Basta jeep driver, sweet lover.” Pero ang tanong, sweet lover nga ba sila sa mga pasahero nila?

Suriin natin ang kadalasang napapansing ugali ni mamang jeepney drayber.

1. Unang lumalabag sa “No Smoking” sign nila. Halos lahat ng jeep, may nakasulat na “No Smoking”. Pero halos lahat naman ng mga jeep drayber, naninigarilyo. Mabuti na lang, lahat ng sinabihan kong “Mama, pakipatay po ang sigarilyo n’yo, pumapasok ang usok dito sa loob.” eh sumusunod naman. Kaya’t huwag mag-atubiling sabihan ang mga drayber na naninigarilyo habang namamasada.

2. Basta’t may sasakay, tumitigil maski bawal. Napapansin n’yo ba na kapag ang pumapara ay sasakay, titigil at titigil ang jeep maski bawal magsakay ng pasahero? Pero ‘pag ang pumapara ay bababa, sasabihan ka naman ng “Bawal po dito, may pulis.”

3. Hindi ka estudyante kung hindi mo sinasabing estudyante ka. Maski na naka-uniporme ka na’t may dala-dalang school bag, kung magbabayad ka, hindi ka bibigyan ng student discount hangga’t hindi mo sinasabing “Estudyante po.” Kaya’t gayahin ang mga senior citizens natin na kung nagbabayad, hindi nakakalimutang magsabi ng “Senior.” Sayang din kasi ang 20% discount sa pamasahe.

4. Mahilig magbabad sa gate ng eskuwelahan at sa mga waiting sheds. Madalas itong nangyayari dito sa Baguio lalo na kung malapit nang uwian ng mga estudyante. Maski may laman ang jeep at dala-dalawa o tatlo yung dadatnang nakaabang na jeep, ipipila at ipipila pa rin nila ang jeep nila. Minsan, may sinabihan akong drayber na “Mama, sampung minuto na tayong babad dito, puwede na po ba tayong umalis? Paano naman kaming mga pasahero n’yo, male-late na kami.” Ang sagot sa akin, “Paano naman kaming mga drayber, nagtatrabaho lang kami.”

5. Merong hindi marunong magpreno. Sila yung madalas matulin magpatakbo pero di malinis ang pagpreno na halos mapapakandong ka sa katabi mo kung sila’y umaapak sa preno. Sabihan ang mga ganitong drayber para mapaayos ang sasakyan nila, baka sa preno lang ang may tama.

6. Malakas kung magpatugtog. Nararanasan ko ito kung ako’y pumupunta sa Antipolo galing Cubao. Ang speaker nila’y nakalaan sa mga sasakay pa lang na pasahero sa kalye at hindi iniintindi ang mga nabibingi nang pasaherong nasa loob ng kanilang jeep. Kapag papara ka’t hindi nila narinig, sasabihan ka pa ng “Lakasan n’yo kasi ng pagpara.”

7. Ang seatbelt ay para lang sa mga pulis. Kadalasan, saka lang naaalalang isuot ang seatbelt kung may nakikitang pulis. Pagkalampas sa pulis, agad-agad na tinatanggal ang seatbelt. Kaya’t ang disensyo ng kanilang mga seatbelt ay de-sabit lang para madaling isuot at madali ding tanggalin. Bakit nga ba ayaw na ayaw ng jeep drayber na magsuot ng seatbelt? Nakakasira ba sa porma o sagabal ba sa pag-abot ng bayad?

8. Walang traffic violator na drayber. Ang katwiran nila’y kaya naman sila hinuli ng pulis dahil nag-duty si mamang pulis. Kung wala sanang pulis sa kanto, hindi sana traffic violation ‘yun. At kung kinuha ng pulis ang lisensya nila, mas matapang pa sila ngayon sa kalye dahil wala nang kukuning lisensya ang susunod na huhuli sa kanila.

9. May makakalimuting drayber. May mga drayber na sinasadyang kalimutan ang sukli ng mga pasahero nila. Pero matalas ang memorya pagdating sa kung sino pa ang hindi nagbabayad. Kaya’t kung may sukli ka’t hindi binibigay sa loob ng dalawang minuto, sabihan mo agad si mamang drayber, mapa-bente singko sentimos o bente singko pesos man ang sukli mo. Mas maagang sabihin, mas madali n’yang maalala.

10. Kung matraffic, may pulis. Madalas kong naririnig, “Kaya pala matraffic eh, may pulis sa kanto.” Kaya’t sa mata ng drayber, ang traffic ay kagagawan ng pulis at hindi kagagawan ng mga drayber. Ano sa tingin n’yo, ganun nga ba talaga?

Ang mga punang ito ay hindi pagdidiin na masasama ang mga jeepney drayber natin. Ibinahagi ko ito para makita nila ang mga ugaling nakakaligtaan nilang suriin kapag sila’y pumapasada sa kalye.

Anong masasabi n’yo bilang pasahero ng jeep?

Mga Puna »

  1. WAHHHH
    tama lahat ng to!!

    ako naman yung jeep sa stop and shop na papuntang marikina
    ang sounds nakakabasag eardrums sabayan pa ng paglipad ng jeep…

    dati may nakaaway na ko ayaw ba naman suklian 50 ko sabi ko
    manong ung sukli nga sa singkwenta!!!

    basta… madalas na kong mayamot sa mga yan..
    sana naaman sumaayos na at lumugar sila sa tama

    Komento ni jason — Setyembre 12, 2009 @ 6:25 umaga | Tugon

  2. Sa pag pasyal ko sa Cebu City, kapansin pansing ang pagkakaiba ng ugali ng driver dito sa Manila or nagkatao lng siguro na halos lahat ng driver na nakasalamuha namin dun ay sadyang mabait at mapagbigay sa kalsada.

    Komento ni dlysen — Setyembre 12, 2009 @ 7:49 umaga | Tugon

    • Hmmm… mukhang good example ang mga drivers ng Cebu. Balita ko, sa kanila din galing ang de-LPG na taxi. Pati batas trapiko nila, ginagamitan ng makabagong teknolohiya para maging mas maayos ang kanilang lansangan. Nabasa ko kasi minsan na may weight sensor ang ibang intersections nila para ma-detect ng traffic light system kung saang banda ng intersection ang heavy traffic. Sa madaling salita, magaling ang namamahala sa mga pampublikong sasakyan at lansangan sa Cebu.

      Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Setyembre 12, 2009 @ 9:33 umaga | Tugon

  3. tsk! nalate aku, 3rd base lang.. hehehe, ayan may base nanaman!

    balik pu aku para mag basa, work mode muna!๐Ÿ™‚

    Komento ni pinkdiaries — Setyembre 12, 2009 @ 8:40 umaga | Tugon

    • ayan nabasa ko na..

      ang kinaiinisan ko is yung # 3 at 4, kasi naman, nakitang naka uniform kana nga kailangan pang sabihin na “mama estudyante po” diba nakakainis? hindi naman sana sila bulag para hindi makita! kailangan sabihin pa.

      ung # 4 naman, kailangan namang punuin pa nila ung jeep nila bagu umalis, tatanungin mu, “mama hindi paba aalis?” sasagutin ka ng paalis na, paalis na, inabot na nga syam syam ang paalis na nya..

      hay, ayun lang.. but thats life! heheeh๐Ÿ™‚

      Komento ni pinkdiaries — Setyembre 12, 2009 @ 2:49 hapon | Tugon

      • Nararanasan ko rin yan #4 madalas. Nung isang linggo nga, pinapaalis na nga kami, ayaw pang umalis yung driver kasi di pa puno ang jeep at ang nagpapaalis sa amin ay Police Intern lang.

        Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Setyembre 13, 2009 @ 1:59 umaga

  4. may masasabi ako sa usapang jeepney..basahin nio tong post ko about jeepney…
    http://wp.me/sDqV4-jeepney

    Komento ni Darrel Jester Ecdao — Setyembre 12, 2009 @ 10:29 umaga | Tugon

    • Mukhang pareho nating napanaginipan ang jeep kagabi Darrel, kaya parehong tungkol sa jeep ang post natin ngayon hehe.

      Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Setyembre 12, 2009 @ 12:21 hapon | Tugon

  5. Two Thumbs-up

    Mahusay ang mga blog mo kaibigan.

    Keep up the good work!

    Komento ni rockwitralph — Setyembre 12, 2009 @ 11:05 umaga | Tugon

  6. Naks oo nga tumama lahat ang sinabi mo dude! taga baguio ka ba? kasi noong nasa baguio pa ko during college meron ngang mga jeep sa harapan ng gate ng university namin.

    http://dormboy.wordpress.com

    Komento ni Dorm Boy — Setyembre 12, 2009 @ 11:35 umaga | Tugon

    • Oo Dorm Boy, dito ako sa Baguio. Apat na gates ang nadadaanan ng mga jeep sa SLU, isang gate sa UC (dating BCF), at isa sa PCC.

      Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Setyembre 12, 2009 @ 12:10 hapon | Tugon

  7. i say AMEN to all these. perfect ang listahang ito sa mga nakaka-iritang ugali ng mga jeepney drivers. wish ko lang computer-literate ang mga jeepney drivers at magawi sila dito sa blog mo. at marealize nila ang mga hindi kanaisnais na ugali nila.

    super hate ko eh yung nagyoyosi at malakas magpatugtog.

    Komento ni Winkie — Setyembre 13, 2009 @ 11:53 umaga | Tugon

    • Sana nga, meron din sa kanila ang magawi dito Winkie. Pero magkaganun man, sana makatulong din sa mga makabasa nito na magkalakas-loob silang sabihan si mamang drayber na huwag mag-yosi o magpatugtog ng super lakas. Amen.

      Salamat sa pagbisita.

      Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Setyembre 13, 2009 @ 12:21 hapon | Tugon

  8. ahahah totoo ang lahat ng sinabi mo! astig! na blog ang mamang driver!nyaaaaaaa!!

    mamang driver paraaaaaaaaa!!

    napadaan lang po.


    bonistation.

    Komento ni bonistation — Setyembre 14, 2009 @ 4:30 umaga | Tugon

    • Salamat sa pagbisita dito bons. Nakibalita din ako sa blog mo at nalaman ko ang tungkol kay Ek. Ikumusta mo na lang ako sa kanya sa susunod na pagkikita nyo.๐Ÿ™‚

      Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Setyembre 14, 2009 @ 8:38 umaga | Tugon

  9. haha..
    natawa ako habang binabasa ung mga naka bold..
    dun ako mas lalong natawa sa ang seatbelt ay para sa mga pulis
    kasi nasubukan kong pinasuot ng seatbelt nung nasa front seat ako nakaupo, kasi daw may mga pulis sa unahan..๐Ÿ˜‰

    un lang..๐Ÿ˜€


    salamat po sa pagdalaw sa aking basurahan..๐Ÿ˜‰
    add po kita sa listahan ko..๐Ÿ˜€

    Komento ni Nikko — Setyembre 14, 2009 @ 1:53 hapon | Tugon

  10. Wow galing galing๐Ÿ™‚

    tama yan lahat.. asar na asar ako noong highschool at college ako sa mga Drayber na ganyan yung tipong kahit obvious na estudyante ka e hindi ka bibigyan ng discount, tapos minsan kahit sabihin mo na, hindi ka naman bibigyan ng discount kaya mauuwi ka na lang sa pagiging tameme kasi nakakahiya ang paulit-ulit.

    nakakatawa nga e, ngayong hindi na ako estudyante, ngayon ko lang nakakadaop palad ang mga drayber na nagtatanong kung estudyante ba daw ako.

    Isa pa sa kinaiinisan kong drayber e yung mga naghihintay sa wala, yung tipong nagmamadali ka na pero naghahanap pa ng pasahero sa isang kanto.

    Ganoon din sa mga drayber na kung kailan ka nagmamadali doon pa sila magpapagasulina hay naku.. nakakainit ng ulo.

    napadaan lang hekhekhek

    Komento ni otep — Setyembre 15, 2009 @ 4:27 umaga | Tugon

    • Hahaha, tama yang nagmamadali ka na’y doon pa sila magpapagasolina. Lalo na’t tig-pipiso yung ibabayad para sa full tank wahhh.

      Salamat sa pagdaan Otep.

      Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Setyembre 15, 2009 @ 6:27 umaga | Tugon

  11. nakana mo, kapatid! ganyan ang buhay ko sa pag-commute mula Almar-Philcoa at balikan. isama mo na din yung mga drayber na nangangarap maging formula 1 racers — at di lang kapwa jeep kinakarera kundi maging taksi at bus.

    pero ewan lang kung bakit hindi pumapalag sa mga SUV na todo-tint ang bintana๐Ÿ™‚

    Komento ni taroogs — Setyembre 15, 2009 @ 12:57 hapon | Tugon

    • Hahaha, mahirap na kung SUV na todo-tint ang bintana, di nila matantiya kung sino ang (ang mga) pasahero nito.

      Ang napapansin kong mga driver na nangangarap maging formula 1 racers eh yung mga 4BA1 ang makina๐Ÿ˜€

      Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Setyembre 15, 2009 @ 1:42 hapon | Tugon

  12. Tagssss….. but infairness ang mga jeepney drivers ay mahuhusay sa arithmetic … “manong bayad po, 3 sa may bayan galing po sa crossing, yung 4 sa may talipapa galing ng SM, at 2 dun po sa may public school galing ng simbahan”.. after 3 to 5 seconds, ayan na inaabot na ang sukli, walang labis walang kulang hahahahaha AT walang calculator ha..unless of course kung ang ugali eh yun number 9.

    Komento ni Dowie aka atta — Setyembre 22, 2009 @ 3:47 umaga | Tugon

    • Hahaha Dowie, tama ka dun. Dagdag pa natin na habang inaabot na ang sukli, nakikipaghabulan pa sa kapwa jeep sabay cut sa Honda Civic para makauna sa mga nag-aabang na pasahero. (Grabe, di kakayanin ng mental powers ko yung binigay mong halimbawa ng susuklihan Dowie lol)

      Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Setyembre 22, 2009 @ 8:04 umaga | Tugon

  13. […] jeepney drayber, nakangiti pa rin maski huli s’ya ni mamang […]

    Pasa ni Ngiting Pinoy « Pinoy na Pinoy — Setyembre 27, 2009 @ 2:35 hapon | Tugon

  14. I don’t know If I said it already but …Great site…keep up the good work.๐Ÿ™‚ I read a lot of blogs on a daily basis and for the most part, people lack substance but, I just wanted to make a quick comment to say I’m glad I found your blog. Thanks,๐Ÿ™‚

    A definite great read..Jim Bean

    Komento ni JimmyBean — Oktubre 1, 2009 @ 12:47 hapon | Tugon

    • Salamat sa comment JimmyBean. Ang mga kumentong ganito ang nagbibigay ng inspirasyon sa mga manunulat para lalong pagbutihan ang kanilang mga panulat๐Ÿ™‚

      Komento ni Cons - Pinoy na Pinoy — Oktubre 4, 2009 @ 2:43 umaga | Tugon

  15. Sakto sa research namin. About kasi mga asal ng mga jeepney draybers๐Ÿ™‚ Buti napadpad ako dito๐Ÿ™‚ Salamat po๐Ÿ™‚

    Komento ni elaaaaey — Pebrero 27, 2013 @ 2:26 hapon | Tugon


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Lumikha ng libreng website o blog sa WordPress.com.

%d bloggers like this: